You are on page 1of 9

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION VI – WESTERN VISAYAS
SCHOOLS DIVISION OF NEGROS OCCIDENTAL
LA CASTELLANA NATIONAL HIGH SCHOOL

UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT


ARALING PANLIPUNAN 9

Panuto: Basahin at unawain ang mga katanungan. Piliin ang tamang sagot at isulat sa
sagutang papel.

1. Ang salitang ekonomiks ay galing sa salitang oikonomia, isang salitang Griyego na ang ibig
sabihin ay:
A. pamamahala ng negosyo.
B. pakikipagkalakalan.
C. pamamahala ng tahanan.
D. pagtitipid.

2. Alin sa sumusunod ang pinakaangkop na kahulugan ng Ekonomiks?


A. Ito ay matalinong pagpapasya ng tao sa pagsagot ng mga suliraning pangkabuhayan na
kinakaharap.
B. Ito ay tumutukoy sa siyensiya ng kaasalan ng tao na nakakaimpluwensiya sa kaniyang
pagdedesisyon.
C. Ito ay pag-aaral ng tao at ng lipunan kung paano haharapin ang mga suliraning
pangkabuhayan.
D. Ito ay pag-aaral kung paano matutugunan ng tao ang kaniyang walang katapusang
pangangailangan at kagustuhan gamit ang limitadong pinagkukunang-yaman.

3. Bakit maituturing ang Ekonomiks bilang isang sangay ng Agham Panlipunan?


A. Pinag-aaralan dito kung paano nagtutulungan ang mga tao upang matugunan ang kanilang
materyal na pangangailangan at mapataas ang antas ng kabuhayan.
B. Nagbibigay ito ng mga suhestiyon upang maging mapayapa ang ating daigdig.
C. Pinag-iisipan sa araling ito kung paano magkakamal ng salapi ang tao.
D. Pinag-aaralan dito kung paano natin mahihigitan ang kita ng ating kapwa tao.

4. Bilang isang agham panlipunan, gumagamit ng siyentipikong paraan sa pag-aaral ng


ekonomiks. Ibig sabihin nito ay:
A. Sapat na ang pansariling opinyon upang makabuo ng kongklusyon.
B. Tinatanggap ang mga haka-haka lamang sa paggawa ng mga desisyon.
C. Naglilikom at nagsusuri ng mga datos o impormasyon upang makapagbigay ng sapat o
angkop na kongklusyon.
D. Ang sasabihin lamang ng mga suplayer ang siyang tama sapagkat sila ang may hawak ng
puhunan.

5. May apat na pangunahing katanungang pang-ekonomiko ang sinasagot ng Ekonomiks. Alin


ang hindi kasama sa pangkat?
A. Ano ang mga produkto at serbisyong kailangan ng lipunan?
B. Paano lilikhain ang mga kailangang produkto at serbisyo?
C. Para kanino ang mga lilikhaing produkto at serbisyo?
D. Paano titipirin ang mga sangkap sa paggawa ng produkto?
6. Sa pag-aaral ng ekonomiks, pangunahing batayan nito ang suliranin ng kakapusan. Bakit
nararanasan natin ang kakapusan?
A. Ito ay dahil sa hindi tamang paggamit ng likas na yaman
B. Ito ay dahil sa mapaminsalang kalamidad na nararanasan
C. Ito ay dahil sa masyadong malaki ang populasyon at konti lang ang pinagkukunang-yaman
D. Ito ay dahil sa walang katapusang pangangailangan at kagustuhan ng mga tao kahit limitado
ang pinagkukunang-yaman

7. Nakaugalian na ni Marlone na pag-isipan muna nang mabuti ang pagdesisyon sa isang


bagay kung ito ba may pakinabang sa kanya o wala. Ang ginagawa ni Marlone ay isang
halimbawa ng anong konsepto ng matalinong pagdedesisyon?
A. Incentives
B. Marginal Thinking
C. Opportunity Cost
D. Trade-off

8. Kahit masama ang pakiramdam ni Arielle ay pinilit pa rin niyang pumasok sa paaralan dahil
nanghihinayang siya sa maaari niyang matutunan na leksyon. Ang sitwasyon ay isang
halimbawa ng aling konsepto ng matalinong pagdedesisyon?
A. Incentives
B. Marginal Thinking
C. Opportunity Cost
D. Trade-off

9. Masaya si Catherine sa kanyang napiling baonan dahil maliban sa ito ay maganda at mura,
eco-friendly pa. Ang sitwasyon na ito ay isang halimbawa ng anong konsepto ng matalinong
pagdedesisyon?
A. Incentives
B. Marginal Thinking
C. Opportunity Cost
D. Trade-off

10. Mas pinili ni Lance na mag-aral ng kanyang leksyon sa Ekonomiks kaysa sa manood ng
NBA finals ng mga oras na iyon. Anong salik ng matalinong pagdedesisyon ang tumutukoy sa
sitwasyon?
A. Incentives
B. Marginal Thinking
C. Opportunity Cost
D. Trade-off

11. Ngayong nasa Grade 9 na si Lexie ay lalo pa siyang ginanahang mag-aral nang mabuti
upang makakuha ng average grade na 90 pataas dahil sa pangakong mamahaling cellphone
ng kanyang mga magulang. Aling salik ng matalinong pagdedesisyon ang inilalarawan sa
sitwasyon?
A. Incentives
B. Marginal Thinking
C. Opportunity Cost
D. Trade-off

12. Mahalaga at makabuluhan ang pag-aaral ng ekonomiks para sa mga kabataan. Ano sa
palagay mo ang pinakamabuting maidudulot sa iyo ng pagkakaroon ng kaalaman sa
ekonomiks?
A. Maisasaulo ang mga konsepto sa ekonomiks upang madaling makapasa sa kolehiyo.
B. Maaari kang magsilbing kritiko ng pamahalaan.
C. Mapag-aaralan ang mga gawi, kilos, at siyentipikong pamamaraang makatutulong sa iyo sa
pagdedesisyong pangkabuhayan ngayon at sa hinaharap.
D. Magkaroon ka ng kakayahang makapagturo rin ng ekonomiks.
13. Malaki ang bahaging ginagampanan ng ekonomiks sa lipunan. Alin sa mga pangungusap
ang nagsasaad ng diwang ito?
A. Sa tulong ng pagsusuri sa ekonomiks, napaghahagdan-hagdan ang katayuan ng mga tao sa
lipunan kaya’t nauuuri natin ang mahihirap, nakaririwasa, at mayayaman.
B. Upang tumaas ang ekonomiya ng isang bansa, kailangang sundin nito ang mga patakaran
ng mayayamang bansa.
C. Ang paglikha ng mga produktong tutugon sa anumang hilig-pantao ay mahalaga kayat dapat
ipagpatuloy and produksyon ng mga ito kahit na masira ang mga yamang likas sa daigdig.
D. Sa pamamagitan ng pag-aaral ng ekonomiks, nakatutuklas ng paraan upang patuloy na
tumaas ang antas ng kita, empleyo, seguridad, at kagalingang panlipunan ng mga
mamamayan sa isang bansa.

14. Bilang bahagi ng lipunan, paano makatutulong ang pag-aaral ng ekonomiks?


A. Nagagamit ang kaalaman sa pag-unawa ng napapanahong isyu sa politika.
B. Nakatutulong ito upang maintindihan ang mga mahahalagang usaping pangekonomiya.
C. Nauunawan mo kung bakit maraming tao ang nagnenegosyo.
D. Naiintindihan mo ang sistema ng paghahanap-buhay, paggasta at pag-iimpok.

15. Bilang isang mag-aaral, bakit mahalagang pag-aralan mo ang ekonomiks?


A. Ito ay dahil sa magagamit mo ang iyong kaalaman sa paghahanap ng trabaho sa hinaharap.
B. Ito ay dahil sa makatutulong ito upang maintindihan mo ang kalakaran sa ekonomiya.
C. Ito ay dahil sa makatutulong ito upang mahubog ang iyong pag-unawa, ugali at gawi na
magagamit mo para sa iyong kinabukasan at paghahanap-buhay sa hinaharap.
D. Ito ay dahil sa magagamit mo ito upang matulungan ang iyong pamilya sa pagdedesisyon ng
mga bagay-bagay sa araw-araw.

16. Ang trade-off ay ang pagpili o pagsasakripisyo ng isang bagay kapalit ng ibang bagay
samantalang ang opportunity cost ay ang halaga ng bagay o nang best alternative na handang
ipagpalit sa bawat paggawa ng desisyon (Case, Fair, and Oster, 2012). Ano ang dahilan kung
bakit may trade-off at opportunity cost?
A. dahil walang katapusan ang pangangailangan at kagustuhan ng tao
B. dahilan sa kawalan o limitado ang kaalaman sa pagpili at pagdedesisyon
C. dahil may umiiral na kakapusan at kakulangan sa mga produkto at serbisyo
D. upang makalikha ng mga produktong kailangan sa palengke

17. Kung ikaw ay isang rasyonal na mag-aaral, paano ka dapat gumawa ng desisyon?
A. isinasalang-alang ang relihiyon, paniniwala, mithiin, at tradisyon
B. isinasalang-alang ang mga hilig at kagustuhan
C. isinasalang-alang ang trade-off at opportunity cost sa pagdedesisyon
D. isinasaalang-alang ang mga dinadaluhang okasyon

18. Ito ay tumutukoy sa ginagamit ng mga tao sa paglikha ng desisyon o pasya sa


pamamagitan ng pagsusuri ng mga benepisyo at kung ano ang positibong makukuha ng
gagamit o bibili nito, kumpara sa kaniyang magagastos sa pagtangkilik o paggamit nito.
A. Incentives
B. Marginal Thinking
C. Opportunity Cost
D. Trade-off

19. Papaano mo gagampanan ang iyong tungkulin bilang kasapi ng pangkat kung ikaw ay
kabilang sa sistemang Tradisyonal na Ekonomiya,?
A. Wala sapagkat iyong katungkulan sa ekonomiya ay nagmumula sa utos ng pamahalaan
batay sa plano.
B. Malaya kang makakikilos ayon sa sariling kagustuhan o interes nang hindi pinapakialaman
ng pamahalaan.
C. Tulong tulong sa pagsasagawa ang mga gawain at sa pakikinabang sa mga pinagkukunang-
yaman.
D. Malaya ang mamamayan subalit ang pamahalaan ay may kontrol pa rin sa ilang mga
gawain.
20. Kung ikaw ay kabilang sa sistemang Command Economy, alin sa sumusunod ang hindi
nagpapakita ng gampanin ng kasapi ng sistemang ito?
A. Ang iyong katungkulan sa ekonomiya ay nagmumula sa utos ng pamahalaan batay sa
plano. B. Malaya kang kumikilos ayon sa sariling interes nang walang pakikialam ng
pamahalaan.
C. Sama-samang isinasagawa ang mga gawain at pakinabang sa pinagkukunang-yaman.
D. May kalayaan ang mamamayan ngunit may kontrol pa rin ang pamahalaan sa ilang gawain.

21. Sa Command Economy, ang ekonomiya ay nasa ilalim ng komprehensibong kontrol at


regulasyon ng;
A. prodyuser.
B. konsyumer.
C. pamahalaan.
D. pamilihan.

22. Sa Market Economy, ito ang nagtatakda kung gaano karami ang bibilhin ng mga mamimili
at kung gaano rin karami ang malilikhang produkto at serbisyo ng mga prodyuser.
A. Likas-yaman
B. Pamahalaan
C. Presyo
D. Prodyuser

23. Sa iba’t ibang sistemang pang-ekonomiya na umiiral sa mundo, anong katangian na


nakapagbubukod-tangi sa sistemang mixed economy na siyang dahilan upang ito ang
ginagamit ng mas nakararaming bansa?
A. Ang pagkontrol ay alinsunod sa komprehensibong control at regulasyon ng pamahalaan.
B. Ang anomang produkto na kanilang nalilikha ay ipamamahagi ayon sa kanilang
pangangailangan at kung sino ang dapat gumamit.
C. Nagpapahintulot sa pribadong pagmamay-ari ng capital, pakikipagugnayan sa pamamagitan
ng presyo at pangangasiwa ng gawain
D. Hinahayaan dito ang malayang pagkilos nga pamilihan subalit maaaring manghimasok o
makialam ang pamahalaan sa mga usaping nauukol sa pangangalaga ng kalikasan,
katarungang panlipunan, at pagmamay-ari ng estado.

24. Alin sa sumusunod ang may pinakawastong interpretasyon sa kasabihang “There isn’t
enough to go around.” ni John Watson Howe?
A. May limitasyon ang mga pinagkukunang-yaman kaya’t hindi ito sasapat sa pangangailangan
ng tao.
B. Ang walang pakundangang paggamit ng pinagkukunang-yaman ay hahantong sa
kakapusan. C. Walang hanggan ang pangangailangan ng tao gayundin ang mga
pinagkukunang-yaman.
D. May hangganan ang halos lahat ng pinagkukunang-yaman sa buong daigdig

25. Bakit itinuring ang lupa na pangunahing salik ng produksyon?


A. pinagmulan ito ng lahat ng produktong ibenenta sa pamilihan
B. dito nagmumula ang raw materials na kinakailangan sa pagbuo ng bagong produkto
C. mas malawak ang sukat ng lupaing tinataniman
D. ito ay patayuan ng mga imprastraktura na kailangan sa produksyon

26. Sa apat na salik ng produksyon, ito ay tumutukoy sa kalakal na nakalilikha ng bagong


produkto.
A. entrepreneurship
B. kapital
C. lupa
D. paggawa
27. Saan nanggagaling ang lupa, lakas paggawa, kapital at kakayahang entrepreneur bilang
mga salik ng produksyon?
A. bahay-kalakal
B. industriya
C. pamahalaan
D. sambahayan

28. Alin sa sumusunod ang nagpapatunay na may naiibang katangian ang lupa bilang salik ng
produksyon?
A. tinataniman ng mga magsasaka
B. patayuan ng mga imprastraktura
C. itinuturing ito na fixed o takda ang bilang
D. pinagmumulan ito ng mga input sa produksyon

29. Paano nakakatulong ang paggamit ng makinarya sa produksyon?


A. maraming output ang mabubuo
B. maraming hilaw na sangkap ang magagamit
C. matutugunan ang pangangailangan ng mga konsyumer
D. mas magiging mabilis at marami ang malilikhang mga produkto

30. Bakit may malaking ginagampanan ang mga manggagawa sa ating pang araw - araw na
pamumuhay?
A. Sila ang kumukuha ng mga hilaw na sangkap.
B. Sila ang tagaproseso upang makabuo ng produkto
D. Ang kanilang paglilingkod ay ipinagkaloob sa mga tao.
C. Ang kanilang paggawa ng mga produkto ay tumutugon sa pangangailangan ng mga tao.

31. Alin sa sumusunod ang HINDI nagpapahayag ng kahalagahan ng produksyon sa pang


araw-araw na pamumuhay?
A. Ang produksyon ay lumilikha ng trabaho.
B. Ang mga kinita mula sa bawat salik ng produksyon ay nagagamit ng sambahayan sa pagbili
ng produkto at serbisyo.
C. Ang produksyon ay pinagmumulan ng mga produktong kailangang ikonsumo sa pang araw-
araw.
D. Ang pagkonsumo ay nagbibigay- daan sa produksyon ng produkto at serbisyo, kaya dahil
dito masasabing mas mahalaga ang produksyon kaysa sa pagkonsumo.

32. Bakit nagkakaiba ang paraan at dahilan ng pagkonsumo?


A. Maraming kalagayan ang isinasaalang-alang
B. Magkakaiba ang katangian ng mga nakakaapekto dito
C. Magkakaiba ang pangangailangan ng tao
D. Hindi tiyak an gang pangyayari sa lipunan

33. Sa pagbabago ng presyo, sa anong pagkakataon tumataas ang pagkonsumo?


A. kukunti ang suplay
B. marami ang suplay
C. mataas ang presyo
D. mababa ang presyo

34. Sino ang may akda ng aklat na, The General Theory of Employment, Interest, and Money
na inilathala noong 1936?
A. Adam Smith
B. Upton Sinclair
C. John Maynard Keynes
D. Abraham Harold Maslow
35. Ang sumusunod ay ilan sa mga nakasaad sa aklat na pinamagatang The General Theory of
Employment, Interest, and Money na inilathala noong 1936 MALIBAN sa:
A. Malaki ang epekto ng kita sa konsumo
B. Kapag lumalaki ang kita lumalaki din ang kakayahang kumonsumo
C. Kapag lumiliit ang kila lumiliit din ang kakayahan kumonsumo
D. Ang ekonomiya ay nakabatay sa kita ng mga tao sa lipunan

36. Sa anong salik na nakakaapekto sa pagkonsumo napapabilang ang mga kalamidad?


A. Demostration Effect
B. Kita
C. Mga Inaasahan
D. Pagkakautang

37. Alin sa sumusunod ang nagsasaad na ang tao ay hindi naapektuhan ng demonstration
effect?
A. Hindi sumusunod sa uso
B. Nahuhumaling sa suot ng mga artista
C. Binibili ang mga napapanahong gamit
D. Suportado ang mga ini-endorso nga paboritong artista

38. Bakit nakakaapekto ang pagkakaroon ng utang sa pagkonsumo ng tao?


A. Lumulubo ang kanyang utang kapag hindi nababayaran
B. Tumataas ang kanyang kakayahang makabili ng produkto
C. Nababawasan ang kanyang kakayahan na makabili ng produkto
D. Kakaunti ang naiipon na pera mula sa kita

39. Paano nakakaapekto ang kalamidad sa pagtaas ng konsumo?


A. Nagkakaroon ng kakulangan sa supply ng produkto
B. Hindi na nakakabili ang mga tao sa pamilihan
C. Nagsasara ang mga malalaking tindahan
D. Inuuna ng mga tao ang kanilang tirahan

40. Anong salik ang nakakaapekto sa pagkonsumo na kinabibilangan ng mga anunsiyo sa


radyo, telebisyon, pahayagan, at maging sa internet at iba pang social media?
A. Demostration Effect
B. Kita
C. Mga Inaasahan
D. Pagkakautang

41. Isa sa mga salik na nakaaapekto sa pagkonsumo ay ang mga inaasahan. Alin sa mga
sumusunod ang nagpapakita na nakakaapekto ang salik na ito sa pagkonsumo ng isang tao?
I. May paparating na bagyo kaya marami ang pinamili na pangunahing pangangailangan ni
Aling Mary.
II. Mahilig sa uso si Katrina kaya nang lumabas ang bagong istilo ng maong pants marami ang
kanyang binili.
III. Malapit nang ibigay ang 13th month pay kaya naisipan ni Carl na mang-grocery para sa
paparating na Pasko at Bagong Taon.
IV. Hindi muna namili ng marami ang pamilyang Cruz dahil pinaghahandaan nila ang
operasyon sa mata ng kanilang kapamilya.

A. I at II lang B. I,II at III C. I, II at IV D. I, III at IV

42. Kapag pinag-uusapan ang pagkonsumo, bakit mas mainam na kaunti ang utang?
A. Walang naniningil kapag nakatanggap ng sahod
B. Lumalaki ang ipon sa bangko
C. Walang utang na kailangang bayaran
D. Tumataas ang kakayahang kumonsumo
43. Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang sa mga nabanggit ng pinagmumulan ng
demonstration effect?
A. Billboards
B. Internet
C. Pahayagan
D. Radyo

44. Alin sa mga sumusunod ang nagpalabas ng karapatan ng mga mamimili upang maging
gabay sa kanilang transaksiyon sa pamilihan?
A. Department of Labor and Employment
B. Department of Trade and Industry
C. Energy Regulatory Commission
D. Securities and Exchange Commission

45. Sa paanong paraan mo maitataguyod ang karapatan sa tamang impormasyon?


A. Pag- aralan ang nakatatak sa etiketa ukol sa sangkap, dami at komposisyon sa produkto
B. Pahalagahan ang kalidad at hindi ang tatak ng produkto o serbisyong bibilhin
C. Palagiang gumamit ng recycled na produkto upang mapangalagaan ang kapaligiran
D. Palagiang pumunta sa timbangan ng bayan upang matiyak na husto ang bibilhing produkto

46. Bumili si Candy ng face cream sa mall ngunit nang ito ay kanyang ginamit naging sanhi ito
ng pamamaga ng kanyang mga pisngi. Anong karapatan ng isang mamimili ang dapat
ipaglaban dito?
a. Karapatang Dinggin
b. Karapatan sa Kaligtasan
c. Karapatang Pumili
d. Karapatan sa mga Pangunahing Pangangailangan

47. Ito ay nagtataglay ng karapatan sa katalinuhan at kaalaman na kinakailangan upang


makagawa ng hakbanging makatutulong sa mga desisyong pangmamimili.
A. Karapatan sa Pagtuturo Tungkol sa Pagiging Matalinong Mamimili
B. Karapatang Bayaran at Tumbasan sa Ano mang Kapinsalaan
C. Karapatan sa Isang Malinis na Kapaligiran
D. Karapatan sa Palatastasan

48. Aling batas ang nangangalaga sa kapakanan ng mamimili?


A. Republic Act 10368
B. Republic Act 7160
C. Republic Act 7394
D. Republic Act 9003

49. Ang mga sumusunod ay tungkulin ng mamimili MALIBAN sa isa.


A. Maipapahayag ang sarili at kumilos upang makatiyak sa makatarungang pakikitungo
B. Mabatid ang kahihinatnan ng ating kapaligiran bunga ng hindi wastong pagkonsumo
C. Magtatag ng samahang mamimili upang magkaroon ng lakas at kapangyarihang maitaguyod
at mapangalagaan ang ating kapakanan
D. Makatiyak na ang kapakanan ng mamimili ay lubusang isaalang-alang sa paggawa at
pagpapatupad ng anumang patakaran ng pamahalaan

50. Bakit mahalaga ang batas na nangangalaga sa karapatan ng mamimili?


A. Madali lamang matutunton ng pamahalaan ang mga negosyanteng lumalabag sa patakaran
ng pagkonsumo
B. Nagbibigay-proteksiyon ito sa mga mamimili laban sa mga panganib sa pagkonsumo
C. Napapadali nito ang pamimili ng mga konsyumer sa mga tindahan
D. Pinangangalagaan nito ang mga nagmamay-ari ng tindahan o negosyo
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION VI – WESTERN VISAYAS
SCHOOLS DIVISION OF NEGROS OCCIDENTAL

UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT


ARALING PANLIPUNAN 9

TABLE OF SPECIFICATIONS

Pamantayang Pangnilalaman: Ang mag -aaral ay may pag -unawa sa mga pangunahing konsepto ng Ekonomiks bilang batayan ng matalino at maunlad
na pang - araw -araw na pamumuhay

Pamantayan sa Pagganap: Ang mag -aaral ay naisasabuhay ang pag - unawa sa mga pangunahing konsepto ng ekonomiks bilang batayan ng matalino
at maunlad na pang - araw - araw na pamumuhay

No. of No. of Behavior and No. of Placement of Items


Pamantayan sa Week Weights Test Total
Easy (60%) 30 Average (30%) 15 Difficult (10 %) 5
Pagkatuto Items
Remembering Understandi Applying Analyzing Evaluating Creating
ng

Nailalapat ang 1 12.5 % 6 6


kahulugan ng
ekonomiks sa pang -
araw - araw na
pamumuhay bilang
1, 3, 4 2 5, 6
isang mag -aaral, at
kasapi ng pamilya at
lipunan

Natataya ang 2 25 % 12 12
kahalagahan ng
ekonomiks sa pang - 7,8,9,10 11,
araw - araw na 18 13,14, 15 17
12, 16
pamumuhay ng bawat
pamilya at ng lipunan

Nasusuri ang iba’t - 1 12.5 % 6 6


ibang sistemang pang - 21, 22 24 19, 20 23
ekonomiya

*Natatalakay ang mga 1 12.5 % 7 7


salik ng produksyon at
ang implikasyon nito sa 26, 27 25, 28 30, 29 31
pang - araw - araw na
pamumuhay
Nasusuri ang mga salik 2 25 % 12 12
na nakaaapekto sa 38, 39, 42,
34, 36, 40 32, 33,35,37 41
pagkonsumo. 43

Naipagtatanggol ang 1 12.5 % 7 7


mga karapatan at
nagagampanan ang 44, 47, 48 49 45 50 46
mga tungkulin bilang
isang mamimili
TOTAL 8 100% 50 30 15 5 50

PREPARED BY: CHECKED & VERIFIED:

LAILA L. LOZARE KIRBY A. ESPELLOGO


AP 9 Teacher Master Teacher II

NOTED: APPROVED:

MAY ANN E. SARABILLO JUDY ANN B. NONATO


ArPan Dept. Chairperson Principal III

You might also like