You are on page 1of 12

ANG KAUGNAYAN NG GAWAIN AT DESISYON NG TAO SA PAGKAKAROON NG MGA

KALAMIDAD

Ilan sa mga Kalamidad na bunga ng mga gawain o pagdedesisyon ng mga tao (MAN-
MADE CALAMITIES)
1.POLUSYON- ito ay tumutukoy sa dumi,ingay at hindi kaaya-ayang amoy sa kapaligiran.
Ang mga pangkaraniwang sanhi nito ay ang mabilis na paglaki ng populasyon, pagdami
ng industrial waste, at mga sasakyang panlupa, pandagat at panghimpapawid.
A.POLUSYON SA HANGIN-ay dulot ng masasama at nakalalasong gas at iba pang mga
fume na humahalo sa malinis na hangin. Ang mga pabrika, mga sasakyang gumagamit ng
gasolina o krudo at ang paninigarilyo ay ang mga pangkaraniwang sanhi ng polusyon sa
hangin.
B.POLUSYON SA LUPA-ay may maraming mga sanhi. Isa sa mga sanhi nito ay ang
pagmimina o paghahanap at pagkuha ng mahahalaga at mamahaling mineral gaya ng
ginto. Sa proseso ng pagmimina ay may mga bagay at pamamaraan na nagiging dahilan
upang dumumi ang lupa.
Ang paggamit ng mga magsasaka ng mga insecticide, pesticide, at fertilizer.
Ang paglalagay ng mga nakalalasong dumi at mapaminsalang kemikal sa lupa. Hal. Ang
mga basura na galing sa mga abahy, hospital at pabrika.
Ang polusyon sa lupa ay nagdudulot ng problema sa kalusugan gaya ng pagkakaroon ng
kanser, problema sa balat, problema sa sistema ng paghinga,
C. POLUSYON SA TUBIG- tumutukoy ito sa maruming kalagayan ng tubig o proseso ng
pagdumi ng tubig.

MGA PANGUNAHING SANHI NG POLUSYON SA TUBIG


1.Ang pagtatapon ng mga tao ng mga basurang mula sa kanilang bahay sa mga sapa,
lawa o ilog ay nagdudulot ng polusyon.
2.Salarin din ang mga pabrikang nagtatapon sa ilog o dagat ng mga kemikal na hindi na
nila ginagamit.
3.Ang mga informal settler na nakatira sa mga ilog o sa malapit sa ilog ay nagdaragdag
din polusyon sa tubig. Kung walang maayos na palikuran, ang kanilang mga ihi at ang
mga dumi ay mapupunta lamang sa ilog. Kung walang maayos na waste management
ang kanilang mga pinaghugasan at mga basura ay sa ilog din pumupunta.

2. OIL SPILL- ang oil spill sa karagatan ay madalas maganap kapag hinayaang bumiyahe
ang tanker ng langis kahit na masama ang panahon. Maaari ding dahilan ang pagkarga
ng langis na lagpas sa kapasidad ng barge o tanker.
> kapag ang langis ay napunta sa tubig, ang hangin (oxygen) ay hindi nakapapasok dito.
Ang mga isda ay nakukulong din sa langis dahil sa lagkit nito. Ang mga ito ang mga
dahilan kung kaya’t nagdudulot ang langis sa tubig ng fish kill.

3.DEPORESTASYON - ay ang pagkakalbo ng kagubatan sanhi ng malabis o ilegal na


pagputol ng mga puno sa kagubatan, pagmimina o pagkakaingin.
 Mga ilang dahilan kung bakit nangyayari ang deporestasyon.
1.Ibinebenta bilang isang kalakal ang mga puno (troso) o hinangong uling.
2.Ginagamit nman bilang pastulan, taniman ng ibang pananim, o tirahan ang mga
kinalbo o kinaingang lupain.
-Samakatuwid, ang deporestasyon ay maituturing bilang isang kalamidad o bilang isang
sanhi ng iba pang kalamidad.

ILAN SA MGA KALAMIDAD NA KAPUWA GAWA NG KALIKASAN AT GAWA NG TAO


1.BAHA – ay masasabing dulot ng labis na pag-ulan, biglaang pagbuhos ng ulan o
thunderstorm o tuloy-tuloy na pag-ulan sa loob ng ilang araw, masasabi ring ito ay bunga
ng pagkaipon ng nasura sa mga daluyan ng tubig.
2.FLASHFLOOD-ito ay maaaring bunga ng pagkakalbo ng bundok kagaya ng kaso ng
malaking pinsalang naganap nang magkaroon ng Bagyong Sendong sa lalawigan ng CDO
noong Disyembre 2011.Ito ay maaring dulot din ng pagmimina na ginagawa ng mga tao.
3.LANDSLIDE- pangkaraniwang sanhi nito ay ang malalakas o tuloy-tuloy na pag-ulan o
hindu kayan naman ay paglindol, nagiging dahilan din o nakapagpapalala ng landslide
ang pagmimina, maling paraan o iresponsableng paggawa ng alsada o iba pang gusali, at
pag[utol ng mga puno sa kagubatan.
4.EPIDEMYA- ang pagkakroon ng mga sakit na nakahahawa at maging ang pagkalat ng
mga ito, ay karaniwan nang may kaugnayan sa polusyon sa kapaligiran na gawa ng tao.
5.CLIMATE CHANGE-ito ay may kaugnayan sa global warming o pagtaas ng temperatura
sa daigdig na resulta rin ng maraming gawa o kapabayaan ng mga tao. Nagdudulot at
nagpapalala ng pagtaas ng temperatura ang mga gawain gaya ng pagsunog ng mga
produktong mula sa langis, pagpanot sa kagubatan, pagsasaka at industriyalisasyon na
gumagamit ng mga kemikal na chlorofluorocarbon at hydrofluocarbon sa mga
refrigerator, airconditioner,aerosol,blower,heater at iba pa.
ANG MGA PAGHAHANDA SA HARAP NG MGA KALAMIDAD

Sapagkat ang mga kalamidad ay madalas na hindi masabi kung kalian darating, ang
paghahanda ay mahalaga sa kaligtasan ng mga tao, sila man ay nasa peligroso o kahit sila
ay nasa tila baga ligtas na lugar. Kung handa ang isang komunidad at lagging
nagmamasid sa nagbabantang panganib, maiiwasan o mababawasan ang pinsala sa
buhay o ari-arian ng mga naninirahan ditto.
Narito ang mga paalala at mga bagay na nararapat gawin bilang paghahanda sa mga
kalamidad, panganib at sakuna.
1.Palagiang subaybayan ang mga anunsyo o kagyat na alerto sa radio, tv o internet ukol
sa bagyo, storm surge, tsunami, buhawi baha, flashflood o landslide lalo na kung ang
lugar na tinitirhan ay laging naaapektuhan ng mga ito.
2.Alamin at intidihin ang kagay ng panahon at mga panganib o krisis na maaaring
makaaapekto sa pamilya o sa komunidad.
3.Sa tahanan, lumikha o magtalaga ng isang ligtas na silid o pinakaligtas na lugar at
tiyaking alam ito ng lahat ng miyembro ng pamilya.
4.Tiyakin at ipaalam din sa bawat miyembro ng pamilya kung saan-saan sa pamayanan
maaaaring magtungo kung kakailanganin ang evacuation o paglikas.
5.Magtalaga ng isang responsableng miyembro ng pamilya na magiging point of contact
sa mga panahon ng kalamidad.
6.Tumukoy at ipaalam sa bawat miyembro ng pamilya ang mga lugar na maaaring
pagtipunan kung sakaling magkakahiwa-hiwalay sa panahon ng trahedya.
7.I-save sa cellphone phonebook ang mga emergency telephone number.
Magpaskl din ng listahan nito malapit sa inyong telepono.
8.Mag research ukol sa first aid CPR at iba pang mga kaalaman upang mailigtas ang
buhay.

BAGYO:
MGA DAPAT GAWIN BAGO DUMATING ANG BAGYO:

1.Ihanda ang radyo, flashlight at ekstrang baterya;

2.Maghanda ng pang-emergency na pagkaing hindi agad nasisira (katulad ng de-lata at


biskwit), lalagyan ng tubig, first-aid kit o gamit at gamot na pang-unang lunas, at mga
plastik na supot;

3.Patibayin o palakasin ang kakayahan ng haligi, bubong at mga bintana ng bahay laban
sa malakas na ihip ng hangin. Maaaring magsagawa ng paglalagay ng brace, pagtatali at
pagpapako nang maayos sa mga ito.

4.Putulin ang mga mahahabang sanga ng mga punongkahoy na malapit sa bahay.


MGA DAPAT GAWIN HABANG MAY BAGYO
1.Sumubaybay sa radio,tv o Internet ukol sa regular na anunsyo o babala tungkol sa
pagkilos, direksyon,lakas at eksaktong dako ng bagyo. Maaari ding makibalita sa mga
barangay official o mga kapitbahay.

2.Kung may pagkakataon pa, i-double check kung may mga gamit pang emergency na
nakalagay sa lalagyang hindi nababasa.

3.Huwag maging kampante. Mag-ingat sa mata ng bagyo.

4.Iwasan ang paggagala. Hanggat maaari ay ikansela o ipagpaliban ang mga lakad.

BAHA

MGA DAPAT GAWIN BAGO ANG PAGBAHA


1.Alamin ang mga warning and alert system at signal sa inyong barangay.
2.Makinig sa ulat ng panahon mula sa PAGASA. Obserbahan ang sitwasyon ng lugar.
3.Ihanda ang pangunahing kakailanganin sa paglikas tulad ng pagkain, tubig, gamut,
cellphone, kumot at iba pa.
4.Magtaas ng mahahalagang gamit o kasangkapan. Ilagay sa plastic ang mahahalagang
dokumento at papeles.
5.Igarahe ang sasakyan sa mataas na dako. Alisin ang koneksyon ng baterya. Ilipat din
ang mga alagang hayop sa mataas na lugar.
6.Maghanda o mag-imbak ng pagkain at malinis na inuming tubig. Ilagay ang mga ito sa
mataas na lugar.
7.Siguraduhing magkakasama ang lahat ng miyembro ng pamilya at ihanda ang bawat isa
sa ano mang mangyayari.
8.Alamin ang pinakamalapit na evacuation center at ang pinakamalapit na patungo rito.
9.Abangan ang warning signal na ibibigay ng kagawad tungkol sa paghahanda sa
paglikas.
10.Sa panig ng BDCC, dapat itong maghanda ng kanilang gamit tulad ng malalaking
flashlight, radyong de baterya, warning device at iba pa.

MGA DAPAT GAWIN HABANG MAY BAHA:


1.Umiwas sa mga lugar na may tubig-baha lalo na kung hindi nakasisiguro sa lalim nito.
2.Sa mga motorist, itigil ang dala-dalang sasakyan sa mataas na lugar.
3.Bawalan ang mga bata sa paglalro sa baha.
4.Huwag languyan o tawirin ng Bangka ang mga binahang lugar.
5.Tiyaking lutong-luto ang mga pagkain at iwasang marumihan ang mga tiring pagkain.
6.Pakuluan ang tubig bago ito inumin.

MGA DAPAT GAWIN PAGHUPA NG BAHA:


1.Mag-ingat sa pagpasok sa binahang bahay.
2.Maging laerto sa mga bagay na maaaring pagsimulan ng sunog.
3.Itapon na lamang ang mga pagkain at inuming narumihan ng tubig-baha. Lutuin muna
nang mabuti ang pagkain at pakuluan ang tubig bago kainin o inumin.

4.Ipaalam kaagad sa mga kinauukulan ang mga nasirang pasilidad gaya ng poste at
kawad ng kuryente.
5.Tiyaking nasiyasat nang mabuti ng isang marunong sa kut=ryente ang switch ng
kuryenteng nabasa at lahat ng gamit na de-kuryente bago gamiting muli ang mga ito.

LANDSLIDE
Nagaganap ang landslide sa pagbagsak ng lupa, putik, o mga malalaking bato dahil sa
pagiging mabuway ng burol o bundok. Karaniwan itong idinudulot ng malakas o tuluy-
tuloy na pag-ulan o ‘di kaya naman ay paglindol. Nagiging dahilan din o nakapagpapalala
ng landslide ang pagmimina, paggawa ng kalsada, di-akmang paggamit ng lupa, at
pagputol ng mga puno sa kagubatan.

Mga Dapat Tandaan

1.Ang landslide ay walang babala. Sa mga pagguhong sanhi ng paglindol, ang lindol
mismo o mga aftershock nito ang magsisilbing babala. Malaki rin ang epekto ng
matinding pag-ulan - dahil sa pagkababad ng lupa sa ulan, napapadali nito ang pagguho
ng lupa. Dahil walang babala, wala ring sapat na oras o panahon upang makalikas.
Iwasan ang mga natukoy na mapanganib na lugar hangga’t maaari. Iwasang magtayo ng
anumang istruktura sa mga lugar na ito.

2.Magbuo ng sistema ng babala sa komunidad para sa lindol at mga dulot nitong hazard
katulad ng landslide.

3.Magbuo ng Evacuation Plan para sa mga lugar na may banta ng panganib. Tiyaking
makapagtukoy ng mga ligtas na relocation site.
Magtayo ng mga warning stations at palagian itong bantayan upang makapagbigay ng
babala kung kinakailangan.

4.Piliing mabuti ang paglalagyan ng mga rain gauge upang ito ay makakuha ng sapat na
dami ng ulan. Regular itong i-monitor upang maging wasto ang basehan ng warning
signal. Ito ay kailangang mabantayang mabuti upang hindi masira at magsilbi para sa
wastong gamit ng taong bayan. Magsagawa ng pagsasanay sa mga taumbayan hinggil sa
pagbasa ng rain gauge.

5.Maiging laging may nakahandang mga relief goods ang lokal na pamahalaan sapagkat
mataas ang posibilidad na makulong o ma-isolate ang ilang mga barangay dahil sa
pagguho ng mga bundok.

6.Gawing batas ang pagbawal sa pagtotroso at magkaroon ng programa o polisiya sa


pagtatanim ng mga punong-kahoy.

EPIDEMYA

Ang epidemya ay mabilis na pagtaas ng bilang ng mga kaso ng nakahahawang sakit ng


mas mabilis kaysa normal nitong pagkalat sa isang partikular na lugar. Halimbawa ng
mga nakahahawang sakit: tigdas, dengue, malaria, diarrhea at cholera.

Mga dapat gawin upang makaiwas sa epidemya

1.Panatilihing malinis ang kapaligiran mula sa tahanan hanggang sa buong sa


pamamagitan ng sama-samang paglilinis ng mga lugar na pinagmumulan ng sakit tulad
ng baradong kanal, basurahan, at palikuran.
2.Kumain ng wastong pagkain at iwasan ang mga junk foods tulad ng chichirya at soft
drinks lalo na sa mga bata.
3.Sa mga komunidad na walang potable water system, pakuluang mabuti ang tubig bago
inumin.
4.Pabakunahan ang mga bata laban sa sakit; ang mga barangay clinics ay may libreng
ukol dito.
5.Ang pagkakaroon sa isang komunidad ng mas mataas sa dalawang bilang ng kaso ng
mga nabanggit na sakit ay senyales na ng pagkalat ng sakit na maaaring mauwi sa
epidemya; i-report kaagad ito sa pinakamalapit na barangay at/o kinauukulang ahensya
ng Department of Health (DOH).
6.Makatutulong na uminom ng mga bitamina na nagpapalaks ng resistencya sa sakit.

Ang Lipunan

“Ang lipunan ay isang buhay na organismo kung saan nagaganap ang mga pangyayari at
gawain. Ito ay patuloy na kumikilos at nagbabago. Binubuo ang lipunan ng magkakaiba
subalit magkakaugnay na pangkat at institusyon. Ang maayos na lipunan ay makakamit
kung ang bawat pangkat at institusyon ay gagampanan nang maayos ang kanilang
tungkulin.”(Mooney, 2011)

“Ang lipunan ay kakikitaan ng tunggalian ng kapangyarihan. Ito ay nabubuo dahil sa pag-


aagawan ng mga tao sa limitadong pinagkukunangyaman upang matugunan ang
kanilang pangangailangan. Sa tunggalian na ito, nagiging makapangyarihan ang pangkat
na kumokontrol sa produksyon. Bunga nito, nagkakaroon ng magkakaiba at hindi pantay
na antas ng tao sa lipunan na nakabatay sa yaman at kapangyarihan.”(Panopio, 2007)

“Ang lipunan ay binubuo ng tao na may magkakawing na ugnayan at tungkulin.


Nauunawaan at higit na nakikilala ng tao ang kaniyang sarili sa pamamagitan ng
pakikisalamuha sa iba pang miyembro ng lipunan. Makakamit ang kaayusang panlipunan
sa pamamagitan ng maayos na interaksiyon ng mga mamamayan.”(Mooney, 2011)

Ang Istrukturang Panlipunan at KulturaIpagpalagay na ang lipunan ay tulad ng isang


barya na may dalawang mukha: ang isang mukha ay tumutukoy sa mga istruktura ng
lipunan at ang isa naman ay tumutukoy sa kultura. Bagama’t ang dalawang mukha ay
magkaiba at may kani-kaniyang katangian, mahalaga ang mga ito at hindi maaaring
paghiwalayin tulad na lamang kapag pinag-uusapan ang lipunan.
Mga Elemento ng Istrukturang Panlipunan
Ang mga elemento ng istrukturang panlipunan ay ang institusyon, social groups, status
(social status), at gampanin (roles).
Institusyon
Ang lipunan ay binubuo ng mga institusyon.Ang institusyon ay organisadong sistema ng
ugnayan sa isang lipunan. (Mooney, 2011). Isipin halimbawa ang isang pangkaraniwang
araw. Magsisimula ito sa paghahanda ng mga miyembro ng pamilya para sa kani-
kaniyang mga gawain. Ang pamilya ay isa sa mga institusyong panlipunan, dito unang
nahuhubog ang pagkatao ng isang nilalang. Mula sa tahanan, maaaring ang ibang
miyembro ng pamilya ay magtungo sa paaralan samantalang ang iba naman sa
kanilaaymagtatrabaho o kaya ay mamimili ng kanilang pangangailangan. Tulad ng
pamilya, ang paaralan ay nagdudulot ng karunungan, nagpapaunlad ng kakayahan, at
patuloy na naghuhubog sa isang tao upang maging kapakipakinabang na mamamayan,
isa rin itong institusyong panlipunan. Samantala, ang mga taong nagtatrabaho at
kumokonsumo ng produkto ay bahagi ng isa pang instituyong panlipunan – ang
ekonomiya. Mahalaga ang ekonomiya sa lipunan dahil pinag-aaralan dito kung paano
matutugunan ang mga pangangailangan ng mga mamamayan. Mula sa tahanan
hanggang sa mga lugar na patutunguhan maaaring may makasalubong kang traffic aide,
may madaanang mga tulay o kaya ay mainip dahil sa abala na dulot ng ginagawang
kalsada. Maaaring may makita ka ring mga anunsyo ng mga programang pangkalusugan
at pangkalinisan. Ang mga nabanggit ay ilan lamang sa mga tungkulin ng pamahalaan na
isa ring institusyong panlipunan. Sa pagtupad mo sa iyong pang-araw-araw na tungkulin,
naghahangad ka ng kaligtasan, nagdarasal ka na maging tagumpay ang iyong mga
gawain, at maging ligtas ang iyong mga mahal sa buhay. Lahat ng ito ay ginagawa natin
dahil sa ating pananampalataya. Ang usapin ng pananampalataya ay bahagi ng relihiyon
na isa rin sa mga institusyong panlipunan. Ang pamilya, relihiyon, edukasyon,
ekonomiya, at pamahalaan ang itinuturing na mga institusyong panlipunan.

ANG DISASTER MITIGATION


DISASTER RISK MITIGATION (DISASTER RISK REDUCTION)
Ay naglalayong mabawasan ang pinsalang bunga ng mga sakuna, lalo na ng mga likas na
panganib (natural hazards) o kalamidad tulad ng lindol, baha at bagyo.
Ito ay nagsusulong ng tamang paghahanda at wastong pag-iwas sa mga sakuna at
kalamidad.
SAKUNA (Disaster)
Ay madalas na nasusundan ng mga natural na panganib.
Ang katindihan ng sakuna ay nakadepende at nasusukat sa kung gaano kalaki ang epekto
n isang panganib sa lipunan at sa kapaligiran.
Ang sukatan naman ng epekto ng sakuna ay nakasalalay sa piniling gawin para sa sarili at
para sa kapaligiran.
Nakasalalay sa bawat desisyon at pagkilos ng tao ang pagiging mahina (vulnerable) o
matatag (resilient) laban sa mga kalamidad.
KALAMIDAD AT PANGANIB (Hazard)
Ay mga pangyayaring likas o gawa ng tao na maaaring magdulot ng pinsala sa buhay, ari-
arian at kabuhayan ng mga ito na maaaring magbunga ng pagkatigil ng panlipunan
(social) at pang-ekonomiyang gawain ng isang komunidad.
Hal:bagyo, lindol, baha, flashflood, landslide, pagputok ng bulkan, storm surge, tsunami,
sunog, giyera
HAZARD
Ay maaaring:
1.nag-iisa (gaya ng sunog)
2.magkasunod o dulot ng isa pang hazard (gaya ng lindol at tsunami, lindol at landslide o
malakas na ulan at landslide
3.kumbinasyon (bagyo, malalakas na ulan, at landslide o bagyo, baha at landslide)
MGA NATURAL NA KALAMIDAD
1.BAGYO- ito ay tumutukoy sa malakas na hanging kumikilos nang paikot na madalas ay
may kasamang malakas at matagal na pag-ulan. Ito ay isang higanteng buhawi. Sa mata
ng bagyo ay walang hangin subalit malakas naman ang hangin sa eyewall nito .
PUBLIC STORM WARNING SIGNAL (PSWS)
ay mga babalang inilalabas ng PAGASA upang malaman kung gaano kalakas ang
paparating na bagyo, saan ang lokasyon nito sa oras na inilabas ang PSWS, saan ang
tinatayang daraanan nito, at ano-ano ang paghahandang dapat o maaari pang
maisagawa ng mga komunidad na maaapektuhan ng pagdaan ng bagyo.

ANG KAHULUGAN NG BAWAT PSWS NUMBER


PSWS No.1(TROPICAL DEPRESSION)- Hanging may lakas mula 30-60kph. Inaasahan ang
bagyp sa loob ng 36 na oras.
PSWS No.2 (TROPICAL STORM)-Hanging may lakas mula 61-120 kph. Inaaasahan ang
bagyo sa loob ng 24 na oras.
PSWS No.3 (SEVERE TROPICAL STORM)-Hanging may lakas mula 121-170 kph. Inaasahan
ang pagdating ng bagyo sa loob ng 18 oras.
PSWS No.4 (TYPHOON) – Hanging may lakas mula 171-220 kph. Inaasahan ang pagdating
sa loob ng 12 oras.
PSWS No.5(SUPER TYPHOON)- Hanging may lakas na higit pa sa 220 kph.Inaasahan ang
pagdating sa loob ng 12 oras.
2.STORM SURGE AT STORM TIDE
Storm surge-ay hindi pangkaraniwang o abnormal na pagtaas ng tubig-dagat na kaugnay
ng low pressure weather system gaya ng mga tropical cyclone at malalakas na
extratropical cyclone.
Ito ay sanhi ng mga high wind na tumutulak sa ibabaw ng dagat. Ang malakas na hangin
ang nagiging dahilan upang magkumpol ang tubig na mas mataas kaysa sa ordinaryong
sea level
Storm Tide - Ang water level ng dagat ay tumataas dahil kumbinsayon ng storm surge at
astronomical tide. Sa storm surge at storm tide ay parehong maaaring makaranas ng
matinding pagbaha sa mga coastal area, at maging sa karatig na pook, lalo na kung
dalawa ay masasabay pa sa normal high tide.
3.BAHA
Nagkakaroon ng baha kapag tumaas ang tubig nang higit sa kapasidad ng ilog at ibang
daluyan ng tubig na ang resulta ay ang pag-apaw nito sa lupa.
Ang ilan sa mga sanhi nito ay ang labis na pag-ulan, biglaang pagbuhos ng malalakas na
ulan o thunderstorm, at tuloy-tuloy na pag-ulan sa loob ng ilang araw.
Ang pagbaha sa kasalukuyan ay tila baga nagiging pangkaraniwan na lamang sa
maraming lugar sa Pilipinas.
4.FLASHFLOOD Ito ay rumaragasang agos ng tubig na may kasamang banlik, putik, bato,
kahot at iba pa.Bagama’t mabilis ang pagdating ng flashflood, mabilis din ang paghupa
nito. Ang pangkaraniwang sanhi nito ay ang malakas na pag-ulan.
5.LANDSLIDE Ito ay ang pagbagsak ng lupa, putik, o malalaking bato dahil sa pagiging
mabuway ng burol o bundok.
Ang pangkaraniwang sanhi nito ay ang malalakas o tuloy-tuloy na pag-ulan o hindi kaya
naman ay paglindol.
6.EPIDEMYA Ito ay ang mabilis na pagtaas ng bilang ng mga kaso ng nakahahawang sakit
nang mas mabilis kaysa normal nitong pagkalat sa isang partikular na lugar.
Hal. Tigdas, dengue, malaria, diarrhea at cholera

7.LINDOL Ang malakas na uri nito at ang mga teribleng epekto nito ang isa sa pinaka
nakatatakot at mapanirang pangyayari sa kalikasan.
Ito ay isang biglaan at mabilis na pag-uga ng lupa na dulot ng pagbibiyak at pagbabago
ng mga batong nasa ilalim ng lupa kapag pinakawawalan nito ang puwersang naiipon sa
mahabang panahon.
Sa lindol ay may tinatawag na katindihan (intensity) at kalakasan (magnitude).
Ang KATINDIHAN ay tumutukoy sa antas ng pinsala sa isang lugar na dulot ng isang
lindol.
KALAKASAN ito ay nakabatay sa masusing pagsusuri ng mga datos ng mga seismikong
tala para matantiya ang kabuuang halaga ng enerhiyang inilabas sa pinagmulan ng lindol
8.BUHAWI Ito ay tinatawag ding alimpuyo, tornado, o ipo-ipo.
Ito ay isang bayolente, mapanganib, at umiikot na kolumna ng hangin na dumarapo o
sumasayad sa kalatagan ng lupa..
Ito ay karaniwang nabubuo kasama ng isang thunderstom. Ang malamig na hangin sa
himpapawid ay bababa sa kalupaan samantalang ang mainit na hangin sa ibaba naman
ay aakyat nang paikot.
Ang BUHAWI ay nabubuo sa ibabaw ng lupa samantalang ang ipo-ipo naman ay nabubuo
sa ibabaw ng tubig.
Ang mga buhawi ang sinasabing pinakamapaminsalang bagyo ng kalikasan. Maaaring
lumitaw ang mga ito nang walang babala at maaaring hindi nakikita hanggang sa ang
mga alikabok at debris ay liparin o hanggang sa isang hugis-imbudong ulap ang lumitaw.
9.TSUNAMI
Kilala rin bilang mga seismic sea wave, ito ay serye ng malalaking alon na nilikha ng
pangyayari sa tubig, gaya halimbawa sa bahagi ng karagatan.
Ang mga lindol, malaking pagkilos sa tubig , pagputok ng bulkan at iba pang uri ng
pagsabog sa ilalim ng dagat, pagguho ng lupa, malaking pagtama ng maliit na bulalakaw,
at pagsubok ng mga kagamitang nukleyar o atomiko sa karagatan ay maaaring makabuo
ng tsunami.
Ang tsunami ay maaaring kumilos nang daan-daang milya kada oras sa malawak na
karagatan at humampas sa lupa dala ang mga alon na umaabot ng 100 talampakan o
higit pa. Mula sa pinagmulan ng tsunami ang mga alon ay bumibiyahe sa lahat ng
direksyon. Sa sandaling paparating na ito ng dalampasigan, ito ay tumaas. Magkakaroon
ng higit iisang alon at ang susunod ay maaaring mas malaki sa nauna.

You might also like