You are on page 1of 15

ARALIN 3

Mga Pakinabang na Pang-


ekonomiko
ng mga Likas na Yaman
Ano ang mga
pakinabang na Ano nga ba? Iyan
pang-ekonomiko ang gusto kong
ng mga likas na matutunan.
yaman ng bansa?
Pakinabang sa Kalakal at
Produkto
Ang Pilipinas ay sagana sa likas na
yaman. Kung kaya, ang Pilipino ay
karaniwan nang umaasa rito upang
matugunan ang kaniyang mga
pangangailangan. Maraming
produktong nakukuha sa mga yamang
ito. Ang mga ito rin ang nagdudulot ng
pag-angat ng antas ng ekonomiya ng
bansa.
Ano-ano ang kapakinabangang
naibibigay ng mga likas na
yaman ng bansa tungo sa pag-
angat ng ekonomiya?
Kung susuriin, pangunahin nang kapakinabangan
sa ating likas na yaman ang mga produktong
nakukuha rito.
Ang mga isda at iba pang
lamang dagat at tubig;
Mga prutas at gulay at
pang-agrikulturang
produkto;
Mga troso; mga mineral, ginto,
pilak at tanso; at marami pang iba
ay napag kakakitaan natin ng
malaking halaga.
Ang mga
produktong ito ay
iniluluwas din sa ibang
mga bansa.
Nangangahulugan na
karagdagang kita ito sa
ating kabang-yaman at
dagdag na pag-angat
ng ating ekonomiya.
Pakinabang sa Turismo
Bukod sa mga kalakal at produkto, likas na yaman
ding maituturing ang maraming lugar at tanawin sa
bansa. Malakas itong atraksiyon sa mga turista buhat
sa mga karatig-lalawigan at maging sa labas ng bansa.
Ilan sa mga atraksiyong ito ang mga

Dalampasigan Talon
Kabundukan

Ilog

Bulkan

Kagubatan
Dinarayo rin ng mga turista ang mga
makasaysayang lugar sa bansa.

Bunga nito, malaki ang naiaambag ng turismo sa pag-unlad


ng ekonomiya.
Pakinabang sa Enerhiya
Pinagkukunan din ng enerhiya ang likas na yaman ng
bansa. Isa itong malaking bagay na nakatutulong sa ating
ekonomiya dahil hindi na natin kailangang umangkat pa ng
maraming krudo o langis. Pinatatakbo ang mga planta ng
kuryente sa pamamagitan ng puwersa ng tubig mula sa

Maria Cristina Lawa ng Bangui Windmill


Caliraya
Sagutin
1. Sa anong mga likas na yaman sagana ang ating
bansa?

2. Paano nakatutulong ang mga likas na yaman sa


pag-angat ng ating kabuhayan?

3. Bukod sa mga produkto at kalakal, sa anong


mga likas na yaman pa sagana at tanyag ang
ating bansa? Magbigay ng halimba ng mga ito
at kung saan matatagpuan.
TANDAAN MO
 Ang mga likas na yaman ay
nakapgdudulot ng maraming
kapakinabangan sa ating
ekonomiya.

 Ilan sa mga pinagmumulan ng


kapakinabangang pang-
ekonomiko ay ang mga
produkto at kalakal mula sa
mga likas na yaman, turismo,
at kalakal.
NATUTUHAN KO
Tukuyin at isulat sa sagutang papel ang mga pakinabang
na pang-ekonomiko mula sa mga sumusunod.

______1. Taniman ng strawberry sa Baguio


______2. Lungsod ng Tagaytay
______3. Puerto Galera
______4. marmol
______5. Bulkang Mayon
______6. ginto, pilak, at tanso
______7. Puerto Princesa Underground River
______8. tarsier

You might also like