You are on page 1of 21

2

Ikatlong Markahan – Ikatlong Linggo

NAIPALILIWANAG ANG PANANAGUTAN NG


BAWAT ISA SA PANGANGALAGA SA LIKAS NA
YAMAN AT PAGPAPANATILI NG KALINISAN NG
SARILING KOMUNIDAD
PANANAGUTAN AT PANGANGALAGA SA
MGA LIKAS NA YAMAN
Malaki ang pananagutan
ng mga tao sa likas na
yaman kaloob at biyaya
ng Panginoon sa
nagkatauhan.
Taga pangalaga lamang ang tao sa mga nilikha
ng panginoon
Ang lahat ng komunidad ay dapat magsama-
sama upang mapangalagaan at manatiling
malinis ang mga pinagkukunan ng mga likas na
yaman.
Ang bawat isa ay hinikayat na sugpuin ang
anumang makasisira sa ating likas na yaman
Ang pamahalaan ay nagpapatupad ng mga
batas at programa upang sagipin ang ating likas
na yaman.
1. Clean Air Act of 1999
Ito ay pinagtibay ng Kagawaran ng Kapaligiran at
Likas na Kayamanan (DENR) upang mapangalagaan
ang hangin sa paligid bilang mahalagang bahagi ng
ating kapaligiran. Ang batas na ito ay naglalayonh
mapanatili ang malinis na hangin sa pagtatamo ng
kaunlaran upang mapangalagaan ang kalusugan ng
mga tao.
2. Soil Conservation and Watershed Management
Ang batas na ito ay naglalayong mapanatili ang lupa na
maayos at maganda upang maari pang mataniman ng
mga puno at mga halaman
3. Forest Protection
Ang batas na ito ay naglalayong maproteksyunan ang
mga natitira pang kagubatan sa Pilipinas. Layunin din
nito na mapigilan ang mga illegal loggers sa mga
kagubatan.
4. Protected Areas and Wildlife Resources
Development
Ang programang ito ay naglalayong maproteksyunan
ang mga lugar na tirahan ang mga hayop at mapanatili
sila sa kanilang natural na kinalalagyan.
5. Development and Rehabilitation of Natural
Parks in the Philippines
Ang programang ito ay naglalayong maingatan ang mga
natitirang ganda ng ating kalikasan.
6. Forest Protection and Development
Ito ay pagpapanatili ng mga puno sa kagubatan.
7. Philippine Eagle, Pawikan, Tamaraw,
Philippine Crocodile Conservation Project
Ang batas na ito ay naglalayong mapanatili pa ang
natitirang lahi ng Philippine Eagle, Pawikan, Tamaraw,
Philippine Crocodile.
8. Environmental Management and Pollution
Control
Ang programang ito ay naglalayong mapigilan ano
mang polusyon sa Pilipinas. Gaya ng polusyon sa basura
at polusyon sa hangin.
9. Ecological Solid Waste Management Program
Ang programang ito ay naglalayon maturuan ang mga
tao sa komunidad na pagparte- parte ng mga basura.
Gaya ng basurang papel, plastic, bote, at metal.
10. Coastal Environment Program
Ang layunin ito ay mapanatiling malinis ang mga
baybayin ng karagatan at ilalim ng karagatan upang ang
mga isda at mga corals para hindi masira at mamatay.
11. Clean and Green Act
Ito ay ang paggpapanatili ng kulay berdeng kalikasan
12. Clean Water Act
Ito ay ang pagpapanatili ng kalinisan ng mga tubig sa
Pilipinas. Katulad ng dagat, ilog, sapa at marami pang
iba.
Matutupad ang lahat ng mga ito sa pamamagitan
ng pagtutulungan ng mga mamamayan at ng
pamahalaan para sa ikabubuti ng ating mga likas
na yaman.
Takdang Gawain!

“Worksheet 31 sa Araling Panlipunan 2”

You might also like