You are on page 1of 19

Module 7 Mga

Kalamidad sa Pilipinas
SLIDESMANIA

Quarter 1 AP
Kalamidad
Ang kalamidad ay pangyayari o
sitwasyon na nagdudulot ng
pangamba, agamagam, at
pinsala sa buhay ng tao at mga
nakapaligid sa kaniya. Malaki
ang epekto ng kalamidad sa
mga mamamayan dahil maaari
silang masawi o lubhang
masaktan mula sa mga ito.
SLIDESMANIA
Layunin:
1. Natutukoy ang mga kalamidad sa Pilipinas;

2. Natatalakay ang sanhi at bunga ng mga nararanasang kalamidad sa bansa;

3. Nasusuri ang epekto ng kalamidad sa tao at kabuhayan; at

4.Nakapagmumungkahi ng mga paraan upang mabawasan ang epekto ng kalamidad

(MELC).
SLIDESMANIA
01
Iba’t ibang kalamidad sa Pilipinas
SLIDESMANIA
LINDOL

Ito ay ang mabilis na paglabas ng enerhiya


na nagmumula sa ilalim ng lupa na naging
sanhi ng madalas na paggalaw ng fault sa
ibabaw na bahagi ng mundo. Sumasanga
ang mga enerhiyang ito at lumalabas sa
lahat ng direksiyon na nagmula sa
pinanggalingan nito, ang pokus, sa anyong
seismikong alon. Maihahalintulad sa
anyong payapang tubig na hinulugan ng
bato ang seismikong alon. May mga lindol
na sanhi ng mga aktibong bulkan. Ayon sa
PHIVOLCS ang bansa ay may 24 na
SLIDESMANIA

aktibong bulkan sa buong kapuluan.


BAGYO
Sistema ito ng klima na may
nakabukas na sirkulasyon sa
paligid ng sentro ng mababang
lugar. Tumatakbo ito sa
pamamagitan ng init na inilabas
kapag umakyat at lumalapot na
ang basang hangin. Ang Pilipinas
ay may 19 hanggang 30 bagyong
dumaraan taon-taon maliban
lamang kung panahon ng El Niño
SLIDESMANIA

na kadalasang nagaganap
mula Mayo hanggang Oktubre.

Pagputok ng Bulkan

Ang pagsabog ng bulkan ay maaaring tahimik o


sumasambulat at may pagdaloy ng lava. May mga napipitpit
na anyong lupa at lumilipad na mga bato at abo na kung
minsan ay inaabot ng daan-daang milya pababa kasabay ng
ihip ng hangin. Ang pagputok ng bulkan ay nakapipinsala at
nakamamatay hindi lamang ang mga tao, pati na rin ang mga
hayop at mga tanim dito.
SLIDESMANIA

― Irene M. Pepperberg
PAGGUHO NG LUPA
Ito naman ay tumutukoy sa anyong paggalaw
ng dalusdos at paggalaw ng lupa. Maaari itong
maganap kapag may malakas at tuloy-tuloy na
pag-ulan sa matataas na lugar, gaya ng
pagguho ng mga bato, pagputok ng bulkan,
pagyanig, pagbagsak ng napakalalim na
dalusdos, pagragasa ng putik, at pag-agos ng
mga tirang bagay.
SLIDESMANIA
FLASHFLOO
D
Ito ang biglaan o mabilisang pagbaha sa mga
lugar na apektado ng malakas na pag-ulan. Ito ay
nagdudulot ng malubhang pinsala sa buhay ng
tao, hayop, at halaman. Gayundin ang pagkasira
ng mga ari-arian.

Pagbaha. Ito ay isang kalamidad na labis na pag-


apaw at pag-agos ng tubig-ulan sa mababang
lugar sa dinadaluyan ng tubig tulad ng sapa, ilog
at dagat na sumakop sa ibabaw ng lupa na
nagmula sa pagbuhos ng malakas na tubig-ulan o
bagyo.
SLIDESMANIA
DALUYON
G
Ang pag-angat ng tubigdagat
dulot ng malakas na bagyo.
Ang biglaang pagtaas ng tubig
sa dagat ay dahil sa low air
pressure na dala ng malakas
na hangin na magtutulak sa
tubig-dagat patungo sa
kalupaan.
SLIDESMANIA
Mga Paraan
Upang
Mabawasan
ang Epekto
ng
Kalamidad
SLIDESMANIA
PHIVOLCS
Ang Philippine Institute of Volcanology and
Seismology (PHIVOLCS) ang tagapagtala ng
mga lindol at aktibidad ng mga bulkan.
Naghahatid ito ng kaalaman sa mga paggalaw at
lagay ng mga bulkan sa bansa.
Pangunahing layunin ng PHIVOLCS ay
mapagaan o mabawasan ang sakunang
maidudulot ng mga kalamidad tulad ng lindol,
pagputok ng bulkan, at tsunami.
SLIDESMANIA
PAGASA
Ang Philippine Atmospheric, Geophysical and
Astronomical Services Administration (PAGASA)
ang ahensiya ng pamahalaan
na nagbibigay ng wastong impormasyon sa ulat ng
panahon at mga babala ukol sa klima ng bansa.
Hangad ng PAGASA na mapangalagaan ang mga
mamamayan mula sa mga likas na kalamidad at
matiyak ang kanilang kaligtasan.
SLIDESMANIA
Mga Dapat Gawin Kapag Lumilindol
SLIDESMANIA
MGA DAPAT GAWIN KAPAG
BUMABAGYO
SLIDESMANIA
Piliin ang titik ng wastong sagot.
1. Anong ahensya ng pamahalaan ang nagbibigay ng mahahalagang
impormasyon tungkol sa bagyo?
A. PHIVOLCS
B. PAGASA
C. DOH
D. DEPED
2. Anong ahensya ng pamahalaan ang nagbibigay ng impormasyon tungkol
sa bulkan, lindol, at tsunami?
E. PHIVOLCS
F. PAGASA
SLIDESMANIA

G. DOH
H. DEPED

NATUTUHAN KO
I. Tukuyin at isulat sa sagutang papel ang hinihingi sa bawat bilang.

____ 1. Tumutukoy sa lugar o bahagi ng mundo kung saan nakalatag


ang maraming aktibong bulkan at kung saan nagaganap ang madalas
na mga paglindol.
____ 2. Ang ahensiya ng pamahalaan na namamahala sa mga
pagkilos ng mga bulkan.
____ 3. Tumutukoy sa babala ng bagyo kung saan ang bilis ng hangin
ay mahigit sa 185 kph at inaasahan sa loob ng 12 oras.
____ 4. Bahagi ng bansa na panganib sa mga bagyo.
____ 5. Kahulugan ng akronim na PAGASA.
SLIDESMANIA
3. Alin sa mga sumusunod ang hindi nagpapakita ng kahandaan sa
kalamidad?
A. Ang pamilya Batumbakal na hindi mahilig manood ng balita.
B. Ang pamilya San Jose na hindi nag iimbak ng pagkain dahil hindi naman
nila kailangan.
C. Ang pamilya Del Monte na nakikinig sa balita, may mga nakaimbak na
pagkain at may emergency Go bag.
D. Ang pamilya Crisostomo na hindi naniniwala sa mga kalamidad.
SLIDESMANIA
4. Ikaw ay isang batang may malawak na kaalalaman tungkol sa
paghahanda sa mga kalamidad, paano mo ito gagamitin para makatulong
sa ibang tao.
A. Magpopost sa facebook ng mga impormasyon tungkol sa paghahanda
sa kalamidad mula sa mga pinagkakatiwalaang facebook page.
B. Gagamitin ang kaalaman para sa sariling pamilya lamang.
C. Tuturuan ang mga kaibigan ng mga dapat gawin tuwing may kalamidad
pero hindi sasabihin lahat ng dapat gawin.
D. Babalewalain ko ang aking kaalaman at aasa na lamang sa mga
magulang.
5. Isa itong pangyayari sa pamayanang nararanasan ng mga tao sa isang
lugar at nagdudulot ng pinsala at kapahamakan.
SLIDESMANIA

A. Kahalagahan B. kalamidad C. Kahirapan D. Kasanayan

You might also like