You are on page 1of 5

AP 10 REVIEWER

LIKAS- KAYANG PAG-UNLAD - Matinding pananagutan ukol sa paggamit ng mga likas na


yaman upang matugunan ang kasalukuyang pangangailangan nang hindi isinusuko o
isinasakripisyo ang kakayahan ng susunod pang henerasyon na matugunan rin ang
pangangailangan.
Ang konsepto ng pangangailangan, lalo na ng mahihirap na mamamayan sa buong daigdig na
dapat pagtuunan ng pansin o bigyan ng priyoridad.
Ang konsepto ng limitasyon na itinakda ng iba’t ibang samahang panlipunan maging ng
makabagong teknolohiya kaugnay ng estado o kakayahan ng kalikasan na tugunan ang
pangangailangan ng tao sa kasalukuyan at sa hinaharap.
Prinsipyo ng Partnerships in Environmental Management for the Seas in East Asia (PEMSEA);

EVERYTHING IS CONNECTED TO EVERYTHING ELSE (LAHAT NG BAGAY AY


MAGKAKAUGNAY)
- Inihahayag nito ang kahalagahan ng balanseng pag-ikot ng ekolohiya
ANG LAHAT NG BAGAY O NILALANG AY SADYANG PINAG-UGNAY NG PANAHON
(TIME) AT LUGAR (SPACE)
PANAHON (TIME) - ANG MGA DESISYON NG ATING MGA NINUNO AY MAY EPEKTO
PARIN SA ATING BUHAY SA KASALUKUYAN
LUGAR (SPACE) - MAUUNAWAAN NATIN NA ANG MGA PANGYAYARI SA ATING
SARILING KOMUNIDAD AY MAY EPEKTO RIN SA IBA PANG MGA LUGAR SA BANSA O
IBA PANG BAHAGI NG MUNDO.
ANG KONSEPTO NG SUSTAINABLE DEVELOPMENT AY NAKABATAY SA GANITONG
URI NG PAG-IISIP, KUNG SAAN MAGKAKAUGNAY ANG LAHAT NG BAGAY
Mahahalagang Aspekto na idineklara noong 2002 na tinawag na World Summit on
Sustainable Development
LIPUNAN (SOCIAL SUSTAINABILITY) - Tumutukoy sa kaalaman at kakayahan ng sistemang
panlipunan na gampanan ang tungkulin nitong itaguyod ang katatagang panlipunan.
KALIKASAN (ENVIRONMENTAL SUSTAINABILITY) - Tumutukoy sa kakayahan ng
kapaligiran na tugunan ang pangangailangan ng tao upang hindi ito nasisira
EKONOMIYA - Tumutukoy sa kakayahan ng ekonomiya na tugunan ang kabuhayan at kung
saan parehong isinasaalang-alang ang limitasyon at potensiyal ng ekonomiya na maabot ang
kaunlaran
ANG PAG-USBONG NG KONSEPTO NG LIKAS-KAYANG PAG-UNLAD

1969 NATIONAL ENVIRONMENTAL POLICY ACT (NEPA),


Layunin: Pagyamanin at itaguyod ang pangkalahatang kapakanan ng mga
mamamayan sa pamamagitan ng maayos na ugnayan ng tao at kalikasan.

1970 US ENVIRONMENTAL PROTECTION AGENCY (EPA)


Layunin: Linangin at pangalagaan ang kalikasan sa buong daigdig at
pangalagaan ang kalusugan ng mamamayan
1972 UNITED NATIONS CONFERENCE ON THE HUMAN ENVIRONMENT
Pinag-uusapan ang Karapatan ng mga pamilya na makapamuhay nang
malusog at magkaroon ng
produktibong pamayanan

1980 Inilathala ng International Union for Conservation of Nature (IUCN) ang


World Conservation Strategy (WCS)
Binigyang diin dito ang kahalagahan ng kaunlaran at pangangalaga ng
kapaligiran
1982 Inaprubahan ng UN General Assembly ang World Charter for Nature
Nakasaad sa kasunduan na ang sangkatauhan ay bahagi ng kalikasan at
ang kanilang buhay aynakasalalay sa kakayahan ng kalikasan na tugunan
ang lahat ng kanilang pangangailangan
1983-1987 WORLD COMMISSION ON ENVIRONMENT AND DEVELOPMENT
(WCED)
Ito ay naatasan na bumuo ng isang pandaigdigang programa para sa
pagbabago (global agenda for change)
Inilathala noong 1987 ang pinamagatang “Our Common Future”
1992 Naganap ang Unang UN CONFERENCE ON ENVIRONMENT AND
DEVELOPMENT (UNCED) sa Rio de Janeiro
Bumuo ang mga kasaping bansa ng mga hakbang o programa para sa
kaunlaran at kalikasan.
Dito itinatag ang Rio Declaration on Environment and Development na
kumikilala sa Karapatan ng bawat bansa na itaguyod ang kaunlarang
panlipunan apangkabuhayan
AGENDA 21: A PROGRAMME OF ACTION FOR SUSTAINABLE
DEVELOPMENT
Naganap ang mga pagpupulong para paigtingin at palakasin ang mga
1993-2002 programa ukol sa likas-kayang pag unlad.

2009 Naglatag ng resolusyon ang UN General Assembly ukol sa pagkakaroon


ng United Nations Conference on Sustainable Development (UNCSD) at
tatawagin itong Rio 20

2012 RIO EARTH SUMMIT 2012 Mahalagang Tema:


(1.)Ekonomiyang makakalikasan (green economy) parasapag-ahon sa
kahirapan (2.)Pangkalahatang balangkas para sa sustainable development
HALIGI NG LIKAS-KAYANG PAG-UNLAD
Mahahalagang Aspekto na idineklara noong 2002 na tinawag na World Summit on
Sustainable Development
- Lipunan
- Kapaligiran
- Kabuhayan
MGA HAMON SA PAGTAMO NG LIKAS-KAYANG PAG-UNLAD
- Matinding Kahirapan (Extreme Poverty)-
- Mga di-pagkakapantay pantay (inequalities)
- Produksiyon ng enerhiya (energy production)
- Urbanisasyon (Urbanization)
Tugon ng United Nations Narito ang mga ilan sa dapat pagtuunan ng pansin
- Pagbabago sa Sistema ng produksiyon at pagkonsumo ng mga produkto at
serbisyo
- Pagtatama ng presyo ng mga bilihin
- Paghimok sa paghahalaga at pagpapayaman ng pinagkukunang yaman
- Pagbabawas ng anumang anyo ng hindi pagkakapantay-pantay
ANG PAGSASAKATUPARAN NG MGA ESTRATEHIYANG ITO AY MAARING
MAKABAWAS SA MGA NEGATIBONG EPEKTO SA KALIKASAN
TUGON NG PILIPINAS
Ayon naman sa Philippine Council for Sustainable Development (PCSD), ang mga
hangarin at layunin ng sustainable development ay matatamo kung itutuon ang pansin
ng mga polisiya at programa ng bansa sa sumusunod;
1. Pagbibigay-prioridad sa paglinang ng mga kakayahan ng mamamayan dahil ang
tao ay sentro ng mga gawaing pangkaunlaran
2. Paglinang ng tamang teknolohiya at agham na pangkalahatan para magamit sa
paglutas ng mga komplikadong problem sa lipunan
3. Pagiging sensitibo sa aspetong pangkaalaman, moral, ispiritwal, at pangkultura
bilang pagpapatatag ng lipunang Pilipino
4. Pagkilala sa kapangyarihan ng estado para ipatupad ang mga polisiya at programa
ukol sa pangangalaga ng kapaligiran at kabuhayan
5. Pagtataguyod ng kapayapaan, kaayusan at pambansang pagkakaisa
6. Paglinang ng demokrasyang panlahat kung saan ang bawat isa ay malayang
nagagawa ng desisyon parasa kabutihan ng lipunan
7. Paggalang sa kakayahan ng kalikasan na tugunan ang pangangailangan ng tao
8. Pagsusuri ng antas, istruktura, at distribusyon ng populasyon na direktang
nakaaapekto sa paggamit, pag-aalaga, at maging sa pagkasira ng mga likas na yaman
Migrasyon - Pag-alis o paglipat ng tao o pangkat ng mga tao mula sa kinagisnang lugar
patungo sa ibang lugar sa bansa o palabras ng sariling bansa sanhi ng iba’t ibang salik politikal,
panlipunan o pangkabuhayan.
3 ks – KAHIRAPAN , KALAMIDAD , KAGULUHAN.
HOMESTEAD - panahanan at mga katabing ari-arian na pinagmulan ng ikinabubuhay
Migrante - tawag sa mga nandarayuhan o mga taong lumipat ng lugar
Refugee - Tumutukoy sa mga taong lumikas o puwersahang pinaalis sa sariling bansa dahil sa
digmaan, diskriminasyon, pang-aapi at iba pang dahilan
EX. Nakapag-asawa ng ibang lahi bahagi ng retirement plan na.
Home Savage - Pagmamalupit o Pang-aapi ng Pamahalaan
ASYLUM - Kawalan ng Kalayaan at Katatagang Politikal
MULTICULTURALISM – Tumatangap sa bansang migranteng gumagawa.
Nangunguna ang bansang Pilipinas sa pagluluwas ng lakas kayang- paggawa. Ito ay
epekto ng mabagal na paglago ng ekonomiya at mabilis na paglaki ng populasyon.
Ayon sa Comission on Filipinos Overseas, may tatlong uri ng mga Pilipinong
nandarayuhan sa labas ng bansa o migrant
Permanent Migrants- Nagpalit sila ng pagkamamamayan (naturalized citizen).
Temporary Migrants- Ito ang mga pilipinong pansamantalang naninirahan at nagtatrabaho sa
ibang bansa.
EX. Manggagawang may kontrata , Manggagawang inilipat ng pinagtatrabahuan, mag-aaral,
nagsasanay Overseas Filipino Workers (OFWs)
Irregular Migrants- Pilipinong desperadong makakuha ng trabaho kahit sa maling proseso.
EX . Tinatawag na TNT o Undocumented migrants.
MIGRANT WORKERS- Manggagawang palipat- lipat ng pinagtrabahuan
.
Ang doktrina ng kalupaan ay kinikilala ng United Nations Convention on the Law of the
Sea (UNCLOS) 200 Milyang sona bilang teritoryang pangkaragatan
Suliraning Teritoryal (Territorial Dispute)- Hindi pagkakasundo ng dalawa o higit pang bansa
sa pagmamay-ari o pagkontrol sa isang lupain o anyong lupa.
ANTONIO T. CARPIO - Pinatutunayan umano ito na Murillo Velarde Map na itinuturing na
“The Mother of all Phillipines Map” ito ang Pilipinas bilang isang nasyon (first land title as a
nation)
International Tribunal for the Law of the Sea (ITLOS)
EPEKTO NG SULIRANING TERITORYAL AT HANGGANAN
- TENSIYON AT PANANAKIT SA MGA MAMAYANAN, NA NAUUWI SA DIGMAAN
- MARAMING BUHAY ANG MAWAWALA AT ARI-ARIAN ANG MAWAWASAK
- PAGBAGSAK NG EKONOMIYA NG BANSA
- MASISIRA ANG MGA PAGAWAAN, INDUSTRIYA AT KALAKAL
- SA PAGSUSURING GINAWA NG PROPESOR NA SI FANG WANG, MAY EPEKTO SA
KALAKALAN NG DALAWANG BANSA ITO.

MGA PARAAN UPANG MAIWASAN ANG MGA SULIRANING TERITORYAL AT


HANGGANAN
1. Pagbuo ng isang lupon o pangkat ng mga taong magsasagawa ng masusing pag-aaral sa
dahilan ng mga hidwaan sa loob ng bansa.
2. Pagpapatatag sa bansa sa pamamagitan ng paglinang ng kamalayan ng bawat mamamayan
na siya ay bahagi ng bansa.
3. Pagpapatibay ng ugnayang panlabas para maisulong ang diplomatikong relasyon at patas na
pagkilala sa Karapatan.
ANG SPRATLY ISLANDS NA PINAG-AAGAWAN NG MGA BANSA TULAD NG PILIPINAS,
MALAYSIA, TAIWAN, CHINA AT VIETNAM
United Nations Convention on the Law of the Sea o UNCLOS

You might also like