You are on page 1of 18

GROUP 10 REPORTING

MEMBERS:
Gio Elma
Christian Gasendo
Andrea Nazario
Ashlaine Yguinto
Mga Paksa
• Samahang sibiko
• Globalisasyon
• Pagkilala sa mapananatiling kaunlaran
• Mapananatiling kaunlaran: Maikling Pinagmulan
• Mapananatiling Kaunlaran
Samahang Sibiko
• Ang mga samahang sibiko o mas kilala sa
pangkalahatang tawag na nongovernment
organizations (NGOs) ay nakatutulong sa
pagpapalawig ng globalisasyon sa pamamagitan ng
kanilang mga adhikain. Halimbawa, may mga
organisasyong nagpapalaganap ng adbokasiya sa
pangangalaga ng kalikasan sa iba’t ibang panig ng
mundo.
Globalisasyon
• Ang globalisasyon at isang kaganapan na may
pandaigdigang saklaw. Hinahamon nito ang bawat
bansa, lalo na ang mga mamamayan, na makiayon
sa mga panuntunan at gawain ng iba’t ibang bansa
upang makamit ang ugnayang pandaigdig. Ang
globalisasyon ang nagtutulak sa mga bansa na
magkaroon ng ugnayang pampolitika, pang-
ekonomiya, at kultural.
Pagkilala sa Mapananatiling Kaunlaran
• Ang kaisipan na mapananatiling kaunlaran o
sustainable development ay umusbong dahil sa
pangamba ng pagkaubos ng likas na yaman. Ito ay
tumatalakay sa tungkulin ng tao na tumugon sa
hamon ng kaunlaran nang hindi nalalagay sa
alanganin ang pangangailangan ng mga susunod na
henerasyon. Ang prinsipyong ito ay
nangangailangan ng pagtutulungan ng lahat ng
sektor.
Mapananatiling kaunlaran: Maikling
Pinagmulan
• Ang konsepto ng mapananatiling kaunlaran ay
nabuo sa pagtitipon ng mga bansa sa Brazil noong
1992 sa United Nations Conference on Environment
and Development. Sa naturang pagpupulong ay
nabuo ang konsepto ng sustainability para sa mundo
sa gitna ng pag-usbong ng kapitalismo, malalim na
ugnayan ng mga bansa sa aspektong politikal, at
kalakalan ng mga bansa sa bawat isa.
Konsepto ng Mapananatiling Kaunlaran
• Nagpapalaganap ng tatlong kabuluhan sa
pangangasiwa ng mga likas na yaman. Una ay ang
pag-iingat sa yaman bilang isang pangkalahatang
gawain at hindi lamang nakatuon sa maliliit na
komunidad.
Konsepto ng Mapananatiling Kaunlaran
• Ikalawa ay ang pagbabagong hatid nito sa bawat tao
at pamayanan. Ang tanging mithiin ng
mapananatiling kaunlaran ay mabago ang gawain ng
tao upang makatulong sa pag-iingat ng yaman.
Konsepto ng Mapananatiling Kaunlaran
• Ikatlo, Ang mapananatiling kaunlaran ay nakabatay
sa pagtutulungan ng mga bansa sa mundo hindi lang
ng mga tao at ng mga pamayanan.
Mapanatiling Kaunlaran
• Ang mapananatiling kaunlaran ay isang inisyatibo
na pinangungunahan ng estado. Ang estado ng mga
bansa ang nangunguna sa mga inisyatibong may
kinalaman sa kapaligiran, kaunlaran, at kapakanan
ng tao. May mga programang nakahanay tungkol sa
mapapanatiling kaunlaran na para sa mga
mayayamang bansa ayon sa UNDP SDG index
gaya ng mga bansa sa Europa, at maging sa mga
papaunlad na bansa sa Timog-Silangang Asya tulad
ng Malaysia, Pilipinas, at Indonesia.
Ang usapin ng mapananatiling kaunlaran ay hindi lamang
hamon sa lipunan kundi maging sa bawat mamayanan. Ito
ay hamon sa bawat isa na pangalagaan ang likas na yaman
upang ang henerasyon ng mga tao sa kasalukuyan ay
makinabang pati na ang mga susunod na henerasyon. Ang
bawat tao ay may tungkulin na gumawa at magpakita ng
pagkilos na mangangalaga o makatutulong sa pangangalaga
ng ating kapaligiran.
Bukod sa natatanging halaga ng gawain ng tao, ang mga
bansa ay may mahalagang obligasyon upang magsulong ng
mga programang makatutulong sa pagtataguyod ng
mapananatiling kaunlaran.
THAT’S ALL THANK YOU

You might also like