You are on page 1of 21

LAYUNIN:

• Matukoy kung ano-ano ang mga patandaan sa pag-


unlad ng bansa;
• Masuri ang mga sektor na nakakaapekto sa pag-unlad
ng bansa
Pambansang
Kaunlaran
Konsepto ng Kaunlaran
Ang kaunlarang pang-ekonomiya o economic development
ay tumutukoy sa pangkalahatang pagtaas ng antas ng
pamumuhay ng mga tao sa isang bansa.
maaari ding tumutukoy sa pagpapaunlad ng kabuhayan sa
pamamagitan ng pagpapatupad ng mga polisiyang maaaring
mag-alis ng kahirapan, kawalan ng hanap-buhay,
kamangmangan, kawalan ng oportunidad , at hindi pagkapantay-
pantay ng mga tao sa lipunan
Ang economic growth ay ang paglaki ng ekonomiya dahil sa
pagtaas ng kapasidad nito na magprodyus ng mga produkto
at serbisyo kompara sa nakaraang yugto o mga taon.

• GDP
• GNI
Michael Todaro
Hindi lamang impraestruktura ang purong
batayan ng maunlad na ekonomiya; bagkus,
ito ay isang proseso ng pagpapaunlad ng
kabuhayan ng mga tao sa isang bansa.

Layunin ng economic development ang pag-


angat ng mga tao na nasa laylayan ng
lipunan.
Simon Kuznets
Ang kaunlaran ay batay lamang sa paglaki
ng ekonomiya at sa mga aspektong pang-
ekonimiya gaya ng produksiyon , pag-
empleo at dami ng produktong nagagawa.

Hindi napagtutuunan ng pansin ang


pagbabago sa kabuhayan ng mga tao sa
paniniwala ni Kuznets ukol sa kaunlaran.
Ang sustainable development ay isang hangarin kung
saan kaakibat ng pag-unlad ng pamumuhay ang tamang
pag-aalaga sa kalikasan.
Sa konsepto ng distributive justice, ang kaunlaran ng isang
bansa ay hindi lamang nakatuon sa pagtugon sa mga
pangangailangan ng ilang bahagi ng lipunan, bagkus ay
ibinabahagi nang pantay-pantay ang lahat ng yamang ng
bansa.
Sa teoryang trickle down economy, ay dapat mayroong
tuwirang epekto ang pagbabago at pag-unlad ng ekonomiya sa
mga aspekto ng pang-araw-araw na pamumuhay ng mga
karaniwang mamamayan.
Nagkakasundo ang mga ekonomista na kinakailangang
may pataas o positibong pagbabago (upward change)
na nangyayari sa isang bansa upang masabing mayroon
itong economic development.
Kaunlaran ng mga bansa
Upang masukat ang kaunlaran ng mga bansa,
naglunsad ang United Nations o UN ng dalawang
pangkat ng mga tunguhin na dapat na maisagawa ng
mga bansa.

• Millennium Development Goals (MDG)


• Sustainable Development Goals (SDG)

Layunin ng dalawang tunguhin na ito na hikayatin


ang mga bansa na magpatupad ng mga hakbangin
tungo sa pag-unlad ng kanilang bansa.
Ang Sustainable Development Goals ay isang plano ng
kaunlaran na ipinapatupad ng UN, ito ay mayroong mas
malawak na tunguhin na dapat na maisagawa ng mga
bansa
• SDG 1 No Poverty
• SDG 2 Zero Hunger
• SDG 3 Good Health ang Well-being
• SDG 4 Quality Education
• SDG 5 Gender Equality
• SDG 6 Clean Water and Sanitation
• SDG 7 Affordable and Clean Energy
• SDG 8 Decent Work and Economic Growth
• SDG 9 Industry, Innovation, and Infrastructure
• SDG 10 Reduced Inequalities
• SDG 11 Sustainable Cities and Communities
• SDG 12 Responsible Consumption and Production
• SDG 13 Climate Action
• SDG 14 Life Below Water
• SDG 15 Life on Land
• SDG 16 Peace, Justice, and Strong Institutions
• SDG 17 Partnerships for the Goals
Klasipikasyon ng mga Bansa
Batay sa Kaunlaran
Nakagawa ang United Nations Development Program (UNDP) ng
isang sistema ng klasipikasyon batay sa sukatan ng
pambansang kita (GNI at GDP), per capita income sa loob ng
isang taon, antas ng industriyalisasyon ng bansa, antas ng
Human Development Index, at antas ng pagkakautang sa World
Bank.

• Developed economies
• Economies in transition
• Developing economies
• Least developed
Iba pang Halimbawa ng Sukatan
ng Kaunlaran ng mga Bansa.
• Human Development Index
- binuo upang mabigyan-diin ang kakayahan ng mga tao
bilang pangunahing batayan ng pagsukat ng pag-unlad ng mga
bansa, sa halip na ang paglaki ng ekonomiya

• Physical Quality of life Index


- sinusukat dito ang antas ng edukasyon at karunungan ng
mga tao na magsulat at magbasa, ang antas ng mga ipinapanganak
na sanggol ngunit namamatay agad (infant mortality rate), at ang
antas ng inaasahang haba ng buhay ng tao (life expectancy rate).
• Economic Freedom Index
- sinusukat nito ang kalayaan at karapatang pang-
ekonomiko ng mga tao sa kanilang bansa.
- Free economies
- Mostly free economies
- Moderately free economies
- Mostly unfree economies
- Repressed economies
10 palatandaan upang masukat ang
kaunlaran batay sa EFI:
1. Kalayaan ng mga negosyo na magsagawa ng kanilang plano
(business freedom)
2. Kalayaan ng mga dayuhan na magtayo ng negosyo sa bansa
(investment freedom)
3. Kalayaan sa pakikipagkalakalan sa loob at labas ng bansa
(trade freedom)
4. Kalayaan sa paggamit ng pananalapi ng mga mamamayan at
mga negosyo (fiscal freedom)
5. Kalayaan sa mahigpit na polisiyang pananalapi ng
pamahalaan (monetary freedom)
10 palatandaan upang masukat ang
kaunlaran batay sa EFI:
6. Kalayaan ng mga mamamayan sa utang o pagkaubos ng
salapi (financial freedom)
7. Kalayaan ng pamahalaan sa paggastos sa mga
inpraestruktura
(government spending)
8. Kalayaan mula sa mapang-abusong sistema ng paggawa
(labor freedom)
9. Karapatang magmay-ari ng mga mamamayan (property
rights)
10. Karapatan mula sa korupsiyon sa pamahalaan (freedom
from corruption)
Takdang Aralin
1. Sagutan ang Lutasin ang Hamon K1 pahina 265
Ipasa ito sa messenger ng guro: Kristine Giselle
Bista
Deadline: March 8 ,2022

2. Maghanda para sa online quiz

You might also like