You are on page 1of 4

Paksa: ANG ALOKASYON AT MGA SISTEMANG PANG-EKONOMIYA

ALOKASYON NG PINAGKUKUNANG YAMAN


Ang alokasyon ng mga pinagkukunang yaman ay isinasagawa upang sagutin ang mga problemang
pang-ekonomiya. Sa tulong ng pamilihan ay nakikita kung paano isinasagawa ang alokasyon. Ito ang
mekanismo ng pamamahagi ng mga likas na yaman, yamang tao, at yamang pisikal sa iba’t ibang
paggagamiytan nito. Ang alokasyon ang nagsisilbing sagot sa kakapusan. Ang pamamahagi ng mga
pinagkukunang yaman ay magagawa sa iba’t ibang pamamaraan: ang epektibo maayos, at matalinong
paggamit, pamumuhunan at paggamit ng makabagong teknolohiya.
Ang epektibo, maayos, at matalinong paggamit ng mga pinagkukunang yaman ay mahala upang
ang kapakinabangan sa mga ito ay lubusang makamit. Ang konserbasyon ay kailangang gawin sapagkat
ang mga likas na yaman ay nauubos. Ang konserbasyon ay ang matalinong paggamit ng mga likas na
yaman. Ito ay isinasagawa upang ang susunod na henerasyon ay mayroong aabutan at gagamitin na mga
likas na yaman. Ang wastong paggamit ng mga likas na yaman ay makakatulong sa pagpapaunlad ng ating
ekonomiya.
Ang pamumuhunan sa mga pinagkukunang yaman ay isinasagawa upang higit na mapaunlad at
mapakinabangan ang mga ito. Ang pamumuhunan ay pagdaradgad ng kapital upang maisagawa ang mga
gawain. Bumibili ng mga dekalidad at mataas na uri ng binhi tulad sa palay at sa ibang taniman upang
mapataas ang produksiyon ng bigas, gayundin sa ibang halaman at pananim. Ang modernong makinarya
at at kagamitan ay binibili upang magamit sa pagpapabilis ng pagproseso ng paglikha ng mga produkto.
Ang pamumuhunan sa pisikal na yaman ay ginagawa upang maiwasan ang epekto ng depresyon. Ang
pagbibigay ng edukasyon, pagsasanay, at workshop sa mga yamang tao lalo na ang mga lakas paggawa ay
isinasagawa upang malinang at mapaunlad ang kanilang kakayahan at kasanayan. Hangad ng pamahalaan
na maging produktibo ang mga manggagawa ng bansa.
Ang paggamit ng makabagong teknolohiya ang magpapabilis at magpapadali sa produksiyon. Ito
ay magbubunga ng mataas na produksiyon na magbibigay ng pagkakataon sa mataas na pagkonsumo sa
bansa. Mas mapaparami ang paglikha ng mga produkto na magagamit ng mga mamamayan at maaari ring
gamitin na panluwas sa ibang bansa. Dahil sa kakapusan, matututo ang mga tao at bans ana gumawa ng
tamang desisyon upang piliin ang mga pangangailangan na dapat matugunan. Ang alokasyon ng mga
pinagkukunang yaman ay dapat bigyang pansin ng bawat bansa upang masiguro na ang mga
pangangailangan ng bansa ay matugunan kahit nakaharap sa suliranin ng kakapusan.

MGA SISTEMANG PANG-EKONOMIYA


Ang sistemang pang-ekonomiya ay sumasaklaw sa mga istruktura, institusyon, at mekanismo na
batayan sa pagsasagawa ng mga gawaing pamproduksiyon upang sagutin ang mga pangunahing
katanungang pang-ekonomiya. Walang perpektong sistema na angkop sa isang bansa, kaya ito ay
maaring baguhin ayon sa pangangailangan ng ekonomiya.
May iba’t ibang uri ng ekonomiya ayon sa sistema na ginagamit. Una, tradisyunal na ekonomiya,
ikalawa, ang market na ekonomiya, ikatlo, ang command na ekonomiya, at pang-apat ang pinaghalong
ekonomiya. May iba’t ibang pamamaraan ng pagsagot sa mga pangunahing suliranin sa ekonomiks ang
apat na sistemang pang-ekonomiya.

TRADISYONAL NA EKONOMIYA

Ang ganitong uri ng ekonomiya ay sinasagot ang mga suliraning pang-ekonomiya sa pamamagitan
ng mga tradisyon, paniniwala, kagawian, at patakaran ng lipunan. Ang bawat tao sa ekonomiyang ito ay
batid ang kanyang gampanin at tungkulin sa lipunan. Ngunit wala silang Karapatan na magdedesisyon sa
mga uri ng produkto at serbisyo na gusto nilang matamo.
Ang lipunan ang nagdedesisyon sa mga produkto at serbisyo na gagawin at ipapamahagi batay sa
kanilang tradisyon at kagawian. Nangangahulogang ang pagsagot sa mga suliraning pang-ekonomiya ay
naiimpluwensiyahan ng kanilang paniniwala at kaugalian.

MARKET NA EKONOMIYA
Sa sistemang ito, ang pagdedesiyon sa pagsagot sa mga suliraning ano, paano, at para kanino ang
gagawin ay isinasagawa ng indibidwal at pribadong sector. Ang market o pamilihan ay nagpapakita ng
organisadong transaksyon ng mga mamimili at ngbibili.
Ang piyudalismo ay may kinalaman sa pagmamay-ari ng lupa. Pinagkalooban ng lupa
PYUDALISMO ang mga taong naglingkod sa feudal lord, ang tawag sa nagmamay-ari ng lupa. Vassals
ang tawag sa mga taong nagkakaloob ng serbisyo at nabibigay proteksyon sa feudal
lord. Sila ay pinakakalooban ng lupa na tinatawag na fief bilang kabayaran.
Ang mga gawaing pang-agrikultural tulad ng pagbubungkal ng lupa ay isinasagawa sa loob ng
manor. Ang manor ay sentro ng agrikulturang Gawain noong panahon ng sistemang manorial. Ang mga
magsasaka at mga alipin na tinatawag na serf ay nagsasagawa sa pagbubungkal ng lupa. Ang produksiyon
ay sapat sa pangangailangan ng mga tao na naninirahan sa loob ng manor. Ang sistemang ito ay humina
ng lumago at lumawak ang kalakalan at ng umunlad ang bayan at ang paglawak ng paggamit ng
makinarya sa industriyal.

Sa pagitan ng ika-15 at ika-18 siglo, umiral sa Europe ang sistemang merkantilismo


na ang batayan ng kapangyarihan ng bansa ay ang dami ng supply ng ginto at pilak. MERKANTILISMO
Ito ang simula ng pananakop at pakikipagkalakalan upang maalikom ng mga
mahahalagang metal na ito. Ginagamit ng merkantilistang bansa ang mga
mahahalagang metal na ito upang makabili ng mamahaling produkto at armas na
kailangan ng kanilang bansa.
Maraming bansa sa Europe ang nagbigay-pansin sa paglilikom ng maraming ginto at pilak at ito ay kanilang
isinasagawa sa pamamagitan ng pananakop sa mga mahihinang bansa. Ang mga kolonyang bansa ang nagsilbing
taga supply ng mga hilaw na materyales at pamilihan ng mga produktong nilikha ng mananakop na bansa. Ang
Britain, Netherlands, France at Spain ang ilan sa mga bansang gumamit ng sistemang ito. Ang sistemang ito ay
hindi na umiiral bilang sistemang pang-ekonomiya ng mga bansa sa kasalukuyan. Ito ay bahagi na lamang ng uri ng
pangangalakal sa loob ng bansa.

MGA KATANGIAN NG SISTEMANG KAPITALISMO:

KAPITALISMO 1. Rebolusyong Industriyal 3. Free Enterprise


2. Laissez-Faire (Let Alone Policy) 4. Pribadong Sektor

Ang rebolusyong industriyal ang nagbigay-daan sa pagkilala ng mga karapatan ng pribadong sector sa
pagpapaunlad ng industriya. Kaya sa kalagitnaan ng ika-17 siglo ay binibigyang-pansin ang ideya ni Adam Smith,
may akda ng An Inquiry into the Nature and Causes of the Wealth of Nation ukol sa paggalaw at paglago ng
sistemang pamilihan gayundin ang papel na ginagampanan ng pamahalaan sa pamamahala ng ekonomiya. Si
Adam Smith ay tinaguriang Ama ng Makabagong Ekonomiks.
Sa doktrina ng Laissez-faire ni Adam Smith, sinasabing ang pamahalaan ay hindi dapat makialam sa
pagpapaunlad at pagpapatakbo ng indibidwal sa mga industriya at negosyo. Ang dapat pagtuonan ng pansin ng
pamahalaan ay ang pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan ng bansa.
Isinulat ni Smith na ang hangaring tumubo at kompetisyon ang nagpapsigla sa ekonomiya. Ito ang umiiral
sa sistemang kapitalismo na kilala rin sa tawag na Free Enterprise System. Bibibigyang pansin din ni smith ang
pagsulong ng mga negosyo na bunga ng kompetisyon at pansariling interes ang nagtutulak sa konsyumer na bumili
ng mga produkto nan ais nila, samantalang ang prodyuser ay nakalilikha ng produkto na naibebenta sa mga
konsyumer at nagtatamo ng tubo. Ang ganitong sitwasyon ay naganap na walang pangkalahatang plano ng
pamahalaan. Ito ay bunga ng pwersa na tinatawag ni Sith na “invisible hands” na nagsasaayos ng takbo ng
pamilihan.
Ang kapitalismo ang pangunahing sistemang pang-ekonomiya sa Europe at United States mula 1800. Ito ay
ipinanganak nang bumagsak ang dalawang sistemang pang-ekonomiya na umiral sa Europe, ang piyudalismo at
merkantilismo. Ang kapitalismo ay lumaganap sa Europe lalo na sa Greece, at Ancient Egypt, Babylon (Iraq), at
Carthage (Tunisia). Ang kapitalismo ay isang sistemang pang-ekonomiya na ang pagmamay-ari ng yaman at
produksiyon ay nasa kamay ng mga indibidwal at pribadong sector. Ang pribadong pagmamay-ari at layuning
tumubo ay laganap sa sistemang ito. Ang sinumang indibidwal ay may kalayaan na magnegosyo na hindi labag sa
batas, magmay-ari ng kahit gaano karaming yaman o kapital, magtakda ng presyo, at lumikha at bumili ng ninanais
na produkto.
Desentralisado ang paggawa ng desisyon sa sistemang ito. Ang mga indibidwal at pribadong sector ang
gumagawa ng desisyon ukol sa uri ng produkto, dami ng gagawin, at pamamaraan ng paglikha ng produkto. Ang
impluwensya nila bilang konsyumer, prodyuser, imbestor, at manggagawa ay nangingibabaw sa ekonomiya. Ang
ganitong katangian ay nakatutulong na makamit ang paglago ng ekonomiya sapagkat ang bawat tao ay
naghahangad na magkaroon ng opportunidad na kumite o tumubo ng Malaki. Ang pagkakaroon ng kalayaang pang-
ekonomiya sa sistemang ito ay nagdulot ng pagkakataon sa mga mamamayan na makapili ng hanap-buhay at
negosyo na gusto nil ana makatutulong sa ekonomiya.

COMMAND NA EKONOMIYA

Ang estado ang may responsibilidad sapagsagot sa mga suliraning pang-ekonomiya. Ang
pagpapasiya ukol sa mga gawaing pang-ekonomiya ay isinasagawa ng estado at inaasahan na ang mga
mamamayan ay susunod sa mga nagging desisyon. Ang komunismo, sosyalismo, at pasismo ay kabilang
sa ganitog uri ng ekonomiya.
Ang komunismo ay isang sistemang pang-ekonomiya kung saan ang estado ang
KOMUNISMO nagmamay-ari at komokontrol sa yaman at produksiyon ng bansa. Ang pagasagot
sa mga suliraning pang-ekonomiya ay naayon sa planong pangkabuhayan ng
pamahalaan na isnasagawa ng isang central planning board. Ang lahat ng tao ay
gagawa at kikilos batay sa kanilang kaalaman at kakayahan at sila ay babayaran
ayon sa kanilang pangangailangan. Walang probadong pagmamay-ari ng
industriya.
Ang teorya ukol sa komunismo ay unang bianalangaks nina Karl Marx at Friedrich Engels sa mga
aklat na Communist Manifesto at Das Kapital na itinuturing na bibliya ng komunismo. Mula sa mga
nasabing teorya ay isinilang ang isang sistemang pang-ekonomiya at pamamaraan ng pamumuhay. Ayon
kay Marx, ang mga pagbabagong pampolitika at panlipunan ay bunga ng mga salik ng produksiyon.
Naniniwala siya na ang sistemang kapitalismo. Ang tunggalian sa pagitan ng mga nagmamay-ari ng
produksiyon at nag su-supply ng paggawa ay patuloy na nagaganap.
Mula sa malawak na pag-aaral sa kasaysayan, naniniwala si Marx na magbubunga ang tunggalian
ng uri (Class Conflict) ng isang lipunang walang uri (Classless Society) at pabibigay ng kapangyarihan sa
mga manggagawa na tinatawag niyang proletariat. Naniniwala siya na ang tagumpay ng proletariat sa
pamamahala ng produksiyon ang magiging daan sa pagkakamit ng classless society. Si Karl Marx ay
tinawag na Ama ng Komunismo.
Ang kaisipan ng komunismo ay lumawak. Ito ay ipinatupad ni Vladimir Ilich Lenin, na kilala sa
pangalan na Nikolai Lenin sa Russia noong 1917. Ito ang unang bansa na tumangkilik sa komunismo. Sa
China, ang komunismo ay pinalaganap ni Mao Zedong na kilala rin sa tawan na Mao Tse-tung. Sa
kasalukuyan ay walang bansa ang nakarating sa full communism. Hindi pa umiiral ang tunay na
komunismo sa sa mga bansa sa daigdig sapagkat hindi pa nakakamit ang classless society at may mga
pribadong tao ang namamahala sa produksiyon. Ang sistemang ito ay unti-unti nang naglaho sanhi ng
paghahangad ng mga tao ng Kalayaan sa produksiyon. Ang pagbagsak ng USSR (Union of Soviet Socialist
Republic) at ang pagtatag ng Russian Federation ay tinitingnan na palatandaan ng paghina ng komunismo
sa Russia. Ipinatupad ng mga bansa na kabilang sa Commonwealth of Independence States (CIS) ang isang
sistemang pang-ekonomiya na lubusang nagbibigay sa kanila ng Kalayaan sa pagdedesisyon at pagpili ng
mga produkto na kanilang kailangan sa pamumuhay.

Ang mga yaman at industriya ay kontrolado at pagmamay-ari ng estado na


pinamumunuan ng isang diktador. Sa sistemang ito, ang diktador ang
nagdedesisyon sa lahat ng mga gawain ng estado: political, sosyal, at ekonomikal.
Ang produksiyon ay naaayon sa pangangailangan ng ekonomiya. Ang bawat PASISMO
indibidwal ay walang karapatang magreklamo at sumuway sa itinatadhana ng
estado.

Isang sistemang pang-ekonomiya at political na sinuimulan ni Benito Mussolini sa Italy noong 1922.
Itinatag niya ang partidong pasista. Ipinakilala naman ni Adolf Hitler ang pasismo sa Germany. Ang pag-aangkat ng
mga produkto, pagwewelga, at pagtatatg ng union ng mga manggagawa ay mahigpit na ipinagbabawal ng estado.

PINAGHALONG EKONOMIYA

Isang sistemang pang-ekonomiya ang masasabing pinaghalo dahil sa pag-iral ng command at market na
ekonomiya. Ito ay tinatawag na sosyalismo.
Ito ay sistemang pang-ekonomiya kung saan ang estado ang humahawak at
SOSYALISMO komokontrol sa mga pangunahing industriya at ang mga mamamayan ay
pinapayagan na magmay-ari ng maliit na negosyo na maaring pakialaman ng
estado.
Ang pagmamay-ari ng yaman sa kolektibong paraan ay ginagawa sa sistemang ito. Hangarin nito
ang pagkakapantay-pantay ng tao sa lipunan. Ang estado ang nagdedesisyon kung anong produkto ang
makabubuti sa mamamayan. Ang pagkakaroon ng welfare state ay daan upang ang mga pangangailangan
ng lahat ng tao ay maibigay ng pamahalaan. Iniiwasan ng mga sosyalista na mangyari ang pang-aabuso at
pagsamantala sa mga tao, lalo na sa mga manggagawa na nagyayari sa kapitalismo. Ang lahat ng tao ay
binibigyan at tumatanggap ng pareparehong benepisyo.
Sa ilalim ng pinaghalong ekonomiya o mixed economy ay binabalanse ang pagkontrol at kalayaan
ng pamahalaan at mamamayan. Karamihan sa mga makabagong ekonomiya ngayon ay ipinatutupad ang
gampanin ng pamahalaan at pribadong sector. Binibigyang proteksyon ng pamahalaan ang pribadong
pagmamay-ari ng tao kaalinsabay ng pakikialam sa pamilihan upang matiyak na ang layuning pang-
ekonomiya ay matatamo.
Halimbawa: ang pagpapanatili ng kapayapaan ng bansa. Ang pamahalaan ang siyang nagtalaga ng mga
military at pulis upang magkaroon ng kapayapaan. Ang pamahalaan din ang nagpapagawa ng mga
kalsada para magamit ng lahat ng mamamayan. Sa puntong ito, makikita natin na ang mga bansa ay
tinatangkilik ng pinaghalong ekonomiya ang market at command economy upang ang pamilihan ay
mabilis na umunlad.

You might also like