You are on page 1of 2

Ap 1st QTR Reviewer

Kontemporaryong isyu ang tawag sa pangyayari o illang suliraning


bumabagabag o gumagambala at nagpapabago sa kalagayan g ating
pamayanan, bansa, o mundo sa kasalukuyang panahon. Ang mga isyung ito ay
maaaring may kaugnayan sa mga temang tulad ng lipunan, karapatang pantao,
relihiyon, ekonomiya, politika, kapaligiran, edukasyon, o pananagutang
pansibiko at pagkamamamayan.

Katotohana at Opiniyon

Ang Kalamidad ay itinuturing na mga pangyayaring nagdudulot ng malaking


pinsala sa kapaligiran, ari-arian, kalusugan, at buhay ng mga tao at lipunan. Ang
ilan sa mga kalamidad na madalas maranasan sa Pilipinas ay bagyo, baha,
drought, lindol, landslide, flash flood, pagputok ng bulkan, at storm surge.

Ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC),


ahensiyang mamumuno sa paghahanda at pagtugon sa mga kalamidad na
mararanasan ng bansa.

Ang bagyo ay tumutukoy sa isang malaks na hanging kumikilos nang paikot, na


madalas ay may kasamang malakas at matagal na pag-ulan.

Lindol, Ito ay isang biglaan at mabilis na pagyaning ng lupa gawa at ng iba't


ibang dahilan tulad ng paggalaw ng solidong batong nasa ilalim ng lupa at
pagiging aktibo ng bulkan.

Pagsabog ng Bulkan, Ang pagsabog nito ay sinasabayan dun ng nakalalasong


gas at iniluluwang malalaking bato at abo na umaabot ng daan-daang kilometro
pataas sa atmospera.

Baha- Ito ay ang pagtaas ng tubig nang higit sa kapasidad ng ilog at iba pang
daluyan na ang resulta ay pag-apaw nito sa kapatagan.

Mga Ahensiya n Pamahalaan na Nagtutulungan para sa Kaligtasan ng mga


Mamamayan

Department of Social Welfare and Development - Ito ang namamahala sa mga


programa ng pamahalaan para sa paglilingkod sa lipunan lalo na sa mahihirap.

Department of Interior and Local Government - Ito ang namamahala sa mga


yunit ng lokal ng pamahalan tulad ng mga barangay, bayan, lungsod, o
lalawigan.

Ap 1st QTR Reviewer 1


Department of Education - Ito ay hamamahala sa mga bagay na may kinalaman
sa pagpapaunlad ng batayang edukasyon sa ating bansa.

Metropolitan Manila Development Authority - Nilikha upang mabigyan ng


tuwirang serbisyo ang mga mamamayan sa Metro Manila o National Capital
Region.

Department of Health - Ito ang nangangalaga ng kalusugan ng mga


mamamayan ng bansa tulad ng pagsugpo sa pagkalat ng kolera, tigdas, at iba
pang nakahahawang sakit, lalong-lalo na kapag may kalamidad.

Department of Public Works and Highways - Ito ang nagsasaayos ng mga


lansangan, daan, tulay,
dike, at iba pang impraestruktura ng pamahalaan na nasisira kapag may baha o
lindol.

Department of National Defense - Pinangangalagaan nito ang kapayapaan at


kaayusan sa ating bansa.

Department of Environment and Natural Resources - Pinangangalagaan nito


ang kapaligiran at likas na yaman ng bansa.

Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration -


Ipinararating ng pangasiwaang it ang lagay ng panahon. Nagbibigay-babala ito
sa pagdating ng bagyo at nag-uulat
tungkol sa lakas ng hangin, ulan, at galaw ng bagyo.

Philippine Institute of Volcanology and Seismology - Nagbibigay babala ito sa


pagputok ng bulkan upang mapaliit ang epekto ng sakuna.

Ap 1st QTR Reviewer 2

You might also like