You are on page 1of 18

AP

Modyul 3:
Mga Paghahandang Nararapat
Gawin sa Harap ng Panganib
na Dulot ng mga Suliraning
Pangkapaligiran
TUKLASIN
Dahil ang kalamidad ay hindi natin mapipigilan, mainam na lumikha
tayo ng sarili nating pamamaraan upang mabawasan ang pinsalang maaaring
idulot nito. Mayroong mga iba-ibang hakbangin na maaari nating sundin para
maiwasan ang panganib na dulot ng bawat kalamidad.
Gayunpaman, lagi nating isipin na hindi sapat na alam lang natin ang
mga hakbangin upang tugunan ang kalamidad, bagkus dapat alam din natin
kung paano ito maisasakatuparan upang makasiguro na magiging ligtas tayo
sa anumang pinsalang maaaring idulot nito sa atin. Ang bawat isa ay
kinakailangan na lubos na maunawaan ang kahalagahan ng pagiging handa,
dahil buhay ng tao ang nakataya rito. (Antonio,Dallo et.al, 2017)
Mga Gawain na Nagdudulot o Nagpapalala sa Kalamidad

1. Pagtatapon ng basura sa mga daluyan ng tubig - ang pagtatapon ng basura sa


mga daluyan ng tubig ay nagiging sanhi ng pagbabara ng mga ito, kaya’t
nagkakaroon ng mga pagbaha.

2. Pagkakalbo ng Kagubatan – ang pagpuputol ng mga puno sa kagubatan ay


nagiging sanhi ng pagguho ng lupa at pagbaha sa mababang lugar kapag matindi
ang pag-ulan, dahil nawawala na ang mga ugat ng mga puno na sumisipsip sa
tubig ulan at nagpapanatili ng lupa sa kinalalagyan nito. Sa pagguho ng lupa at
pagbaha sa mababang lugar, malaki at marami ang napipinsala o naaapektuhan
tulad ng pagkasira ng tirahan, at pinagkukunan ng pagkain ng tao at hayop.
3. Paninirahan sa paanan ng bulkan – ang mga taong naninirahan sa may
paanan ng bulkan ay nalalagay sa peligro kapag pumuputok ang bulkan.
Maaaring sila at ang kanilang mga alagang hayop ay mapinsala dahil
malalanghap nila ang nakalalasong kemikal na ibinubuga nito at hindi sila agad
makalilikas sa ligtas na lugar.

4. Paninirahan sa estero, baybay ng ilog, o dagat – nababarahan ng mga


bahay ng tao ang daluyan ng tubig at nagiging sanhi ng matinding polusyon dahil
sa pagtatapon ng mga basura rito. Ang matinding polusyon sa ating kapaligiran
ay nagiging sanhi ng pagkakasakit o pagkamatay ng mga tao, hayop, at halaman.
5. Pagkasira ng ozone layer – nasisira ng ozone layer dahil sa paggamit ng
kemikal tulad ng aircon at aerosol spray. Ang pagkasira ng ozone layer ay
nagiging sanhi ng pag-init ng ating mundo na nagiging sanhi ng pagbabago
ng ating klima.

6. Pagmimina at quarrying – nagdudulot ang mga ito ng pagguho ng lupa.


Sa
pagguho ng lupa, malaki at marami ang napipinsala, maraming buhay ang
nasasawi at nawawalan din ng tirahan o ari-arian.

7. Pagtangging lumikas ng mga tao mula sa mga mapanganib na lugar


Kapag tumanggi ang mga tao na lumikas sa ligtas na lugar kung may
kalamidad, sila ay maaaring masaktan o mamatay.
Paghahanda sa mga Kalamidad

Hindi natin mapipigilan ang pagdating ng mga kalamidad, ngunit maaari


tayong gumawa ng mga paraan upang mabawasan ang maaaring
matinding epekto nito sa ating buhay at ari-arian. May mga hakbang na
maaari nating gawin upang maiwasan o mabawasan ang maaaring
pinsalang dulot ng mga kalamidad.
1. Bagyo o Ulan
Upang maging handa ang mga mamamayan sa pagdating ng ulan,
naglabas ng gabay ang PAGASA na naglalayong makatulong upang
magawa ang nararapat na mga paghahahanda. May mga babala o
Public Storm Warning Signal (PSWS) na ipinalalabas ng Philippine
Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration –
Department of Science and Technology (PAGASA-DOST) upang
malaman ng mga tao kung gaano kalakas ang paparating na tropical
cyclone o bagyo at mga dapat gawin.
● Alamin ang mga payong pangkaligtasan.
● Makinig sa radio o manood ng TV upang malaman ang pinakahuling
balita
● Ihanda ang de-bateryang radio
● Maghanda ng emergency kit na naglalaman ng mga kagamitang
kakailanganin para sa tatlong araw. Gaya ng tubig, gamot, pagkain, at
iba pa.
● Ibalot o iplastik ang mahahalagang papeles
● Magplano ng gagawin kapag may paparating na kalamidad
● Siguraduhin na ang bahay ay nasa mabuting kondisyon.
● Kung naninirahan sa mga mabababang lugar, lumikas agad sa mataas
na lugar.
2. Landslide
Walang babala ang landslide o pagguho ng lupa. Kapag nagkaroon ng
lindol o aftershock, ang pagyanig ng lupa ang nagsisilbing babala sa mga
tao. Kapag may matinding pag-ulan, ang pagkababad ng lupa ang
maaaring maging sanhi ng pagguho nito. Ang landslide ay mabilis kaya’t
walang sapat na oras o panahon upang makalikas.
Mga Dapat Gawin sa banta ng Landslide:
● Tukuyin at iwasan ang mapanganib na lugar.
● Magplano ng mga gagawin sa oras ng kalamidad tulad ng landslide.
● Siguraduhing may handang emergency kit.
● Magtanim ng mga puno sa inyong kapaligiran. Nakatutulong ang mga
ugat ng puno sa pagpigil ng pagguho ng lupa.
3. Pagputok ng Bulkan
Ang bulkan ay isang bundok na may bukana paibaba sa isang imbakan
ng tunaw na bato sa ilalim ng balat ng lupa. Ang mga pagsabog ay
maaaring maging tahimik o sumasambulat. Maaaring magkaroon ng
pagdaloy ng lava, napipitpit na anyong lupa, nakalalason na gas, at
lumilipad na bato at abo na kung minsan ay inaabot ng daan-daang
milya pababa. Ang mga pagsabog ng bulkan ay maaaring sabayan ng iba
pang likas na panganib, kasama na ang mga lindol, pagdaloy ng putik at
mga flash flood, pagkahulog ng bato at mga pagguho ng lupa, acid rain,
sunog, at mga tsunami.
Mga Dapat Gawin sa banta ng Lindol

● Alamin ang earthquake hazard sa inyong lugar.


● Gawing pamilyar ang sarili sa mga exit route sa inyong tahanan lugar
ng trabaho, at paaralan.
● Maghanda ng emergency kit.
● Magsagawa o makilahok sa mga earthquake drill.
Mga Ahensya ng Pamahalaan na Tumutugon
sa Panahon ng Kalamidad

1. PAGASA -Ang Philippine Atmospheric, Geophysical and


Astronomical Services Administration ay sangay ng Kagawaran ng
Agham at Teknolohiya ng Pilipinas na nagbibigay serbisyong may
kaugnayan sa pagbaha, pag-ulan, pagpasok at prediksyon ng pagkilos
ng bagyo, meteorolohikal, astronomikal at iba pang impormasyong
kinakailangang isapubliko para sa ikaliligtas ng buhay at mga ari- arian.
2. NDRRMC - Ang National Disaster Risk Reduction and Management
Council o NDRRMC ay sangay ng pamahalaan sa ilalim ng Kagawaran ng
Tanggulang Pambansa ng Pilipinas, na responsable sa pagtitiyak ng pag-
agap sa mga sakuna at pagbawas sa panganib na dulot ng mga
kalamidad. Nagbibigay ito ng mga babala sa mga epekto at hakbang
para paghandaan ang mga kalamidad tulad ng bagyo.
DOTC - Ang DOTC o Department of Transportation and
Communication ang ahensiya ng pamahalaan na nakatalaga sa
pampublikong transportasyon sa buong bansa. Nagbibigay ito ng mga
balita sa lagay ng sistema ng pampublikong transportasyon sa bansa
tulad ng mga biyahe sa himpapawid, karagatan at kalsada.
4. Philippine Coast Guard - Ang Philippine Coast Guard ay isang
ahensiya sa ilalim ng DOTC na nagpapatupad ng kaligtasang pandagat,
seguridad, at search and rescue operations. Nagbibigay ito ng mga
babala sa biyaheng pandagat at mga ulat sa operasyon sa mga
pantalan.

5. CAAP - Civil Aviation Authority of the Philippines o CAAP ay isang


ahensiyang nasa ilalim ng DOTC na inatasang magpatupad ng mga
patakaran ukol sa civil aviation o pagpapalipad ng mga sibilyan ng
sasakyang panghimpapawid. Nagbibigay ito ng mga ulat sa mga
operasyon at problema ukol sa biyaheng panghimpapawid.
Disaster Management

Ang Disaster Management ay tumutukoy sa iba-ibang gawain na


dinisenyo upang mapanatili ang kaayusan sa panahon ng sakuna,
kalamidad, at hazard. Nakapaloob din dito ang mga plano at hakbang
na dapat gawin ng mga komunidad upang maiwasan, makaagapay sa
mga suliranin at makabangon mula sa epekto ng kalamidad, sakuna at
hazard.
1. Hazard - ito ay tumutukoy sa mga banta na maaaring dulot ng
kalikasan o ng gawa ng tao. Kung hindi maiiwasan, maaari itong
magdulot ng pinsala sa buhay, ari-arian, at kalikasan. Halimbawa: lindol,
baha, flashflood, bagyo at marami pang iba.
1.1 Anthropogenic Hazard o Human-Induced Hazard – ito ay
tumutukoy sa mga hazard na bunga ng mga gawain ng tao. Halimbawa:
polusyon, usok mula sa mga pabrika.
1.2. Natural Hazard – ito naman ay tumutukoy sa mga hazard na
dulot ng kalikasan. Halimbawa nito ay ang bagyo, lindol, tsunami,
thunderstorms, storm surge, at landslide.
2. Disaster ito ay tumutukoy sa mga pangyayari na nagdudulot ng
panganib at pinsala sa tao, kapaligiran, at mga gawaing pang-
ekonomiya. Maaaring ang disaster ay natural gaya ng bagyo, lindol, at
pagputok ng bulkan o gawa ng tao tulad ng digmaan at polusyon.
3. Vulnerability – tumutukoy ito sa tao, lugar, at imprastraktura na may
mataas na posibilidad na maapektuhan ng mga hazard. Ang pagiging
vulnerable ay kadalasang naiimpluwensiyahan ng kalagayang
heograpikal at antas ng kabuhayan. Halimbawa: mga bahay na gawa sa
hindi matibay na materyales.
4. Risk - ito ay tumutukoy sa inaasahang pinsala sa tao,
ari-arian, at buhay dulot ng pagtama ng isang
kalamidad
5. Resilience - ang pagiging resilient ng isang
komunidad ay tumutukoy sa kakayahan ng pamayanan
na harapin ang mga epekto na dulot ng kalamidad.

You might also like