You are on page 1of 7

GLOBALISASYON

- proseso ng mabilisang daloy o paggalaw ng mga tao, bagay, impormasyon at


produkto sa iba-ibang direksiyon na nararanasan sa iba-ibang panig ng daigdig.
- Bilang proseso ng interaksiyon at integrasyon sa pagitan ng mga tao,
kompanya, bansa, o maging samahang pandaigdig na pinabilis ng kalakalang
panlabas at pamumuhunan sa tulong ng teknolohiya at impormasyon.
- Higit na pinabilis ang pag-unald ng teknolohiya at mga polisiyang ipinatupad sa
nagdaang mga taon, ang palitan, pamumuhunan at maging ang migrasyon.
- Higit na malawak, mabilis, mura at malalim
- Gumamit ng sistemang pang-ekonomiya na KAPITALISMO

Bakit maituturing ang globalisasyon na isang isyung panlipunan?


- Maituturing na panlipunang isyu ang globalisasyon sapagkat tuwiran nitong
binago, binabago at hinahamon ang pamumuhay at mga perennial institusyon
na matagal nang naitatag.

Perennial institutions
- ang pamilya, simbahan, pamahalaan at paaralan sapagkat ang mga ito ay
matatandang institusyong nananatili pa rin sa kasalukuyan dahil sa
mahahalagang gampanin nito.

Manipestasyon ng Globalisasyon:
• Ekonomiko
• Sosyo-Kultural at Teknolohikal
• Politikal
Ekonomiko:
• MNC’S – Multi-National Corporations
• TNC’S – Transnational Corporations
• OUTSOURCING – uri: BPO at KPO
(Nearshoring, Offshoring, Onshoring)
Sosyo-kultural at Teknolohikal:
• Communication Gadgets cellphones/mobile phones
• Computer/Internet
• Social Networking Sites

INFORMATION SUPERHIGHWAY
• Kaugnay sa pagdami ng mobile phones at computer ay ang mabilis na
pagdaloy ng mga ideya at konsepto patungo sa iba’t ibang panig ng mundo
dahil ang mga ito ay nasa digitized form. Ang mga ideyang ito ay nakapaloob
sa iba’t ibang anyo tulad ng musika, pelikula, videos, larawan, e-books at iba pa
na makikita sa iba’t ibang social networking sites at service provider.
Netizens
- nabibigyang pagkakaton ang lahat na maipahayag ang kanilang mga saloobin
sa iba’t ibang usapin, lalo na sa mga platform tulad ng twitter.
 passive consumers
 prosumers
-Ang pagkonsumo ng isang bagay o ideya habang nagpoproduce ng bagong ideya.
Mabuting Naidudulot:
1. Nakakatulong sa mga gawain
2. Komunikasyon
3. Ekstensiyon ng sarili
4. E-commerce
5. Information superhighway
Di-Mabuting Naidudulot:
1. Computer Viruses/spam
2. Intellectual dishonesty
3. Instrumento ng terorismo

Isang Tugon Upang Maiwasan Ang Krimen Sa Cyber World:

POLITIKAL

- Diplomatikong pamamaraan ng mga lider ng isang bansa sa pakikipag-ugnayan


nito sa ibang bansa
- Ugnayan sa ibang bansa, samahang rehiyunal at pandaigdigang organisasyon
- Bilateral at multilateral na kasunduan
- mabilis na ugnayan sa pagitan ng mga kumakatawang pamahalaan ng bansa,
samahang rehiyunal, at mga pandaigdigang organisasyon
- naglalayon na maging maayos at makabuluhan ang ugnayan ng mga bansa
- ugnayang diplomatiko ng Pilipinas sa Australia, China, Japan, South Korea,
Thailand, US, at iba pa
Ugnayang DIPLOMATIKO
- ugnayan na may kaakibat na patuloy na komunikasyon
- maaaring magpadala ng diplomat para magtrabaho sa bansang iyon at
magkaroon ng pormal na usapan

Mga organisasyon:

• UN • ASEAN INTEGRATION
• EU • AMNESTY INTERNATIONAL
• NATO
• JICA
(Japan International Cooperation Agency)

- pangangalaga sa kapakanan ng mga mamamayan


- pagbigay ng tulong o assistance sa mga developing countries
- pangangalaga sa kalikasan
MGA PROYEKTO:
 Forestland Management Project (Laguna | 2012)
 Comprehensive Capacity Development Project for the Bangsamoro (Mindanao
| 2013)
 The Programme for Rehabilitation and Recovery from Typhoon Yolanda (Leyte
| 2014)

• BEST PROJECT NG AUSTRALIA


(Basic Education Sector Transformation ng Australia)
- paghahanda sa mga nagtapos na estudyante para sa trabaho
- pagpapabuti ng sistema at serbisyong pang-edukasyon
- sinusuportahan ang NCR at Rehiyon 5, 6, 7, 8, at 10
MGA PROYEKTO:
 Development of Mother Tongue-based Teaching and Learning Materials
(Legazpi | Jan. 2018)
 Basic DRRM Training for Schools (Eastern Visayas | June 2018)
 Monitoring of 14 approved Innovation Fund projects in Region V (Bicol | Aug.
2018)

• ASEAN
(Association of Southeast Asian Nations)
- pagtaguyod ng pag-unlad sa aspektong ekonomiya, kultura, at sosyal (social)
- pagtatag ng pundasyon para sa maunlad at mapayapang komunidad
- pagbigay ng tulong sa pananaliksik at edukasyon
- mga bansang saklaw: Indonesia, Thailand, Singapore, Vietnam, Malaysia,
Philippines, Myanmar, Cambodia, Laos, Brunei
MGA PROYEKTO:
 2nd ASEAN Student Leaders’ Summit and Cultural Festival (Angeles, PH | 2007)
 2nd ASEAN Traditional Textile Symposium 2008 (PH | 2008)
 ASEAN Studies Programme
 High School Student Exchange Program for Japan and ASEAN

MGA HAMON NG GLOBALISASYON

1.Guarded globalization [Lokal market vs global market (nagpapataw ng taripa)]

• Ang pakikialam ng pamahalaan sa kalakalang panlabas na naglalayung


hikayatin ang mga local na namumuhunan at bigyang proteksyong ang mga ito
upang makasabay sa kompetisyon laban sa malalaking dayuhan na negosyante
• Isang konseptong kung saan naalarma ang isang pamahalaan sa maramihan at
mabilisang pagbukas ng ekonomiya sa mga dayuhan
• Hindi tulad ng tradisyunal na globalisasyon, pinipili ng mga gobyerno ang mga
bansa at mga indibidwal kung saan nila bubuksan ang pakikipagkalakalan
Halimbawa Ng Mga Polisya
• Pagpataw ng taripa o buwis sa lahat ng produkto at serbisyong nagmumula sa
ibang bansa.
• Pagbibigay ng subsidiya(subsides) sa mga namumuhunang local.

2.Patas o pantay na kalakalan (fair trade) [Presyo ng produkto/ Serbisyo]

• Ayon sa International Fair Trade Asssociation (IFTA), ito ay tumutukoy sa


pangangalaga sa panlipunan, pang-ekonomiko at pampolitikal na kalagayan ng
maliliit na namumuhunan.
• Sa pananaw ng neo-liberismo, ang fair trade ay nangangahulugan ng higit na
moral at patas na pangekonomiyang Sistema sa daigdig
• Layunin nito na mapanatili ang tamang presyo ng mga produkto at serybisyo sa
pamamagitan ng bukas na negosasyo sa pagitan ng mga bumibili at nagbibili;
• Mapangalagaan hindi lamang interes ng mga negosyante kundi pati na rin ang
kanilang kalagaayang ekolohikal at panlipunan.
• Binibigyang pansin din nito ang ilang mahahalagang dimensiyon ng kalakalan
tulad ng:
• Pangangalaga ng mga karapatan ng mga manggagawa
• Pagbibigay ng sapat at ligtas ba trabaho sa kababaihan at mga bata
• Paggawa ng produktong ligtas sa lahat
• Isa sa mga nakinabang sa pantay na kalakalan ay ang mga magsasaka ng kape

3.Pagtulong Sa ‘Bottom Billion’ [Foreign Aids]


• Ang bottom ‘billion’ ay isang librong isinulat ni Paul Collier, isang propesor ng
ekonomiks sa oxford university.
• tema- siyasatin kung bakit hindi pa rin nagtatagumpay at umuunlad ang mga
mahihirap na bansa sa kabila ng tulong na natatanggap nito mula sa
organisasyon sa iba’t-ibang parte ng mundo.
• Ayon sa librong ito, maraming mga bansa sa mundo ang hindi umuunlad ang
buhay mula sa taong 1980-1990. ang ekonomiya ng mga bansang ito ay
pinakamamahayan ng halos isang bilyong tao.
• Binibigyang-diin din ni Paul Collier (2007) na kung mayroon mang dapat
bigyang-pansin sa suliraning pang-ekonomiyang kinahaharap ang daigdig.
• Ito ay ang isang bilyong pinakamahirap mula sa mga bansang Asya lalo’t higit
na sa Africa.
• May mahalagang papel ang mauunlad na bansa sa pagalalay sa tinaguriang
bottom billion.
• Ngunit ang tulong-pinansiyal (economic aid) ng mayayamang bansa tulad ng
Germany, france at Italy ay sinasabing hindi sapat kung hindi magkakaroon ng
mga programa at batas na tutugon sa suliraning ito
• Partikular ditto ang pagbabago ng sistema ng pamamahala na Malaki ang
kinalaman sa paghihirap ng mga mamayanan dito.
MAY LIMANG PERSPEKTIBO O PANANAW TUNGKOL SA KASAYSAYAN AT SIMULA NG
GLOBALISASYON
▹ pinagyaman ng globalisasyon ang daigdig sa larangan ng siyensiya at kultura at
nagbigay rin ng pakinabang sa kabuhayan ng maraming tao
▹ hinihimok nito na huwag makipagdigma at pinatataas nito ang gastusin sa
pakikipagdigma sa mas maraming paraan kaysa sa anumang naunang kapanahunan
sa makabagong kasaysayan
▹ naghaharap ng pagkakalaking posibilidad na maalis ang karukhaan sa ika-21
siglo
▹ isang bagong paraan ng pagsasagawa ng internasyonal na diplomasya, kung
saan magkasamang nagtutulungan ang mga gobyerno at pangkaraniwang mga
mamamayan upang lutasin ang mga krisis ng mga tao sa mundo

1. Una ay ang paniniwalang ang ‘globalisasyon’ ay taal o nakaugat sa bawat isa. Ayon kay
Nayan Chanda (2007), manipestasyon ito ng paghahangad ng tao sa maalwan o maayos na
pamumuhay na nagtulak sa kaniyang makipagkalakalan, magpakalat ng pananampalataya,
mandigma’t manakop at maging adbenturero o manlalakbay.
2. Ang pangalawang pananaw o perkspektibo ay nagsasabi na ang globalisasyon ay isang
mahabang siklo (cycle) ng pagbabago.
3. ang pangatlong pananaw ng globalisasyon ay naniniwalang may anim na ‘wave’ o
epoch o panahon na siyang binigyang-diin ni Therborn (2005).

Ika-4 hanggang ika-5 siglo (4th-5th Globalisasyon ng Relihiyon (Pagkalat ng


Century) Islam at Kristiyanismo)
Huling bahagi ng ika-15 siglo (late 15th Pananakop ng mga Europeo
century)
Huling bahagi ng ika-18 siglo hanggang Digmaan sa pagitan ng mga bansa sa
unang bahagi ng ika-19 na siglo( late Europa na nagbigay-daan sa
18th-early 19th century) globalisasyon
Gitnang bahagi ng ika-19 na siglo Rurok ng Imperyalismong Kanluranin
hanggang 1918
Post-World War II Pagkakahati ng daigdig sa dalawang
puwersang ideolohikal partikular ang
komunismo at kapitalismo.
Post-Cold War Pananaig ng kapitalismo bilang sistemang
pang-ekonomiya. Nagbigay-daan sa
mabilis na pagdaloy ng mga produkto,
serbisyo, ideya, teknolohiya at iba pa sa
pangunguna ng United States.
4.Hawig ng ikaapat na pananaw ang ikatlo. Ayon dito, ang simula ng globalisasyon ay
mauugat sa ispesipikong pangyayaring naganap sa kasaysayan.
o Pananakop ng mga Romano bago man maipanganak si Kristo (Gibbon 1998)
o Pag-usbong at paglaganap ng Kristyanismo matapos ang pagbagsak ng Imperyong
Roman
o Paglaganap ng Islam noong ikapitong siglo
o Paglalakbay ng mga Vikings mula Europe patungong Iceland, Greenland at Hilagang
America
o Kalakalan sa Mediterranean noong Gitnang Panahon
o Pagsisimula ng pagbabangko sa mga siyudad-estado sa Italya noong ika-12 siglo
5. Ang huling pananaw o perspektibo ay nagsasaad na ang globalisasyon ay penomenong
nagsimula sa kalagitnaan ng ika-20 siglo.
o Pag-usbong ng Estados Unidos bilang global power matapos ang Ikalawang
Digmaang Pandaigdig.
o Paglitaw ng mga multinational at transnational corporations (MNcs and TNCs)
o Pagbagsak ng Soviet Union at ang pagtatapos ng Cold War

EKONOMIKO
 Multi-National Corporations
- Tumutukoy sa mga kompanya o negosyong nagtatag ng pasilidad
sa ibang bansa.
• Unilever, Proctor & Gamble, Mc Donald’s, Coca-Cola, Google, UBER, Starbucks,
Seven-Eleven, Toyota Motor
 Trans-National Corporations
- Tumutukoy sa mga namumuhunang sa ibang bansa ngunit ang
mga produkto o serbisyong ipinagbibili ay hindi nakabatay sa
pangangailangang local ng pamilihan
• Produkto: Petrolyo, IT, consulting, pharmaceuticals
• Companya: shell, Accenture, TELUS,Glaxo-Smith Klein)

- Matatagpuan ang mga nasabing kompanya o korporasyon sa iba’t ibang panig


ng daigdig. Marami sa mga ito ay pag-aari ng mga lokal at dayuhang
namumuhunan na nagtataglay ng malaking kapital. Sa katunayan, batay sa
datos ng International Monetary Fund, ang ilan sa mga MNCs at TNCs ay higit
pa ang kinikita sa Gross Domestic Product (GDP) ng ilang mga bansa.

- Malaki ang implikasyon ng pag-usbong ng mga multinational at transnational


corporations sa isang bansa. 1. Ilan sa mga ito ay ang pagdami ng mga
produkto at serbisyong mapagpipilian ng mga mamimili na nagtutulak naman
sa pagkakaroon ng kompetisyon sa pamilihan na sa kalaunan ay nagpapababa
ng halaga ng mga nabanggit na produkto. 2. Maituturing itong pakinabang sa
mga mamimili. 3. Bukod dito, nakalilikha rin ito ng mga trabaho para sa mga
manggagawang Pilipino.

Outsourcing
-Tumutukoy ang outsourcing sa pagkuha ng isang kompanya ng serbisyo mula
sa isang kompanya na may kaukulang bayad. Pangunahing layunin nito na mapagaan ang
gawain ng isang kompanya upang mapagtuunan nila ng pansin ang sa palagay nila ay higit
na mahalaga.
URI AYON SA SERBISYO
 Business Process Outsourcing
- Tumutugon sa prosesong pangnegosyo
ang manila ay pangalawa sa mundo na destinasyon ng mga ito
 Knowledge Process Outsourcing
- Nakatuon sa mga gawaing nangangailangang may mataas na antas ng
kaalamang teknikal

URI AYON SA LAYO NG PINAGMULAN NG KOMPANYA


1. Offshoring
- Pagkuha ng serbisyo ng isang kompanya mula sa ibang bansa na naniningil ng
mas mababang bayad. Saksi ang Pilipinas sa ganitong uri ng outsourcing.
2. Nearshoring
- Tumutukoy sa pagkuha ng serbisyo mula sa kompanya sa kalapit na bansa.
3. Onshoring
- Tinatawag ding domestic outsourcing na nangangahulugan ng pagkuha ng
serbisyo sa isang kompanyang mula din sa loob ng bansa na nagbubunga ng
higit na mababang gastusin sa operasyon.

- Ayon sa Tholons, isang investment advisory firm, sa kanilang Top 100 Outsourcing
Destinations for 2016, ang Manila ay pangalawa sa mga siyudad sa buong mundo (sunod sa
Bangalore, India) na destinasyon ng BPO. Kasama rin sa listahan ang Cebu City (7th), Davao
City (66th), Sta. Rosa City (81st), Bacolod City (85th), Iloilo City (90th), Dumaguete City
(93rd), Baguio City (94th), at Metro Clark (97th).
- Malaki ang naitulong ng industriyang ito sa pag-angat ng ekonomiya ng Pilipinas.
Ayon sa Information Technology and Business Process Association of the Philippines
(IBPAP), pangalawa ito sa pinagkukunan ng dolyar ng bansa. Katunayan, lumikha ito ng 1.2
milyong trabaho at nagpasok ng $22 bilyong dolyar noong taong 2015. Tinukoy ng Bangko
Sentral ng Pilipinas (BSP) na kung magpapatuloy ang ganitong takbo ng industriya,
malalagpasan nito ang inuuwing dolyar ng mga OFW sa mga susunod na taon.
- Naging daan din ito sa pagkakaroon ng karagdagang kita sa maraming mga Pilipino
na nagbunsod naman ng pagkakaroon ng surplus budget na nailagak sa mga institusyong
pinansiyal bilang savings o investment. Iyong matatandaan na binigyang pansin sa
asignaturang Ekonomiks ang halaga ng savings at investments sa pag-angat ng ekonomiya
ng isang bansa. Samakatuwid, mayroong positibong dulot ang outsourcing sa pamumuhay
ng mga Pilipino.

You might also like