You are on page 1of 3

ARALING PANLIPUNAN 9 REVIEWER

 Ang paikot na daloy ng ekonomiya ay naglalarawan ng ugnayan ng iba’t ibang sektor ng


ekonomiya na tuwiran at di-tuwirang nakaaapekto sa kabuuang kalagayan ng ekonomiya.
 Ang sambahayan ay binubuo ng mga mamimili na kumukonsumo ng mga tapos na produkto
at serbisyo. Ito din ang nagmamay-ari ng mga salik ng produksiyon tulad ng lupa,
manggagawa at kapital. Ang mga hilaw na materyal ay galing sa sambahayan at binibili ito
ng bahay-kalakal upang iproseso at maging yaring produkto.
 Ang bahay-kalakal ay isang sektor ng pambansang ekonomiya na tagalikha ng mga
produkto at serbisyo. Nagpoprodyus at nagbebenta ito ng mga produkto at serbisyo na
tumutugon sa mga pangangailangan ng ibang sektor.
 Ang pamahalaan ay nangongolekta ng buwis bilang pangunahing pondo para sa mga
pampublikong paglilingkod nito.
 Mahalaga ang bahaging ginagampanan ng panlabas na sektor sa paikot na daloy ng
ekonomiya sapagkat natutugunan nito ang mga kakulangan ng bansa sa mga produkto at
serbisyo.
 Ang impok (savings) ng sambahayan at bahay-kalakal ay inilalagak sa pamilihang pinansiyal
o sa pinansyal na sektor na binubuo ng bangko, kooperatiba, insurance companies,
pawnshop, at stock market bilang paghahanda sa hinaharap.
 Ang unang modelo ay naglalarawan ng isang simpleng ekonomiya na binubuo ng
sambahayan at bahay-kalakal. Sa modelong ito, ang sambahayan at bahaykalakal ay iisa,
sapagkat ang lumilikha ng produkto ang siya ring kumukonsumo nito.
 Maituturing na sarado ang pambansang ekonomiya ng isang bansa kung walang pakikilahok
sa mga produkto at serbisyo sa kalakalang panlabas.
 Ang Gross National Income o GNI ay ang kabuuang halaga ng mga produkto at serbisyo na
nagawa ng mamamayan ng isang bansa sa loob ng isang taon.
 Ang Gross Domestic Product (GDP) ay ang halaga ng kabuuang produksiyon sa loob ng
pambansang ekonomiya.
 Ang Expenditure Approach, Industrial Origin/Value Added Approach at Income
Approach ay ang tatlong mga pamamaraan sa pagsukat ng Gross National Income.
 Ang mga transaksyon mula sa black market o underground economy ay hindi kabilang sa
pagsukat ng pambansang kita.
 Mahalagang masukat ang pambansang kita ng isang bansa dahil magagamit ito upang
makabuo ng mga patakarang magpapaangat sa ekonomiya ng bansa.
 Ang implasyon ay isa sa mga suliraning pang-ekonomiya na tumutukoy sa pagtaas ng
pangkalahatang presyo ng mga produkto at serbisyo sa pamilihan.
 Ang labis na salapi sa sirkulasyon ay nagdudulot ng implasyon kaya kinokontrol ito ng
Bangko Sentral ng Pilipinas. Mahalagang makontrol ang money supply sa sirkulasyon dahil
sa naiimpluwensyahan nito ang produksiyon at ang pangkalahatang presyo.
 Ang Demand- pull inflation ay sanhi ng napakataas na kabuuang demand laban sa suplay
nagdudulot ng paghatak sa presyo pataas.
 Ang Cost-push inflation ay sanhi ng pagtaas ng gastusin sa produksyon.
 Ang labis na pagluluwas ay nagdudulot ng implasyon.
 Mahalagang matugunan ng pamahalaan ang suliranin sa implasyon upang matiyak ang
katatagan ng ekonomiya at matamo ang pag-unlad. Kailangang magpatupad ang pamahalaan
ng maayos na pangongolekta ng buwis, pagbabadyet, at paggastos.
 Ipinapatupad ng pamahalaan ang patakarang piskal upang maayos na mapangangasiwaan
ang paglikom ng pondo at paggasta ng pamahalaan. Pangunahing layunin nito pagkontrol ng
ekonomiya sa pamamagitan ng tamang paggasta at pagbubuwis.
 Expansionary Fiscal Policy- ipinatupad ng pamahalaan sa pamamagitan ng pagpapataas ng
paggasta ng pamahalaan at pagbabawas sa singil ng buwis. Ipinatupad ito ng Bangko Sentral
ng Pilipinas kung nais nitong masiglahing muli ang isang matamlay na ekonomiya ng bansa
sa pamamagitan ng pagdadagdag ng suplay ng salapi sa sirkulasyon sa pamamagitan ng
pagbabawas ng buwis
 Contractionary Fiscal Policy-- ipinatupad ng pamahalaan sa pamamagitan ng pagpapababa
ng paggasta ng pamahalaan at pagpapataas sa singil ng buwis. Ipinatupad din ito kung may
overheated economy ang isang bansa at upang maiwasan ang implasyon.
 Ang salapi na umiikot sa ekonomiya ay tinatawag na money supply. Maaaring salaping
papel, barya at pandepositong tseke.
 Ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang nangangasiwa sa buong sistema ng pananalapi
ng bansa. Ito ang nagtatakda kung kailan at gaano ka rami ang ilalabas na salapi sa
sirkulasyon.
 May dalawang uri ng patakarang pananalapi: (1) Expansionary o Easy Money Policy at ang
(2) Contractionary o Tight Money Policy.
 Ang expansionary o easy money policy ay ipinatutupad ng pamahalaan kapag nais nitong
pasiglahin ang ekonomiya ng bansa mula sa pagiging matamlay nito bunga ng mababang
money supply.
 Ipinatutupad naman ang contractionary o tight money policy upang mabawasan ang
pagtaas ng pangkalahatang presyo ng mga bilihin o implasyon. Isinasagawa ito sa
pamamagitan ng pagpapababa ng money supply. Pinaiiral ito upang mabawasan ang labis na
paggasta at pagtaas ng kabuuang demand na nagdudulot ng implasyon.
 Ang pag-iimpok o savings ay tumutukoy sa bahagi ng kita na hindi ginagasta at sa halip ay
inilalagak bangko o sa iba pang institusyong pinansyal para sa pangangailangan sa
hinaharap. Ito ay mahalagang gawain ng mga mamamayan, mapabata man o matanda dahil
nakakatulong ito sa pagsulong at pag-unlad ng ekonomiya.
 Mahalagang mag-impok nang maaga upang matamo ang paglago at katatagang pinansyal, at
kailangan tama ang pag-impok upang kumita ito interes. Mahalaga ding mag-impok sa mga
pinansyal na mga institusyon upang manatili ito sa sirkulasyon ng pambansang ekonomiya at
makatulong sa mga mamumuhunan.
 Ang salaping naimpok sa bangko ay siyang ginagamit sa pagpapautang ng salapi sa
mga namumuhunan.
 Ang pamumuhunan o investment naman ay tumutukoy sa paglalagak o di kayay
pagdaragadag ng kapital o pondo na ginagamit sa paggasta para sa pagbili ng mga kagamitan
at materyales na ginagamit sa produksiyon. Mahalaga ito sa ekonomiya ng bansa sapagkat
nakalilikha ito ng maraming trabaho. Malaki ang tulong nito upang mabawasan ang
unemployment rate sa bansa. Kapag may trabaho , may kita, at pag may kita, matutugunan ng
mga mamamayan ang mga pangunahing pangangailangan sa buhay.
 Kung nais na mamuhunan at mapalago ang negosyo kailangang maging matalino sa
pagpaplano at sa pagdedesisyon upang maiwasang maging biktima ng anomang uri ng
panloloko.

You might also like