You are on page 1of 8

Aralin 11

Tugon sa Globalisasyon: Patuloy na Pag-unlad

• kasarian
Ayon sa mga eksperto, ang
tugon sa globalisasyon ng mga • resilyente
Bigyang- bansa, partikular ng mga di pa • epektibo
Pansin maunlad ang ekonomiya, ay ang • responsable
patakarang “patuloy o sustenibleng pag-unlad,”
o tinatawag ding “likas-kayang pag-unlad” o • access
“sustainable development.” Bilang modelo ng • ekosistemang panlupa
pang-ekonomiyang kaunlaran, hindi lamang • biodiversity
ito nakatutok sa pagpapalago ng ekonomiya.
• habitat
Isinasaalang-alang din nito ang makatarungang
distribusyon ng kita ng produksiyon at protek- • indigenous peoples (IP o mga katutubo)
siyon sa kapaligiran. Layunin nito ang patuloy na • incinerator
pag-unlad ng ekonomiya para sa kasalukuyan at sa
darating pang henerasyon.

Natatanging Pokus
v Ano ang konseptong sustenible o patuloy na
pag-unlad? Paano ito nakatutugon sa globali-
sasyon?
v Paano ipinatupad ng iba’t ibang adminis- Ano ang Masasabi Mo?
trasyon, mula kay Pangulong Corazon Aquino,
ang programa ng pamahalaan sa sustenibleng
pag-unlad?
v Gaano katagumpay o kahina ang mga pro-
gramang ito ng pamahalaan mula 1986? Ano-
ano ang mga naging sagabal o problemang
hinarap ng pamahalaan sa pagsusulong ng
programang patuloy na pag-unlad?

Mga Susing Salita/Pangalan


• sustenibleng agrikultura
• ingklusibo Ang organic farming ay dapat palaganapin
habang may panahon pa. Ito ay ang hindi paggamit
• inobasyon
ng maraming artipisyal na pataba, pestisidyo, at
• ekwitable kemikal na nakasasama sa lupa, tubig, halaman,
• desertification hangin, at higit sa lahat, sa tao.

65
ANG KONSEPTO NG PATULOY • Magtayo ng matibay na impraestruktura,
magtaguyod ng ingklusibo at sustenibleng
NA PAG-UNLAD (SUSTAINABLE
industriyalisasyon; at manghikayat ng ino-
DEVELOPMENT) basyon.
Unang ginamit ang sustainable development o • Tiyakin ang sustenibleng pagkonsumo at mga
patuloy na pag-unlad sa ulat ng World Commission padron (pattern) sa produksiyon.
on Environment and Development na may titulong
“Our Common Future” na lumabas noong 1987. • Palakasin ang pamamaraan ng implementasyon
Ayon sa depinisyon ng ulat, ang sustenible o patuloy at pasiglahin ang pagtutulungang global para
na pag-unlad ay “pagpapaunlad na nakatutugon sa sustenibleng pag-unlad.
sa pangangailangan ng kasalukuyan nang hindi
humahadlang sa kakayahan ng susunod na mga Sa ilalim ng Equity o Katarungan
henerasyon sa sarili nilang pangangailangan.” sa Lipunan
Tinanggap ito ng United Nations Conference on
Environment and Development sa Rio de Janeiro, • Wakasan ang kahirapan sa lahat ng anyo nito sa
Brazil noong 1992. Ang panuntunang ito para sa lahat ng dako.
pang-ekonomiyang kaunlaran ay may tatlong
prinsipal na aspekto: (1) paglago ng ekonomiya, • Tiyakin ang malusog na buhay at itaguyod ang
(2) katarungan sa lipunan, at (3) proteksiyon ng kapakanan ng lahat anuman ang edad.
kapaligiran. Ang ganitong pananaw na ang paglago • Tiyakin ang ingklusibo at ekwitableng edukas-
ng ekonomiya ay kailangang matamasa ng lahat yong may kalidad at itaguyod ang pang-
at hindi dapat makapipinsala sa kapaligiran ay habang-buhay na edukasyon para sa lahat.
mahirap maisakatuparan ng mga nasa negosyo at
industriya; gayondin ng pamahalaan o estado na • Tamuhin ang pagkakapantay-pantay sa kasarian
nakikipagkompetensiya sa kalakalan ng mundo sa at bigyang-kapangyarihan (empower) ang lahat
ilalim ng globalisasyon. Subalit ang konsepto ng ng kababaihan.
patuloy na pag-unlad ang mismong tugon ng mga
miyembro ng civil society at mga NGO sa isyu ng • Bawasan ang di pagkakapantay-pantay sa loob
kaunlarang idinidikta ng globalisasyon. ng bansa at sa hanay ng mga bansa.
• Gawin ang mga lungsod at mga tirahan ng tao
MGA PARTIKULAR NA LAYUNIN na ingklusibo, ligtas, resilyente o matibay, at
NG PATULOY NA PAG-UNLAD sustenible.
Naririto ang detalye o mga layunin ng patuloy • Itaguyod ang mapayapa at ingklusibong
na pag-unlad sa ilalim ng bawat aspekto o larangan. mga lipunan para sa sustenibleng pag-unlad,
magkaloob ng daan sa katarungan para sa
Sa Ilalim ng Paglago ng Ekonomiya lahat at magtayo ng epektibo, responsable, at
• Wakasan ang taggutom, tamuhin ang seguridad ingklusibong mga institusyon sa lahat ng antas.
sa pagkain at pinabuting nutrisyon, at itaguyod
ang sustenibleng agrikultura. Sa ilalim ng Proteksiyon
ng Kapaligiran
• Itaguyod ang tuloy-tuloy, ingklusibo, at sus-
tenibleng paglago sa ekonomiya, lubos at
produktibong empleyo at disenteng trabaho • Tiyakin ang pakinabang at sustenibleng panga-
para sa lahat. ngasiwa sa tubig at sanitasyon para sa lahat.

66
• Tiyakin ang access sa abot-kaya, maaasahan, 6. Maidaragdag pa rito ang batas na lumikha sa
sustenible, at makabagong enerhiya para sa DENR sa pamunuan ni Pangulong Cory Aquino
lahat. na nakatutok sa pangangalaga ng kapaligiran.
Kaugnay nito, naipasá sa panahon ding ito
• Magsagawa ng agarang aksiyon upang labanan ang People’s Small Scale Mining Program
ang pagbabago ng klima at epekto nito. para proteksiyonan ang pagmimina ng mga
• Panatilihin at gamitin ang mga karagatan, indigenous peoples o IPs. Pumirma rin si Pangulong
dagat, at yamang dagat sa sustenibleng paraan Cory Aquino sa Montreal Protocol, isang tratadong
para sa patuloy na pag-unlad. internasyonal na nag-uutos na proteksiyonan
ang ozone layer. Sa panahon ni Pangulong
• Protektahan, ipanumbalik, at itaguyod ang Fidel V. Ramos, itinatag niya ang Philippine
sustenibleng gamit ng mga ekosistemang Council for Sustainable Development (PCSD)
panlupa, sustenibleng pangasiwáan ang mga noong Setyember 15, 1992. Ito ay binubuo ng
gubat, labanan ang desertification, pigilin ang kinatawan mula sa pamahalaan, NGO, at People’s
erosyon ng lupa, at pahintuin ang pagkawala Organization (PO) at sektor ng mga negosyante. Sa
ng biodiversity. unang pagkakataon, nagkaroon ang pamahalaan ng
isang mekanismo na magsusulong ng programang
Dalawampu’t dalawang taon na ang nakaraan
patuloy na pag-unlad. Ang administrasyong
nang mabuo ang mga layuning ito ng patuloy na
Ramos din ang nagratipika ng UNFCCC at
pag-unlad subalit, ayon na rin sa mga tagapag-
nagsimula ng estratehiya para panatilihin ang
sulong tulad ng United Nations Commission on
biodiversity ng kapaligiran. Kasabay nito ay ang
Environment and Development, tila malayo pa ang
pagpasá ng dalawang mahalagang batas: Toxic
realidad sa mga layuning hinahangad. Nahihirapan
Substances, Hazardous and Nuclear Waste Act
ang pamahalaan ng mga bansang pumirma sa
at National Integrated Protected Areas System—
kumperensiya sa Rio de Janeiro na isasaalang- na nag-uutos na pangalagaan ang habitat ng mga
alang ang mga nasabing layunin sa kani-kanilang namimiligrong maglahong mga halaman at hayop,
programang pangkaunlaran. Totoo ito, lalo na sa gayondin ng sensitibong mga lupain tulad ng
mga bansang maunlad ang ekonomiya na inililipat lupain ng mga ninuno ng mga IPs. Nilikha rin ng
ang kanilang mga industriya sa maliliit na bansa. nasabing batas para sa mga IPs ang Pambansang
Samantala, sa panig naman ng mga di pa maunlad Komisyon para sa mga Katutubong Tao (National
na bansa, hindi lamang sila nahihirapang sundin Commission for Indigenous Peoples o NCIP) na
ang mga nasabing alituntunin; higit pa rito, pamamahalaan nila mismo. Sa administrasyon ni
patuloy nilang nadarama ang masamang epekto ng Pangulong Joseph Ejercito Estrada naipasá ang
globalisasyon sa kanilang ekonomiya, lipunan, at batas para sa Comprehensive Air Pollution Control
kapaligiran. Policy o Komprehensibong Patakaran para sa
Pagkontrol ng Polusyon sa Hangin. Sa ilalim nito
Ang Pamahalaan ng Pilipinas ipinagbabawal ang paggamit ng mga pansunog ng
at Programang Patuloy basura (incinerator) at pinapayagang maghabla ang
na Pag-unlad mamamayan at komunidad na apektado ng mga
korporasyong nagbubuga ng marumi at masamang
Kung titingnan ang mga batas na naipasa ng hangin. Si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo
Pilipinas para proteksiyonan ang kapaligiran at naman ay nakapagpasá ng Solid Waste Management
tiyaking makabubuti sa bansa ang pag-unlad ng Act o Batas sa Pangangasiwa ng mga Solidong
ekonomiya, waring nakasasapat ang mga iyon. Basura bilang tugon sa lumalalang problema ng
Ilan sa mga batas na ito ang natalakay na sa Aralin basura sa paligid.

67
Isang importanteng nagawa ng PCSD ay ang Agenda 21 na nakabatay sa prinsipyo ng sustain-
pagkabalangkas ng Philippine Agenda 21 (PA 21) able development
bilang padron ng pang-ekonomiyang kaunlaran
na pinasukan ng mahahalagang prinsipyo ng Medium-Term Philippine Development Plan
sustainable development. Naipasok din dito versus Philippine Agenda 21
ang mga sangay ng pamahalaan na kailangan sa
MTPDP PA 21
pagpapatupad tulad ng Kagawaran ng Kalakalan
at Industriya (Department of Trade and Industry Model of Neoliberal Equity-
o DTI) at Kagawaran ng Agham at Teknolohiya Growth framework oriented and
(Department of Science and Technology o growth- local market-
DOST). Ang PA 21 rin ang magiging gabay sa oriented oriented
rebisyon ng Five Year Medium-Term Philippine and export-
Development Plan o MTPDP. Sinisikap din ng oriented
PCSD na makapagtayo ng mga lokal na konseho
Agricultural Modernization Cultural
sa mga munisipyo, lungsod, at pamahalaang
Strategy of rural sensitivity
panlalawigan para maisulong ang PA 21. Katulong
agriculture “Nurturing the
nito ang pribadong sektor mula sa mga NGO tulad
ng Center for Alternative Development Initiatives, “We must has- inherent
Legal Rights and Natural Resources Center, at ten the strengths of
Earth Savers Movement. modernization local and
of this sector.” indigenous
Sa kabila ng lahat na ito, bigo o walang gaanong knowledge,
resulta ang mga inisyatiba ng pamahalaan at practices…”
katulong nitong mga NGO. Ayon pa rin sa analisis
ni Prof. Walden Bello, ito ay dahil sa kontradik- Underlying Principle of Principle of
siyon sa sinasabi ng gobyerno at sa ginagawa sa Principles competitive self-determina-
realidad. Aniya: economy tion
“Enhance “Relying on
“The contradiction between the govern-
competition, the inherent
ment’s lip service to sustainable development
reduce capacity of
and its driven implementation of neoliberal
government the country
policies was easily exploited by certain
regulation… and its people
corporations and politicians who were profiting
expose to to decide on
from exploiting the environment. The stated
foreign the course
policy of attracting investors at all costs, the
competition.” of their own
intentionally enfeebled regulatory framework,
development.”
plus the state’s incapacity to enforce its law
all facilitated the subversion of the goals Stance on MTPDP Strong posi-
of sustainable development by resource- Resource promoted the tions against
extraction industries and politicians, resulting Extraction Mining pollution,
in the continued depletion of the country’s Act of 1995 resource
resources.” depletion and
exploitation
Para makita nang malinaw ang ganitong ana-
lisis, naririto ang isang paghahambing sa Medium- Pinagkunan: The Political Economy of Permanent Crisis in the
Term Philippine Development Plan at Philippine Philippines. Walden Bello, p.223.

68
Kahit ang partisipasyon ng NGO sa loob ng such isssues as the mining code, tariffs and
PCSD ay tila wala ring kongkretong resulta. Sa import liberalization policies, the PCSD has
anong dahilan? Paliwanag ni Ester C. Isberto, isang simply been unable to act.”
mamamahayag:
Mahaba pa ang daang tatahakin ng pagpa-
“This inability to tackle controversial patupad ng patuloy na pag-unlad sa Pilipinas.
or difficult issues seems to be built into the
Marahil, ito rin ang nangyayari sa karamihan
PCSD system. Since the council operates on
the basis of consensus, it has been incapable ng maliliit na ekonomiya at bansa. Samantala,
of addressing issues that divide the multi- higit na matagumpay ang mauunlad na bansa sa
stakeholder body. This has been the source pangangalaga ng produksiyong pang-ekonomiya
of much frustation, particularly on the ng mga ito na may pakundangan sa sariling
part of NGOs and POs…when faced with kapaligiran at likas na yaman.

Tandaan

• Maliwanag sa batayang prinsipyo ng patuloy na pag-unlad o sustenibleng kaunlaran


ang pangangalaga sa hanapbuhay, kalidad ng buhay, at proteksiyon ng kapaligiran.
• Nahihirapan ang pamahalaang ipatupad ang ganitong uri ng pang-ekonomiyang
programa dahil sa kontradiksiyon sa loob mismo ng pamahalaan na kontrolado ng
malalaking negosyante at mga banyagang interes sa ekonomiya.

Subukin at Sagutin

A. Pumili ng tig-isang layunin mula sa “Paglago ng Ekonomiya,” “Katarungan sa Lipunan,” at “Proteksiyon


ng Kapaligiran” at magbigay ng isang kongkretong gawain, proyekto, o programa na maaaring gawin
ng pamahalaan bilang pagpapatupad ng bawat isang layunin.

69
B. Sang-ayon ka ba sa komposisyon ng Philippine Council for Sustainable Development (PCSD) at sa
proseso nitong decision by consensus building? Bakit?

C. Kung ikaw ay sasali o mag-oorganisa ng isang NGO na tutulong sa pagpapatupad ng mga batas at
protokol hinggil sa kalikasan, anong NGO ito? Paano mo ito oorganisahin, imumulat, at pakikilusin?

70
D. Ipaliwang kung bakit ang ipinakikita ng sumusunod na mga larawan ay mga proyektong pang-
sustenibleng kaunlaran.

1. Para saan ang composting? Paano ito nakatutulong sa programang patuloy na pag-unlad?


2. Paano nakatutulong ang ganitong pamulaan ng enerhiya?




71
Sulyap sa Kabanata

ALALAHANIN NATIN
• Ang magandang ekonomiyang batay sa estadistika ay hindi laging nangangahulugan ng kaunlaran
para sa lahat.
• Ang globalisasyong makamayamang bansa ang dahilang panlabas at ang maanomalyang sistema ng
pamamahala ang dahilang panloob ng kahirapan sa bansa.
• Ang pagpapatupad ng sustenibleng pag-unlad ang makatutugon sa masamang epekto ng globalisasyon
sa ekonomiya.

SA PALAGAY MO
Bakit nahihirapan ang pamahalaang maitama at maipatupad ang isang patakarang pang-ekonomiya
(sustenibleng pag-unlad) laban sa globalisasyon?

• Problema ba ito sa kawalan ng ahensiyang magpapatupad?

• Problema ba ito sa patakarang ipinatutupad ng pamahalaan?

• Problema ba ito ng mga patakarang panlabas ng mga organisasyong tulad ng WTO at IMF-WB?

• Problema ba ito ng kawalan ng partisipasyon ng mga magsasaka, mangangalakal, NGO, at PO?

Sumulat ng iyong analisis at solusyon tungkol sa mahinang pagkakaroon ng pamahalaan ng programa


para sa sustenibleng pag-unlad bilang tugon sa globalisasyon.

72

You might also like