You are on page 1of 12

Mga palatandaan ng

Pag-Unlad.

M
Ang iba't ibang tao ay may kani-kaniyang
pakahulugan sa kaunlaran. May nagsasabing ito
ay pagtatamasa ng pambansang karapatan at
kasaganaan sa buhay ng mga mamamayang
bumubuo sa bansa. Sa iba, ang kaunlaran ay
kung ang isang bansa ay may maunlad na
pulitika, mayamang kultura at may malulusog at
matatalinong mamamayan.
Maaari kayang magkaroon ng pasulong kahit
walang pag-unlad? Maaari bang sabihin na
maunlad ang isang bansa na maraming
namumuhunan na pagmamay-ari ng mga
dayuhan? Ang isang bang bansa na mayaman sa
likas na yaman ay matatawag nang maunlad?
Ilan lamang ito sa mga katanungan tungkol sa
pagsulong na isang bansa
Iniulat ng International Monetary Fund noong
2013 na nagkaroon ng mabilis na paglago sa
ekonomiya ang mga karamihan ng bansa sa
Gitnang Silangan dahil sa mga malaking kita na
dala ng kanilang likas na yaman tulad ng langis.
Ito ay nakatulong sa pag-unlad na kanilang
bansa sa pamamagitan ng mga pagtatayo ng
mga imprastraktura at mga gusali na nagbigay
daan upang makapag-angkat ng mga
makabagong teknolohiya, magagaling na
manggagawa at dekalidad na hilaw na
materyales mula sa ibang bansa (Balitao et al,
2017 346).
Kung titingnan natin sa kabuhayang
pananaw, ang kaunlaran ay ang pagtaas ng
pinagsama-samang kabuuang halaga ng
mga bagong gusali at kagamitang
pamproduksyon sa buong isang taon. Ito
ay tinatawag na kabuuang Pambansang
Produkto o Gross National Product (GNP).
Ang GNP ay ang halaga ng kabuuang
produkto at paglilingkod, gayundin, ang
kabuuang gugugulin ng mga konsyumer,
ng pamahalaan at pribadong
mamumumuhunan ng isang bansa sa loob
ng isang takdang panahon.
Ay o n s a u l a t n g U n i t e d N a t i o n s
C o n f e r e n c e o n Tr a d e a n d D e v e l o p m e n t
( U N C TA D ) n o o n g 2 0 1 2 , n a k a p a g t a l a n g
maraming bilang ng mga dayuhang
namumuhunan sa mga bansang
papaunlad kumpara sa maunlad na
bansa
(Balitao et al, 2017 345).
Ang Human Development Index
(HDI) ay ginagamit upang maging
panukat sa antas ng pag-unlad ng isang
bansa. Ito ay tumutukoy sa
.

pangkalahatang sukat ng kakayahan ng


isang bansa na matugunan ang
mahahalagang aspekto na kaunlarang
pantao: kalusugan, edukasyon at antas
ng pamumuhay.
Ang HDI ay nilikha upang bigyang
diin na ang mga tao at ang kanilang
kakayahan ang dapat na
pinakapangunahing pamantayan sa
pagsukat ng pag- unlad ng isang
bansa, hindi lang ang pagsulong ng
ekonomiya nito. Ayon sa United
Nations Development Programme
(UNDP) ang mga tao ang tunay na
kayaman ng isang bansa.
Masasabing ang isang bansa ay may pag-unlad
kung mga mamamayan nito ay may mas malawak
na akses sa edukasyon, may maayos na serbisyong
pangkalusugan, may mas matatag na kabuhayan,
may kawalan ng karahasan at krimen sa lipunan,
may kasiya-siyang libangan, may kalayaang
pampolitikal at pangkultura at may karapatang
makilahok sa mga gawaing panlipunan. Kung
gayon, masasabing ang kaunlaran ay pagtatamasa
ng mga mamamayan ng katatagan, kapayapaan,
kalayaan at kasaganaan sa pamumuhay nito sa
isang bansa.
Ang librong Legion Concepts and Choices nina Sally Meek, John Morton at Mark
Schug ay nagsaang iba pang salik na maaaring makatulong sa pagsulong ng
ekonomiya ngbang banse Inis-is-rola ang mga ito

1. Likas na Yaman Mala ang tulong ng mga likas na yaman sa


pagsulong ng ekonomiyalalong lalo na ang mga yamang-lupa, tubig,
kagubatan at mineral, subalit hindi kasiguraduhan ang mga likas na
yaman sa mabilis na pagsulong na ekomomiya, ito ay nakadepende
pa rin sa mga polisiya at sistemangpinapairal ng bansa, bansa
2. Yamang-Tao - Ang lakas paggawa ay isang salik sa
pagsulong ng isang ekonomiya. Nararapat lamang na ito
ay may kaalaman at may kakayahan upang makalikha ng
mas maraming output ang isang bansa.

3. Kapital Ang kapital ang mahalagang salik sa paglago ng


isang bangang may maayos na kapital tulad ng ekonomiya ng
isang bandatulong na makalikha ng mas mga makina sa mga
pagaw maraming produkto at serbisyo.
4. Teknolohiya at Inobasyon ng makakatulong
upang episyenteng nagagamit ang iba pang
pinagkunang-yaman upang mas maparami pa
ang mga nalilikhang produkto at serbisyo.
PRESENTED BY:CARL AND THISBE

You might also like