You are on page 1of 8

LEARNING ACTIVITY SHEET IN ARALING PANLIPUNAN 10

LEARNING ACTIVITY #10


Pagkasira ng Likas na Yaman (Yamang Mineral)
Learning Competency: Natatalakay ang kalagayan, suliranin at pagtugon sa isyung
pangkapaligiran ng Pilipinas.
Learning Target: Natatalakay ang suliranin sa pagkasira ng likas na yaman na
yamang mineral.
Yamang Mineral
Ito ay yaman na nakukuha sa kailaliman ng lupa. Ang pagmimina ay maituturing na
isa mga pangunahing industriya na pinagkakakitaan ng ating bansa.
Suliranin ng Pagkasira ng Yamang Mineral
1. Quarrying o ilegal na pagmimina na nagiging sanhi ng landslide o flashflood.
2. Ang kakulangan ng kapital ng pamahalaan na makapagtayo ng mga pabrika na
maaaring magproseso ng mga produkto ng pagmimina.
3. Kakulangan sa kaalaman sa makabagong teknolohiya ng mga maliliit na kompanya na
nagmimina.
4. Mga lumang batas na sumasakop sa pagmimina na hindi nakakatugon sa
pangkasalukuyang sitwasyon ng pagmimina sa bansa.
Mga Solusyon sa Pagharap sa Suliranin sa Pagkasira ng Yamang Mineral
1. Republic Act 7942 (An Act Instituting a New System of Mineral Resources Exploration,
Development, Utilization, and Conservation) ay itaguyod ang pagpapaunlad ng yamang
mineral.
2. Kailangan matutunan ng bawat tao ang konserbasyon.
3. Dapat tayong matuto na magtipid.
4. Dapat ito ay pangalagaan.
5. Maging mahigpit sa pagpapatupad ng mga batas tungkol sa pagmimina.
GAWAIN:
Gamit ang sagutang papel, kopyahin at punan ng tamang sagot ang chart batay sa iyong
natutunan sa suliranin sa pagkasira ng yamang mineral.
Sanhi Epekto Solusyon
1. 1. 1. 1.
2. 2. 2.
3. 3. 3.

1
LEARNING ACTIVITY #11
Mga Hakbang ng Pamahalaan sa Pagharap sa mga
Suliranin sa Pagkasira ng mga Likas na Yaman
Learning Competency: Natatalakay ang kalagayan, suliranin at pagtugon sa isyung
pangkapaligiran ng Pilipinas.
Learning Target: Natatalakay ang mga hakbang ng pamahalaan sa pagharap sa mga
suliranin sa pagkasira ng likas na yaman.
Mga Hakbang ng Pamahalaan para sa mga Suliranin sa Pagkasira ng Likas na Yaman
Mga batas sa Pangangalaga ng Kalikasan
1. Republic Act 7586 – Ito ay kilala rin bilang National Integrated Protected Areas System
Actof 1992. Ang batas ba ito ay kumikilala sa kritikal na kahalagahan ng pangangalaga
at pagpapapanatili sa mga likas na bayolohikal at pisikal na pagkakaiba-iba sa
kapaligiran.
2. Republic Act 7942 – Ito ay tinatawag ding Philippine Mining Act of 1995. Itinakda ng
batas na ito ang pagkilala sa lahat ng yamang mineral na matatagpuan sa mga lupaing
pampubliko at pribado na nasa loob ng hangganan at tanging sonang ekonomiko ng
Pilipinas bilang pag-aari ng estado.
3. Republic Act 9003 - Ito ang Ecological Solid Waste Management Act of 2003. Ang mga
batas ay nagtatakda sa mga kinauukulan ng iba’t ibang mga pamamaraan upang
makolekta at mapagbukod-bukod ang mga solid waste sa bawat barangay.
4. Republic Act 8749 – Ito ay tumutukoy sa Philippine Clean Air Act of 1999. Sa
pamamagitan ng batas na ito, itinataguyod ng estado ang isang patakaran upang
makamit ang balance sa pagitan ng kaunlaran at pangangalaga ng kalikasan. Kinikilala
ng estado ang karapatan ng mga mamamayang makalanghap ng malinis na hangin at
magamit nang kasiya-siya ang lakas ng yamang-likas.
5. Presidential Decree 1067 – Tinutukoy ng Water Code of the Philippines o PD 1067 ang
tubig sa karagatan na nasa hurisdiksiyon ng konserbasyon ng Pilipinas. Pangunahing
nilalayon ng batas na maitatag ang batayan sa konserbasyon ng tubig. Hinahangad din
ng batas na ito na matukoy ang mga karapatan at obligasyon ng mga gmagamit ng tubig
gayon din ng proteksiyon ng mga nasabing karapatan,
6. Republic Act 1947 – Ito ay ang Wildlife Resources Conservation and Protection Act. Ito
ay ukol sa konserbasyon at proteksiyon ng maiilap na hayop at ng kanilang tirahan na
mahalaga upang mapaunlad ang ecological balance at ecological diversity. Ang batas na
ito ay regulasyon sa pangongolekta, at pangangalakal ng maiilap na hayop at pagsuporta
ng mga pag-aaral tungkol sa konserbasyon ng biological diversity.
7. Batas Pambansa 7838 – Ito rin ay tumutukoy sa Department of Energy Act of 1992.
Upang makasiguro na patuloy at sapat ang suplay ng enerhiyaat makatutugon sa
pagpapaunlad ng kabuhayan ng bansa, itinatag ang Department of Energy (DOE).
Nilalayon ng kagawarang ito na isaayos, subaybayan, at isakatuparan ang mga plano at
programa ng pamahalaan na may kaugnayan sa eksplorasyon, pagpapaunlad, at
konserbasyon ng enerhiya.

2
8. Republic Act 9275 – Ito ay ang Philippine Clean Water Act of 2004. Ang batas ba ito ay
para sa proteksiyon, preserbasyon, at pagpapanumbalik (revival) ng kalidad ng malinis
na tubig sa bansa at maging ng tubig dagat.
9. Presedintial Decree 705 – Ang PD 705 O Revised Forestry Code ay tungol sa
pagproprotekta, pagpapaunlad, at rehabilitasyon ng mga lupaing pangkagubatan (forest
land) at kakahuyan sa bansa.
GAWAIN:
Tukuyin ang inilalalarawan sa bawat bilang. Isulat ang kasagutan sa sagutang papel.
1. Ito ang batas na nagtatakda sa mga kinauukulan ng iba’t ibang pamamaraan upang
makolekta at mapagbukod-bukod ang mga solid waste sa bawat barangay.
2. Ang batas na nagbibigay proteksiyon sa mga maiilap na hayop.
3. Ito ang batas na nagbibigay proteksiyon at pagpapanumbalik ng kalidad ng malinis na
tubig sa bansa.
4. Batas na kumikilala sa kahalagahan ng pangangalaga at pagpapanatili sa mga kalikasan.
5. Sinisiguro ng batas na ito ang suplay ng enerhiya sa buong bansa.

LEARNING ACTIVITY #12


Ang Suliranin sa Climate Change
Learning Competency: Natatalakay ang kalagayan, suliranin at pagtugon sa isyung
pangkapaligiran ng Pilipinas.
Learning Target: Natatalakay ang suliranin sa climate change.
CLIMATE CHANGE
Ang Climate Change o pagbabago ng klima o panahon ay nagdudulot ng pagbabago
sa lakas at haba ng tag-ulan, at dalang ng pag-ulan.
Mga Sanhi ng Climate Change
1. Natural na pagbabago ng klima dala ng epekto ng araw sa mundo. Ang init mula sa
ilalim ng lupa epekto ng mga gawain ng mga tao.
Tinataya ng mga climatologist na nakadaragdag ang mga gawain ng mga tao sa pag-
init ng daigdig na nagiging sanhi ng climate change. Ito ay dahil sa maraming gawain ng
mga tao na nakapagpapataas ng carbon dioxide at iba pang greenhouse gases. Greenhouse
gases ang tawag sa mga gas na nakapagpapainit sa daigdig tulad ng carbon dioxide,
methane, nitrous oxide, hydrofluorocarbons, at iba pa. Ang greenhouse gases ay mga
hanging-singaw na binubuga ng mga makinaryaat mga pagawaan na napupunta sa ating
kapaligiran at atmospera. Nagkakaroon ang mga ito ng greenhouse effect sa daigdig.
Tinatayang nagsimula ang pagtindi ng global warming noong pagtatapos ng ika-18 na siglo.
2. Ikalawa ay ang paglaki ng populasyon ng tao sa buong mundo at ang pagtugon sa
kanilang mga pangangailangan. Dahil dito, lumalala ang pollution at patuloy na tumataas
ang konsentrasyon ng mga natural at sintetikong gas sa ating atmospera.
Ang mga Greenhouse Gases
Ang mga greenhouse gases na nagpapainit sa ating daigdig na sanhi ng climate change.
 Water vapor

3
 Carbon Monoxide (CO) at Carbon Dioxide (CO2
 Cholofluorocarbons (CFCs)
 Methane
 Nitrous Oxide
Epekto Dulot ng Climate Change
1. Mas mainit na Pangkalahatang Temperatura
2. Mas malalakas na bagyo
3. Pagtaas ng tubig sa dagat
4. Mga nakahahawang sakit
5. Pagkasira ng agrikultura
6. Pagbabago ng ecosystem
GAWAIN:
I. Tukuyin ang mga sumusunod. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
1. Panahon sa kasaysayan ng mga makabagong makinarya at mga pagawaan noong tanong
1721.
2. Sanhi ito ng pagbabago sa lakas at haba ng tag-ulan, at dalang pag-ulan.
3. Mga gas ba nagkapagpapainit sa daigdig.
4. Mga siyentipiko na nag-aaral ng klima at panahon.
5. Kemikal ma nakasisira ng ozone layer ng ating mundo at ginagamit bilang refrigerants o
pampalamig, aerolsol propellants, at iba pa.
6. Lugar kung saan unti-unti nang nagkakaroon ng pagkatunaw ng mga yelo, icebergs, at
glaciers dahil sa global warming.
7. Natural na proseso ito mula sa kapaligiran tulad ng mga nabubulok na bagay told ng mga
basura, dumi ng mga hayop, at dayami ng palay.
8. Hangin nanasa ating atmospera na dahilan ng pagkakaroon ng mga ulap at nagkokontrol
ng lubhang pag-init ng atmospera.
9. Lebel ng init at lamig na ating nararamdaman sa ating klima at kapaligiran.
10. Uri ng makinaryang ginagamit noon na pinapatakbo ng marami at iba’t ibang
greenhouse gases.
II. Tukuyin kung tama o mali ang isinasaad ng mga sumusunod na pangungusap. Isulat
ang salitang Tama kung sang-ayon ka sa pahayag batay sa iyong natutunan at Mali kung
hindi.
1. Ang pagbabago ng klima ay dulot ng polusyon na ikinakalat sa hangin bunga ng mga
materyal o kagamitan na binuo mula dito.
2. Ang pamahalaan ay may malaking papel na ginagampanan sa isyu ng climate change.
3. Ang mga mamamayan ay kinakailangan ding makiaalam sa isyu ng climate change.
4. Ang oxygen ay bahagi ng mga tinatawag na greenhouse gases.
5. Nagdudulot ng climate change ng mas malalakas na bagyo.
6. Ang CO2 ang gas na nakapgdudulot ng sakit.
7. Ang climate change ay isnag malubhang suliranin ng pamahalaan.
8. Ang mga mamamayan ay dapat makiisa sa pamahalaan tungkol sa climate change.

4
9. Ang climate change ay napalulubha ng global warming o patuloy ng pagtaas ng
pangkalahatang temperature ng daigdig.
10. Bagamat natural ang pagkakaroon ng greenhouse gas sa atmospera, malaki ang
kontribusiyon ng tao sa pagdami ng mga greenhouse gas sa atmospera.
III. Sa isang long bond paper, gumawa ng collage na nagpapakita ng mga epekto ng climate
change.

LEARNING ACTIVITY #13


Mga Programa, Polisiya at Patakaran sa Pagharap sa Climate Change
Learning Competency: Natatalakay ang kalagayan, suliranin at pagtugon sa isyung
pangkapaligiran ng Pilipinas.
Learning Target: Natatalakay ang iba’t ibang paraan ng paglutas sa suliranin sa
climate change.
Programa, Polisiya, at Patakaran ng Ating Pamahalaan Hinggil sa Pagbabago ng Klima
1. Legal na Mandato ng Climate Change Commission (CCC)
Bilang tugon sa nahaharap na isyu sa pagbabago ng klima. Ipinasa ng Kongreso ng Pilipinas
ang Republic Act 9729 na kilala rin bilang Climate Change Act of 2009. Ito ay nagbigay-daan
sa pagkakatatag ng Climate Change Commission na nakatuon sa pagsasakatuparan ng ilang
mga programa tungkol sa climate change. Binuo rin ang National Framework Strategy Plan
noong taong 2012 upang amyendahan ang RA 9729 ng RA 10174 para mapalakas ang mga
programa at pagkilos laban sa climate change.
2. Ang Climate Change Act of 2009 (CCA) ay naglalaman ng mga programa ng local na
pamahalaan para mapigilan at mabawasan ang masamang epekto ng climate change at
panatilihing ligtas ang kanilang nasasakupan at mga mamamayan. Ito ay naaayon sa
National Climate Change Action Plan (NCCAP) na inaprubahan ni Pagulong Benigno S.
Aquin III noong taong 2011.
Narito ang ilang bahagi ng naturang Local Climate Change Action Plan.
I. Food Security
II. Water Sufficiency
III. Ecological andEnvironmental Stability
IV. Human Security
V. Climate-Smart Industries and Services
VI. Sustainable Energy
VII. Knowledge and Capacity Development
Nakabalangkas sa Action Plan ng NCCAP ang mga dapat gawin ng ating bansa mula
sa taong 2011 hanggang 2028 (18 taon ito o tatlong termino ng tatlong maihahalal na pangulo
ng ating bansa sa hinaharap).
Mahalagang makiisa ang lahat para maipaalala sa ating pinuno at opisyal ng
pamahalaan ang pagpapatupad ng mga programang makalilutas sa mga negatibong epekto
ng pagbabago ng klima.
Mga Pandaigdigang Polisiya Hinggil sa Climate Change

5
Sa ngayon, ang United Nations ay namumuno sa mga programa at patakarang may
kinalaman sa isyu ng Climate Change. Isa sa layunin nito ang mabawasan ang pagtaas ng
greenhouse gas emission sa buong mundo. Dahil saan mang bahagi ng mundo, mabilis na
kumakalat sa himpapawid ang mapinsalang gas na ito. Kaya tinitiyak ng United Nations
ang pagkakaroon ng kolaborasyon at kasunduan ng iba’t ibang mga bansa upang sama-
samang matugunanang isyu ng Climate Change. Ang resulta ng mga aksyong ito ay ang
United Nations Framework Convention on Climate Change (UNFCC) at ang Kyoto
Protocol.
Sa pangunguna ng United Nations, nagkaroon ng mga pandaigdigang pagpupulong
at kasunduan tungkol sa isyu ng Climate Change. Kabilang sa mga kasunduang nabuo ang
Asia Pacific Partnership at mga kasunduan sa ilalim ng G8 na nagsimula sa kanilang
pagpupulong sa Gleneagles, United Kingdom noong taong 2005.
Taong 1988 nang itinatag ang World Meteorological Organization (WMO) at United
Nations Environment Programme (UNEP) ang Intergovernmental Panel on Climate
Change(IPCC). Ito ay isang ekspertong grupo ng mga tao na magtatasa ng mga pag-aaral
tungkol sa climate change. Pagkatapos mailabas ng IPCC ang unang ulat nito, itinatag
naman ng UN General Assembly ang Intergovernmental Negotiating Committee for a
Framework Convention on Climate Change at nabuo ang UN Framework Covention on
Climate Change (UNFCCC) noong Mayo ng taong 1992. Nabuo sa nasabingpagpupulong
ang layuning lubusang maibsan ang pagpapakawala ng mga greenhouse gas pagdating ng
taong 2000.
Bagama’t marami nang mga kasunduan ang nabuo sa pandaigdigang antas, ang mga
patakaran at programa upang matupad ang mga layunin ng mga kasunduan ay naksalalay
pa rin sa pangrehiyon o pambansang antas. Kailangan ng aksyon mula sa mga pinuno ng
bawat bansa.
Mga Hakbang na Makatutulong sa Paglutas sa Suliranin ng Climate Change
1. Pagtatanim ng mga puno at halaman
2. Pagbawas ng Paggamit ng Enerhiya
3. Paggamit ng Alternatibong Enerhiya
4. Pag-iwas o Pagbawas ng Pagsusunog ng mga Basura
5. Pagpapanatiling Malinis ang Kapaligiran
6. Pagresiklo ng mga Patapon na Bagay
7. Pag-iwas sa Paggamit ng mga Plastik at Nakalalasong Kemikal
GAWAIN:
I.Basahin at unawain ang mga sumusunod na mga pahayag. Isulat and salitang TAMA
kung sang-ayon ka sa pahayag at MALI kung ikaw ay salungat. Isulat ang kasagutan sa
papel.
1. Ang pagdami ng greenhouse gases ang natatangi at nag-iisang sanhi ng pagbabago ng
klima sa mundo.
2. Habang tumataas ang temperature sa daigdig, nababawasan ang mga sakit ng tao.
3. Maging ang mga hayop ay naaapektuhan sa nagbabagong klima.

6
4. Nagkakaroon ng mga modernong teknolohiya sa agrikultura bunsod ng suliranin sa
nagbabagong klima.
5. Ang paggamit ng gasoline ay nakapagpapalala ng suliranin ng pag-nit ng mundo o global
warming.
6. Aktibong tinutugunan ng mga pinuno ng Pilipinas ang isyu ng climate change.
7. Naglunsad ng programa ang pamahalaan upang matugunan ang isyu ng climate change.
8. Ang mga hayop at halaman sa maiinit na bahagi ng daigdig ay nawawalan ng tahanan sa
susunod na daang taon.
9. Hindi nararamdaman ng maraming Pilipino ang tuwirang sanhi sa kanilang buhay ng
pagbabago ng klima.
10. Ang United Nations ang nangunguna sa paglulunsad ng mga programa at polisiya
upang tugunan ang isyu ng climate change.
II. Sa isang long bond paper, gumawa ng poster na nagpapakita kung paano ka
makakatulong sa paglutas sa suliranin ng climate change.

Prepared by:
MA. LIZA V. LADRERA
Araling Panlipunan Teacher

7
8

You might also like