You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

JAIME MACATANGAY SR NATIONAL HIGH SCHOOL


FORMERLY CAIMA NATIONAL HIGH SCHOOL
Caima, Sipocot, Camarines Sur
S/Y: 2022-2023

IKAAPAT NA PAMANAHUNANG PAGSUSULIT


EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 8

“Ambition is like love, impatient both of delays and rivals.” -Buddha

I. Panuto: Piliin ang letra ng pinakaangkop na sagot. Isulat ang inyong sagot sa sagutang papel.
1. Ang mga sumusunod ay mga sanhi ng pambubulas sa paaralan, MALIBAN sa:
a. Pagkakaranas ng karahasan sa tahanan
b. Paghahanap ng mapagkatuwaan
c. Pagkakaroon ng pagkakaibang pisikal
d. Pagkakaroon ng mababang marka sa klase
a. Marami ang lalaban para sa kanila kung masangkot sila sa gulo.
2. Maiiwasan at masusupil ng mga mag-aaral ang karahasan sa paaralan sa pamamagitan ng:
a. Pagsunod sa payo ng mga magulang
b. Paggalang sa awtoridad ng paaralan
c. Pag-aaral ng mabuti
d. Pagmamahal sa sarili at sa kapwa at paggalang sa buhay
3. Ang mga sumusunod ay mga umiiral na karahasan sa paaralan, MALIBAN sa:
a. pambubulas b. pandaraya c. fraternity d. gang
4. Kailangan sa pagmamahal ang paggalang sa sarili sapagkat:
a. Nakatutulong ito sa pagbuo ng malusog at mapanagutang pananaw sa buhay.
b. Nakatutulong ito sa pag-unawa sa mga gumagawa ng karahasan sa paaralan.
c. Nakatutulong ito sa paghanap ng paraan kung paano mapansin at mahalin ng iba.
d. Nakatutulong ito sa pagbuo ng mga pangarap sa buhay habang nag-aaral.
5. Ang sumusunod ay kailangan sa pagmamahal sa kapwa, MALIBAN sa:
a. Pagtanggap sa kaniya anuman ang estado niya sa buhay
b. Pagbibigay sa kaniya sa lahat ng nais niya sa buhay
c. Paggalang sa kaniyang dignidad bilang tao
d. Pagmamahal sa kaniya na may kaakibat na katarungan
6. Ano ang nararapat na tugon ng mga may kinauukulan ng paaralan sa pambubulas?
a. Hindi iintindihin dahil natural lamang sa mga kabataan ang kalikutan.
b. Pagalitan ang nambubulas pagkatapos ay pabalikin sa klase.
c. Suspindihin ang gumagawa ng pambubulas sa paaralan.
d. Humanap ng pangmatagalan at mabisang paraan sa pagsupil sa karahasan sa paaralan.
7. Bakit may mga mag-aaral na sumasali sa fraternity at gang?
b. Wala silang mapaglaanan ng kanilang oras.
c. May kikilala sa kanila bilang kapatid.
d. Kulang sila ng atensiyon mula sa kanilang mga magulang.
8. Ano ang pinakamaituturing na dahilan kung bakit dapat iwasan at supilin ang mga karahasan sa paaralan?
a. Upang makatuon sa pag-aaral
b. Upang wala ng banta sa buhay sa loob ng paaralan
c. Upang mabawasan ang pagliban o paghinto sa pag-aral
d. Upang wala ng suliranin ang mga magulang at ang awtoridad ng paaralan
9. Si Gina ay palaging tulala sa kanilang klase. Palagi siyang balisa at di mapanatag sa kaklase. Ano ang dahilan
kung bakit binubulas si Gina?
a. anxious and insecure c. physically different
b. low self-esteem d. sexual orientation
10. Ang mga sumusunod ay mga paraan upang maisagawa ang programa sa antas na pampaaralan upang baguhin
ang mga kalagayan sa paaralan kaugnay ng karahasan, MALIBAN sa isa:
a. Pagsasaayos at pagkakaroon ng sistema sa loob ng klase
b. Cooperative learning

S/Y: 2022-2023 Ikaapat na Pamanahunang Pagsusulit sa ESP 8 Page 1 of 4


c. Pagbibigay parusa sa mga taong sangkot sa karahasan
d. Wasto at sapat na pamamatnubay ng mga guro sa mga mag-aaral
11. Si Rico ay kinakikitaan ng pagiging mahina bilang isang lalaki kung kaya’t tinutukso siya araw araw ng kaniyang
mga kaklase. Ano ang posibleng dahilan kung bakit binubulas si Rico ng kaniyang mga kamag-aral?
a. anxious and insecure c. physically different
b. low self-esteem d. sexual orientation
12. Si Maria ay isang matabang bata kung kaya’t palagi siyang inaasar ng kanyang mga kalaro sa kanilang barangay.
Ano ang dahilan kung bakit binubulas si Maria?
a. anxious and insecure c. physically different
b. low self-esteem d. sexual orientation
13. Ano ang kahulugan ng salitang latin na frater?
a. brother b. sister c. mother d. friend
14. Ito ay anumang kilos na lumalabag sa misyon at bisyon ng edukasyon, sa paggalang sa kapwa mag-aaral o
anumang kilos na humahadlang sa layunin ng paaralan na maging ligtas sa pagdarahas ng tao, pag-aari, droga,
armas, o kaguluhan.
a. karahasan b. karahasan sa paaralan c. pambubulas d. pambubulas sa paaralan

15 – 19. Tukuyin kung anong uri ng pambubulas ang tinutukoy sa bawat bilang.
15. Biglang pag-alis ng upuan habang nakatalikod upang matumba ang nakaupo
a. Pasalitang Pambubulas c. Pisikal na Pambubulas
b. Relasyonal na Pambubulas d. Wala sa nabanggit
16. Hindi pakikipagkaibigan sa isang partikular na indibidwal o pangkat
a. Pasalitang Pambubulas c. Pisikal na Pambubulas
b. Relasyonal na Pambubulas d. Wala sa nabanggit
17. Pang-iinsulto
a. Pasalitang Pambubulas c. Pisikal na Pambubulas
b. Relasyonal na Pambubulas d. Wala sa nabanggit
18. Pagkakalat ng tsismis
a. Pasalitang Pambubulas c. Pisikal na Pambubulas
b. Relasyonal na Pambubulas d. Wala sa nabanggit
19. Name calling
a. Pasalitang Pambubulas c. Pisikal na Pambubulas
b. Relasyonal na Pambubulas d. Wala sa nabanggit

20. Sila ang henerasyong ipinanganak sa panahon ng internet, mobile phones, computer, at telebisyon ang
nagmistula nilang “yaya”.
a. Generation Z c. Silent Generation e. Baby Boomers
b. Generation X d. Generation Y
21. Naniniwala sila sa gawa higit sa salita. Walang takot nilang ipinahahayag ang kanilang opinyon at damdamin, at
kadalasa’y nagtatagumpay sa kanilang mga sinimulang gawain.
a. Generation Z c. Silent Generation e. Baby Boomers
b. Generation X d. Generation Y
22. Sanay silang mag-multi-tasking at labis silang mainipin.
a. Baby boomers at Gen X c. Baby Boomers at Silent Generation
b. Silent Generation at Gen Y d. Gen x at Gen Y
23. Ipinanganak sila sa panahon ng information overload.
a. Generation Z c. Silent Generation e. Baby Boomers
b. Generation X d. Generation Y
24. Tinatawag din silang Martial Law Babies.
a. Generation Z c. Silent Generation e. Baby Boomers
b. Generation X d. Generation Y
25. Tinatawag din silang mga Builders at War Babies.
a. Generation Z c. Silent Generation e. Baby Boomers
b. Generation X d. Generation Y
26. Ang henerasyong ito ay nabuhay sa panahon ng tinawag na Depression sa Estados Unidos at sa panahon ng
Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
a. Generation Z c. Silent Generation e. Baby Boomers
b. Generation X d. Generation Y
S/Y: 2022-2023 Ikaapat na Pamanahunang Pagsusulit sa ESP 8 Page 2 of 4
27. Sila ay mga ay mga taong ipinanganak bago pa man maging laganap ang paggamit ng digital technology.
a. Digital Natives b. Digital Immigrants c. Generation Gap d. Technological Gap
28. Ginagamit nila ang teknolohiya sa pakikipag-ugnayan, pag-aaral at pagtuturo, at pag-unawa sa lipunan.
a. Digital Natives b. Digital Immigrants c. Generation Gap d. Technological Gap
29. Ang Generation X ay kabilang sa ______________.
a. Digital Natives b. Digital Immigrants c. Generation Gap d. Technological Gap
30. Ano ang implikasyon ng pagkakaroon ng internet?
a. Pagbabago sa pamilyang Pilipino at mga kabataan
b. Pagbabago sa kultura at bagong wika
c. Pagbabago sa lifestyle at paniniwala
d. Pagbabago sa kaalaman at pangangailangan
31. Saan unang nararanasan ang agwat teknolohikal?
a. sarili b. pamilya c. paaralan d. komunidad
32. Bumili ng iphone si Liza sa isang mall. Pagkauwi niya sa bahay ay hinanap niya agad ang manual upang alamin
ang mga features ng bagong gadget. Siya ay isang ____________.
a. visual learner b. tactile learners c. auditory learner d. kinesthetic learner
33. Si Arlyn ay may kinakailangang impormasyon para sa kaniyang research. Upang magkaroon siya ng access sa
impormasyon, alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga kondisyon na kinakailangan niya?
a. Ang kaalaman na mayroong makukuhang impormasyon o serbisyong magbibigay ng impormasyon
b. May pag-aari ka o mayroon kang magagamit na kasangkapan o instrumentong kinakailangan upang
makakuha ng impormasyon.
c. Walang kakayahang magbayad o di kaya’y walang libreng serbisyong nagbibigay ng impormasyon
d. May kasanayan sa paggamit ng mga kagamitan o instrumento at software.
34. Ano ang kumakatawan sa taong walang access sa impormasyon?
a. Isang bahagi ng di pagkakapantay sa lipunan na pinalala ng teknolohiya
b. Isang bahagi ng pagkalugi dahil sa lipunan na pinalala ng teknolohiya
c. Isang bahagi ng katamaran dahil sa kawalan ng paraan sa paghahanap ng impormasyon
d. Isang bahagi ng kahirapan dahil sa kawalan ng kakayahang makapaghanap ng impormasyon
35. Ano ang pangunahing dahilan kung bakit nangingibang bansa ang karamihan ng mga Pilipino?
a. makapaglibang b. makapag-aral c. makapagtrabaho d. makapag-shopping
36. Sino ang pangunahing naaapektuhan ng mga banta ng migrasyon sa pamilyang Pilipino?
a. Ang asawang naiiwan sa pamilya c. Ang Pamilya
b. Ang asawang nagtatrabaho sa ibang bansa d. Ang mga Anak
37. Ano ang isang mabisang paraan para maiwasan at mapaghandaan ang isa sa mga epekto ng migrasyon sa
pamilyang Pilipino ukol sa paghihiwalay ng mag-asawa?
a. Panatilihin ang bukas na komunikasyon sa isa’t isa
b. Pagkakaroon ng matatag na pagmamahalan, respeto, at tiwala sa isa’t isa
c. Ang madalas na pag-uwi ng asawang nagtatrabaho sa ibang bansa
d. Ang pagkakaroon ng mga counselling centers
38. Ano ang maituturing na transnasyunal na pamilya?
a. Ang ama ang siyang pangunahing naghahanapbuhay para sa pangangailangan ng pamilya
b. Ang ina ay naghahanapbuhay para maitaguyod ang mga pangangailangan ng pamilya, katuwang ng asawa
c. Ang pagkakaroon ng kaunting anak dahil sa pagpaplano ng pamilya
d. Ang mga miyembro ng pamilya ay naninirahan sa Pilipinas, ang ina o ama ay nasa ibang bansa para
makapagtrabaho

II. MORAL DILEMMA


Panuto: Ang mga sumusunod ay susukat ng iyong pagtataya pagdedesisyon ukol sa mga isyu. Bawat pilian ay may
kaakibat na puntos. Piliin ang pinakatumpak na sagot. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Dilemma Blg. 1
39 – 42. Kinausap ka ng kasintahan mo at sinabing nag-aalinlangan siya sa pag-ibig mo. Masyado ka raw mailap sa
kaniya. Sa pag-aalala mong iwan ka niya, tinanong mo siya kung ano ang kailangan upang mapatunayan mong
talagang mahal mo siya. Tinitigan ka niya at tinanong, “Kung talagang mahal mo ako, handa ka bang ibigay ang
sarili mo sa akin kahit hindi pa tayo mag-asawa?” Bilang isang mapanagutang lalaki o babae, ano ang gagawin
mo?
a. Isusumbong siya sa mga magulang niya upang hindi siya mapariwara.
b. Kakausapin siya at sasabihing kapwa pa kayo hindi handa para sa ganitong uri ng ugnayan.
S/Y: 2022-2023 Ikaapat na Pamanahunang Pagsusulit sa ESP 8 Page 3 of 4
c. Magtatanong o kukunsulta sa guidance counselor o guro dahil ikaw ay nalilito.
d. Makikipaghiwalay sa kasintahan, dahil hindi ka pa handa sa nais nya.

Dilemma Blg. 2
43 – 46. Nakaramdam ka ng paghanga sa iyong kaibigan. Sapagkat ikaw ang itinuturing niyang best friend,
pinakiusapan ka niya na maging tulay upang mapalapit sa iyong kaklase na kaniyang naiibigan. Pumayag ka
ngunit habang sila’y unti-unti nang nagkakamabutihan ay nasasaktan ka at nakararamdam ng pagseselos. Ano
ang iyong gagawin?
a. Kokonsulta sa ibang mga kaibigan upang malaman ang dapat gawin.
b. Sasangguni sa guro o guidance counselor.
c. Hindi na ipagpapatuloy ang pagiging tulay upang hindi sila lubos na magkalapit.
d. Kakausapin ang kaibigan at sasabihin ang nararamdaman.

Dilemma Blg. 3
47 – 50. Niyaya ka ng iyong kaklase na manood ng mga pelikulang may malalaswang tema. Halos lahat ng malapit
mong kaibigan ay sasama sa kaniya. Kailangan daw nilang gawin ito upang hind imaging mangmang tungkol sa
sex. Ano ang gagawin mo?
a. Hindi sasama sa kanila, uuwi na lamang at pababayaan sila sa gusto nila.
b. Kakausapin ang mga kaibigan, at hihimukin silang huwag gawin ito dahil ito’y hindi makabubuti sa kanila.
c. Natural lamang sa mga kaibigan ang mag-eksperimento, kaya’t sasama ka sa kanila.
d. Isusumbong ang iyong kaklase sa inyong guro o sa kaniyang mga magulang, sapagkat alam mong
makasasama sa kanilang murang isip ang pornograpiya.

Break a Leg! - LYN

Prepared by: LOVELYN M. PADESER


Teacher I
Noted: NILO T. DOLLESIN
HT I/School Head

S/Y: 2022-2023 Ikaapat na Pamanahunang Pagsusulit sa ESP 8 Page 4 of 4

You might also like