You are on page 1of 4

Cainta Catholic College

Grade School Department


A.Y. 2017-2018
Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 4
September 14-25, 2017

I. LAYUNIN

- Natutukoy ang mga pangunahing likas na yaman ng bansa


- Naipapaliwanag ang iba’t ibang pakinabang na pang-ekonomiko ng likas na yaman ng bansa
- Nakagagawa ng mga bagay na nakakatulong sa pangangalaga ng likas na yaman ng bansa
II. Paksang Aralin

A. Paksa: Mga Pakinabang na Pang-ekonomiko ng mga Likas na Yaman

B. Sanggunian: Bansang Pilipinas, Lahing Pilipino 4 ni; Zenaida Z. Agbon P. 83-98

Kagamitan: cross word puzzle, graphic organizer, at tsart


C. Pagtutukoy: Pagpapahalaga sa iba’t ibang likas na yaman ng bansa
D. Pagpapahalaga: Naipapakita ang kahalagahan at pagmamahal ng ating kalikasan

Biblical Passage:
2 Mga Cronica 7:14
Kung ang aking bayan na tinatawag sa pamamagitan ng aking pangalan ay magpakumbaba at
dumalangin, at hanapin ang aking mukha, at talikuran ang kanilang masamang
mga lakad; akin ngang didinggin sa langit, at ipatatawad ko ang kanilang
kasalanan, at pagagalingin ko ang kanilang lupain.

September 14, 2017


III. Pamamaraan
A. Pangunahing Gawain

Prayer

Attendance

Cleanliness

Uniform
B. Pagbalik Aral

Magpakita ng iba’t ibang produkto at itanong sa mga bata kung anong parte ng Pilipinas ang
kilala sa produktong ito. Magbigay ng kaunting mahahalagang impormasyon tungkol
dito.

C. Pagganyak

1. Pasagutan ang crossword puzzle.


2. Maaaring palakihin ang puzzle at ipaskil sa pisara.
3. Itala ang mga kasagutan ng mga bata at iugnay sa aralin.

D. Paglalahad

1. Ilahad ang aralin sa pamamagitan ng mga susing tanong.

2. Tumawag ng mga bata at ipasagot ng mga tanong.


3. Itala sa pisara ang mga kasagutan ng mga bata upang gawing batayan
sa paglinang ng aralin.
4. Ipaskil ang sumusunod at talakayin ito sa buong klase.
Pakinabang sa Kalakal at Produkto
Pakinabang sa Turismo
Pakinabang sa Enerhiya
5. Pasagutan at talakayin sa mga mag-aaral ang mga katanungan.
1. Sa anong mga likas na yaman sagana ang ating bansa?
2. Paano nakatutulong ang mga likas na yaman sa pag-angat ng
ating kabuhayan?
3. Bukod sa mga produkto at kalakal, sa anong mga likas na yaman
pa sagana at tanyag ang ating bansa? Magbigay ng halimbawa ng mga ito
at kung saan matatagpuan.
6. Bigyang-diin sa talakayan ang pagpapaliwanag sa mga pakinabang na pang-
ekonomiko ng mga pinagkukunang-yaman.

September 15, 2017


Pagsusuri Gawain # 1 Gawain A (Indibiduwal na Gawain)
Ipaliwanag ang gagawin sa Gawain A.

September 18, 2017

Pagbubuo

-Ipakita ang bible verse sa buong klase. Ipaliwanag ang kahulugan nito at hayaan ang mga mag-
aaral na ibahagi ang kanilang kaisipan ukol dito.

2 Mga Cronica 7:14


Kung ang aking bayan na tinatawag sa pamamagitan ng aking pangalan ay magpakumbaba at
dumalangin, at hanapin ang aking mukha, at talikuran ang kanilang masamang
mga lakad; akin ngang didinggin sa langit, at ipatatawad ko ang kanilang
kasalanan, at pagagalingin ko ang kanilang lupain.

-Maaring magbigay diin sa mga sitwasyon na naangkop sa aralin.

Pagsasagawa

Gawain # 2

Gawain B (Pangkatang Gawain)


Hatiin ang klase sa dalawang pangkat para sa pagdedebate.
Ilahad ang paksang pagtatalunan at ang paraan ng pagbibigay ng opinyon at panig
tungkol sa paksa.
“Alin ang higit na nakatutulong sa pag-angat ng ekonomiya: magagandang
impraestruktura at kalakalan o ang masaganang likas na yaman?”
Bigyan ng sapat na panahon upang makapaghanda at makapagbuo ng
pangangatuwiran ang bawat panig.
Ang isang grupo ang tatalakay sa impraestruktura at kalakalan at ang isa naman sa
masaganang likas na yaman.
Wakasan ang pagtatalo sa pamamagitan ng pagwawasto sa ilang ideya na salungat 
sa  paksa.

September 19, 2017


Gawain C (Indibiduwal na Gawain)
Ipaliwanag sa mga bata kung ano ang poster.
Bigyang­diin kung ano ang dapat na maipahayag at maipakita sa poster na 
gagawin.
Bigyan sila ng sapat na panahon upang matapos ang gawain.
Ipakita sa klase ang nagawang poster para sa kanilang pagpapaliwanag tungkol sa 
nilalaman ng kanilang ginawa.

Paglalahat

• Ang mga likas na yaman ay nakapagdudulot ng maraming kapakinabangan sa ating ekonomiya.


• Ilan sa mga pinagmumulan ng kapakinabangang pangekonomiko ay ang mga produkto at
kalakal mula sa mga likas na yaman, turismo, at kalakalan.
September 25, 2018

IV. Pagtataya

Tukuyin at isulat sa sagutang papel ang mga pakinabang na pang-ekonomiko mula sa mga sumusunod:

______ 1. Taniman ng strawberry sa Baguio


______ 2. Lungsod ng Tagaytay
______ 3. Puerto Galera
______ 4. marmol
______ 5. Bulkang Mayon
______ 6. ginto, pilak, at tanso
______ 7. Puerto Princesa Underground River
______ 8. Boracay
______ 9. Tarsier
______ 10. Bulkan ng Mayon

You might also like