You are on page 1of 10

Guarded

Globalization
By Drew Daniel Q. Sosa
Ano ang Guarded Globalization?
Ito ay tumutukoy sa pagkakaroon ng
interbensyon ng pamahalaan upang
pangalagaan ang mga lokal na negosyo
laban sa epekto ng globalisasyon mula
sa mga malalaking negosyante sa ibang
bansa.
Sa pamamagitan ng guarded
globalization na ito, nabibigyan ng
proteksyon ng pamahalaan o gobyerno
ang mga negosyo ng mga mamamayan
sa bansang Pilipinas.
2
Ilan sa mga halimbawa ng
polisiyang ito ay ang:

 pagpapataw ng
buwis o taripa sa
mga produkto o
serbisyo mula sa
ibang bansa
3
Ilan sa mga halimbawa ng
polisiyang ito ay ang:

 pagbibigay ng
subsidiya na pabor
sa mga lokal na
negosyante sa
bansa
4
Patas o Pantay
na Kalakalan
(Fair Trade)
By Hannah Gabriella Macaldo

5
Ano ang Fair Trade?
Ayon sa International Fair Trade
(IFTA), ito ay tumutukoy sa
pangangalaga sa panlipunan,
pang-ekonomiko at pampolitikal
na kalagayan ng maliit na
namumuhunan. Para naman sa
pananaw ng neo-liberalismo, ang
fair trade ay nangunguhulugan ng
higit na moral at patas na pang-
ekonomiyang sistema ng daigdig. 6
Layunin nito na mapanatili ang
tamang presyo ng mga produkto
at serbisyo sa pamamagitan ng
bukas na negosasyon sa pagitan
ng mga bunibili at nagbibili upang
sa gayon ay mapangalagaan hindi
lamang ang interes ng mga
negosyante kundi pati na rin ang
kanilang kalagayang ekolohikal at
panlipunan.

7
Binibigyang pansin din dito ang ilang
mahahalagang dimensyon ng
kalakalan tulad ng pangangalaga ng
karapatan ng mga manggagawa (hal.
pagbuo ng unyon), pagbibigay ng
sapat na at ligtas na trabaho sa
kababaihan at mga bata at paggawa
ng mga produktong ligtas sa lahat.
Isa itong alternatibong paraan sa
pandaigdigang kalakalan.
8
Humigit-kumulang pitong milyong katao
mula sa umuunlad na bansa (developing
nations) kasama ang Brazil ang
nakinabang sa patakarang ito dahil sa
mas mataas na halaga nila naibenta ang
kanilang coffee bean na nagkakahalaga
ng $1.29 per pound kung ihahambing sa
$1.25 sa pamilihan.Upang maging
kuwalipikado,kinakailangan na ang
magsasaka aymakasunod sa mga
alituntunin sa paggamitng
pesticide,teknik sa pagsasaka,recycling at
iba pa.
9
Sa kabilang banda,hindi lahatng mga
bansa ay napakikinabangan ito tulad
ng Columbia, Guatemala
atEthiopia.Malaki ang kinikita ng
Starbucks mula sa mataas na uri ng
kape mula sa Ethiopia ngunithindi ang
mga magsasaka ng kape.Sa katunayan,
isang sentimo lamang mula sa limang
dolyar kada tasa ng kape ng Starbucks
ang natatanggap ng mga magsasakang
ito.Kaya naman,malayo pa ang
lalakbayin ng programa o proyektong
ito upang higit na mapakinabangan ng
mga umuunlad na bansa.
10

You might also like