You are on page 1of 48

Kakapusan

Ang salitang Kakapusan ay isang problema hinggil sa


ekonomiya ng pagkakaroon ng walang hangganang
pangangailangan sa bansa o mundong mayroong
limitadong likas na yaman. Sinasabi nito na ang lipunan
ay mayroong kapos na mapanlikhang kayamanan o
kagamitan upang matupad ang mga pangangailangan
ng mamamayan. Bilang resulta, hindi rin maaaring
matupad ang lahat ng hangarin ng lipunan sa
magkasabay na panahon. Dahil dito, may konseptong
trade-off, kung saan tinitimbang ang kagandahan nang
supply ng isa sa iba.
Foreign Trade Service Corps (FTSC)
Ito ay ahensiyang naglulunsad ng iba’t ibang
estratehiyang pamilihan upang lubusang makilala at
mapantayag ang produktong gawa ng sariling bansa.
Sumasabay sila sa kasalukuyang kalakaran sa
pagnenegosyo sa pamamagitan ng pagsali sa mga trade
exposition o trade exhibit. Ang pangunahing layunin
nito ay mag lunsad ng kaalaman o impormasyon
tungkol sa kalakarang pangnegosyo sa bansa at sa
imprastruktura at pakinabang sa dulot nito sa mga nais
mamuhunan o investors.
Trade and Industry Information Center
(TIIC)
Ito ang nangangasiwa sa operasyon ng Bureau Research
Center na nagpalaganap ng mga datos, statistic,
impormsyon tungkol sa ekonomiya, kalakalan,
industriya, pamahalaan, at kapakanan ng mga
mamimili.
Center For Industrial Competitiveness
Naglulunsad ng mga programang magtataas sa antas o
kalidad at produktibidad ng mga manggagawa upang
sila ay maging kompetitibo sa pandaigdigang pamilihan
ng manggagawa, produkto, at serbisyo. Sa tulong ng
pamahalaan ay nag lulunsad ng mga training center
upang mas lalong mapaghusay ang kakayahan at
pagiging produktibo ng mga manggagawa.
Paghahayupan
Ang pag hahayupan ay binubuo ng pag – aalaga ng
kalabaw, baka, kambing, baboy, manok at pato. Ang
pag hahayupan ay nakakatulong sa pag supply ng ating
mga pangangailangan sa karne at iba pang pagkain. Ang
pag hahayupan ay gawain pangkabuhayang
kinabibilangan ng ating mga tagapag – alaga ng hayop.
May roon ding mga pribadong korporasyon na nasa
ganitong hanapbuhay.
Pangingisda
Itinuturing ang Pilipinas bilang isa sa mga
pinakamalaking tagatustos ng isda sa buong mundo. Isa
sa pinakamalalaking daungan ng mga huling isda ay
matatagpuan sa ating bansa. Samantala, ang
pangingisda ay nauuri sa tatlo – komersyal, munisipal at
aquaculture. Ang komersyal na pangingisda ay
tumutukoy sa uri ng pangingisdang gumagamit ng
bangka na may kapasidad na higit tatlong tonelada para
sa mga gawaing pangkalakalan o pag nenegosyo. Ang
munisipal na pangingisda naman ay nagaganap sa loob
ng 15 kilometro sakop ng munisipyo at gumagamit ng
bangka na may kapasidad na tatlong tonelada o mas
mababa pa na hindi nangangailangan na gumamit ng
mga fishing vessel. Ang pangingisdang aquaculture
naman ay tumutukoy sa pag aalaga at paglinang ng mga
isda at iba pang uri nito mula sa iba’t ibang uri ng tubig
pangisdaan – fresh ( tabang ), brackish (maalat alat) at
marine ( maalat ).
Pag – Gugubat
Ang pag gugubat ay isang pangunahing pang
ekonomikong gawain sa sektor ng agrikultura. Patuloy
na nililinang ang ating mga kagubatan bagamat ay tayo
ay nahaharap sa suliranin sa pagkaubos ng mga yaman
nito. Mahalaga itong pinagkukunan ng plywood, tabla,
troso, at veneer. Bukod sa mga nabanggit na produkto,
pinagkakakitaan din ang rattan, nipa, anahaw,
kawayan, pulot – pukyutan at dagta ng almaciga
Kapital
Ang kapital ay may iba't ibang kahulugan
sa ekonomika, pananalapi at pagtutuos.
Sa pananalapi at pagtutuos (accounting), tumutukoy ang kapital sa yamang
pananalapi, lalo na kung gagamitin sa pagsimula o pagpapanatili ng negosyo.
Sa klasikong ekonomika, ang kapital ay isa sa mga tatlong sanhi ng produksiyon
kasama ang lupain at paggawa. Kapital ang mga kalakal na may katangian na
tulad ng mga sumusunod:

 Maari itong gamitin sa produksiyon ng ibang kalakal o goods (ito ang


nagiging sanhi ng produksiyon).
 Ginawa ito ng mga tao, kontra sa "lupain," na tumutukoy sa likas na
namamayaning yaman tulad ng heograpikal na lokasyon at mga mineral.
 Hindi ito ginagamit agad sa proseso ng produksiyon, hindi tulad ng hilaw na
materyales o mga tagapamagitang kalakal.
Ang ikatlong bahagi ng kahulugan ay hindi palaging ginagamit ng mga klasikong
ekonomista. Ang klasikong ekonomista na si David Ricardo ay ginamit ang
kahulugan sa itaas para sa terminong The third part of the definition was not
always used by classical economists. The classical economist David
Ricardo would use the above definition for the term fixed capital habang
sinasama ang mga hilaw na materyales at mga tagapamagitang produkto ay
kasama sa kanyang umiikot na kapital (circulating capital). Para sa kanya,
pareho itong mga uri ng kapital.
Sa ekonomiya, ang salitang kapital ang siyang ugat ng kapitalismo na isang uri
ng kalakalan.
Mayroon din namang kapital na tinatawag na yamang kapital o capital
resources' sa Ingles. Ito naman ay tumutukoy sa lahat ng bagay na ginagamit ng
tao upang kunin at isailalim sa isang proseso ang mga hilaw na materyales
upang makabuo ng panibagong produkto.
Kartel
Ang kartel(Ingles: cartel) ay isang pormal(hayagang)
kasunduan sa mga magkakatunggaling kompanya(firm). Ito
ay isang pormal na organisasyon ng
mga prodyuser at manupakturer na
nagkakasundong manipulahin ang mga presyo, pagtitinda
at produksiyon. Ang mga kartel ay karaniwang nangyayari
sa mga oligopolistikong mga industriya kung saan may
isang maliit na bilang mga tagatinda at karaniwan ay
sumasangkot sa isang parehong mga produkto. Ang mga
kasapi ng kartel ay maaaring magkasundo sa mga bagay
gaya ng pagmamanipula ng presyo, kabuuang output ng
industriya, bahagi ng pamilihan, alokasyon ng mga
kustomer, alokasyon ng mga teritoryo, pagmamanipula ng
alok, pagtatatag ng isang karaniwang mga ahensiya ng
benta at paghaharti ng mga tubo(profits) o kombinasyon
ng mga ito. Ang layunin ng gayong kolusyon(na tinatawag
ring kasunduang kartel) ay dagdagan ang tubo ng mga
indibidwal na kasapi nito sa pamamagitan ng pagpapaliit
ng kompetisyon.
Kita
Ang kita o kinita (Ingles: income) ay ang pagkakataon ng
pagkonsumo o pag-iimpok na nakakamit ng isang entidad o
“katawan” sa loob ng isang tiyak na balangkas ng panahon, na
pangkalahatang nasa anyo ng kasunduang
pampananalapi. Ngunit, para sa mga indibiduwal, ang kita ay
ang kabuuan ng lahat ng mga sahod o kinita ng mga
manggagawa, ganansya, gana, o pinagbentahan, mga bayad
na tubo o nabayarang patubo, mga bayad sa paarkila (katulad
ng renta o bayad sa paupahang bahay o apartamento), at iba
pang uri ng kitang tinatanggap sa loob ng isang inilaang
panahon. Para sa mga kompanya, ang kita ay pangkalahatang
tumutukoy sa netong kinita: ang natitira pa sa perang
pumapasok sa negosyo o kitambayan kung ukol sa
pamahalaan pagkaraang mabawas na ang mga gastusin o
ginastos. Sa larangan ng ekonimiyang pampubliko, maaari
itong tumukoy sa akumulasyon o pagkaipon ng kapwa
kakayahang makakonsumo o makatanggap ng kabayarang
salapi o hindi salapi, kung saan ang hindi salaping kabayaran
ay ginagamit bilang panghalili para sa kabuuang kita.
Konsyumer o Mamimili
Ang mamimili ay isang tao o organisasyon na
gumagamit ng serbisyong pangekonomiya o paninda. Sa
sistemang pang-ekonomiya, ang mga mamimili ay isang
dahilan na umaapekto sa pasya kung makipagkalakal o
hindi.
Nagbabayad ang mamimili upang makagamit
ng kalakal at serbisyong nililikha. Dahil dito, ang mga
mamimili ay may mahalagang ginagamapanan sa
sistemang pang-ekonomiya ng isang bansa. Kung
walang pangangailangan mula sa mamimili, ang mga
nanlilikha ay mawawalan ng pangunahing motibasyon
upang gumawa ng produktong ibebenta sa mamimili.
Ang mamimili ay bahagi rin ng magkabit-kabit na
pamamahagi o distribusiyon.
Kumakailan lamang sa marketing, sa halip na lumikha
ang mga nagmemerkado ng malawak na tanaw pang-
demograpiko at tanaw pang-fisio-graphic'' ng bahagi ng
merkado, nagsimula silang pumasok sa pinersonal na
marketing, marketing na may permiso, at pagpapasadya
para sa masa.
Kooperatiba
Ang kooperatiba (kilala din bilang koop, coop o co-op) ay
isang samahang awtonomo ng mga boluntaryong taong
nagkakaisa para makamit ang kanilang karaniwang pang-
ekonomiya, panlipunan at pang-kalinangan mga mga
hangad at pangangailangan sa pamamagitan ng sama-
samang ariin at demokratikong pamahalaan
ang negosyo.
Kabilang sa mga kooperatiba ang mga pamayanang
samahan na di-kumikita na pagmamay-ari at
pinamamahalaan ng mga tao na gumagamit ng kanilang
serbisyo (isang kooperatibang pang-mamimili); sa
pamamagitan ng mga taong nagtratrabaho doon (isang
kooperatibang manggagawa); sa pamamagitan ng mga
taong nakatira doon (isang kooperatibang pambahay);
mga halong ganoong mga kooperatiba katulad ng mga
kooperatibang manggagawa o unyong kredito; mga
kooperatibang maraming stakeholder katulad ng mga
kooperatibang na tinitipon ang lipunang sibil at mga lokal
na gumaganap upang maihatid ang pangangailangan ng
pamayanan; at mga koopertibang nasa ikalawa o ikatlong
baytan na ang mga kasapi ay ibang kooperatiba.
Ekonomiya
Ang ekonomiya ay binubuo ng mga sistemang ekonomiko ng isang
bansa o ibang area: ang trabaho, puhunan, at mga pinagkukunang
lupain at
ang pagmamanupaktura, produksiyon, pangangalakal, distribusyon,
at konsumpsiyon ng mga kalakal at serbisyo ng areang ito. Ang isang
ibinigay na ekonomiya ay resulta ng isang proseso na sumasangkot
sa ebolusyong teknolohikal nito, kasaysayan, at panglipunang
organisasyon gayundin ang heograpiya nito, pagkakaloob ng natural
na mapagkukunan at ekolohiya bilang mga pangunahing paktor. Ang
mga paktor na ito ay nagbibigay ng konteksto at nagtatakda ng mga
kondisyon at parametro kung saan ang ekonomiya ay gumagana. Ang
isang nakabatay sa pamilihang ekonomiya ay maaaring mailarawan
bilang pang-espasyong limitadong network na panlipunan kung saan
ang mga kalakal at serbisyo ay malayang nalilikha at naipapalit ayon
sa pangangailangan(demand) at suplay sa pagitan ng mga
kalahok(mga ahenteng ekonomiko) sa pamamagitan ng barter o
isang medium ng pagpapalit na may halagang kredito o debito na
tinatanggap sa loob ng network. Ang kapital(puhunan) o trabaho ay
maaaring gumalaw ng malaya sa buong mga lugar, industriya at mga
negosyo sa paghahanap ng mas mataas na tubo, dibidende, interes,
mga kompensasyon at mga benepisyo. Ang renta sa lupa ay naglalaan
ng pangkalatang nakapirmeng pinagkukunang ito sa mga
magkakatunggaling tagagamit.
Industriya
Sa larangan ng ekonomiya, ang iba't ibang uri
ng pagmamanupaktura at mga serbisyo ay
pinaghihiwala-hiwalay sa mga pangkat na tinatawag na
mga industriya. Ang industriya ay ang produksiyon ng
isang kalakal na pangkabuhayan o paglilingkod na nasa
loob ng isang ekonomiya. Maraming mga uri ng iba't
ibang mga industriya, katulad
ng pagmimina, pagsasaka, at pagtotroso.
Agrikultura
Ang agrikultura ay ang paglinang at pagpaparami ng
mga hayop, halaman at halamang-singaw para
gawing pagkain, hibla, panggatong, gamot at iba pang mga
produkto para gamitin sa pagpapanatili at mapabuti
ang buhay ng mga tao. Naging susi ang agrikultura sa
pagsulong ng kabihasnan na nagdolot sa pamumuhay na
nakahimpil lamang o sedentary. Nangyari ang ganoong uri ng
pamumuhay dahil ang pagpapaamo o pagdomestikado ng
mga espesye ay nakalikha ng mga kalabisan sa pagkain.
Tinatawag na agham pang-agrikultura ang pag-aaral
agrikultura. Nasa libong taon ang kasaysayan ng agrikultura at
ang pag-unlad nito ay lubhang pinapatakbo at binibigay
kahulugan ng iba't ibang mga klima, kalinangan,
at teknolohiya. Namamayani bilang kaparaanang pang-
agrikultura ang agrikulturang pang-industriya na nakabatay sa
malawakang monokulturang pagsasaka.
Maaring magkasingkahulugan ang katawagang pagsasaka sa
agrikultura ngunit sa mas teknikal na kahulugan, ang
pagsasaka ay ang aktibidad samantala ang agrikultura ay ang
agham ng pagsasaka at ibang katulad na aktibidad
Pag – Angkat
Ang pag-angkat ay ang gawain or pamamaraan ng
pagdadala ng anumang bagay o serbisyo galing sa
ibang lugar, o ibang bansa patungo sa loob ng sarili
mong bansa or sarili mong lugar.
Comprehensive Agrarian Reform program

Ito ay inaprobahan ni dating pangulong Corazon Aquino


noong ika 10 ng Hunyo,1988.Ipinasailalim ng batas na ito ang
lahat ng publiko at pribadong lupaing
agrikutural.Ipinamahagi ng batas na ito ang lupang
agrikultural anoman ang tanim nito sa mga walang lupa na
magsasaka.Sila ay makapagtitira ng di hihigit sa limang
ektarya ng lupa.Ang bawat anak ng may-ari ay bibigyan ng
tatlong ektarya ng lupa kung sila mismo ang magsasaka
rito,Ang pamamahagi ng lupa ay isinagawa sa loob ng 10
taon.
.

You might also like