You are on page 1of 11

#IamReady

Epekto ng Kalamidad
Araling Panlipunan
Baitang 4

SARILING LINANGAN
KIT
Paunang Salita

Ang Sariling Linangan Kit (SLK) na ito ay ginawa upang


matulungan ang mga mag-aaral sa Ika-apat na Baitang na mapalawak
ang kanilang kaalaman tungkol sa Epekto ng mga Kalamidad na
nararanasan sa Pilipinas.

Ang mga kasanayan na nilalaman ng SLK na ito ay naaayon sa


Ika-aapat na Baitang upang sila ay matulungan kung paano maging
handa sa lahat ng sakuna o kalamidad na maaring dumating sa ating
bansa o sa inyong lugar sa mga hindi inaasahang pagkakataon,
pangyayari, at panahon.

LAYUNIN:
1. Natutukoy ang mga kalamidad na dapat iwasan at paghandaan sa
anumang panahon at pagkakataon
2. Nagagawa ang maagap at wastong pagtugon sa mga panganib
3. Nakagagawa ng mungkahi upang mabawasan ang masamang
dulot ng kalamidad

KASANAYAN SA PAGKATUTO

Nakapagmumungkahi ng mga paraan upang mabawasan ang epekto


ng kalamidad
(AP4AAB-Ii-j-12)

I. ANO ANG NANGYARI?

PANUTO: Basahin ang mga sumusunod na tanong at bilugan ang


titik ng tamang sagot.

1. Ano ang tawag sa hindi pangkaraniwang pagtaas ng tubig sa dagat


o karagatan dulot ng lakas ng hanging dala ng bagyo.
A. tidal wave
B. tsunami
C. storm surge
D. hurricane

2. Ito ay epekto ng naganap na paglindol. Ito ay ang higit sa normal


na lebel ng pagtaas ng tubig sa dagat o karagatan.
A. tsunami
B. tidal wave
C. tsunami
D. storm surge

3. Bakit mahalagang malaman ang tsunami alert level at mga babala


ng bagyo?
I. Upang mapaghandaan ang paglikas
II. Upang makapagplano ng aksiyon na dapat gawin.
III. Upang maging alerto sa mga posibleng hindi magandang
mangyayari
IV. Upang walang mangyaring masama sa sinuman

A. I at II lamang
B. I, II, at III lamang
C. I at III lamang
D. I, II, III at IV

4. Ang mga lugar na madalas daanan ng bagyo at may posibilidad sa


storm surge ay karaniwang mga lugar sa ________.
A. baybayin
B. kagubatan
C. kapatagan
D. disyerto

5. Ang DRRMC ang ahensiya na nangangasiwa sa mga pagsasanay


para sa kaligtasan ng bawat mamamayan. Ano ang DRRMC?
A. Disaster Risk Reduction and Management Council
B. Disaster Reduction and Risk Management Council
C. Disaster Risk and Reduction Maintenance Council
D. Disaster Risk and Reduction Management Corporation

II. ANO ANG DAPAT MALAMAN?

Ang kalamidad ay isang di-inaasahang pangyayari na sanhi ng mga


proseso sa kalikasan. Ito ay nagdudulot ng pagkawasak at panganib sa
mga tinatamaan nito. Malaking kapinsalaan ang maidudulot ng mga
kalamidad. Anu-ano nga ba ang ibat-ibang uri ng kalamidad?

1. Lindol- ito ay ang biglaang paggalaw o pagyanig ng lupa dahil sa


aksyon ng bulkan o paggalaw ng malalaking plato sa ilalim ng lupa.
Halos buong bansa ay maaaring makaranas din ng landslide o
pagguho ng lupa dulot ng paglindol. Upang maiwasan ang sakunang
dulot nito, makabubuti na makibahagi sa earthquake drill na
isinasagawa ng Disaster Risk Reduction and Management Council
(DRRMC) sa mga paaralan.

Gawin ang mga sumusunod na paalaala kung ikaw ay nasa loob ng


paaralan o anumang gusali.

 Duck, cover, and hold.


 Manatili lamang hanggang matapos ang pagyanig.
 Pagkatapos, lumabas at magpunta sa ligtas na lugar maging
kalmado at huwag mag-panic.

Gawin ang mga sumusunod na paalaala kung ikaw ay nasa labas ng


paaralan o anumang gusali.

 Lumayo sa mga puno, linya ng kuryente, poste, o iba pang


konkretong istruktura.
 Umalis sa mga lugar na mataas na maaaring maapektuhan ng
landslide o pagguho ng lupa.

2. Tsunami- ito ay epekto ng nagaganap na paglindol. Ito ay ang


madalas na pagtaas ng tubig sa normal na lebel. Kaya’t mainam na
lumikas at pumunta sa matataas na lugar kung ikaw ay nakatira sa
tabing-dagat. Dahil ang mga lugar na nasa 25 talampakan ang taas
mula sa lebel ng dagat at nasa loob ng isang milya mula sa
dalampasigan ay nasa panganib na maabot at mapinsala ng tsunami.
Nagdudulot din ito ng pagkawasak ng mga istruktura, pagkakaroon ng
baha, kontaminasyon ng iniinom na tubig, pagkapinsala ng
kabuhayan, at pagkamatay.

Gawin laging makinig, manuod, o magbasa ng balita, at alamin ang


Tsunami Alert Level.

Tsunami Banta sa PIlipinas Rekomendang Gawin


Alert Level
0 May namumuong Hindi kailangang
malakas na paglindol lumikas
(1) Walang tsunami
(2) May tsunami ngunit
hindi makaaabot sa
Pilipinas

1 – Maghanda Malaki ang posibilidad Ang mga komunidad


(Ready) ng banta sa Pilipinas malapit sa tabing-dagat
ay kailangan maging
alerto sa posibleng
paglikas
2- Magmanman- Maaring maranasan ang Maging alerto
(Watch/Observe) bahagyang unos sa dagat. kakaibang taas ng tubig
o alon. Lumayo sa
dagat.
3 – Umalis (Go) Mapaminsala ang Kinakailangan ang
namumuong tsunami na madaliang paglikas.
makaaapekto sa bansa.

3. Storm Surge- ito ay ang hindi pangkaraniwang pagtaas ng tubig sa


dagat o karagatan dulot ng lakas ng hanging dala ng bagyo. Isang
halimbawa nito ang Bagyong Yolanda noong Nobyembre 9, 2013 na
nagdulot ng malaking pinsala sa Kabisayaan lalong-lalo na sa Leyte at
Samar. Nagkaroon din ng banta ng storm surge sa bahagi ng
lalawigan ng Quezon dala ng bagyong Glenda at sa Samar at Leyte uli
ng bagyong Ruby.

Hindi rin maiiwasan tuwing may bagyo ang pagkakaroon ng


flashflood o biglaang pagbaha na talagang pumipinsala ng maraming
kabuhayan at ari-arian isa na dito ang malaking pinsala na dulot ng
Bagyong Ondoy noong 2009.

Sa ganitong pagkakataon kailangan:


 Gumawa ng plano ng paglikas.
 Lumayo sa mga lugar na malapit sa tabing-dagat.
 Lumikas sa mataas na lugar.
 Tumutok sa radyo o telebisyon upang malaman ang mga babala

Gabay sa mga Abiso, Klasipikasyon, at Sukat ng Ulan


PAGASA Color- Sukat ng Ulan / Tugon
Coded Rainfall Posibilidad ng Pagbaha
Advisories
Red Warning Nangyayari ito kung mahigit 30 PAGLIKAS
mm ang ulan sa susunod na
isang oras, o kung tatlong oras
nang malakas ang ulan at
umabot na sa 65 mm.
Orange Warning Inaasahang makakaranas ng 15 MAGING HANDA
mm hanggang 30 mm na buhos sa posibleng
ng ulan sa susunod na isang paglikas
oras. Nagbabadya na ang baha
sa mga pamayanang ito.
Yellow Warning Inaasahang bubuhos ang 7.5 SUBAYBAYAN
mm hanggang 15 mm ng ulan sa ang lagay ng
susunod na isang oras, at panahon
inaasahan na magpapatuloy ito.

*Insert HAZARD MAP here*

Ang hazard map ay nagpapakita ng mga lugar na panganib sa baha,


bagyo, at storm surge. Kung papansinin, ang mga lugar na panganib
sa bagyo ay ang mga lugar na nasa baybayin sa iba’t ibang bahagi ng
bansa samantalang ang mga lugar na panganib sa pagbaha ay
karaniwang matatagpuan sa gitna ng kapuluan. Ito ay ang
mabababang lugar.

Ayon sa PAGASA (Philippine Atmospheric and Astronomical


Service Addministration), ang ahensiya ng pamahalaan na
nangangasiwa sa mga paparating na bagyo at ibang kondisyon o
kalagayan ng panahon, humigit-kumulang sa 20 bagyo ang dumaraan
sa bansa bawat taon.

III. ANO ANG NATUTUNAN?


PANUTO: Tukuyin kung anong uri ng kalamidad ang isinasaad sa
bawat pangungusap. Isulat sa patlang ang wastong sagot.

___________1. Ito ay ang madalas na pagtaas ng tubig sa normal na


lebel nito.
___________2. Hindi pangkaraniwang pagtaas ng tubig sa dagat o
karagatan dulot ng malakas na hanging dala ng bagyo.

___________3. Ito ay ang biglaang paggalaw o pagyanig ng lupa


dahil sa aksyon ng bulkan.

___________4. Ito ay kalamidad na maaring mangyari tuwing may


nagaganap na pagindol at malakas na buhos ng ulan sa mga matataas
na ugar.

___________5. Ito’y biglaang pagbaha dulot ng tuloy-tuloy na buhos


ng ulan at talagang pumipinsala ng maraming kabuhayan at ari-arian.

GAWAIN BILANG 1
PANUTO: Gamit ang talaan sa ibaba, sumulat ng mga babala at
epekto ng mga nakatalang kalamidad.
GAWAIN BILANG 2
PANUTO: Sagutin ang mga sumusunod na tanong.

1. Ano ang kalamidad?


________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________

2. Ano-ano ang mga epektong dulot ng kalamidad sa kabuhayan at


pamumuhay ng mga mamayan?
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________

3. Sa paanong pamamaraan natin maiiwasasan ang masamang dulot


ng kalamidad? Magtala ng tatlong (3) pamamaraan.
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________

4. Ano ang kahalagahan ng tamang pagsunod sa mga babala at paalala


tuwing may kalamidad?
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
5. Bilang isang mag-aaral sa papaanong paraan mo maibabahagi ang
kaalaman mo tungkol sa mga dapat gawin tuwing may kalamidad.
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________

GAWAIN BILANG 3
PANUTO: Tukuyin ang nararapat gawin sa sumusunod na sitwasyon
sa iyong lugar. Piliin ang titik ng wastong sagot sa kahon at isulat sa
bawat hanay.
Sitwasyon Nararapat Gawin
Babala ng bagyo bilang 3
Tsunami alert level 1
Lumilindol sa paaralan
Sobrang lakas ng ulan na maaaring
magdulot ng pagbaha
May banta ng storm surge

A. Ang mga nasa mabababang lugar ay kailangang


lumikas sa matataas na lugar.
B. Ang mga komunidad malapit sa tabing-dagat ay
kailangang maging alerto sa posibleng paglikas.
C. Duck, cover, and hold.
D. Manatiling ligtas sa loob ng bahay o evacuation
centers
E. Tumutok sa radyo at telebisyon upang alamin ang
mga babala ng bagyo.

GAWAIN BILANG 4
PANUTO: Gamit ang salitang KALAMIDAD gumawa ng acrostic na
nagpapakita ng mga paghahanda upang maiwasan ang masasamang
dulot ng kalamidad.

You might also like