You are on page 1of 3

SAGUTANG PAPEL

SA
ARALING
PANLIPUNAN 4
KWARTER 2
Aralin 2 - Mga Pakinabang na Pang-
ekonomiko ng mga Likas na Yaman

NAME: ______________________________________________________________

SECTION:_______________________________________

1
Araling Panlipunan 4
Aralin 2: Mga Pakinabang na Pang-ekonomiko ng mga Likas na
Yaman
Gawain 1: Basahin ang teksto at sagutan ang mga katanungan sa ibaba.

Pakinabang sa Kalakal at Produkto

Ang Pilipinas ay sagana sa likas na yaman. Kung kaya, ang Pilipino ay karaniwan nang umaasa rito
upang matugunan ang kaniyang mga pangangailangan. Maraming produktong nakukuha sa mga yamang ito.
Ang mga ito rin ang nagdudulot ng pag-angat ng antas ng ekonomiya ng bansa. Kung susuriin, pangunahin
nang kapakinabangan sa ating likas na yaman ang mga produktong nakukuha rito. Ang mga isda at iba pang
lamang dagat at tubig; mga prutas at gulay at pang-agrikulturang produkto; mga troso; mga mineral, ginto,
pilak at tanso; at marami pang iba ay napagkakakitaan natin ng malaking halaga. Ang mga produktong ito
ay iniluluwas din sa ibang mga bansa. Nangangahulugan na karagdagang kita ito sa ating kabang-yaman at
dagdag na pag-angat ng ating ekonomiya.

Pakinabang sa Turismo

Bukod sa mga kalakal at produkto, likas


na yaman ding maituturing ang maraming lugar
at tanawin sa bansa. Malakas itong atraksiyon sa
mga turista buhat sa mga karatig-lalawigan at
maging sa labas ng bansa. Ilan sa mga
atraksiyong ito ang mga dalampasigan, talon,
ilog, kabundukan, bulkan, kagubatan, at maging
ang ilalim ng dagat. Dinarayo rin ng mga turista
ang mga makasaysayang lugar sa bansa. Bunga
nito, malaki ang naiaambag ng turismo sa pag-
unlad ng ekonomiya.

Pakinabang sa Enerhiya

Pinagkukunan din ng enerhiya ang likas


na yaman ng bansa. Isa itong malaking bagay na
nakatutulong sa ating ekonomiya dahil hindi na
natin kailangang umangkat pa ng maraming
krudo o langis. Pinatatakbo ang mga planta ng
kuryente sa pamamagitan ng puwersa ng tubig
mula sa talon ng Maria Cristina, lawa ng
Caliraya, at lakas ng hangin sa Bangui, Ilocos
Norte sa pamamagitan ng windmill. Ilan lamang
ang mga ito sa kapakinabangang nakukuha sa
ating mga likas na yaman.

Sagutin.

1. Sa anong mga likas na yaman sagana ang ating bansa?

_______________________________________________________________________________________

2. Paano nakatutulong ang mga likas na yaman sa pag-angat ng ating kabuhayan?

_______________________________________________________________________________________

2
Araling Panlipunan 4
Gawain 2: Lumikha o gumuhit sa ng isang poster na nagpapakita ng pakinabang na
pang-ekonomiko mula sa likas na yaman ng bansa. Ilagay sa loob ng kahon
pagkatapos ay ipaliwanag ang kahulugan ng nilikhang poster.

Paliwanag

Gawain 3: Tukuyin at isulat sa patlang ang mga pakinabang na pang-ekonomiko mula


sa mga sumusunod:

Pakinabang sa Kalakal at Produkto Pakinabang sa Enerhiya

Pakinabang sa Turismo

_____________________ 1. Taniman ng strawberry sa Baguio

_____________________ 2. Lungsod ng Tagaytay

_____________________ 3. Puerto Galera

_____________________ 4. Geothermal Plan

_____________________ 5. Bulkang Mayon

Sangunian sa paggawa ng sagutang papel: 

Department of Education-Instructional Materials Council Secretariat (DepEd-IMCS, Araling


Panlipunan Learning material(Mga Produkto at Kalakal sa Iba’t Ibang Lokasyon ng Bansa Page 120-
125; 5th Floor, Mabini Bldg., DepEd Complex, Meralco Avenue Pasig City, Philippines 1600

3
Araling Panlipunan 4

You might also like