You are on page 1of 45

PALATANDAAN

NG PAG-UNLAD
MGA DAPAT TANDAAN
SA ONLINE CLASS
BALITA
BALIK-ARAL
PAG-UNLAD NG EKONOMIYA
Ayon sa World Bank(WB) ang
paglago ng ekonomiya ay nakatuon sa
matatag na pagtaas ng antas ng
produksyon at pagkonsumo sa isang
ekonomiya sa loob ng isang taon na
nababatay sa lumalaking gross
domestic product (GDP) nito.
Kapag ang ekonomiya ay
lumalago, mas napapadali ang
pagharap sa suliranin ng
kakapusan (Campbell McConnel
at Stanley Brue).
Mahalagang makamit ang
paglago ng ekonomiya sapagkat
ang mga bansang nakararanas ng
kaunlaran ay maaring
makapaghandog ng sapat na
pangangailangan ng tao upang
malutas ang mga suliraning
panlipunan nito.
Ang kaunlarang pang-
ekonomiya ay ang proseso ng
pagbabago sa ibat’-ibang
aspekto ng isang lipunan-pag-
uugali, paglago, pagkakapantay
pantay, at paglutas sa anumang
uri ng kahirapan (Michael
Todaro)
Ang pag-unlad ay nakatuon sa
pagpapabuti ng antas ng
pamumuhay at kalayaang
tinatamasa ng isang tao.
(Amartya Sen)
MGA
PALATANDAAN NG
KAUNLARAN
1.MAUUNLAD NA BANSA
tinatawag ding Highly Industrialized
Countries o First World Countries.
Mataas ang antas ng kaunlaran, batay
sa GNI per capita, Mataas na antas ng
pamumuhay, malawakang
industrialisasyon sa produksyon,
mababang antas ng kahirapan at iba
pang panukat
Halimbawa:
Estados Unidos, United
Kingdom, France, Germany
at Japan.
2. TRANSITION ECONOMIES
tinatawag ding Second World Countries,
dating command economy ang umiiral sa
nasabing bansa. Dahil sa pagbabago ng
Sistema ng ekonomiya, nakararanas ang
ekonomiya sa transisyon ng pagbabago at
kadalasang ang pag-unlad ay
napakahirap sukatin gamit ang iisang
batayan lamang.
Halimbawa ng mga bansa
Russia, Ukraine,
Albania,at Kazakhstan.
May mga ekonomistang
nagsasabing kabilang din
dito ang China.
3.PAPAUNLAD NG MGA BANSA
tinatawag ding Third world
Countries.Unti unti pang
nakakamit ang kaunlaran. May
dalawang uri ng papaunlad na
bansa.
A) Newly Industrialized
Countries: Brazil, Malaysia,
Indonesia, at quatar. Ang mga
bansang ito ay kadalasang may
mataas na antas ng produksyon,
maunlad na kalakalan, at maayos
na sistemang Pinansyal.
B) Least Developed Countries ,
Timog Sahara sa Africa at ilang
bansang may kaguluhan tulad ng
Afghanistan, at Myanmar ay mga
bansang kadalasang may mababang
kalidad ng yamang-tao, mababang
GNI per capita at mataas na antas ng
kahirapan
MGA SALIK SA PANG-
EKONOMIYANG PAG-
UNLAD AYON KAY
PAUL SAMUELSON
1.YAMANG TAO
kailangang pag-isipan ng mga
bansa ang pagpapatupad ng mga
programa sa pangangasiwa sa popu-
lasyon. Kaakibat nito ang pagpapabatid
sa kababaihan ng kanilang mga
karapatan bilang kasapi ng lipunan.
Mahalaga ring pataasin ang kalidad
ng yamang-tao sa isang bansa.
Magagawa ito sa
pamamagitan ng pagpapaunlad sa
kalagayang pangkalusugan at sa
Sistema ng edukasyon, pagsasanay
sa mga manggagawa, at pagtiyak na
nabibigyan ng sapat ng pagkakataon
ang mga manggagawa.
2. LIKAS NA YAMAN
binigyan diin ni Paul Samuelson
ang produktibong paggamit sa likas
na yaman bilang paraan ng
pagsulong ng pang-ekonomiyang
pag-unlad.
Dapat ay magkaroon ng
pagkakataon ang mga
mamamayan na magmay- ari ng
mga salik ng produksyon tulad
ng lupa, suporta ng pamahalaan
tulad ng maayos na Sistema ng
patubig at mga programang
pangkonserbasyon.
3.CAPITAL FORMATION
Kailangan ng mga
computer,makinarya,
imprastraktura, gayundin ang
mga paaralan.
Ito ang gagamitin sa pagpoprodyus
ng karagdagang produkto at
paglilingkod, pagpapadali sa
pagdadala ng mga produkto sa mga
palengke, at pagpapalaganap ng
impormasyon tungkol sa makabagong
proseso ng produksyon
4. PAGBABAGONG TEKNOLOHIKAL
ayon kay Paul Samuelson, maaring
makinabang ang mga papaunlad na
bansa sa technology transfer at paggaya
sa teknolohiya ng maunlad na bansa.
Hindi simple ang paggamit ng
bagong teknolohiya mula sa
mauunlad na bansa. Hindi maaring
gamitin sa papaunlad na bansa nang
buong buo o sa paraang katulad na
katulad ng sa maunlad na bansa ang
makabagong teknolohiya.
Kailangang magkaroon ng
inobasyon upang maiangkop ang
teknolohiya sa natatanging
kalagayan sa papaunlad na
bansang humihiram ng
teknolohiya
HUMAN
DEVELOPMENT
INDEX (HDI) BILANG
PANUKAT NG PAG-
UNLAD
Ang Human Development Index
(HDI) ay tumutukoy sa
pangkalahatang sukat ng
kakayahan ng isang bansa na
matugunan ang mahahalagang
aspekto ng kaunlarang pantao:
kalusugan, edukasyon at antas ng
pamumuhay.
1.Kalusugan
ginagamit na pananda ang
haba ng buhay at
kapanganakan.
Ipinapahiwatig dito ang bilang
ng taon na inaasahang itatagal ng
isang sanggol kung ang umiiral na
dahilan o sanhi ng kamatayan sa
panahon ng kaniyang kapanganakan ay
mananatili habang siya ay nabubuhay
2.Edukasyon
ang mean years of schooling
at expected years of schooling
ang mga ginagamit na
pananda.
Ang mean years of schooling ay
tinataya ng UNESCO batay sa mga
datos mula sa sarbey at sensus
ukol sa antas ng pinag-aralan ng
mga mamamayan na may 25 taong
gulang
Samantala, ang expeCted
years of schooling naman ay
natataya base sa bilang ng mga
nag-aaral sa lahat ng antas ng
edukasyon. Itinakda ang 18 taon
bilang expected years of schooling
ng UNESCO
3.Antas ng pamumuhay
ay nasusukat gamit ang
gross national income per
capita
KAHALAGAHAN
NG HDI
1.Ang HDI ay nilikha upang
bigyang diin na ang mga tao at ang
kanilang kakayahan ang dapat na
pinakapangunahing pamantayan sa
pagsukat ng pag-unlad ng isang
bansa.
2. Nagkakaroon ng mahahalagang
implikasyon sa pagbuo ng mga
polisiya ng mga bansa sa buong
mundo.
Ang Human Development
Report ay pinasimulan ni
Mahbub ul Haq noong 1990.
Ayon sa kaniya, ang
pangunahing hangarin ng pag-
unlad ay palawkin ang
pamimilian ng mga tao sa
pagtugon sa kanilang mga
pangangailangan.
Ilan sa mga ito ang malawak na
akses sa edukasyon, maayos na
serbisyong pangkalusugan, mas
matatag na kabuhayan, kawalan ng
karahasan at krimen, kasiya-siyang
mga libangan, kalayaang pampolitika
at pangkultura, at pakikilahok sa
mga gawaing panlipunan.
Ang layunin ng pag-unlad ay
makalikha ng kapaligirang
nagbibigay ng pagkakataon sa
mga tao na magtamasa ng
matagal, malusog at maayos
na pamumuhay.
Gawain 1 : Punan ng wastong impormasyon ang mga
sumusunod ayon sa hinihingi.

PANUKAT PALATANDAN

HDI
THANK YOU!
REFERENCE:
Pambansang Ekonomiya at Pag-unlad
Nina: Balitao, et.al
Ekonomiks Para sa makabagong Panahon nina:
Mendoza, Platon, Rosete

You might also like