You are on page 1of 6

10

Araling
Panlipunan
Ikalawang Markahan – Week 6:

Epekto ng Migrasyon dulot


ng Globalisasyon
Aralin Epekto ng Migrasyon dulot ng
1 Globalisasyon

Sa panahon na ating ginagalawan ngayon, malaking hamon para sa bawat isa ang pag-
alis ng mahal sa buhay sa ating bansa upang makamit ang mga pangarap para sa
pamilya. Hangad nating maibigay ang klase ng pamumuhay kung saan lahat ng
pangangailangan ng pamilya ay kayang maibigay, kung kaya ay nakakaya natin na
mahiwalay sa kanila. Maraming mabuting epekto ang migrasyon gayundin ang negatibo.
Sa modyul na ito ay pag-aaralan mo ang mga epekto ng migrasyon. Pagbutihan
ang bawat gawain upang maisakatuparan ang layunin ng araling ito. Nakakasalalay sa
iyong pag-sisikap ang tagumpay mo! Kaya mo ‘yan studyante sa makahamong panahon.

Tuklasin

GAWAIN 3. 3 PICS IN 1

Pamprosesong Tanong:
1. Patungkol saan ang mga ito?
2. Sa tingin mo, ano ang mga pangunahing dahilan bakit ito nangyayari sa ating
lipunan ngayon?

Suriin
Natiyak na natin ang inisyal mong kaalaman tungkol sa aralin, ngayon ay ihanda
ang sarili para sa mas masayang pagpapalawak ng iyong kaalaman sa tulong ng tekstong
inihanda na siyang magiging batayan ng impormasyon.
Simulan na ang pagtuklas ng karagdagang kaalaman na siyang magiging batayan
ng iyong pagdedesisyon sa buhay. Ang pagsagot ng maayos sa mga gawain ay isa sa
mga hiyas upang maging makabuluhan ang araling ito.
PAKSA 1: Mga Isyung Kalakip ng Migrasyon- Forced Labor, Human Trafficking at
Pang-aalipin
➢ Forced Labor
Ang forced labor ay isang anyo ng human trafficking. Ayon sa International Labour
Organization ang Forced Labor o Forced Labour ay konektado sa “mga sitwasyon kung
saan ang mga tao ay puwersadong pinagtatrabaho sa pamamagitan ng dahas o
pananakot o kaya’y samas tagonng pamamaraan tulad ng pagbabaon sa utang,
pagtatago ng ID at passport, or pagbabanta ng pagsusuplong sa immigration.” ( salin ng
My Labor Matters team)
Mga Palatandaan ng Forced Labor ayon sa Hope for Justice
• May pananakot o pananakit na pisikal o sobra-sobrang work hours at
napakakaunting breaks.
• Hindi maaring lumabas sa opisina, factory, dormitory, o pinagtatrabahuang lugar.
• Pinagtatrabaho upang makabayad sa malaking utang. Ang mga biktima ay
kadalasang binabayaran ng maliit o wala dahil sa laki ng mga kaltas. Di pagbigay
ng sahod o sobra-sobrang kaltas sa sahod.
• Pagtatago ng ID tulad ng passport at ibang identifying documents. Pananakot na
isusuplong sa immigration ang hindi maayos na visa o status of residence ng
trabahador.
• Mababa o walang health and safety standards
• Walang kopya o hindi makakuha ng kopya ng kontrata.

➢ Human Trafficking
Ayon sa United Nations Office of Drugs and Crime, ang human trafficking ay ang
“pagrerecruit, pagdadala, paglilipat, pagtatagpo, o pagtatanggao ng mga ito sa
pamamagitan ng di tamang paraan (katulad ng dahas, pag-kidnap, pangloloko, o
pamumuwersa) para sa hindi magandang dahilan tulad ng forced labor o sexual
exploitation.” ( salin ng My Labor Matters team)
Human Trafficking ayon sa ating Batas
Section 3 RA 9208 ( Anti-Trafficking Law), ang trafficking in persons ay tumutukoy sa
pagrerecruit, paglilikas, paglipat, pagtatago o pagtanggap ng mga tao, payag man ang
biktima o hindi, sa loob man o sa labas ng bansa, sa pamamagitan ng pagbabanta o
paggammit ng puwersa, o iba pang uri ng pamimilit, pagtangay o abduction, pamemeke,
o panloloko, pang-aabuso sa kapangyarihan o katungkulan, pagsasamantala sa
kahinaan ng isang tao, o ang pagbibigay o pagtanggap ng kabayaran o iba pang
benepisyo upang makamit ang pagpayag ng isang taong mayn control sa isa pang tao,
para sa eksploitasyon, na kasama subalit hindi lamang para eksploitasyon, prostitusyon
o sekswal na pang-aalipin, at pang-aalila.
Batay sa expanded version ng Anti-Human Trafficking Law- RA No. 10364May limang (5)
uri ng human trafficking:
▪ Sexual exploitation;
▪ Forced labor or services;
▪ Slavery;
▪ Servitude; at
▪ Removal or sale of organs

➢ PANG-AALIPIN
Tradisyunal na kahulugan: Pang-aalipin- isang uri ng sapilitang paggawa na kung saan
tinuturing o tinatrato ang isnag tao bilang pagmamay-ari ng iba. Inaari ang mga alipin na
labag sa kanilang kalooban mula nang sila’y nabihag, nabili o sinilang, at inaalisan ng
karapatan na magbakasyon, tanggihhang magtrabaho, o tumanggap ng bayad( katulad
ng sahod)
Makabagong kahulugan: Pang-aalipin- malimit na pumapasok sa isipan ang tungkol sa
pwersahang trabaho, o pagtatrapiko sa sex, subalit ang pang-aalipin ay maraming uri,
kasama ang pang-aalipin sa utang at pwersahang kasal.
Slavery o pang-aalipin, target rin supilin ni Pangulong Duterte’. Ayon sa pangulo,
ito kasi ang isa sa mga nagdulot ng hidwaan sa pagitan ng mga Kristiyano at Muslim sa
bansa. Bukod dito, nais rin niyang wakasan ang problema ng human trafficking, na
kabilang rin sa maituturing na modern slavery. Giit niya, matindi ang kakaharaping
parusa ng mga mahuhuling dumudukot sa mga tao at ginagawang alipin ang kanilang
mga bihag, dahil ipapantay niya ang mga ito sa lebel ng mga durugista. Hahabulin niya
ang mga terorista lalo na kung may umabot sa kaniyang mga ulat o sumbong na nadukot
ang kanilang mga anak at ginagawang alipin. Nais na niyang matigil ang slavery dahil
hindi ito makatao at hindi dapat ginagawang alipin ang isang tao sa kaniyang buong
buhay.

Paksa 2: Mga Isyung Kalakip ng Migrasyon sa Pamilyang Pilipino


Malaki ang isyu ng migrasyon sa Pamilyang Pilipino. Ito ay nagdudulot ng
positibong at negatibong epekto nito.
Mga Epekto ng Migrasyon sa Pamilyang Pilipino
Positibong epekto ng migrasyon sa Pamilyang Pilipino
➢ Pagpapanatili ng kaugaliang pamana sa atin tulad ng magandang asal at
pagpapahalaga
➢ Nababawasan ang populasyon ng pamilya
➢ Pagdagdag ng kita ng pamilya
➢ Pagkakaroon ng maraming oportunidad kung magmamigrate sa ibang bansa
➢ Pagkakaroon ng pagkakataon na makapag-aral sa mga kilalang paaralan.

Negatibong epekto ng migrasyon sa Pamilyang Pilipino


➢ Maaaring maging dahilan sa paghina ng katatagan ng pamilya at paghihiwalay
ng mag-asawa
➢ Pagbabagong konsepto ukol sa tradisyunal na pamilya at transnational na
pamilya
➢ Kakulangan ng makabulohang komunikasyon at atensyon ng mga magulang sa
anak at anak sa magulang
➢ Pagbabago sa mga pagpapahalaga at pamamaraan sa pamumuhay
➢ Mabagal na pag-unlad sa pangkaisipan at panlipunang askpekto ng mga anak

Mga Epekto ng Edukasyon sa Pamilyang Pilipino

➢ Bologna (bo-LO-nya) Accord ay kasunduan na nilagdaan ng 29 na mga bansa


na naglalayon na iakma ang kurikulum ng bawat isa upang ang nakapagtapos ng
kurso sa isang bansa ay madaling matanggap sa mga bansa nakalagda rito kung
siya man ay nagnanais na lumipat dito.
➢ Washington Accord na nilagdaan noong 1989 ay kasunduang pang-
internasyunal na pagitan ng mga international accrediting agencies na
naglalayong iayon ang kurikulum ng engineering degree programs sa iba’t-ibang
kasaping bansa.
Gawain 5. Kaalaman Palawakin!
Panuto: Basahin at unawain ang mga sitwasyon sa ibaba. Isulat ang iyong ideya o
saloobin sa hiwalay na papel.
1. Upang matustusan mo ang pangangailangan ng iyong pamilya kagaya ng
pagpapa-aral sa anak sa kolehiyo ay kailangan mong maghanap ng trabaho na
may malaking suweldo/sahod. Ngunit, ikaw ay mahihiwalay sa iyong pamilya. Ano
ang pipiliin mo at bakit?
2. Nalaman mo na ang iyong kapit-bahay ay may ilegal na negosyo na may
kinalaman sa pagtatanghal ng mga babaeng minor de edad sa harap ng computer.
Ano ang iyong gagawin upang mahinto ang ganitong gawain na labag sa ating
batas?

Isaisip
GAWAIN 8. DUGTUNGAN ANG KAILANGAN!
Panuto: Dugtungan ang sumusunod na mga kaisipan. Ilagay ang sagot sa hiwalay
na papel.
1. Ayon sa International Labour Organization ang Forced Labor o Forced Labour ay
konektado sa
________________________________________________________________
________________________________________________________________

2. Ayon sa United Nations Office of Drugs and Crime,


________________________________________________________________
________________________________________________________________
3. Pang-aalipin- isang uri ng
________________________________________________________________
________________________________________________________________

Isagawa

Gawain 9. SOLUSYON AYOS!


Panuto: Isulat ang mga isyung may kinalaman sa migrasyon na ating pinag-usapan
kanina. Gumawa ng isang solusyon upang maiwasan o masugpo ang mga gawaing ito.
Paghusayang mabuti!

Mga Isyung Kalakip ng Migrasyon Naiisip mong Solusyon

1.
2.
3.
Tayahin
Pinatunayan mo na kaya mo ang lahat ng gawain. Dahil diyan ay kailangan mo nang
sagutin ang panghuling pagtataya upang higit mong mapatunayan ang iyong pag-
unawa sa lahatng paksa na napapaloob sa modyul na ito. Higit na kaya mo ☺
Gawain 11. Panghuling Pagtataya.
Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.
1. Ang Anti-Violence Against Women and Their Children Act ay isang batas na nagsasaad
ng mga karahasan laban sa kababaihan at kanilang mga anak. Ito ay nagbibigay ng lunas
at proteksiyon sa mga biktima nito. Sino ang mga kababaihang tinutukoy sa batas na ito?
A. Kababaihan na may edad 15 pataas
B. Kababaihan na walang asawa at mga anak
C. Kababaihan na iniwan ng asawa at nakaranas ng pang-aabuso
D. Kababaihan na nagkaroon ng anak sa isang karelasyon, babaeng may kasalukuyan o
nakaraang relasyon sa isang lalaki at kasalukuyan o dating asawang babae.

2. Ang sumusunod ay mga palatandaan ng forced labor maliban sa isa, ayon sa Hope for
Justice, maliban sa isa.
A. May pananakot o pananakit na pisikal
B. Sahod na mas mababa sa minimum wage
C. Mababa o walang health and safety standards
D. Walong oras na pagtatrabaho sa lahat ng manggagawa

3. Ang sumusunod ay mga positibong epekto ng migrasyon sa pamilyang Pilipino, maliban


sa isa.
A. Pagdagdag ng kita ng pamilya
B. Pagbabago sa mga pagpapahalaga at pamamaraan sa pamumuhay
C. Nababawasan ang populasyon ng pamilya
D. Pagkakaroon ng pagkakataon na makapag-aral sa mga kilalang paaralan

4. Ano ang pangyayaring lubusang nakapagpabago sa buhay ng tao sa kasalukuyan?


A. Ekonomiya B.Globalisasyon C. Migrasyon D. Paggawa

5. Ano ang mga epekto ng migrasyon sa edukasyon sa pamilyang Pilipino?


A. Bologna Accord at Washington Accord C. Racism
B. Slavery at Forced Labor D. Human Trafficking

You might also like