You are on page 1of 11

PRISEA

❖ Jean-Jacques Rosseau – ayon sa kanya, ang tao ay may likas na kabaitan (natural goodness)

❖ International Federation of Red Cross and Red Crescent Societies – nagbigay ng kahulugan sa malubhang sakuna
bilang isang biglaan o hindi inaasahang kalamidad na may malubhang epekto, at sa kalamidad bilang anumang
kapahamakang dulot ng bagyo, lindol, pagsabog ng bulkan, at maging ng sunog.
❖ United Nations office for Disaster Risk Reduction (UNDRR) – sa pananaw nila noong 2009, ang disaster risk reduction
management ay tumutukoy sa kung ano ang dapat gawin ng isang tao sa pagharap sa mga kalamidad at kung paano
mababawasan ang pinasala nito sa tao, ari-arian, at kapaligiran.
❖ National Program on Community Disaster Preparedness – isinulong noong 1978 para mabawasan ang epekto ng
kalamidad sa bisa ng Presidential Decree No. 1566.
❖ National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) – isang ahensya ng pamahalaan na inatasang
mangangasiwa sa oras ng kalamidad. Tungkulin din nila ang siguruhin ang pagtutulungan ng iba’t ibang sangay at ahensya
ng pamahalaan upang matugunan ang mga nararanasang kalamidad
❖ Lokal na Pamahalaan – sila ang makapagbibigay agad ng tugon sa oras ng kalamidad dahil sila ang direktang nakasasakop
sa komunidad. Sila ang unang tutugon sa anumang kalamidad sa pamayanan
❖ Pangasiwaan sa Pagpapaunlad ng Kalakhang Maynila or Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) –
nakatuon sa pag tugon sa mga sakuna sa kalakhang Maynila. Tungkulin din nila ang pagbabantay at pagkontrol ng pagbaha
at pagpapanatili ng kaayusan ng trapiko sa oras ng kalamidad
❖ Pangasiwaan ng Pilipinas sa Serbisyong Atmosperiko, Heopisiko, at Astronomiko or Philippine Atmospheric,
Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA) – nagtataya ng kalagayan ng panahon. Sila ang
nagbibigay ng babala at abiso ukol sa lakas ng bagyo at pag-ulan.
❖ Surian ng Pilipinas sa Bulkanolohiya at Seismolohiya or Philippine Institute of Volcanology and Seismology
(PHIVOLCS)– nagbibigay ng abiso ukol sa mga kalamidad na may kinalaman sa natural na proseso ng paggalaw ng lupa
gaya ng lindol, pagsabog ng bulkan, at tsunami.
❖ National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) – nangangasiwa sa suplay ng koryente. Nagaayos ng mga pinsala
sa impraestruktura ng koryente.
❖ Kagawaran ng Kagalingan at Pagpapaunlad Panlipunan or Department of Social Welfare and Development (DSWD)
– nagbibigay ng agarang tulong o ayuda sa mga taong nasalanta ng kalamidad
❖ Kagawaran ng Edukasyon or Department of Education (DepEd) – naghahanda ng mga paaralan na maaring maging
evacuation centers sa tuwing may kalamidad
❖ Tanod Baybayin ng Pilipinas or Philippine Coast Guard (PCG) – sangay ng AFP na may kasanayan sa pagliligtas ng
mga taong direktang naapektuhan ng mga kalamidad.
❖ Philippine Red Cross – isang pribadong sektor na nagbibigay ng tulong medikal sa mga mamamayan sa tuwing may
kalamidad.
❖ Intergovernmental Panel on Climate Change (IPCC) – ayon sa kanila, ang climate change ay pangmatagalang pagbabago
na umaabot ng dekada o mas higit pa.
❖ Philippine Disaster Risk Reduction Management Act of 2010 -ito ang batas na nagtatag sa NDRRMC

❖ Clean Air Act of 1999 – naglalayong pangalagaan ang kalinisan ng hangin sa bansa

❖ Climate Change Act of 2009 or Republic Act No. 9729 – bumuo sa Climate Change Commission of the Philippines.

❖ Climate Change Commission of the Philippines (CCCP) – nangunguna sa pagbuo at pagpapatupad ng mga polisya at
alituntunin alinsunod sa iba’t ibang hamon ng climate change.
❖ Republic Act 10174 – nagpatibay sa R.A. No. 9729. Dito binigyan ng karagdagang pondo, kagamitan, at kapangyarihan ang
CCCP, gaya ng paghahanda ng “survival fund”
❖ Philippine Strategy on Climate Change Adaptation – binuo noong 2009 na may layuning mapalawak ang pakikilahok ng
iba’t ibang sektor sa mga gawain na tumutugon sa climate change. Naglalayon din ito na patatagin ang kaalaman ng mga
mamamayan sa mga iba’t ibang aspekto ng climate change.
❖ National Framework Strategy on Climate Change of 2010 – may layuning tipunin ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan
upang matugunan ang epekto ng climate change. Dahil dito, nabigyan ng kapangyarihan ang mga lokal na pamahalaan na
pamunuan ang mga programa na tutugon sa climate change
❖ Ayon sa Environmental Management Bureau ng DENR – ang solid waste disposal sa Pilipinas ay umaabot sa 35,00
tonelada bawat araw
❖ Ecological Solid Waste Management Act of 2000 – isinasaad dito ang pagkakaroon ng programang pagresiklo sa mga
barangay
❖ Kodigo ng Kagubatan sa Pilipinas – ginawa upang mapangalagaan at mabantayan ang ating mga kagubatan

❖ Philippine Clean Water Act of 2004 – inaatasan ang mga lokal na pamahalaan na manguna sa paggawa ng mga proyektong
mangangalaga sa mga bahagi ng kagubatan
❖ Kagawaran ng Interyor at Lokal na Pamahalaan or Department of Interior and Local Government (DILG) – nag-atas
sa lahat ng lokal na pamahalaan na linisin at pangalagaan ang mga kanal at estero
❖ Ayon sa Philippine Statistics Authority or PSA – noong 2018, nasa 5.2% ang tasa ng kawalan ng trabaho sa Pilipinas.
62.2% ang mga mamamayan na maaring magtrabaho at may hanapbuhay, 38% ng populasyon ang maaring magtrabaho
ngunit walang hanapbuhay
❖ Lakas-paggawa- tumutukoy sa bilang ng mamamayan na may trabaho.

❖ Tasa ng Kawalan ng Trabaho – tumutukoy sa pagsukat sa tasa ng kawalan ng trabaho

❖ Labor Force Participation Rate- tumutukoy sa pagsukat sa tasa ng mga indibidwal na may aktuwal na trabaho

❖ Employment-Population Rate – sumusukat sa bilang ng mamamayan na maaring magtrabaho at kung ilan ang may trabaho

❖ John Maynard Keynes (1936) – ayon sa kanya, ang kawalan ng trabaho sa lipunan ay nagtutulak sa pamahalaan na
gumastos upang makalikha ng trabaho
❖ Pambansang Pangasiwaan sa Kabuhayan at Pagpapaunlad or National Economic Development Authority (NEDA) –
bumabalangkas ng mga polisiya upang makagawa ng mga oportunidad ng trabaho at pamumuhunan sa bansa
❖ Kawagaran ng Paggawa at Empleo or Department of Labor and Employment (DOLE) – ahensya ng pamahalaan na
nangangalaga sa kapakanan ng mga manggagawa
❖ Tax Reform for Acceleration and Inclusion Act of 2017 (TRAIN) – naglalayong bawasan ang sinisingil na buwis sa mga
namumuhunan sa bansa
❖ Pangasiwaan sa Edukasyong Teknikal at Pagpapaunlad ng Kasanayan or Technical Education and Skills
Development Authority (TESDA) – nagbibigay ng libreng pagsasanay upang lalo pang mapahusay ang kakayanan ng mga
Pilipino
❖ Innovative Startup Act of 2019 – ginawa upang mahikayat ang mas maraming Pilipino na magnegosyo

❖ Apolaki Caldera – the world’s biggest caldera discovered in the Philippine Sea.

❖ ASEAN Economic Community (AEC) – dito magtutulungan ang mga iba’t ibang bansa sa Timog-Silangang Asya sa
pagpapalitan ng mga produktong agrikultural
❖ Liberasyon ng Kalakalan or Trade Liberalization – nakasaad dito ang pag-aalis ng mga hadlang sa malayang kalakalan
❖ Ayon sa International Monetary Fund at International Labor Organization – noong 2019, nagkaroon ng 42% na
paglago ng ekonomiya sa mundo dahil sa globalisasyon, at halos 78 milyong tao ang nabigyan ng oportunidad na magkaroon
ng trabaho.
❖ United Nations (UN) – nakatutok sa politikal na ugnayan ng mga bansa. Nagtataguyod ng kaayusan at matiwasay na
ugnayan ng mga bansa
❖ World Trade Organization – layuning magtaguyod ng kalakalan sa mga bansa sa mundo

❖ World Bank – nagtataguyod ng polisiyang pangkaunlaran sa pamamagitan ng pagbibigay ng tulong pinansyal at


pagpapautang
❖ World Health Organization – nangangalaga sa kalusugan at usaping medikal ng mga bansa

❖ Mapanatiling Kaunlaran or Sustainable Development – tumatalakay sa tungkulin ng tao na tumugon sa hamon ng


kaunlaran nang hindi nalalagay sa alanganin ang pangangailangan ng mga susunod na henerasyon. Nabuo ito sa pagtitipon
ng mga bansa sa Brazil noong 1992 sa United Nations Conference on Environment and Development.
❖ Brundtland Report – nagbigay kahulugan sa sustainable development bilang pag-unlad ng bansa na hindi naisasakripsyo
ang pangangailangan ng susunod na henerasyon.

❖ Initiative for Association of South-East Asian Nations Integration – sa polisiyang ito, ang mga dalubhasa sa iba’t ibang
larangan ay papayagang makapagtrabaho sa mga bansa na kasapi ng ASEAN
❖ Ayon sa Organisation for Economic Co-operation and Development (OECD) – ang mga tao sa mayayamang bansa ang
may kakayanan na lumipat patungo sa ibang bansa
❖ Ayon sa International Labor Organization (ILO) – ang mahihirap na bansa ang syang pinagmumulan ng mga taong
maaring naghahanap ng mas magandang oportunidad sa ibang bansa
❖ Refugee - mga tao na umalis sa isang lugar na may kaguluhan o sakuna patungo sa isang lugar kung saan sila ay tatanggapin

❖ Internally Displaced Person (IDP) - mga tao na napilitang lumikas sa ligtas na lugar upang maiwasan ang epekto ng sakuna
o kaguluhan
❖ Temporary Resettlement – pansamantalang paglipat ng mga tao upang makaiwas sa sakuna, kalamidad, at kaguluhan

❖ Migration Displacement – tumutukoy sa sapilitang paglipat o paglisan ng isang indibidwal patungo sa mas ligtas na lugar
dahil sa usaping politikal, suliraning panlipunan, at kalamidad
❖ United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) - ginagamit na batayan ng hangganan ng isang bansa batay
sa hangganan ng nasasakupang anyong-tubig into.
❖ International law - kalipunan ng mga batas at pamantayan na kinikilala at tinatanggap ng mga bansa sa mundo

❖ Geographically Entity - tumutukoy sa pagkilala sa estado batay sa hangganan ng kanyang teritoryo

❖ Okupasyong pisikal - nangyayari kung ang isang bansa ay may pisikal na panghihimasok sa isang bahagi ng teritoryo

❖ Spratlys and Scarborough Shoal - bahagi ito ng Dagat Kanlurang Pilipinas ayon sa pagtatakda ng UNCLOS

❖ Mapa - representasyon ng mga lugar at heograpiya

❖ Mapang politikal - ginagamit upang maipakita ang hangganan ng teritoryo ng isang lugar o bansa

❖ Hangganang teritoryal - tumutukoy sa hangganan na nasasakupan ng teritoryo ng isang bansa


❖ Hangganang politikal - tumutukoy sa saklaw at abot ng kapangyarihan ng gobyerno sa kanyang nasasakupang pamayanan.
Into rin ay tumutukoy sa paghahati-hati ng mga nasasakupan upang madaling pamunuan ng isang komunidad
❖ Integral Waters - tumutukoy sa mga anyong tubig na nakapaligid at nakapaloob sa teritoryo ng isang bansa

❖ Archipelagic Baseline - tumutukoy sa hangganan ng anyong tubig, himpapawid, at kapuluan kapuluan

❖ Exclusive Economic Zone (EEZ) - ang mga isla na nakapaloob dito ay nasa hurisdiksiyon ng ating bansa. Karaniwang
umaabot ito ng 200 nautical miles.
❖ Dagat Timog Tsina - ito ay mayaman sa langis at yamang dagat at isa sa mga pinakamaunlad na ruta ng pakikipagkalakalan

❖ Teritoryo ng Sabah - isa sa mga pinakamahabang sigalot na ikinakaharap ng Pilipinas at Malaysia

❖ Republic Act 5446 or an Act to Define the Baselines of the Territorial Sea of the Philippines - itinuturing dito na ang
Sabah ay kasama sa teritoryo ng Pilipinas
❖ Benham Rise - ito ay isang talampas na nasa ilalim ng tubig na matatagpuan sa silangan ng Pilipinas katabi ng malaking
island ng Luzon. Nadiskubre ito ni Admiral Andrew Ellicot Benham
❖ Executive Order No. 25 - pinalitan ng pangalan ang Benham Rise na ngayon ay itinatawag na bilang "Philippine Rise"

❖ Mabuting Pamamahala - tumutukoy sa prinsipyo ng pamamahala na nagbibigay kabuluhan sa pananagutan ng pinuno sa


mga tao
❖ Dinastiyang Politikal - tumutukoy sa alinmang pamilya o grupo na nanatili na may hawak ng kapangyarihan at ng iba't
ibang katungkulan sa pamahalaan. Kadalasang nakikita ang sitwasyong ito sa pamahalaang lokal
❖ Local Government Code of 1991 - pangunahing batas na umiiral patungkol sa pagtatakbo ng lokal na pamahalaan

❖ Transparency - tumutukoy sa pagiging bukas ng mga pinuno ng pamahalaan tungkol sa kanilang mga gawain, desisyon, at
programa
❖ Local Special Bodies - itinalaga upang duminig at tumugon sa mga opinyon, pangangailangan, at mga ninanais na programa
ng mga mamamayan
❖ Article II Section 26 ng 1987 Philippine Constitution - ipinagbabawal dito ang anumang uri ng dinastiya

❖ Katiwalian (Graft) - tumutukoy sa pag gamit ng isang tao sa kanyang posisyon para sa pansariling interest o kapakanan

❖ Korupsiyon - tumutukoy sa malawak na pamamaraan ng pakikinabang sa kapangyarihan upang mapunan ang personal na
interes at kagustuhan
❖ John S.T Quah - ayon sa kanya, mahirap masugpo ang korupsiyon sa Pilipinas dahil mahirap matukoy at masukat ang
hangganan ng korupsiyon
❖ Accountability - pananagutan ng mga namumuno sa mga tao kaugnay ng kanilang mga naging desisyon

❖ Pag-iral ng batas - tumutukoy sa pag sunod sa batas at pantay pantay na pagpapatupad ng batas as lahat ng uri ng
mamamayan
❖ Pagpigil sa korupsiyon - kakayanan ng gobyerno na puksain ang iba't ibang uri ng korupsiyon

❖ Kalidad na pamamahala - may katatagan ang mga institusyong nabuo

❖ R.A. 3019 or Anti-Graft and Corrupt Practices Act - ito ay naglalahad ng iba't ibang alituntunin at gawaing maituturing
na korupsiyon
❖ R.A. 6713 or Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees - batas na naglalayong
bantayan mula sa gawaing korupsiyon ang mga kawani ng pamahalaan
❖ R.A. 11032 or Ease of Doing Business and Efficient Government Services Delivery Act of 2018 - naglalayong mapadali
ang pakikipag-ugayam o transaksiyon ng mga tao sa gobyerno.
❖ Anti-Dynasty Bill - inihain nina Senador Franklin Drion at Senador Grace Poe noong 2018 upang masugpo ang dinastiyang
politikal
❖ Republic Act No. 6735 or People's Initiative - naglalahad ng proseso kung paano makapaghahain ng emyenda sa
Konstitusyon ang mga mamamayang Pilipino
❖ Natural Rights - kabilang dito ang karapatang mabuhay, karapataan sa kalayaan, at ang kalayaan sa pagkakaroon ng ari-
arian
❖ Marcus Tullius Cicero - ayon sa kanya, ang mga karapatan ng tao ay hindi nakadepende sa anumang batas o kasunduan na
maaaring bawiin o Alison
❖ John Locke - ayon sa kanya, ang tao ay likas na malaya at pantay-pantay (Two Treatises of Government)

❖ Thomas Hobbes - ayon sa kanya, dapat na limitahan ang mga karapatang likas batay sa kasunduan o social contract. Sa
kasunduang ito, isusuko ng tao ang mga karapatan niya kapalit ng pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan sa lipunan.
(Leviathan)
❖ Cyrus Cylinder - dito unang nakita ang konsepto ng karapatang pantao na ginawa ni Cyrus the Great. Idineklara sa
artepaktong ito ang pagkakapantay-pantay ng iba't ibang lahi
❖ Writ of Habeas Corpus - isang batas na nagbibigay proteksiyon laban sa hindi makaturungang pagpilit sa isang indibidwal.

❖ Mga Prinsipyo ng Karapatang Pantao:


 Universality at Inalienability – ang mga karapatang pantao ay panglahat at hindi maaring mawala o mabawasan
 Indivisibility – lahat ng karapatang pantao ay may pantay na katayuan at hindi lubos na matatamasa ang isa nang
wala ang iba
 Independence at Interrelatedness – bawat karapatan ay nag-aambag sa pagpapanatili at pagsusulong ng dignidad ng
tao. Ang pagkamit ng isang karapatan ay madalas na nakasalalay sa pagkamit ng iba pang karapatan.
 Equality at Non-discrimination – ang lahat ng mga indibidwal ay pantay-pantay bilang tao at may pantay-pantay din
na karapatan
 Participation at Inclusion – lahat ng tao ay may karapatang lumahok at makakuha ng mga impormasyon na may
kinalaman sa paggawa ng desisyon
 Accountability at Rule of Law – pananagutan ng estado at mga namumuno nito ang pagtatanggol sa karapatang
pantao ng mga mamamayan.
 Universal Declaration of Human Rights (UDHR) – ito ang pangunahing instrumento na kumikilala at nagsusulong sa mga
karapatang pantao. Naglalaman ito ng mga pangunahing kasunduan ng mga bansa patungkol sa karapatang pantao sa
kasalukuyang panahon. Ito ay isa sa pinakamahalagang dokumento ng pandaigdigang pagkilala sa mga karapatang pantao, at
Nabuo ito noong Disyembre 1948 sa Paris, Pransiya. (Mayroon itong 30 na artikulo)
 Pandaigdigang Batas – tumutukoy sa mga deklarasyon, kasuduan, at obligasyon na tinatalima ng isang bansa batay sa
napagkasunduan kasama ang iba pang bansa.
 International Covenant on Economic, Social, and Cultural Rights (ICESCR) – para ito sa pangangalaga ng karapatang
pang-ekonomiya at panlipunan
 International Covenant on Civil and Political Rights (ICCPR) – nagsusulong ito sa mga karapatang sibil at politikal
 Convention on the Elimination of All Forms of Discrimination against Women (CEDAW) – layunin nito na magkaroon
ng mga batas laban sa diskriminasyon at gayundin ay mapagtibay ang pagbabawal sa diskriminasyon laban sa kababaihan
 Convention on the Rights of the Child – kinikilala nito na kasama ang mga kabataan sa pagsulong sa pagkakapantay-
pantay ng lahat ng tao
 Artikulo III ng Saligang Batas ng 1987 – nakapaloob dito ang katipunan ng mga karapatan (Bill of Rights) na kung saan ay
inilalahad ang mga karapatang pantao.
 Labor Code of the Philippines – nagbibigay ng mekanismo upang matamo ang kalayaan at karapatan sa paghahanapbuhay
 Revised Penal Code – nagbibigay ng proseso sa pagtukoy ng kaparusahan sa mga napatunayang nagkasala sa batas at
nagbibigay proteksiyon sa mga karapatan na nakasaad sa Bill of Rights
 Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation, and Discrimination Act (Batas Republika blg. 7610) –
nagbibigay proteksiyon sa karapatan ng mga kabataan na may edad 18 tao pababa mula sa iba’t ibang uri ng pang-aabuso
 Elimination of the Worst Forms of Child Labor and Affording Stronger Protection for the Working Child (Batas
Republika blg. 9231) – nagbibigay proteksiyon sa mga kabataan mula sa pang-aabuso sa paghahanapbuhay
 Juvenile Justice and Welfare Act of 2006 (Batas Republika blg. 9344) – nagtatakda ng edad na lehitimong nagkasala at
makukulong ang isang kabataan
 Anti-Violence Against Women and their Children Act of 2004 (Batas Republika blg. 9262) – nagbibigay proteksiyon sa
domestikong pang-aabuso sa kababaihan at kanilang mga anak
 Magna Carta for Disabled Persons (Batas Republika blg. 7277) – nagbibigay ng garantiya sa mga karapatan ng mga
taong may kapansanan
 Migrant Workers Act of 1995 (Batas Republika blg. 8024) – nagsasaad ng nararapat na proteksiyon para sa mga OFW
 Indigenous Peoples’ Rights Act of 1997 (Batas Republika blg. 8371) – nagbibigay proteksiyon sa karapatan ng mga
pangkat etniko
 Expanded Senior Citizen Act of 2010 (Batas Republika blg. 994) – nagbibigay proteksiyon at dagdag na pribilehiyo sa
mga senior citizen
 An Act Prohibiting the Imposition of Death Penalty in the Philippines (Batas Republika 9346) – nag-aalis sa parusang
kamatayan sa anumang paraan sa bansa
 Anti Torture Act of 2009 (Batas Republika blg. 9745) – nagbabawal sa anumang uri ng pagpapahirap o torture
 Data Privacy Act of 2012 (Batas Republika blg. 10173) – nagbibigay proteksiyon sa mga sensitibong dokumento
 Anti Enforced or Involuntary Disappearance Act of 2012 (Batas Republika blg. 10353) – nagbabawal sa ilegal na
pagkukulong at pag-aresto
 Human Rights Victims Reperation and Recognition Act of 2013 (Batas Republika blg. 10368) – nagbibigay pagkilala sa
mga biktima ng pang-aabuso at nagbibigay bayad-pinsala sa mga biktima ng rehiming Marcos
 Stereotype – ito ay isang pamamaraan sa pagkilala at panghuhusga sa isang tao, pangkat, o lipunan batay sa katangian na
ipinapalagay ng nakarami
 War on Drugs – inilunsad ng pamahalaan laban sa paggamit ng ilegal na droga noong 2016.
 Extrajudicial Killing – tumutukoy sa pagpatay na gawa ng mga indibidwal sa pamahalaan na walang pahintulot ng korte o
hindi dumaan sa legal na proseso
 Mga biktima ng Extrajudicial Killing:
 Kian Delos Santos – napatay noong 2017 nang mapagbintangan na nagbebenta ng ilegal na droga
 Carl Arnaiz (19 y/o)
 Reynaldo de Guzman (14 y/o)
 Media Persucution – Paraan ng pagpapatahimik sa media at mga namamahayag sa pag-uulat ng sitwasyon ng karapatang
pantao sa bansa
 Ayon sa Southeast Asia Media Report ng International Federation of Journalists – noong 2018, ang Pilipinas ang
pinakadelikadong bansa sa Timog-silangang Asya para sa mga namamahayag
 Mga biktima ng marahas na diskriminasyon sa mga Aprikano-Amerikano:
 Michael Brown (2014)
 Tamir Rice (2014)
 Freddie Gray (2015)
 George Floyd (2020)
 Emancipation Proclamation – idineklara ni Pangulong Abrahama Lincoln, at isinasaad sa proklamasyong ito ang
pagpapalaya simula Enero 1 1863 sa mga alipin sa mga estado sa Amerika
 Apartheid – nakabase ito sa kaisipang baasskap o white supremacy, kung saan sinisigurado na ang lahat ng aspekto ng
lipunan ay pumapabor sa iisang lahi lamang at ang lahing ito ay minorya sa bansa
 Rohingya – ito ay isang minoryang etnikong pangkat sa hilagang myanmar na ang pangunahing paniniwala ay Islam
 Ang krisis ng pangkat ng Rohingya ay itinuturing na kaso ng genocide ayon sa International Court of Justice noong
2020
 Hilagang Korea (North Korea) – itinuturing ng UN na isang “rogue state” dahil sa hindi nito pagtalima sa mga
internasyonal na pamantayan at kasunduan ukol sa karapatang pantao.
 United Nations Human Rights Council (UNHRC) – ito ay ang pangunahing ahensya ng UN na nagtataguyod at
nangangalaga sa mga karapatang pantao sa buong mundo.
 Komisyon sa Karapatang Pantao (Commission on Human Rights or CHR) – ito ay ang pangunahing ahensya ng
pamahalaan na nagtataguyod at nagbibigay ng proteksiyon sa mga karapatang pantao.
 Amensty International – may layunin na magsaliksik at labanan ang mga pang-aabuso sa karapatang pantao
 Human Rights Action Center – layunin nito na maging boses para sa mga biktima at maging tagapagtaguyod ng
karapatang pantao sa buong mundo
 Philippine Alliance of Human Rights Advocates – layunin nito ang pagkilala at pagsasakatuparan ng lahat ng karapatang
pantao na nakapalaoob sa mga kasunduang internasyonal
 KARAPATAN: Alliance for the Advancement of People’s Rights – ito ay mayroong mga programa ukol sa pagtataguyod
ng karapatang pantao na nakatuon sa pagtatanggol sa mga karapatan ng mamamayan
 Free Legal Assistance Group (FLAG) – naglalayon na makapagbigay ng tulong sa mga biktima ng pang-aabuso sa
karapatang pantao
 Writ of Habeas Data – nagbibigay ng proteksiyon at lunas sa karapatang magkaroon ng pribadong pamumuhay, at sa
kalayaan o seguridad mula sa mga aksiyon ng ahensiya ng pamahalaan
 Writ of Amparo – nagbibigay naman ng proteksiyon sa buhay, kalayaan, at seguridad laban sa extrajudicial killing at
enforced disappearance
 Writ of kalikasan – nagbibigay proteksiyon sa karapatan ng tao na mamuhay sa isang malinis at malusog na kapaligiran
 Ayon sa Survey na isinagawa ng Social Weather Station (SWS) noong Disyembre 2019 – tinatayang 76% ng mga
Pilipino ang naniniwala na maraming kaso ng pang-aabuso sa karapatang pantao sa bansa
 Sekso (Sex) – tumutukoy sa pisikal, pisyolohikal, at biyolohikal na katangian ng isang tao na nauuri sa pagiging babae at
lalaki. Ito ay likas na pananda batay sa mga sexual organ na taglay ng isang tao.
 Kasarian (Gender) – tumutukoy sa mga gampanin, tungkulin, at aktibidad na itinatalaga sa isang tao ng lipunan batay sa
kanyang sekso. Ito ay nakabatay sa kultural ng pagkakakilanlan sa isang lipunan.
 Gender-Normative – pag-uugali na katugma sa mga inaasahan ng kultura sa isang kasarian
 Gender-Nonconformity – pag-uugali na tiningnan bilang hindi kaayon sa mga inaasahan ng kultura ng isang kasarian
 Gender Role – ito ang kaugalian, pagpapahalaga, at gampanin na itinuturing na angkop para sa isang kasarian sa kanyang
lipunan.
 Masculinity – tumutukoy sa gampaning kaakibat ng pagiging lalaki
 Femininity – tumutukoy sa mga gampaning kaakibat ng pagiging babae
 Gender Identity – ito ay ang pansariling pananaw at pagkakakilanlan sa sariling kasarian. Maaring magkaparehas o
magkaiba ang kasarian sa kapanganakan (sex) at sa sariling pananaw ng isang indibidwal sa kanyang sarili (gender identity)
 Gender Expression – tumutukoy sa panlabas na pagkakakilanlan batay sa kasariang pagkakakilanlan ng isang tao.
Ipinapahayag ito sa pamamagitan ng pag-uugali, pananamit, gupit ng buhok, o boses at nakabatay sa gender identity ng isang
tao.
 Sexual Orientation (Oryentasyong seksuwal) – ito ay ang pagkakakilanlang seksuwal at emosyonal ng isang tao sa ibang
tao. Ang mga indibidwal ay maaaring kilalanin bilang heterosexual, homosexual, bisexual, transsexual, asexual at iba pa.
 Gender Schema Theory – nagsasaad na ang mga katangian at kaugalian ng isang kasarian ay representasyon ng mga
kategorya na batay sa sariling pagkakakilanlan. Ayon sa teorya, ang pagkakakilala ng bawat tao sa kanyang sarili ay
nagmumula sa pagkasanggol at nalilinang sa pagtanda ng isang indibidwal. Ito ay binuo ni Sandra Ben
 Expectation States Theory – ito ay ginawa ni Joseph Berger. Ayon sa teorya, ang kasarian ng isang tao ay may kaugnayan
sa kanyang impluwensiya sa lipunan.
 Queer Theory – sumusuri ito sa paraan kung paano naipahahayag ang seksuwalidad at kasarian sa lipunan. Ito ay unang
ipinakilala ni Rosemary Hennessy at ang terminong “queer theory” ay unang ginamit ni Teresa de Lauretis. Isinasaad ng
teorya na ang kasarian ay batay sa paniniwala ng lipunan, at ang pag-uugali at pagkakakilanlang seksuwal ng indibidwal ay
mga social construct.
 Gender and Sexual Diversity (GSD) – tumutukoy sa lahat ng klasipikasyon ng kasarian, gender identity, at oryentasyong
seksuwal
 Heterosexual – mga taong nakararanas ng atraksiyon sa miyembro ng kabilang kasarian
 Homosexual – mga taong nakararanas ng atraksiyon sa miyembro ng parehas na kasarian (gay or lesbian)
 Bisexual – mga taong nakararanas ng atraksiyon sa miyembro ng parehas na kasarian (babae at lalaki)
 Transsexual – mga taong nagpalit ng sekso sa pamamagitan ng mga interbensyon o operasyong medikal (gender affirmation
surgery)
 Transgender – tumutukoy sa isang tao na ang emosyonal at sikolohikal na pagkilala sa sarili ay kabahagi ng kabaligtad na
kasarian
 Asexual – isang tao na hindi nakararanas ng sexual na pagnanasa sa anumang kasarian
 Intersex – tumutukoy sa isang taong ipinanganak na parehong may biyolohikal na kataingang sekso na babae at lalaki
 Pansexual – tumutukoy sa isang tao na ang atraksiyon ay hindi limitado sa piling sekso (babae at lalaki)
 Gender Fluid – tumutukoy sa isang tao na ang pagkakakilanlan sa sariling kasarian ay nagbabago
 Feminism (Peminismo) – isang malawak na teorya na sumasakop sa gampanin ng kababaihan at epekto nito sa lipunan.
Kinilala si Charles Fourier bilang unang gumamit ng salitang peminismo
 Noong 2019, tinatayang 60 milyon ang rehistradong botante, 51.45% o 31,816,797 dito ang botanteng babae.
 Toxic Masculinity – isang konseptong kultural na pinaniniwalaan at pinupuri ang pagkalalaki bilang mas malakas na
kasarian at pangingibabaw nito kompara sa ibang kasarian. Ang terminong ito ay unang ginamit ni Shepherd Bliss
 Critical Feminism Theory – pinaniniwalaan na ang lipunan ay pinangungunahan ng mga kalalakihan at ibinababa nito ang
antas ng kababaihan at hinahangad nito na puksain ang patriyarka
 Liberal Feminism Theory – ito ay konsepto ng indibidwal na may kakayahan o awtonomiya sa pagsasagawa ng personal na
gampanin sa lipunan
 Post-Feminism Theory – Para sa mga naniniwal sa post-feminism, ang pamantayang moral, politikal, panlipunan, at pang-
ekonomiya ay hindi dapat nababatay sa uri ng kasarian ng tao, bagkus ay sa kakayahan ng isang indibidwal. Nag-uugat ito sa
kasabihan na “pro women without being anti-man”
 Elisa Rosales-Ochoa – siya ang unang kongresistang babae na nahalala noong 1941
 Geronima Pecson – siya ang unang babaeng senador sa Pilipinas noong 1947
 Geraldine Roman – siya ang unang transgender na nahalal bilang kinatawan (representitive) noong 2016
 Ang Pilipinas ay ang bansang mayroong pinakamalaking bilang ng mga Katoliko sa Asya
 Gender Inequality – kumikilala sa hindi pagkakapareho ng kasarian ng kalalakihan at kababaihan na nakaaapekto sa
pamumuhay ng isang indibidwal
 Sexism o Diskriminasyon sa Kasarian – ito ay ang hindi pantay na karanasan, karapatan, kalayaan, at pagtrato sa isang
indibidwal o pangkat batay sa kanilang kasarian, na kadalasan ay babae ang naapektuhan at nakararanas.
 Occupational Sexism – nagaganap ito sa mga lugar ng hanapbuhay ng kababaihan
 Ayon sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA) noong 2019 – mayroong gender pay gap sa sektor ng agrikultura
sa bansa, ang lalaki ay tumatanggap ng ₱310.16 bawat araw, at ang mga kababaihan ay tumatanggap lamang ng ₱285.51
bawat araw.
 Ayon sa Gender Inequality Index (GII) ng UN – mayroong kabuuang puntos na 0.425 ang Pilipinas. Ang Pilipinas din ay
mayroong pinakamataas na proporsiyon ng mga babae na naglilingkod sa sangay lehislatibo o kongreso sa Timog-Silangang
Asya (27.33% noong 2022)
 Violence Against Women (VAW) – ito ay isang terminong tumutukoy sa anumang uri ng pananakit o karahasan sa isang
babae tulad ng karahasang domestiko at sexual harassment
 Karahasang Domestiko (Domestic Abuse) – ito ay nagaganap kung ang babae ay nakararanas ng karahasang pisikal,
pananalita, o sikolohikal mula sa kanyang relasyon, na maaring kanyang asawa o nobyo
 Sexual Harassment – ito ay isang uri ng pang-aabusong seksuwal sa isang indibidwal at matuturing na sexual harassment
ang isang pangyayari kung ito ay may layuning seksuwal at nagagawa sa pamamagitan ng puwersa sa pagitan ng isang tao
 Noong Marso hanggang Mayo 2020, tinatayang 3,600 na kaso ng karahasang domestiko ang naitala ng PNP
 Ayon sa pagtataya ng WHO – halos 1 sa bawat 3 o 35% ng kababaihan ang nakararanas ng karahasang domestiko
 Safe Spaces Act (Batas Republika blg 11313) noong 2019 – ito ay nagpapatibay sa mga krimen na maituturing na batay sa
kasarian at sexual harassment. Pinalawak ng batas na ito ang konsepto ng sexual harassment
 #MeeToo Movement – ito sinimulan ni Tarana Burke noong 2006, kung saan isiniwalat ng mga biktima ang kanilang
karanasan sa sexism at sexual harassment
 Marriage Dissolution Bill – naisampa sa Mababang Kapulungan noong 2018 at naaprubahan sa ikatlo at huling pagbasa,
ngunit hindi ito umusad sa Senado
 Annulment – ito ay ang pagwawalang bisa sa kasal buhat sa simula nito. Dito, itinuturing na hindi naging mag asawa ang
pares sa simula
 Ayon sa datos ng Kagawaran Kalusugan o Department of Health (DOH) – tinatayang 7,160 mula sa 8,711 (82%) ng
mga bagong kaso ng HIV/AIDS ang naitala dahil sa prostitusyon
 Ayon sa Joint UN Programme on AIDS (UNAIDS) – noong 2018, mayroong 152,600 na sex worker sa Pilipinas
 Ayon sa Trafficking in Persons Report (TIP Report) – noong 2019, ang Pilipinas ay isa sa mga bansa na may
pinakamataas na bilang ng mga biktima ng human at sex trafficking
 Decriminalizing Vagrancy Act (Batas Republika blg. 10158) – nagpaparusa ito sa mga mahuhuling babae na nagsasagawa
ng sex work o prostitusyon
 Anti-Trafficking in Persons Act (Batas Republika blg. 9208) – pinaigting ang pagpapakahulugan ng prostitusyon at
pagbibigay parusa sa mga nambibiktima sa kababaihan at kabataan upang maging sex workers. Binibigyan din ng
proteksiyon ng batas na ito ang mga nabiktima ng sex trafficking
 Ayon sa Kagawaran ng Kagalingan at Pagpapaunlad Panlipunan o Department of Social Welfare and Development
(DSWD) – natukoy nila ang 2,953 katao na posibleng biktima ng human trafficking sa bansa, kung saan tinukoy na 672 ang
biktima ng sex trafficking noong 2019
 Ayon sa Pangasiwaan ng Pilipinas sa Empleo sa Ibayong-dagat o Philippine Overseas Employment Administration
(POEA) – nakilala nila ang 215 na babae na possibleng biktima ng human trafficking na palabas ng bansa
 Ayon sa Pambansang Kawanihan ng Pagsisiyasat o National Bureau of Investigation (NBI) – mayroong 278 na kaso ng
human trafficking noong 2019. Dagdag pa ito sa 1,439 na kaso ng ilegal na recruitment.
 Kawanihan ng Imigrasyon o Bureau of Immigation (BI) – napigilan ang tinatayang 199 na katao na rehistradong sex
offender sa ibang bansa na makapasok sa Pilipinas
 Responsible Parenthood and Reproductive Health Act of 2012 (Batas Republika blg. 10354) o Reproductive Health
Law – isang batas na ginagarantiyahan ang pangkalahatang akses sa mga pamamaraan ng pagkontrol sa pagbubuntis,
edukasyong seksuwal, at pangangalaga sa mga ina
 Tinataya ng WHO na 25% ng kamatayan na may kaugnayan sa panganganak ay maaring maiwasan kung mayroong
maayos na kalusugang reproduktibo sa bansa. 85% ng kababaihan ang maaaring mabuntis kung walang pamamaraan sa
pagkontrol nito
 Ayon sa Pew Research Center noong 2019 – 73% ng mga Pilipino ang sinasabi na tanggap ang homosexuality sa bansa. Sa
39 na bansa na kasali sa pag-aaral na ito, ika-10 ang Pilipinas sa may pinakamataas na antas ng pagtanggap sa homosexuality
 Ayon sa DOH – nadagdagan ang bilang ng kaso ng HIV/AIDS sa Pilipinas noong 2019-2022 pamula 74,807 to 109,282, at
ang pangunahing pamamaraan ng pagkahawa sa sakit ay sa pamamagitan ng pagtatalik (98%)
 SOGIE Equality Bill o Sexual Orientation and Gender Identity Expression o LGBT Anti-Discrimination Bill – ito ay
isang panukalang batas na magbabawal sa diskriminasyon batay sa kasarian at oryentasyong seksuwal. Ito ay muling inihain
noong ika-18 Kongreso (2019-2022) sa pangunguna nina Senador Risa Hontiveros, Imee Marcos, Leila de Lima, at Francis
Pangilinan. Habang sa mababang Kapulungan naman ay inihain ito ni Rep. Sol Aragones, Rep. Geraldine Roman, at Rep.
Loren Legarda. Unang ipinanukula ito ni Sen, Miriam Defensor Santiago at Rep. Etta Rosales ng Akbayan noong 2000.
 First Quarter Storm (FQS) – nangyari noong Enero 1970, kung saan naganap ang mga demonstrasyon ng mga kabataang
Pilipino na pinangunahan ng National Union of Students of the Philippines at ng Konseho ng Mag-aaral sa Unibersidad ng
Pilipinas (UP Student Council) laban sa dikadurya ni dating Pangulong Marcos
 Batas Republika blg. 10533 o ang Enhanced Basic Education Act of 2013 (K-12 Act) – sa pamamagitan nito, nireporma
ng pamahalaan ang haba, nilalaman, at layunin ng pormal na edukasyon sa bansa. Sa ilalim ng K-12 Basic Education
Program, nadagdagan ng dalawang taon ang kailangang gugulin na panahon ng mga mag-aaral bago makapagtapos (apat na
taon ng Junior High at dalawang taon ng Senior High)
 Academic Track – ito ay dinisenyo para sa mga taong nais pang magpatuloy ng kanilang pag-aaral sa kolehiyo. Layunin
nito na magbigay ng pundasyon sa kursong nais pasukin ng mag-aaral sa kolehiyo.
 Technical-Vocational-Livelihood Track – dinisenyo ito para sa mga mag-aaral na nais nang maghanap ng trabaho
pagkatapos ng kanilang K-12 na edukasyon.
 Sports Track – ito ay para sa mga mag-aaral na nais mag-umpisa ng karera sa larangan ng isports
 Arts and Design Track – nakadisenyo ito upang pagyamanin ang pagkamalikhain ng mga mag-aaral at tulungan silang
magkaroon ng karera sa larangan ng media at visual arts.
 Doktor ng Medisina – mga taong gumagamot sa mga maysakit
 Doktor ng Pilosopiya – sila ang mga kinikilalang bihasa sa larangan na kanilang piniling pag-aralin. Bago makamit ito,
kailangan munang makapagtapos ang mag-aaral ng isang master’s degree at makapagsulat ng disertasyon.
 Saligang Batas – kinikilala rin ito sa tawag na Konstitusyon. Ito ang pinakadakila o pinakamataas na batas sa bansa. Sa
kasalukuyan, tayo ay nakapailalim sa bisa ng Saligang Batas ng 1987 ng Pilipinas na nabuo matapos ang EDSA People
Power Revolution
 Functional Literacy – ito ay ang kakayahang magsulat, bumasa, at magsagawa ng simpleng matematikong mga pagtutuos
na magagamit sa araw-araw na pamumuhay
 Basic Literacy – ito ang tawag sa kakayahang makapagsulat o makapagbasa ng isang pangungusap
 Universal Access to Quality Tertiary Education Act (Batas Republika blg. 10931) noong 2017– sa ilalim ng batas na ito,
libre na ang matrikula at iba pang kaakibat na pang-edukasyong gastusin ng mga mag-aaral sa piling mga pampublikong
kolehiyo at unibersidad sa Pilipinas.
 Alternative Learning System (ALS) – ito ay isang sistema ng alternatibong edukasyon kung saan ang mga mamamayang
hindi nakapagtapos ng pag-aaral ay nabibigyan ng pagkakataon na makamit ang naudlot nilang pangarap na mag-aral.
 Batas Republika blg. 3562 – nagtataguyod ito ng Pambansang Paaralan para sa mga bulag sa siyudad ng Pasay
 Batas Republika blg. 10754 – sa bisa nito, binibigyan ng ayuda ng pamahalaan ang mga may kapansanan
 Batas Republika blg. 5250 –Layunin ng batas na ito na bigyan ng pormal na pagsasanay ang mga guro kung paano alagaan,
turuan, at pakitunguhan ang mga taong may special needs

You might also like