You are on page 1of 21

Modyul 1: Konsepto ng Palatandaan ng Pambansang Kaunlaran

Ang Pambansang Kaunlaran ay tumutukoy sa kakayahan ng isang bansa na masuportahan


ang lahat ng pangangailangan ng tao para sa matiwasay na pamumuhay at takbo ng ekonomiya ng
isang bansa. Ito rin ay nagsasabi kung ang isang lipunan ay nagampanan ang kabutihan para sa
panlipunang kapakanan tulad ng edukasyon, kalusugan, imprastraktura at iba pang serbisyong
panlipunan. Ito rin ay tumutukoy sa paggamit ng mga makabagong teknolohiya at kagamitan,
pangkalahatang pagbabagong pangkabuhayang gawain mula agrikultura patungo sa sektor ng
industriya.

KONSEPTO NG PAG-UNLAD
• Ang pag-unlad ay pagbabago mula sa mababa tungo sa mataas na antas ng pamumuhay.
(Merriam-Webster)
• Ang pag-unlad ay isang progresibong proseso ng pagpapabuti ng kondisyon ng tao, gaya ng
pagpapababa ng antas ng kahirapan, kawalan ng trabaho, kamangmangan, di-pagkakapantay-
pantay, at pananamantala. (Fajardo, 1994)
• Sa aklat ni Feliciano R. Fajardo na Economic Development (1994), malinaw niyang inilahad ang
pagkakaiba ng pagsulong at pag-unlad. Ayon sa kanya, ang pag-unlad ay isang progresibo at
aktibong proseso. Ang pagsulong ay ang bunga ng prosesong ito. Kung gayon, ang pagsulong
ay bunga ng pag-unlad. Halimbawa, ang makabagong pamamaraan ng pagtatanim ng palay ay
kinapapalooban ng isang proseso, at ito ang pag-unlad. Ang resulta nito ay mas maraming ani,
at ito ang pagsulong.
• Ayon kina Michael P. Todaro at Stephen C. Smith sa kanilang aklat na Economic Development
(2012); may dalawang magkaibang konsepto ng pag-unlad: ang tradisyonal na pananaw at
makabagong pananaw .
• Sa tradisyonal na pananaw, binigyang-diin ang pag-unlad bilang pagtatamo ng patuloy na
pagtaas ng antas ng income per capita (pagtaas ng kita) nang sa gayon ay mas mabilis na
maparami ng bansa ang kaniyang output kaysa sa bilis ng paglaki ng populasyon nito.
• Sa makabagong pananaw ng pag-unlad, isinasaad na ang pag-unlad ay dapat na kumatawan
sa malawakang pagbabago sa buong sistemang panlipunan. Dapat na ituon ang pansin sa iba’t
ibang pangangailangan at nagbabagong hangarin ng mga tao at grupo sa nasabing sistema
upang masiguro rin ang paglayo mula sa di-kaaya-ayang kondisyon ng pamumuhay tungo sa
kondisyon na mas kasiya-siya.
• Sa akdang “Development as Freedom” (2008) ni Amartya Sen, kanyang ipinaliwanag na ang
kaunlaran ay matatamo lamang kung mapauunlad ang yaman ng buhay ng mga tao kaysa sa
yaman ng ekonomiya nito. Upang matamo ito, mahalagang bigyang pansin ang pagtanggal sa
mga ugat ng kawalang kalayaan tulad ng kahirapan, diskriminasyon at hindi pagkakapantay-
pantay at ng iba pang salik na naglilimita sa kakayahan ng mga mamamayan.

Mga Palatandaan ng Pambansang Kaunlaran


1. Pagkakaroon ng pagsulong ng isang bansa.
2. Mga pagbabago sa lipunan gaya ng pagtatayo ng mga bagong istruktura.
3. Pag-unlad ng pamumuhay ng mga tao o ang pagbawas sa mga iskwater.
4. Hindi makikita ang pagkakaroon ng hindi pagkakapantay-pantay na antas ng pamumuhay ng mga
tao.
5. Mayroong kaayusang panlipunan ang isang bansa.
6. Mayroong kalayaan ang mga tao na makaahon sa kahirapan.
7. Mababa ang bilang ng mga krimen na nagaganap.

Mga Salik sa Pag-unlad at Pagsulong


1. Likas na Yaman -Malaki ang naitutulong ng mga likas na yaman sa pagsulong ng ekonomiya lalong-
lalo na ang mga yamang-lupa, tubig, kagubatan, at mineral. Subalit hindi kasiguraduhan ang mga likas
na yaman sa mabilis na pagsulong ng isang bansa.
2. Yamang-Tao - Isa ring mahalagang salik na tinitingnan sa pagsulong ng ekonomiya ang lakas-
paggawa. Mas maraming output ang nalilikha sa isang bansa kung maalam at may kakayahan ang
mga manggagawa nito.

3. Kapital - Sinasabing lubhang mahalaga ang kapital sa pagpapalago ng ekonomiya ng isang bansa.
Sa tulong ng mga kapital tulad ng mga makina sa mga pagawaan ay nakalilikha ng mas maraming
produkto at serbisyo.

4. Teknolohiya at Inobasyon- Sa pamamagitan ng mga salik na ito, nagagamit nang mas episyente
ang iba pang pinagkukunang –yaman upang mas maparami pa ang mga nalilikhang produkto at
serbisyo.

Human Development Index


Ginagamit ang Human Development Index o HDI bilang panukat sa antas ng pag-unlad ng isang
bansa. Ito ay tumutukoy sa pangkalahatang sukat ng kakayahan ng isang bansa na matugunan ang
mahahalagang aspekto ng kaunlarang pantao.

Sa pagsukat ng aspektong kalusugan, ginagamit na pananda ang haba ng buhay at


kapanganakan. Ipinahihiwatig dito ang bilang ng taon na inaasahang itatagal ng isang sanggol kung
ang mga umiiral na dahilan ng kamatayan sa panahon ng kapanganakan ay mananatili habang siya
ay nabubuhay. Sa aspekto ng edukasyon, ang mean years of schooling at expected years of schooling
ang ginagamit na pananda. Sa aspekto naman ng antas ng pamumuhay, gross national income per
capita ang gamit na pananda.
Mahalaga ang HDI upang mabigyang-diin ang mga pinakapangunahing pamantayan sa
pagsukat ng pag-unlad ng isang bansa. Ayon sa pinakaunang Human Development Report ng UNDP
noong 1990, ang mga tao ang tunay na kayamanan ng isang bansa. Ang pinakalayunin ng pag-unlad
ay ang makalikha ng kapaligiran na nagbibigay ng pagkakataon sa mga tao na magtamasa ng matagal,
malusog, at maayos na pamumuhay.

Karagdagang Palatandaan mula sa Human Development Report Office


1. Inequality-Adjusted HDI – ito ay ginagamit upang matukoy kung sa paanong paraan ipamamahagi
ang kita, kalusugan, at edukasyon sa mamamayan ng isang bansa.
2. Multidimentional Poverty Index – ginagamit ito upang tukuyin ang paulit-ulit na pagkakait sa mga
sambahayan at indibidwal ng kalusugan, edukasyon, at antas ng pamumuhay.
3. Gender Development Index –ito ay ang sumusukat sa puwang sa pagitan ng lalaki at babae.

Sama-Samang Pagkilos para sa Pambansang Kaunlaran

MAPANAGUTAN
1. Tamang pagbabayad ng buwis. Ang pagkakaroon ng kultura ng tamang pagbabayad ng buwis ay
makakatulong upang magkaroon ang pamahalaan ng sapat na halagang magagamit sa mga
serbisyong panlipunan tulad ng libreng edukasyon, murang programang pangkalusugan, at iba pa.

2. Makialam. Ang mali ay labanan, ang tama ay ipaglaban. Paglaban sa anomalya at korapsyon maliit
man o malaki sa lahat ng aspekto ng lipunan at pamamahala. Mahalagang itaguyod ng mga
mamamayan ang kultura ng pagiging tapat sa pribado at publikong buhay. Hindi katanggap-tanggap
ang pananahimik at pagsasawalang-kibo ng mamamayan sa mga maling nagaganap sa loob ng bahay,
sa komunidad, sa paaralan, pamahalaan, at sa trabaho.
MAABILIDAD
1. Bumuo o sumali sa kooperatiba- Ang pagiging kasapi ng kooperatiba ay isang paraan upang
magkaroon ng pagkakataon ang bawat isa na maging kasapi sa paglikha ng yaman ng bansa.

2. Pagnenegosyo- Hindi dapat manatiling manggagawa lamang ang Pilipino. Dapat nating sikapin na
maging negosyante upang tunay na kontrolado ng Pilipino ang kabuhayan ng bansa at hindi ng mga
dayuhan.

MAKABANSA
1. Pakikilahok sa pamamahala ng bansa- Ang aktibong pakikilahok sa pamamahala ng barangay,
gobyernong lokal, at pambansang pamahalaan upang maisulong ang mga adhikain at
pangangailangan ng mga Pilipino ay kailangang gawin ng bawat mamamayan upang umunlad ang
bansa.

2. Pagtangkilik sa mga produktong Pilipino- Ang yaman ng bansa ay nawawala tuwing tinatangkilik
natin ang dayuhang produkto. Dapat nating tangkilikin ang mga produktong Pilipino.

MAALAM
1. Tamang pagboto- Ugaliing pag-aralan ang mga programang pangkaunlaran ng mga kandidato bago
pumili ng iboboto. Dapat din nating suriin ang mga isyung pangkaunlaran ng ating bansa upang masuri
kung sinong kandidato ang may malalim na kabatiran sa mga ito.

2. Pagtutupad at pakikilahok sa mga proyektong pangkaunlaran sa komunidad- Maaaring manguna


ang mga mamamayan sa pagbuo at pagpapatupad ng mga proyektong magpapaunlad sa ating
komunidad.
Modyul 2: Sektor ng Agrikultura
Humigit kumulang sa 7,600 isla ang bumubuo sa Pilipinas. Dahil sa lawak at dami ng mga lupain,
napabilang ang Pilipinas sa bansang agrikultural dahil malaking bahagi nito ang ginagamit sa mga
gawaing pang-agrikultura.
Mahalagang bahagi ng ekonomiya ay nakadepende sa agrikultura. Sinasabing ito ang
nagtataguyod sa malaking bahagdan ng ekonomiya dahil ang lahat ng sektor ay umaasa sa agrikultura
upang matugunan ang pangangailangan sa pagkain at mga hilaw na sangkap na kailangan sa
produksiyon. Nahahati ang sektor ng agrikultura sa paghahalaman, paghahayupan, pangingisda at
paggugubat.

PAGHAHALAMAN
Maraming pangunahing pananim ang ating bansa tulad ng palay, mais, niyog, tubo, saging, pinya,
kape, mangga, tabako, at abaka. Ang mga pananim na ito ay karaniwang kinokonsumo sa loob at labas
ng bansa. Tinatayang umabot ang kabuuang kita ng sekondaryang sektor na ito sa Php797.731 bilyon
noong 2012. Ito ay nagmula sa mga produktong palay, mais, at iba pang pangunahing pananim ng
Pilipinas. Kasama rin dito ang mga produktong gulay.
PAGHAHAYUPAN
Ang paghahayupan naman ay binubuo ng pag-aalaga ng kalabaw, baka, kambing, baboy, manok, pato
at iba pa. Ang paghahayupan ay nakatutulong sa pagsuplay ng ating mga pangangailangan sa karne
at iba pang pagkain. Ang paghahayupan ay gawaing pangkabuhayang kinabibilangan ng ating mga
tagapag-alaga ng hayop. Mayroon ding mga pribadong korporasyon na nasa ganitong hanapbuhay.
PANGINGISDA
Itinuturing ang Pilipinas bilang isa sa mga pinakamalaking tagatustos ng isda sa buong mundo. Isa sa
pinakamalalaking daungan ng mga huling isda ay matatagpuan sa ating bansa. Samantala, ang
pangingisda ay nauuri sa tatlo - komersiyal, munisipal at aquaculture.
PAGGUGUBAT
Ang paggugubat ay isang pangunahing pang-ekonomikong gawain sa sektor ng agrikultura. Patuloy
na nililinang ang ating mga kagubatan bagamat tayo ay nahaharap sa suliranin ng pagkaubos ng mga
yaman nito.
Mahalaga itong pinagkukunan ng plywood, tabla, troso, at veneer. Bukod sa mga nabanggit na
produkto, pinagkakakitaan din ang rattan, nipa, anahaw, kawayan, pulot-pukyutan at dagta ng
almaciga.

KAHALAGAHAN NG AGRIKULTURA
Ang pag-unlad ng isang bansa ay nakabatay sa laki at taas ng kita ng mga sektor ng ekonomiya,
mahalagang pagtuunan ng pansin ng pamahalaan ang lahat ng sektor partikular ang agrikultura
sapagkat dito KARANIWANG nagmumula ang pagkain na tumutugon sa pangangailangan ng mga
mamamayan.
Ang agrikultura ay nararapat na bigyang pansin upang mapalakas at maging katuwang ng pamahalaan
sa pagkamit ng kaunlaran ayon sa sumusunod na kahalagahan:
● Pinagmumulan ng mga hilaw na materyal.
Ang sektor na ito ay nagsisilbing tagasuplay ng mga hilaw na materyal na kailangan ng industriya.
Mahalaga ang mga materyal na ito upang maisakatuparan ng sektor ng industriya ang kanyang
gampanin. Ang mga halimbawa ng mga hilaw na materyal ay troso, bulak, langis, mineral at marami
pang iba.
● Pangunahing pinagmumulan ng pagkain ng mga mamamayan
Pagkain ang pangunahing produktong tinatamasa natin mula sa sektor ng agrikultura, partikular na sa
subsektor ng pagsasaka, paghahayupan at pangingisda. Tunay na mahalaga ang mga ito sapagkat
maraming tao sa mundo ang umaasang matugunan ang pangangailangan sa pagkain. Ang mga
mahahalagang produkto na kabilang dito ay bigas, karne, gulay, gatas at marami pang iba.
● Nagkakaloob ng hanapbuhay
Nagkakaloob ng maraming trabaho ang agrikultura. Pangunahing pinagkukunan ng ikabubuhay ng
mga mamamayang Pilipino ang agrikultura sapagkat hindi ito gaanong nangangailangan ng malaking
kapital sa pagsasaka, lakas sa paggawa at karunungang teknikal. Ilan lamang ang pagtotroso,
pagsasaka, pangingisda at pag-aalaga ng hayop ang mga hanapbuhay na kaloob ng sektor ng
agrikultura.
● Pinanggagalingan ng dolyar.
Isang mahalagang pinagkukunan ng dolyar ng Pilipinas ay mula sa mga produktong agrikultural na
naibebenta sa pandaigdigang pamilihan. Makikita sa datos sa ibaba ang dolyar na pumasok sa
Pilipinas dahil sa pamamagitan ng panlabas na pakikipagkalakan. Ang graph sa ibaba ay ang mga
pangunahing produkto mula sa Pilipinas na naipadala sa ibang bansa.

MGA SULIRANIN NG AGRIKULTURA


1. Mababang presyo ng produktong agrikultural: Bunga na rin ng pagdagsa ng mga dayuhang
produkto, ang mga ani ng mga magsasaka at mangingisda ay mabibili lamang sa murang halaga. Kaya
naman hirap ang mga ito na magkaroon ng malaking tubo na kailangan sa pagtugon sa kanilang
pangangailangan.

2. Kakulangan ng sapat na imprastraktura at puhunan: Isa sa mga dahilan ng mabagal na pag-


unlad ng agrikultura ay ang kakulangan sa imprastraktura at puhunan. Maraming produktong
agrikultura ang hindi napakikinabangan dahil nasisira, nabubulok at nalalanta tulad ng gulay at prutas
dahil sa kawalan ng pag-iimbakan at maayos na transportasyon.

3. Kakulangan sa makabagong kagamitan at teknolohiya: Ang mga magsasaka ay patuloy na


gumagamit ng mga lumang kagamitan sa pagsasaka, tulad ng araro at kalabaw na nagiging dahilan
ng mabagal na produksiyon. Dahil sa kakulangan sa edukasyon, napakahirap ituro sa mga magsasaka
ang paggamit ng mga makabagong teknolohiya at makinarya.

4. Paglaganap ng sakit at peste: Maraming hayop ang namamatay at hindi napakikinabangan bunga
ng pagkakasakit at pagkapeste na dulot ng mga virus at bakterya na namiminsala sa mga hayop at
halaman.

5. Pagdagsa ng mga dayuhang produkto: Ang globalisasyon at liberalisasyon ang mga dahilan ng
pagdagsa ng mga dayuhang produkto sa ating pamilihan, kung kaya nagkakaroon ng kakompetensya
ang ating mga lokal na produkto.

Mga Patakarang Pang-ekonomiya na nakatutulong sa Sektor ng Agrikultura

PAGTATANIM/ PAGSASAKA
• Republic Act 1400 o Land Reform Act of 1955: Sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Ramon
Magsaysay naisabatas ang repormang ito. Inatasan ng batas ang Land Tenure Administration
na bumili ng mga pribadong lupang sakahan upang maibenta sa mga nananakahan dito.
• ● Republic Act 3844 o Agricultural Land Reform Code: Sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong
Diosdado Macapagal, pinalawig nito ang batas sa reporma sa lupa. Ang bagong patakarang ito
ay naglalayong tuluyang matanggal ang sistema ng pananakahan. Isinabatas ang pagbili ng
pamahalaan ng mga pribadong lupaing pansakahan upang ilipat ang pagmamay-ari nito sa mga
magsasakang umookupa rito sa pamamagitan ng mahabang installment plan.
• ● Code of Agrarian Reform o Presidential Decree 2: Binuo naman ni Pangulong Ferdinand
Marcos ang Department of Agrarian Reform sa pamamagitan ng Decree na ito. Inatasan ng
batas na ito na ang bawat magsasakang nangungupahan sa mga pribadong sakahan ng bigas
at mais ay dapat magkaroon ng limang ektaryang parte sa lupang kanilang sinasaka.
• ● Republic Act 6657 o Comprehensive Agrarian Reform Law: Ang pinalawak na agrarian
reform ay isinabatas sa panahon ni Pangulong Corazon Aquino. Ang batas ay nag-uutos na
ipamahagi ang lahat ng pampubliko at malalaking pribadong sakahan sa mga magsasakang
walang sariling sakahan.
• ● Philippine Development Plan 2011-2016: Ang development plan na ito ay naglalaman ng
balangkas ng estratehiya ng pamahalaan para sa paglago ng iba’t ibang bahagi ng ekonomiya,
ito ay nabuo sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Noynoy Aquino. Isa na rito ang estratehiya
para sa agrikultura. Nakapaloob sa PDP 2011-2016 ang ilang pangunahing tunguhin para sa
sektor ng agrikultura: 1) Pinagbuting seguridad sa pagkain at pinataas na kita ng
manggagawang nasa sektor, 2) pinaigting na kakayahang malabanan ang masasamang epekto
ng mga sakuna at 3) pinahusay na pamamalakad sa mga programa at pamumuno sa mga
tanggapan ng pamahalaan.

PANGINGISDA
• Pagtatayo ng Daungan Upang higit na mapadali ang pagdadala sa mga huling isda sa
pamilihan o tahanan, nagsisilbing sentro o bagsakan ng mga ito ang mga daungan. Dahil dito,
nagiging mas madali para sa mga mamamayang maabot ang mga produkto mula sa mga ito.
• Philippine Fisheries Code of 1998. Ito ang itinadhana ng pamahalaan na naglilimita at
naglalayon ng wastong paggamit sa yamang pangisdaan ng Pilipinas.
• Fishery research. Ang pananaliksik at pagtingin sa potensiyal ng teknolohiya tulad ng
aquaculture marine resources development, at post-harvest technology ay patuloy na ginagawa
upang masiguro ang pagpaparami at pagpapayaman sa mga yamang-tubig.

PAGGUGUBAT
• Community Livelihood Assistance Program (CLASP) – paglilipat teknolohiya o pagtuturo sa
mga mamamayan ng wastong paglinang sa mga likas na yaman ng bansa. Halimbawa, ang
mangrove farming sa Bohol, plantasyon ng kawayan sa La Union, at plantasyon ng mga
halamang medisinal sa Penablanca, Cagayan.
• National Integrated Protected Areas System (NIPAS) – ito ay programa na ang pangunahing
layunin ay maingatan at protektahan ang kagubatan. Ito ay paraan upang mailigtas ang mga
hayop at pananim dito.
• Sustainable Forest Management Strategy – ito ay pamaraan upang matakdaan ang
permanente at sukat ng kagubatan. Ito ay estratehiya ng pamahalaan upang maiwasan ang
suliranin ng squatting, huwad at ilegal na pagpapatitulo ng lupa at pagpapalit ng gamit sa lupa.
Modyul 3: Sektor ng Industriya

Ayon kay Norio Usui ng Asian Development Bank (ADB), ang Pilipinas ay may malusog na sektor ng
paglilingkod ng sandigan ng ating ekonomiya, subalit, kailangan ng bansa na magkaroon ng ganoon
ding kalakas na sektor ng industriya upang makapagbukas ng ms maraming pagkakataon na
makahanap ng trabaho ang mga mamamayan. Ito ay isang pagpapatunay na ang sektor ng industriya
ay isang mahalagang bahagi upang matamo ang kaunlaran. Pangunahing layunin nito ay maiproseso
ang mga hilaw na material o sangkap na material upang makabuo ng mga produktong ginagamit ng
tao. Karaniwang nagmumula sa agrikultura ang mga hilaw na material upang mabuo ang mga
produktong maaaring ipagbili sa mga mamimili o gamitin bilang bahagi ng isang produkto tulad ng
tornilyo sa kotse.

Ang sektor ng industriya ay nahahati sa sumusunod na sekondaryang sektor:

Kahalagahan ng Sektor ng Industriya


Malaki ang paghahangad ng maraming bansa na matamo ang kaunlaran. Karaniwang iniuugnay
ang industriyalisasyon sa kaunlaran ng isang bansa. Ito ay alinsunod sa modernization theory ni Walt
Rostow batay sa artikulo ni Peter Kasanda na nagsaad na ang kaunlaran ay matatamo kung susundan
ang mga dinaraanang na proseso ng mga mauunlad na bansa.
May kakulangan kahulugan ang konsepto ng industriyalisasyon. “Hindi lamang ito
nangangahulugan ng paggamit ng mga makinarya at pag – unlad ng mga industriya, tinutukoy nito ang
pagbabagong teknolohikal na sinasabayan ng mga pagbabagong pangkultura, panlipunan, at
pansikolohiya. Nagpapakita ito ng pagtanggap ng isang kaayusang teknolohikal sa halip na panatilihin
ang isang kaayusang tradisyonal. Pinakatiyak na katibayan ng industriyalisasyon ang pag – ikot ng
industriyal na pagawaan. Masasabing may kaunlarang pang industriya kung lubos na napakilos ang
lahat ng mga pabrika at may mataas na bahagdan ng mga taong kabilang sa lakas – paggawa.”

Kahinaan ng Sektor ng Industriya

Policy Inconsistency
• Ang kahinaan ng pamahalaan na magkaroon ng mga polisiyang susuporta sa pagpapalakas ng
industriya.
• Ang isa sa mga dahilan sa pagkawala at pag – iwas ng mga mamumuhunan sa bansa.

Inadequate Investment
• Mas madali sa isang bansa na magbago ng negosyo at magpokus sa mga produktong may
mataas na demand.
• Dahil sa mababang antas ng pamumuhunan sa pilipinas naging mahirap para sa mga
negosyante na mapalakas ang teknolohiya o magbago ng mga produktong ginagawa.

Macroeconomic Volatility and Political Instability


• Ang kahinaan ng mga elemento ng makroekonomiks at ang kaguluhang political sa bansa sa
iba’t ibang panahon ay nagtulak sa mga lokal at dayuhang mamumuhunan na huwag
magnegosyo sa bansa.

Epekto ng Industriyalisasyon
Ayon sa mga ekonomistang tulad nina Adam Smith (1776), Marx, Engels (1848), at John
Wiiliamson (1990), ang kaugnayan ng industriyalisasyon sa kaunlaran ay ang patuloy na motibasyon
sa maraming bansa na mapataas ang produksiyon ng sektor ng ekonomiya. Sa kabila ng mga
benepisyo na dala ng industriyalisasyon sa buhay ng mga mamamayan, marapat na makita rin ang
epekto nito.
• Ang industriyalisasyon ay nakapagdudulot ng mataas na antas ng polusyon, hindi
pagkakapantay ngkalagayang pang – ekonomiko, at ang pagbaba ng pagkakaisa sa mga
miyembro ng komunidad dahil sa paglakas ng kumpetisyon.
• Ang polusyon at pagkasira ng kapaligiran ay masyadong mabilis dulot ng industriyalisasyon.
• Ang industriyalisasyon ay maari ding maging dahilan upang bumaba ang bilang ng mga mag –
aaral sa paaralan dahil nahihikayat silang magtrabaho sa halip na tapusin ang kanilang pag –
aaral.

Inaasahang maging mapanuri at matalino ang pamahalaan na may responsibilidad na


pangalagaan ang limitadong likas na yaman ng bansa upang masiguro na maiingatan ang mga ito.
Gayundin naman, dapat na maikintal sa mga mamamayan na ang bawat isa ay katuwang ng
pamahalaan sa pagtataguyod at pag – iingat ng ating yamang likas dahil kapag napabayaan, maaaring
wala nang magamit pa ang susunod na henerasyon ng Pilipino.

Ugnayan ng Sektor ng Agrikultura at Industriya


Maliwanag ang kalagayan at kontribusyon ng sektor ng industriya sa kabuuang kita ng Pilipinas.
Kabahagi ito sa pagtatamo ng maayos na ekonomiya ng bansa. Ang ugnayan at interaksyon ng mga
sektor ay mahalagang aspekto upang makamit ang ninanais na katatagan ng pamahalaan.
Sa aspekto ng pag – uugnayan, ang sektor ng industriya at agrikultura ay may direktang
pakinabang sa bawat isa. Sa isang banda, nagmumula sa agrikultura ang mga hilaw na sangkap na
ginagamit sa pagbuo ng mga produkto ng industriya. Ang mga sangkap na ito ay nagkakaroon ng
transpormasyon, nagdadagdagan ng halaga, at nag – iiba ng anyo ayon sa magiging gamit at
pakinabang ditto. Ang dinadaanang proseso ay nangangahulugan ng maraming pangangailangan
tulad ng lakas – paggawa, iba’t ibang sangkap sa produksiyon at iba pa.
Sa kabilang banda, ang mga kagamitang ginagamit sa agrikultura tulad ng traktora, sasakyang
pangisda, at iba pa ay produktong mula sa industriya. Ginagamit ang mga ito upang magkaroon ng
mas mataas na produksiyon na magbibigay ng mas malaking kita sa namumuhunan at mas maraming
produkto para sa mga mamimili. Nagpapakita ang ugnayang ito ng lubos na pagtutulungan sa mga
sektor ng ekonomiya.
Hindi matatawaran ang malaking naiambag at patuloy na maitutulong ng agrikultura sa kabang
– yaman ng bansa. Higit sa lahat, ito ang pangunahing pinagmumulan ng ma pagkaing tumutugon sa
pangangailangan ng tao. Marami ang lakas – paggawa na pumapasok sa sektor ng industriya at
agrikultura. Sa katunayan, matatagpuan sa agrikultura ang malaking bahagdan ng mga manggagawa.
Samantala, ang sektor ng industriya ay nakapagdudulot ng napakalaking kontribusyon sa
ekonomiya. Sa bawat litro ng pintura na magagawa, nangangailangan ito ng maraming kemika na
sangkap sa paggawa, lalagyang lata o plastic, tatak at iba pang impormasyong nakasulat ditto, mga
sasakyan na maghahatid sa pamilihan,kagamitan na maghahalo, mag – filter, mag – store sa produkto.
Maliban pa ditto, mangangailangan din ng koryente at tubig upang mabuo ang mga ito. Gagamit ng
mga serbisyong pinansiyal, marketing, sales, at istratehiya upang masigurong maibebenta ang mga
produkto. Dahil ditto, kung magiging malusog ang kapaligiran na akma sa pagnenegosyo, ang sektor
ng industriya ay maaaring maging tagapagandar ng ekonomiya (Batungbakal, 2011) na magbibigay ng
maraming hanapbuhay para sa mga Pilipino.
Ang pagmamanupaktura halimbawa ay hindi maaring mawala dahil ito ang pangunahin sa
sekondaryang sektor. Ito ang sektorna nagpoproseso ng mga hilaw na produkto. Ang mga nabubuong
produkto ay karaniwang ginagamit sa araw – araw na pamumuhay ng mga tao. Ang krisis sa
pagpapautang at ang pandaigdigang krisis pinansiyal na naganap mula 2008 – 2012 ay nagpakita sa
kahinaan ng industriya ng paglilingkod at dahil ditto, nangangailangang makagawa ng may kalidad na
hanapbuhay sa sektor ng industriya.
Upang makabangon mula sa malawakang epekto ng mga krisis pang ekonomiya, ang
sekondaryang sektor ang nagtutulak na magkaroon ng mag inobasyon. Halimbawa, hindi ng imbento
ng MP3 player ang kompanya ng Apple, sila ay gumawa ng isang produktong mas simple at madaling
gamitin na tinawag nilang iPod (Batungbakal, 2011). Sa tulong ng teknolohiya, ang produkto ay
napagbubuti para sa higit na kapakinabangan ng buong bansa. Nabanggit sa batayang aklat nina
Balitao et al (2012), na sa pamamagitan ng sektor na ito, higit na nagiging mahusay ang teknolohiya
at nakakabuo ng mga kagamitan at makinang nakatutulong nang malaki sa agrikultura. Ginagamit
nilang halimbawa ang traktora, mga makabagong pestisidyo, at iba pa.
Samantala, malaking tulong din sa agrikultura ang pagsasaayos ng mga impraestruktura tuad
ng mga daan, tulay, riles, daungan, paliparan, at imbakan ng mga produkto. Ito ay pagsisigurong
makararating sa tamang panahon at pakikinabangan ng mga mamamayan ang kalakal mula sa sektor
ng agrikultura. Ang mga produktong madaling masira ay naiingatan at napahaba ang buhay dahil na
rin sa mga imbakang ginagawa.
Sinasalo ng sektor ng industriya ang mga mamamayang iniwan ang gawaing pang – agrikultura
dahil sa iba’t ibang kadahilanan.
Maaring ang dahilan ay ayon sa mga sumusunod:
 Nakikipagsapalaran sila sa kalunsuran o sa lokasyon na may sonang industriyal upang
maging mga mangagawa sa mga pabrika;AGRIKULTURA INDUSTRIYA
 Unti – unting nauubos ang mga lupaing tinatamnan dahil ginagamit bilang residensyal,
industriyal, o panturismo. Dahil ditto, limitado na ang mapagkakakitaan ng mga
mamamayang nabibilang dito;
 Malawakang pagpalit – gamit ng lupa o mula lupang agricultural patungong residensiyal;
 Usaping pangkapayapaan;
 Laganap na pangangamkam ng lupa (land grabbing);
 Mababang kita sa sektor ng agrikultura;
 Mataas na gastusin sa sektor ng agrikultura;
 Paglisan sa lupang sakahan bunga ng natural na kalamidad;
 Kombinasyon ng mga nabanggit.

Mga Patakarang at Program Pang-ekonomiya na nakatutulong sa Sektor ng Industriya

Philippine Development Plan a. Mas maayos at akmang kondisyon sa pagnenegosyo


2011-2016 b. Mataas na produktibidad at maayos na paggawa
c. Mas mabuting kalagayan para sa mga mamimili
Pagsusog sa Executive Order Upang mapalakas ang pagtataguyod sa pamumuhunan at
(EO) no. 226 o Omnibus paglinang ng mga bagong industriya ng BOARD OF
Investment Code of 1987 INVESTMENT (BOI)
Pagpapatibay sa anti-trust/ upang malabanan ang mga gawaing hindi patas sa kalakalan,
competition law maiwasan ang kartel at monopolyo at maparusahan ang mga
opisyal ng mga kompanyang hindi sumusunod sa patas na
pagnenegosyo
Pagsusog sa Tariff and Customs Suporta sa patas na pakikipagkalakalan at mapigilan ang
Code of the Philippines patuloy na paglaganap ng smuggling sa bansa
Pagsusog sa LOCAL upang masiguro na ang kapaligiran sa bansa ay magiging
GOVERNEMENT CODE kaaya aya sa pagnenegosyo.
Reporma sa Buwis bilang Layunin nito na mahikayat ang mga pribadong sektor na
insentibo sa mga pribading magkaroon ng inobasyo n at pagtutulungan upang mapabuti
sektor at mapalakas ng R and D para sa kapakinabangan ng lahat
Pasusog sa Intellectual Property Proteksiyon sa mga negosyante na ang produkto ay mga
Code sariling likha
Pagsusog sa Barangay Micro Bilang suporta sa pagpapalawig at pagpapalakas sa maliit na
Business Enterprises Act negosyo na katuwang ng pamahalaan sa pagbibigay ng
trabaho
Modyul 4: Sektor ng Paglilingkod

Sinasabing ang kaunlarang pang-ekonomiya ay nasasalamin sa paglawak at pag-unlad ng


kakayahan ng mga kasapi sa lipunan na lumilikha ng iba’t ibang kalakal at paglilingkod na tumutugon
sa pangangailangan ng tao. Ang pagdami ng kalakal at paglilingkod sa lipunan ay hudyat na ang mga
tao ay makalilikha ng produktong hindi lamang para sa pangkasalukuyang gamit bagkus ay para na rin
sa hinaharap. Kaalinsabay ng kaunlarang pang-ekonomiya ay ang karagdagang pangangailangan
para sa mga taong bumubuo sa sektor ng paglilingkod.
• Ito ang sektor na nagbibigay paglilingkod sa transportasyon, komunikasyon, media,
pangangalakal, pananalapi, paglilingkod mula sa pamahalaan at turismo.
• Gumagabay sa buong yugto ng produksiyon,distribusyon,kalakalan at pagkonsumo sa loob o
labas ng bansa.
• Nagbibigay serbisyo sa mga mamamayan
• Kilala rin ito bilang tersaya o ikatlong sektor ng ekonomiya matapos ang agrikultura at industriya
Ang ekonomiya ng isang bansa ay hindi lamang mga produkto tulad ng mga damit, kasangkapan,
gamot at pagkain ang pinagkakagastusan at kinukunsumo ng mga mamamayan bukod sa mga
agrikultural at industriyal ay mayroon din itong ibang pangangailangan. Binubuo ang sektor ng
paglilingkod ng sub-sektor sa pananalapi, insurance, komersiyo, real estate, kalakalang pakyawan at
pagtitingi, transportasyon, pag-iimbak komunikasyon at iba pa. Ang lahat ng ito ay may mahalagang
papel na ginagampanan sa kabuuang ekonomiya ng ating bansa. Sa GDP ng Pilipinas ay may
malaking naiambag ang sektor ng paglilingkod at kapansin-pansin din ang patuloy na pagtaas ng
porsiyento ng paglago ng sektor ng paglilingkod.
Ang naging kilala o tanyag ngayon ay ang paglakas ng business process outsourcing lalo na ang
call center na nakakatulong sa ekonomiya lalong- lalo na sa mga Pilipino dahil ito ay nagbibigay ng
trabaho. Sa kabuuan ang sekor ng paglilingkod ay nagbibigay serbisyo sa halip na bumuo ng produkto.

Ang Pormal na Industriyang Bumubuo sa Sektor ng Paglilingkod


1. TRANSPORTASYON, KOMUNIKASYON AT MGA IMBAKAN
Ito ay binubuo ng mga paglilingkod na nagmumula sa pagbibigay ng pampublikong sakayan
mga paglilingkod ng telepono, at mga pinaupahang bodega.
2. KALAKALAN
Ito ay mga gawaing may kaugnayan sa pagpapalitan ng iba’t ibang produkto at paglilingkod.
3. PANANALAPI
Kalakip dito ang mga paglilingkod na ibinibigay ng iba’t ibang institusyong pampinansiyal tulad
ng mga bangko, bahay-sanglaan, remittance agency, foreign exchange dealers at iba pa.
4. PAUPAHANG BAHAY AT REAL ESTATE
Ito ay mga paupahan tulad ng mga apartment, mga developer ng subdivision, town house at
condominium.
5. PAGLILINGKOD NG PAMPRIBADO
Kabilang dito ang lahat ng paglilingkod na nagmumula sa pampribadong sektor.
6. PAGLILINGKOD NG PAMPUBLIKO
Kabilang dito ang lahat ng paglilingkod na nagmumula sa pampubliko.

Kahalagahan ng Sektor ng Paglilingkod


• Tinitiyak na makakarating sa mga mamimili ang mga produkto mula sa mga sakahan o
pagawaan.
• Tinitiyak ang maayos na pag-iimbak, nagtitinda ng kalakal at iba pa.
• Nagpapataas ng GDP ng bansa.
• Nagpapasok ng dolyar sa bansa
Mga Ahensiyang Tumutulong sa Sektor ng Paglilingkod

BATAS NA NANGANGALAGA SA MGA KARAPATAN NG MANGGAGAWA


ARTIKULO XIII –KATARUNGANG PANLIPUNAN AT MGA KARAPATANG PANTAO PAGGAWA
SEKSYON 3. Ang estado ay dapat na magkaloob ng lubusang proteksyon sa paggawa, sa
lokal at sa ibayong dagat, organisado at di organisado at nararapat na magtaguyod ng puspusang
employment at pantay na mga oportunidad sa trabaho para sa lahat.
• Nararapat lamang na bigyan ng karapatan ang lahat ng mga manggagawa sa pamamagitan ng
pagtatag ng sariling organisasyon, sama-samang pakikipagkasundo at negosasyon, mapayapa
at magkaugnay na kilos.
• Dapat din silang lumahok sa mga proseso ng pagbabalangkas ng patakaran at desisyon na may
kaugnayan sa kanilang karapatan at benepisyo na naayon sa isinsaad ng batas.
• Dapat itaguyod ng estado ang prinsipyong hatiang pananagutan ng mga manggagawa at mga
employer at ang preperensiyal na paggamit ng boluntaryong mga pamamaraan.
• Dapat regulahin ng estado ang ugnayan ng mga mangagawa at mga employer.

Taong 2014 ay naglabas ang Buraeu of Working Conditions ng Department of Labor and
Employment ng handbook ukol sa benepisyo ng mga manggagawa ayon sa batas ito ang magsisilbing
gabay at makapagbibigay ng dagdag kaalaman tungkol sa mga umiiral na batas sa larangan ng
paggawa.

BATAS DISKRIPSYON
Republic Act No. 6727 (Wage • Minimum na pasahod sa mga
Rationalization Act) manggagawa
Artikulo 94- Holiday Pay • Dagdag na bayad tuwing pista opisyal

Artikulo 91-93-Premium Pay • Dagdag na bayad tuwing araw ng


pahingan o special day
Artikulo 87- Overtime Pay • Dagdag na bayad para trabaho ng
lampas sa walong oras
Artikulo 86- Night Differential Pay • Dagdag na bayad sa pagtatarabaho sa
gabi
Artikulo 96- Service Charges • Kabayaran sa serbisyo sa mga
manggagawa sa mga establisimyento
tulad ng hotel at restaurant
Artikulo 95- Service Incentive Leave • Leave with pay (5 days)

Maternity Leave (RA 1161) • Pagbibigay ng 60-78 na araw na


bakasyon sa nagdadalang-taong
manggagawa.
Paternity Leave (RA 8187) • 7 araw na bakasyon sa empleyadong
lalaki
Parental Leave (Solo Parent) RA 8972 • Pagbibigay ng karapatan magbakasyon
ang isang magulang
Leave sa biktima ng Pang-aabuso sa • Pagbibigay ng karapatang
kababaihan at bata (RA 9262 VAWC) magbakasyon sa mga biktima ng
VAWC
Benepisyo sa Pag-IBIG (RA 9679) • Home Development Mutual Fund

Special Leave sa Kababaihan (RA • Leave para sa mga kababaihan ng


9710) gynecological disorder
Thirteenth Month Pay (PD 851) • Insentibong kabayaran sa mga
manggagawa
Separation Pay (Artikulo 297-298) • Bayad sa paghihiwalay sa trabaho

Retirement Pay (Artikulo 3015) • Bayad sa Retiro

Benepisyo sa PHILHEALTH (RA 9241) • Health Insurance Program

Benepisyo sa SSS (RA 8282) • Kaseguruhan ng mga manggagawa sa


pribado sektor

Samantala, isa sa mga pinakamabigat na suliranin ng mga mangagagwang Pilipino sa sektor


na ito ay ang lumalalang kontraktuwalisasyon sa paghahanapbuhay. Ito ay isang patakaran na kung
saan ang isang manggagawa ay nakatali sa kontrata na mayroon siyang trabaho sa loob ng 5 buwan
lamang. Nagbunsod ito ng kawalan ng seguridad sa trabaho at pagkait sa mga benepisyo. Ito ay dulot
na rin ng pabago-bagong polisiya ng pamahalaan ukol sa paggawa, pagpayag sa mga kompanya na
gamitin ito bilang iskema sa pagtanggap ng mga empleyado at pag-abuso sa probisyon ng “Labor-only
Contracting” na pinagtibay sa Artikulo 106 ng Atas ng Pangulo Blg. 442 o kodigo sa Paggawa.

Ayon naman sa International Labor Organization (ILO) ang pinakamahalagang karapatan ng


manggagawa maliban sa mga nabanggit sa itaas ay ang sumusunod:
Una: ang mga manggagawa ay may karapatang sumali sa mga union na Malaya mula sa
paghihimasok ng pamahalaan at tagapangasiwa
Ikalawa: ang mga manggagawa ay may karapatang makipagkasundo bilang bahagi ng ng grupo
sa halip na mag-isa.
Ikatlo : bawal ang lahat ng mga anyo ng sapilitang trabaho, lalo na ang mapang-aliping trabaho at
trabahong pangkulungan. Dagdag pa rito, bawal ang trabaho bunga ng pamimilit o “duress.
Ikaapat: bawal ang mabibigat na anyo ng trabahong pangkabataan. Samakatuwid mayroong
minimong edad at mga kalagayang pangtrabaho para sa kabataan.
Ikalima: bawal ang lahat ng mga anyo ng diskriminasyon sa trabaho: pantay na suweldo para sa
parehong trabaho.
Ikaanim: ang mga kalagayan ng pagtatrabaho ay dapat walang panganib at ligtas sa mga
manggagawa. Pati kapaligiran at oras ng pagtatrabaho ay dapat walang panganib at ligtas.
Ikapito: karapat- dapat at sapat ang suweldo ng mga manggagawa para sa mga makataong
pamumuhay.
Modyul 5: Ang Impormal na Sektor: Mga Dahilan at Epekto ng Ekonomiya
Sa Inilahad na economic development model ni W. Arthur Lewis sinasabing nagmula ang
paggamit ng konsepto ng impormal na sektor. Inilarawan niya ito bilang uri ng hanapbuhay na kabilang
sa mga bansang papaunlad pa lamang (developing countries). Sa mga bansang papaunlad pa lamang
ay mataas ang bilang ng mga manggagawa sa impormal na sektor kung ihahambing sa ibang sektor.
Sa kontinente ng Aprika ay tinatayang 70% ang kabilang sa sektor na ito, 60% sa Latin Amerika, at
59% sa Asya. Sa kabuuan 30 hanggang 40% ng paggawa sa mundo ay maibibilang sa sektor na ito
(Becker, 2004).
Partikular sa mga ito ang uri ng trabahong hindi bahagi ng makabagong sektor ng industriya.
Ayon sa ILO o International Labor Organization ang Impormal na sektor ay nagtataglay ng malawak
na katangian. Ito ay binubuo ng mga yunit na nagsasagawa ng pagbuo ng produkto at serbisyo na may
layuning makalikha ng empleyo o trabaho at magdulot ng mababang antas ng organisasyon. Ito ay
mga hanapbuhay na nasa labas ng regular na industriya o ng itinakda ng batas
Ang mga gawain sa impormal na sektor ay naisasagawa dulot ng mababang antas ng
organisasyon. Ang mga kasapi sa pagsasagawa ng mga gawain sa produksiyon sa ilalim nito ay
kadalasang mga kamag-anak o malalapit na kaibigan. Ito ay walang pormal na pagsunod sa mga
patakarang itinakda ng pamahalaan.
Kaugnay nito, noong Abril 2008, nagsagawa ang National Statistics Office ng Informal Sector
Survey. Ito ang kauna-unahang pambansang sarbey tungkol sa impormal na sector sa Pilipinas.
Bagamat hindi pa pinal, ayon sa National Economic Development Authority (NEDA) ay maituturing na
WIS (Workers in Informal Sector) ang mga hanapbuhay na may katangian na nasa labas sa mga
itinatakda ng pamahalaan, ito ay nakapaloob sa Philippine Development Plan of 2017-2022. Lumabas
na mayroong halos 10.5 milyong tao ang kabilang sa impormal na sektor. Ang tinatawag na self-
employed ay humigit- kumulang 9.1 milyong katao at ang mga employers ay nasa 1.3 milyong katao.
Ayon sa papel ni Cleofe S. Pastrana, isang kawani ng National Economic and Development
Authority (NEDA) na ang impormal na sektor ay nakatutulong sapagkat nakapagbibigay ito ng empleyo
o trabaho sa mga mamamayan. Ito ay nagdudulot ng pagkakalikha ng mga produkto at serbisyong
tutugon sa ating mga pangangailangan. Sa kasalukuyan ayon sa datos ng PSA ay mahigit 10 milyong
Pilipino ang nasa sektor na ito.
Ayon naman sa IBON Foundation, isang non-government organization (NGO), na
nagsasaliksik tungkol sa mga usaping sosyal, political, at ekonomiko ng bansa, ang impormal na sektor
ay paraan ng mga mamamayan lalo na ang kabilang sa tinatawag na “isang kahig, isang tuka” upang
magkaroon ng kabuhayan lalo na sa tuwing panahon ng pangangailangan at kagipitan. Inilalarawan
din nito ang pag-iral ng kawalan ng hanapbuhay at ang kahirapan ang siyang nagtutulak sa tao na
pumasok sa ganitong uri ng sitwasyon.
Ayon sa artikulo ni Cielito Habitosa Philippine Daily Inquirer (PDI) noong Enero 21, 2013, ang
kaniyang sinabi na ang tinatayang kabuuang bahagdan ng impormal na sector sa GDP ay 40%.
Tinatawag niya rin ang impormal na sector bilang underground economy o hidden economy.

Dahilan Bakit Pumasok ang mga Mamamayan sa Impormal na Sektor


● Makaligtas sa pagbabayad ng buwis sa pamahalaan
● Makaiwas sa masyadong mahaba at masalimuot na proseso ng pakikipagtransaksyon sa
pamahalaan o tinatawag na bureaucratic red tape
● Kawalan ng regulasyon sa pamahalaan
● Mapangibabawan ang matinding kahirapan

Epekto ng Pagkakaroon Ng Impormal na Sektor


● Pagbaba ng halaga ng nalikom na buwis- Ito ay nangangahulugan ng malaking pagbawas sa
kabuuang koleksiyon o maaring kitain ng pamahalaan sa pangongolekta ng buwis.
● Banta sa kapakanan ng mga mamimili - Maaring ang mga produkto o serbisyo ay hindi pasado sa
quality control standards ayon sa itinakda ng Consumer Act of the Philippines (RA 7394) kung kaya’t
ang mamimiling tumatangkilik dito ay maaring mapahamak, maabuso o mapagsamantalahan.
● Paglaganap ng mga illegal na gawain- Dahil sa kagustuhan na kumita nang mabilisan, ang mga tao
ay nauudyok na pumasok sa impormal na sektor na kung minsan ay mga gawaing illegal o labag sa
batas.

Mga Batas, Programa, at Patakarang Pang- Ekonomiya Kaugnay sa Impormal na Sektor

1. REPUBLIC ACT 8425


Ang batas na ito ay kilala din bilang Social Reform and Poverty Allevation Act of 1997. Ito ay
nilagdaan noong Disyembre 11, 1997. Isinusulong ng batas na ito ang tinatawag na Social Reform
Agenda na naglalayong iahon sa kahirapan ang mga Pilipinong kabilang sa impormal na sektor. Upang
maisakatuparan ang mga probisyon ng batas na ito ay itinatag ang National Anti-Poverty Commission.

2. REPUBLIC ACT 9710


Ang batas na ito ay nilagdaan noong Agosto 14, 2009 at kinilala bilang Magna Carta of Women.
Ito ay isinabatas bilang pandaigdigang pakikiisa ng ating bansa para sa layunin ng United Nations on
the Elimination of all Forms of Discrimination Against Women. Inaalis ang lahat ng uri ng diskriminasyon
laban sa kababaihan, kinikilala at pinangangalagaan ang kanilang karapatang sibil, political, at pang-
ekonomiya.

3. PRESIDENTIAL DECREE 422


Kilala bilang Philippine Labor Code na naisabatas noong Mayo 1, 1974.Itinuturing ito bilang
pangunahing batas ng bansa para sa mga manggagawa.

4. REPUBLIC ACT OF 7796


Ito ay ang Technical Education and Skills Development Act of 1994 na nilagdaan bilang batas
noong Agosto 25, 1994. Layunin ng batas na ito na hikayatin ang kabuuang partisipasyon at pakikiisa
ng iba’t ibang sektor ng lipunan gaya ng industriya, paggawa, local na pamahalaan, teknikal, at
bokasyonal na mga institusyon upang mapaghusay ang mga kasanayan para sa pagpapataas o
pagpapaibayo ng kalidad ng yamang tao ng ating bansa.

5. REPUBLIC ACT 8282


Ito ay tinatawag din bilang Social Security Act of 1997.Itinatadhana ng batas na ito na tungkulin
ng estado na paunlarin, pangalagaan, at itaguyod ang kagalingang panlipunan at seguridad ng mga
manggagawa.

6. REPUBLIC ACT 7875


Ito ay naging batas noong Pebrero 7, 1995 at kinilala bilang National Health Insurance Act of
1995. Sa pamamagitan nito ay naitatag ang Philippine Health Insurance Corporation na naglalayong
mapagkalooban ang lahat ng mga mamamayang Pilipino ng isang maayos at sistematikong
kaseguruhang pangkalusugan.
Nakapaloob sa programang ito na ang pamahalaan ay magkaloob ng subsidy sa mga
mamamayan na walang sapat na kakayahang pinansyal sa oras na sila ay magkaroon ng
pangangailangang medikal at pangkalusugan gaya ng operasyon at hospitalization program.

Mga Programa at Proyekto ng pamahalaan para sa mamamayan na bumubuo sa impormal na


sektor

1. DOLE INTEGRATED LIVELIHOOD PROGRAM (DILP)


Ang programang ito ay ipinatutupad ng Department of Labor and Employment (DOLE) na
nauukol sa pangkabuhayang pangkaunlaran sa pamamagitan ng mga pagsasanay ng mga
mamamayan particular na para sa mga self-employed at mga walang sapat na hanapbuhay.
2. SELF-EMPLOYMENT ASSISTANCE KAUNLARAN PROGRAM (SEA-K)
Isa sa mga pangkabuhayang programa ng Department of Social Welfare and Development
(DSWD) na nagbibigay ng mga gawain at pagsasanay at makapagsimula ng sariling negosyong
pangkabuhayan at pagtatayo ng mga samahang panlipunan na maaaring magpautang sa mga kasapi
gaya ng Self- Employment Kaunlaran Association (SKA’s).

3. INTEGRATED SERVICES FOR LIVELIHOOD ADVANCEMENT OF THE FISHERFOLKS (ISLA)


Ang proyektong ito ay para sa mga munisipalidad o bayan na ang pangunahing ikinabubuhay
ay pangingisda.Tinutulungan ng pamahalaan ang mga mangingisda sa pamamagitan ng pagkakaloob
ng mga pagsasanay upang mapaghusay pa nila ang kanilang hanapbuhay.

4. CASH-FOR-WORK PROGRAM (CWP)


Ito ay programa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na kung saan sa
ilalim nito, ang mga biktima ng kalamidad o mga evacuees ay bibigyan ng kabayaran kapalit ng
serbisyong kanilang isasagawa o pagtulong sa panahon ng rehabilitasyon at rekonstruksiyon ng mga
nasalantang lugar.
Ang programang it ay ipinatutupad ng pamahalaan bilang pansamantala o alternatibong
mapagkukunan ng kabuhayan o kita ng mga taong nawalan ng hanapbuhay dulot ng mga nabanggit
na sitwasyon. Kabilang din ang 4Ps program ng DSWD para sa mga mahihirap na pamilyang Pilipino.
Modyul 6: Kalakalang Panlabas ng Pilipinas

ANG KONSEPTO NG KALAKALANG PANLABAS


May mga produkto at serbisyong hindi kayang matugunan sa loob ng lokal na pamilihan ng isang
bansa kaya’t naganap ang kalakalang panlabas sa mga bansa. Ang kalakalang panlabas ay tumutukoy
sa pagpapalitan ng mga produkto at serbisyo ng mga bansang ito. Layunin nito na matugunan ang
mga pangangailangan at ugnayan ng mga bansa dulot sa kakapusan ng likas na yaman nito.
Nagaganap ang ganitong ugnayan ng mga bansa dulot ng kakapusan sa likas na yaman at iba pang
salik upang maisagawa ang produksiyon. Halimbawa, ang ating bansa ay sagana sa mga produktong
agrikultural gaya ng bigas, mais, gulay, at mga prutas subalit salat naman tayo sa produktong langis at
petrolyo kung kaya’t tayo ay umaasa sa produksiyon ng ibang bansa. Ang ganitong sitwasyon ang
nagbibigay batayan kung bakit umiiral ang kalakalang panlabas.
Kung ating balikan ang kasaysayan noon ay nagsimula ng magkaroon ng kalakalang panlabas
ang Pilipinas, ito ay ang pagkakaroon ng pagbabarter ng produkto mula sa ibang lahi na sumakop sa
ating bansa. Sa ilalim ng sistemang barter, ang batayan ng pagpapalitan ng kalakal o produkto ay
nakabatay ayon sa kung ano ang pangangailangan at kagustuhan ng isang bansa.
Nagkaroon na ng interes ang mga mananakop na palawigin ang pangangalakal dahil mayaman ang
Pilipinas sa maraming produkto. Kaalinsabay ng pagbabago ng panahon at pag-unlad ng disiplina ng
pag-aaral ng ekonomiks ay sumibol ang iba’t ibang teorya o pananaw ng mga ekonomista tungkol sa
kalakalang panlabas. Ang absolute advantage at comparative advantage theory ang nagiging
basehan ng mga bansa para sumali sa pandaigdigang kalakalan. Ang export ay ang tawag sa mga
produktong iluluwas patungo sa ibang bansa habang ang import ay ang pagpasok ng iba’t ibang
produkto at serbisyo mula sa ibang bansa.
Ang absolute advantage ay nagsasaad na ang isang bansa na makalikha ng maraming bilang
ng produkto gamit ang kaunting sangkap ng produksiyon at sa mas mababang halaga ng mga salik
nito kumpara sa isang bansa. Magiging malinaw sa atin kung ano ang tinutukoy ko gamit ang tsart na
ito.

Ayon sa tsart, ito ay nagsasaad na may lubos o ganap na kalamangan ang bansang A sa
paglikha ng produkto o serbisyo kumpara sa bansang B, at ito ay may kakayahang lumikha ng produkto
mula sa kaunting sangkap at mababang halaga ng salik ng produksiyon. Samakatuwid, ang pagiging
produktibo ng isang bansa ang siyang magsasabi na kung gaano karami ang maaaring magawang
produkto.

Comparative advantage naman kapag ang isang bansa ay kayang gumawa ng isang produkto
o serbisyo nang mas episyente kompara sa ibang uri ng produkto o serbisyo sa larangan ng kanyang
paghahambing sa ibang bansa. Tunghayan ang tsart sa ibaba.
Ayon sa tsart ang bansang Pilipinas at Japan ay maaaring parehong makagawa ng sasakyan,
ngunit ang Japan ay maaaring makagawa ng mga kotse sa palakasan na may mataas na kalidad at sa
isang mabilis na rate na may mas malaking kita. Kung gayon ang Japan ay sinasabing magkaroon ng
isang ganap na kalamangan sa partikular na industriya. Sa halimbawang ito ang Pilipinas ay maaaring
mas mahusay sa ibang industriya tulad ng agrikultural na produkto, na kung saan ay mas mataas ang
kanyang produksiyon sa bigas.

Ang Kalakalang Panlabas ng Bansa


Ang Balance of Payment o BOP ang siyang sinusuri tungkol sa kalakalang panlabas ng isang
bansa. Dito makikita ang lahat ng mga talaan ng transaksyon ng isang bansa sa iba’t ibang sulok ng
mundo. Ito kase ang basehan ng pandaigdigang ekonomiya. Export ay ang tawag sa mga produktong
iniluwas ng bansa. Import naman ang tawag sa produktong aangkatin ng bansa mula sa ibang dako
ng daigdig. Ang Balance of Trade ay makukuha lamang sa pamamagitan ng pagbawas ng halaga ng
kalakal na inaangkat sa halaga ng kalakal na iniluluwas.
Ang mga data sa ibaba ay hango sa bagong ulat ng Philippine Statistics Authority na iniulat ni
Dennis S. Mapa, Ph.D. Undersecretary ng National Statistician and Civil Register General. Sa pigura
11, ay nagpapakita ng mga bansa kung saan ay umaangkat tayo ng mga produkto sa ibang bansa,
samantala sa pigura 5 ay nagpapakita ng mga bansang ka-partner natin sa larangan ng pagluluwas ng
ating mga produkto.

Kadalasan sa mga produktong iniangkat ng ating bansa ay pinangungunahan ng mga electronic


products , sinundan ng mineral fuels, lubricants and related materials, transport equipments, industrial
machinery and equipment at iron and steel na parehong bumaba ang pag-angkat sa taong 2021 ayon
sa pigura 9. Sa pigura 3 naman ay nagpapakita ng mga produkotng iniluluwas ng bansang Pilipinas
mula January 2020 hangang January 2021.
Ang pagkakaroon ng ugnayan ng mga bansa sa daigdig ay mas higit na pinagbubuti sa
pamamagitan ng kalakalang panlabas. Ito ay nagsisilbing pamamaraan upang ang bawat bansa ay
magkakaroon ng ugnayang international kasabay ng mabilisang pagbabago sa lahat ng aspeto ng
pamumuhay ng tao. Kaugnay nito, sa kasalukuyang panahon, ang pakikipagkalakalan ay higit na
ginawang sistematiko. Ito ay naging ganap sa pamamagitan ng pagtatag ng mga samahang pandaigdig
o international organization na naglalayong palawakin ang ugnayan ng mga bansa sa larangan ng
kalakalang panlabas.
Ilan sa mga samahang pandaigdigang pang-ekonomiko na kabilang ang ating bansa ay ang
sumusunod:

WORLD TRADE ORGANIZATION (WTO) – ang pandaigdigang


samahang ito ay pormal na pinasinayaan at nabuo noong Enero 1, 1995.
Ito ang naging kapalit ng General Agreement of Tariffs and Trade. Ito ay
kilala bilang samahang namamahala sa pandaigdigang patakaran ng
sistema ng kalakalan o global trading system sa pagitan ng mga kasaping
estado o member states. Maliban pa rito, ito rin ang siyang nagbibigay ng
solusyon sa mga problema, usapin, sigalot, o pagtatalo ng mga kasaping
estado. Sa kasalukuyan ito ay binubuo ng 160 kasapi. Ang pangunahing misyon ng World Trade
Organization ay ang sumusunod:
 Pagsusulong ng isang maayos at malayang kalakalan sa pamamagitan ng pagpapababa sa mga
hadlang sa kalakalan (trade barriers);
 Pagkakaloob ng mga plataporma para sa negosasyon at nakahandang magbigay tulong – teknikal
at pagsasanay para sa mga papaunlad na bansa (developing countries);
 Mamagitan sa mga pagtatalo ng mga kasaping bansa kaugnay sa mga patakaran o magpataw ng
trade sanction laban sa isang kasaping hindi umaayon sa desisyon o pasya ng samahan.

ASIA PACIFIC ECONOMIC-COOPERATION (APEC) – itinatag ito noong


Nobyembre 1989 at ang punong himpilan nito ay matatagpuan sa
Singapore. Ito ay may layuning isulong ang kaunlarang pang-ekonomiya at
katiwasayan sa rehiyong Asia-Pacific kaugnay na rin ng pagpapalakas sa
mga bansa at pamayanan nito. Ang samahang ito ay nagsasagawa ng
taunang pagpupulong o economic forum upang pag-usapan ang iba’t ibang
isyu partikular na ang kalakalan at pamumuhunan. Ang APEC ay kaiba sa WTO sapagkat walang
kasunduan itong pinipilit sa mga kasapi o sa mga member economy. Ang desisyon ng samahan sa
mga isyu o usapin ay ibinabatay ayon sa concensus. Ang bansang Pilipinas ay isa sa mga orihinal na
kasapi nito.
Ayon sa aklat na “Ekonomiks; Konsepto at Aplikasyon” nina Baliatao, et al, ang samahang ito ay
mayroong tinatawag na Three Pillars na siyang sinusunod ng mga kasapi.
 Liberalisasyon ng pakikipagkalakalan at pamumuhunan – ito ay nakapokus sa pagpapalawak ng
pamabansang pamilihan.
 Pagpapabilis at pagpapadali ng pagnenegosyo – sa pamamagitan ng itatayong imprastrakturang
kailangan sa pagnenegosyo at mga kapital o puhunang ilalaan sa operasyon.
 Pagtutulungang pang – ekonomiya at teknikal – ito ay may layuning maglunsad ng mga pagsasanay
upang malinang, mapahusay, at mapalawig ang kaalamang teknikal ng lahat ng kasaping bansa.

ASSOCIATION OF SOUTHEAST ASIAN NATIONS (ASEAN) –


nagsimula ang asosasyong ito (ASEAN) noong August 8, 1967. Ang
samahang ito ay naglalayong pagbuklurin at magkaroon ng pagkakaisa
ang mga bansa sa Timog-Silangang Asya at labanan ang komunismo sa
Asya at magkaroon ng kaunlarang pang-ekonomiko. Ang punong-
himpilan nito ay matatagpuan sa Jakarta, Indonesia. Ito ay nagtatag ng
tatlong community na binubuo ng ASEAN POLITIKAL-SECURITY
COMMUNITY, ASEAN ECONOMIC COMMUNITY AT ASEAN SOCIO-
CULTURAL COMMUNITY.
Kung pagbabatayan ang mga programa at patakaran na ippinatutupad ng pamahalaan, ayon sa aklat
na Ekonomiks: Mga Konsepto at Aplikasyon nina Balitao, et.al. ang ilan sa mga ito ay ang sumusunod:
 Liberalisasyon sa Sektor ng Pagbabangko (R.A. 7721) – ito ay isinasabatas upang mapalawak ang
operasyon ng mga dayuhang bangko sa pamamagitan ng pagtatayo ng mga sangay nito.
 Foreign Trade Service Corps (FTSC) – ahensiyang naglulunsad ng iba’t ibang estratehiyang
pamilihan upang lubusang makilala at mapatanyag ang produktong gawa sa sariling bansa. Ang
pangunahing layunin nito ay maglunsad ng kaalaman o impormasyon tungkol sa kalakarang
pang negosyo sa bansa at sa imprastraktura at pakinabang na dulot nito sa mga nais
mamuhunan o investors.
 Trade and Industry Information Center (TIIC) – Ito ang nangangasiwa sa operasyon ng
Bureau Research Center na nagpapalaganap ng mga datos, statistics, impormasyon tungkol sa
ekonomiya, kalakalan, industriya, pamahalaan, at kapakanan ng mga mamimili.
 Center for Industrial Competitiveness – naglulunsad ng mga programang magtataas sa antas
o kalidad at produktibidad ng mga manggagawa upang sila ay maging kompetitibo sa
pandaigdigang pamilihan ng manggagawa, produkto, at serbisyo.

Tunay nga na ang kalakalang panlabas ay isang gawaing nagdudulot ng iba’t ibang epekto sa ating
bansa subalit sa kabilang banda hindi natin makakaila na ang sistemang ito ay isang kaganapang hindi
natin maiiwasan higit sa lahat sa kasalukuyang panahon na isinusulong ang pagkakaroon ng ugnayan
ng mga bansa sa daigdig sa pamamagitan ng globalisasyon.

You might also like