You are on page 1of 6

Aralin 1: Makroekonomiks

Ito ay naglalarawan sa buong kita, pangkalahatang presyo, trabaho, produksyon, at gastos


o bayarin. Ito rin ay nakatuon sa mga layunin tulad ng mataas na antas ng produksyon,
mataas na empleyo, katayuan sa presyo, at balanseng kalakalan.

Ang layunin ng Makroekonomiks sa Kabuuang produksyon ay itaas ang antas o dami at


bilisan ang antas ng pag-unlad, sa Trabaho naman ay itaas ang antas at ibaba ang antas ng
walang trabaho, Tatagan ang presyo sa isang malayang pamilihan, at ekilibriyo sa
pagluluwas at pag-aangkat, tatagan ang antas ng palitan ng mga dayuhang salapi sa
Dahuyang Kalakalan.

Magagawa ito sa tulong ng Patakarang Piskal, Patakaran sa Kita, Patakaran sa


pananalapi, Dayuhang ekonomiya.

Ang makroekonomiks ay may limang modelo ng paikot na daloy ng ekonomiya. Ang


unang modelo ay sambahayan ang lilikha sa kanyang produkto at siya rin ang kokonsumo
neto, sa unang modelo, ang sambahayan at bahay kalakal ay iisa. Ang ikalawang modelo
naman ay, ang sambahayan ay pinagmumulan ng hilaw na sangkap, at ang bahay kalakal
naman ay bumibili ng salik, pinangangasiwaan ang pagtinda ng mga yaring produkto, at
binabayaran sa anyong kita at gastos. Sa pangatlong modelo naman, papasok ang
pagiimpok, ang pagiimpok ay bahagi ng kita ng sambahayan na hindi ipinambibili ng
produkto / inilalaan sa pangangailangan sa hinaharap. Lumalabas ito sa paikot na daloy
ng ekonomiya kaya't bumabagal o hihina ang ekonomiya. Kaya gamit ang
pamumuhunan, gagamitin o hihiramin ang ipon ng sambahayan sa pamilihang pinansyal
upang mabalik ito at umayos ang paikot ng daloy. Sa ikaapat na modelo naman, papasok
ang pamahalaan, ang pamahalaan ay kumokolekta ng buwis sa mga
mamamayan/sambahayan at sa negosyante/bahay kalakal, upang maipagkaloob ang mga
pangangailangan at serbisyong pampubliko na ikabubuti ng bansa. Babalik ang buwis sa
sambahayan sa anyong transfer of payments, at babalik ang buwis sa bahay kalakal sa
anyong subsidy. Tinatawag ang apat na modelo bilang saradong ekonomiya kung saan
umiikot lang ang daloy sa loob ng bansa. At panghuli naman ay ang ikalimang modelo
kung saan kasama na ang kalakalang panlabas, na nakikipag-ugnayan sa ibang bansa
upang mapunan ang kakulangan at kalabisan ng pamilihan. Papasok na rin dito ang
export at import, mangyayari ang export kapag labis ang produksyon o kakayahan ng
bansa sa aspeto ng kalakal at paglilinkod, at mangyayari ang import kapag nagaganap na
ang kakulangan o kawalan ng resources ng isang bansa napupunan ito sa pamamagitan ng
kalakalan.
Aralin 2: Pambansang kita

Ang natalakay sa araling ito ay ang pambansang kita. Ang natutuhan ko sa araling ito ay
ang kahalagahan ng pagkuha ng pambansang kita ng isang nasabing bansa. Ayon kay
Campbell R. McConnell at Stanley Brue na ang kahalagahan ng pagsukat ng pambansang
kita ay napakahalaga dahil dito malalaman mo ang mga impormasyon tungkol sa antas ng
produksiyon ng ekonomiya ng isang partikular na bansa sa isang taon, at malalaman din
ang mga dahilan kung bakit ganito kalaki o kababa ang produksyon ng bansa. Mahalaga
din ang pagsukat ng pambansang kita ng isang bansa para malaman ng nga
mamamayaman kung umuunlad ang bansa, dahil malalaman nila ito sa mga datos na
nagiging batayan o direksyon na tinatahak ng isang bansa. Kung ang mga datos ay gawa-
gawa lamang, maaaring hindi maging kapanipaniwala ang mga resulta na nakukuha

Ang economic performance ay ang tumutukoy sa pangkalahatang kalagayan ng mga


gawaing pang-ekonomiya ng bansa. Pangunahing layunin ng ekonomiya ang pagtugon sa
mga pangangailangan ng mga ito sa bansa. Nasusukat ang economic performance gamit
ang GNP at GDP.

Ang GNP o ang Gross National Product ay tumutukoy sa kabuuang halaga ng mga
produkto at serbisyo na nagawa sa luob at labas ng buong ekonomiya sa isang taon. At
ang GDP naman o ang Gross Domestic Product ay tumutukoy sa halaga ng kabuuang
produkto at serbisyo kasama ang partisipasyon ng mga dayuhang negosyante sa
produksyon ng bansa. Ang kaibahan ng GNP at GDP ay, ang GNP ay gawang Pilipino at
ang GDP ay gawa dito sa Pilipinas.

Masusukat ang GNP gamit ang expenditure approach. Ito ay batay sa halagang ginastos
sa paglikha ng produkto o serbisyo.
Aralin 3: Ugnayan ng Pangkalahatang kita, Pag-iimpok at Pagkonsumo

Marami akong bagong nalaman sa araling ito. Nalaman ko ang kaibahan ng pera, kita, at
savings. Ang pera ay ginagamit sa pagbili ng mga bagay bagay na kinakailangan upang
mapunan ang pangangailangan at kagustuhan ng mga tao. Ang kita naman ay halagang
natatanggap ng tao kapalit ng produkto o serbisyong kanilang binigay. At ang savings
naman ayon kay Roger E.A. farmer (2002) sa Macroeconomics, ito ay paraan sa
pagpapaliban ng gastos, at ito ay kitang hindi ginamit sa pagkonsumo.

Ang investment naman ay ipon na ginamit upang kumita. Ang investment ay may
dalawang uri, ang economic investment, na paglalagak ng pera sa negosyo, at ang
personal investment, na paglalagay ng isang indibidwal ng kanyang ipon sa mga financial
assets. Ang financial assets ay ang stocks, bonds, at mutual funds.

Ang financial intermediaries ay uring mga bangko at iba pang institusyon ng pananalapi
na nagsisilbing tagapamagitan sa nag-iipon at sa nais na umutan at mag loan. Ang assets
naman ang tawag sa mga pag-aari ng isang indibidwal, personal man o hindi at ang
liabilities naman ay ang tawag sa lahat ng pagkakautang sa negosyo at iba pang financial
interest ng isang kawani ng pamahalaan. Ang PDIC o Philippine Deposit Insurance
Corporation ay isang ahensya na may layunin na mapataas ang pag-iimpok ng bansa.

Nalaman ko rin kapag nag iipon, dapat alalahanin ang pitong katangian ng wise saver.
Dapat ay kilalanin ang bangko, alamin ang produkto ng bangko, alamin ang serbisyo at
bayarin ng bangko, dapat ay ingatan din ang bank records at siguraduhing up to date,
makipagtransaksyon lamang sa loob ng bangko at awtorisadong tauhan nito, alamin
tungkol sa PDIC deposit insurance, at maging maingat.
Aralin 4: Implasyon

Natutunan ko sa araling ito na ang implasyon ay ang pagkalahalatang presyo ng mga


piling produkto na napakaloob sa basket of goods at ito ang pataas na paggalaw ng
presyo. At ang deplasyon naman ay tumutukoy sa pagbaba ng presyo ng mga bilihin. Ang
hyperinflation naman ay ang patuloy na pagtaas ng mga presyo ng mga produkto sa
bawat oras, araw at lingo, ito naganap noong 1920 sa Germany. Nabanggit din ang iba't-
ibang uri ng Price Index, ang price index ay isa sa mga elementong isinasaalang-alang
upang masukat ang implasyon sa isang ekonomiya. Mayroon itong 3 uri, ito ay ang GNP
Implicit Price o GNP Deflator, ito ay ang average price index na ginagamit upang
mapababa ang halaga ng GNP at masukat ang totoong GNP. At ang Consumer Price
Index (CPI) naman ay tumutukoy sa pagbabago ng presyo ng mga produkto na ginagamit
ng mga konsyumer. At ang Price index ay ang Produce Price Index (PPI) na index na
binabayaran ng mga tindahang nagtitingi ng mga produkto upang ibenta sa mga
mamimili.

Mayroong tatlong uri ng implasyon, ang Demand pull, Cost-push at ang Structural
Inflation. Ang demand pull ay nangyayari kapag nagkaroon ng paglaki ng paggasta ng
sambahayan, bahay-kalakal, pamahalaan at ang panlabas na sector. Ang cost-push naman
ay ang pagtaas ng mga gastusing pamproduksyon kaya ito'y nagreresulta ng pagtaas ng
presyo ng mga produkto o serbisyo. At ang Structural Inflation ay tumutukoy sa mga
patakarang ipinapatupad ng pamahalaan gaya na lamang ng pagpapatupad ng dollar
exchange.
Aralin 5: Patakarang Piskal

Natutunan ko sa aralin 5 ang pagpapakahulugan sa patakarang piskal, layunin ng


pagbubuwis at ang mga ahensiya ng pamahalaan na namamahala sa patakarang piskal ng
isang bansa. Ang patakarang piskal ay ang pamamaraan pagreregula o pagkontrol ng
pamahalaan sa ekonomiya sa pamamagitan ng pagbubuwis upang matamo ang maayos na
daloy ng ekonomiya.

Mayroong dalawang uri ng patakarang Piskal, ito ay ang Expansionary Fiscal Policy na
ang layunin ay mapataas ang output ng ekonimiya, at ang Contractionary Fiscal Policy na
naglalayong pababain ang output ng ekonomiya.

Mahalaga ang pagpataw ng buwis dahil napapataas nito ang kita ng ating pamahalaan at
napapatatag nito ang ating ekonomiya. Ginagamit rin ito upang mapaayos ang regulasyon
ng tamang pagbili at pagkonsumo ng kalakal at sa tamang distribusyon ng kita. Layunin
din nitong mapangalagaan ang industriyang loob laban sa dayuhang kalakal. Mayroong
dalawang uri ng pagbubuwis, ito ay ang tuwiran, na pagpapataw ng buwis sa isang
indibidwal at ang di tuwirang ay ang pagbubuwis na pinapataw sa mga kalakal o
paglilingkod. Kapag ang isang tao ay hindi nagbayad ng tamang buwis ito ay tinatawag
na Tax Evasion.

May mga ahensya ng pamahalaan na namamahala sa patakarang piskal upang maayos at


organisado ang mga salapi na nalilikom mula sa mga buwis. Mayroon ding sangay ng
pamahalaan na namamahala sa pambansang budyet ng bansa.
Aralin 6: Patakarang Pananalapi

Natutunan ko sa araling ito ay tungkol sa konsepto ng patakarang pananalapi. Ang


konsepto ng patakarang pananalapi ay sa pamamagitan ng BSP o Bangko Sentral ng
Pilipinas, nagtatakda ng pamamaraan upang masigurang matatag ang ekonomiya. Ito ay
bilang katiyakan na ang bawat mamamayan ay magkakaroon ng kakayahan na
matugunan ang kanilang mga pangangailangan sa kanilang buhay gamit ang mga salapi
na kinita nila sa kanilang pagtatrabaho. Ang BSP ay nagpatupad ng patakarang
pananalapi upang makontrol ang supply ng salapi sa sirkulasyon. Ang BSP ay maaaring
magpatupad ng Expansionary Money Policy at Contractionary Money Policy.
Ipinapatupad nito ang Expansionary Money Policy kapag kailangan nitong hikayatin ang
mga negosyante na palakihin pa ang kanilang negosyo. Pinapatupad naman nila ang
Contractionary Money Policy kapag kailangan nila mapababa ang paggasta ng
sambahayan at ang mga mamumuhunan. Kaagapay ng pamahalaan ang PDIC na
naglalayong mapataas ang pag-iimpok sa bansa.

Mayroong tatlong uri ng bangko, ito ay ang Institusyong bangko, di-institusyong banko at
ang Regulator. Sila ay nangangalaga ng ating mga salapi upang mapalago sa darating na
panahon.

You might also like