You are on page 1of 51

10

Araling
Panlipunan
Quarter 1 – Module 2:
SULIRANING PANGKAPALIGIRAN
Araling Panlipunan – Ikasampu na Baitang
Unang Markahan – Modyul 2: SULIRANING PANGKAPALIGIRAN

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang
pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan.
Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay nagtataglay ng
karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa
paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-
aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa aklat na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Regional Director: Gilbert T. Sadsad Assistant


Regional Director: Jessie L. Amin

Development Team of the Module

Manunulat: Anna Mie A. Cantoria

Beverly R. Santiago

Editor: Ulysses A. Valera II

Tagasuri: Noel A. Aban Belen M. Jazul Evelyn B. Lee


Donna D. Relova

Tagaguhit: Em Jhun A. Fajel

Layout Artist: Yrroprem O. Yanson


ARALIN 1
Pamagat ng IBA’T-IBANG KALAMIDAD SA BANSA
Kagamitan/
Panimula Ang bahagi ng modyul na ito ay naglalaman ng mga konseptong
magpapaliwanag sa iba’t-ibang uri ng kalamidad na nararanasan ng tao sa
lipunan. Matatalakay dito ang pinagmulan ng mga dumaragsang kalamidad
sa buhay ng mga Pilipino. Inaasahang maunawaan ninyo ang kahalagahan
ng paksang nang sa gayon ay magkaroon tayo ng paghahanda at agarang
pagtugon sa pagdating ng mga kalamidad na ito.

Mga Layunin Pagkatapos ng modyul na ito ikaw ay inaasahang:

1. Naipaliwanag mo ang kahulugan ng kalamidad.


2. Natalakay mo ang iba’t-ibang uri ng kalamidad na nararanasan sa ating
bansa.
3. Nakapagsulat ka ng masusing pagpapaliwanag ukol sa iba’t-
ibang uri ng kalamidad na nararanasan sa ating bansa.
Talahulugan Bigyang-pansin ang mga sumusunod na salita:

Bagyo - ay ang namumuong sama ng panahon, may marahas at malakas na


hangin at may dalang mabigat na ulan.

Baha - ay ang umaapaw at tumataas na lebel ng tubig na dulot ng malakas


at walang tigil na pag-ulan sa komunidad.

El Niño - tumutukoy ito sa abnormal na pag-init ng temperatura sa ibabaw


ng dagat na nagdudulot ng kakaunting pag-ulan sa rehiyon.

Kalamidad - tumutukoy sa pangyayari o kaganapang nagdudulot ng


malaking kapinsalaan at kabagabagan sa mga tao at komunidad na
tinatamaan nito.

La Niña - tumutukoy ito sa abnormal na paglamig ng temperatura sa


ibabaw ng dagat na nagdudulot ng maraming pag-ulan sa rehiyon.

1
Lindol - ay isang biglaan at mabilis na pagyanig o pag-uga ng lupa na dulot
ng pagbibiyak at pagbabago ng mga batong nasa ilalim ng lupa.

PAGASA – Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical


Services Administration.

Storm Surge - ang hindi pangkaraniwang pagtaas ng tubig sa


dalampasigan habang papalapit ang bagyo sa baybayin.

Tsunami - ay serye ng malalaking alon na nililikha ng pangyayari sa ilalim


ng dagat.

Volcanic Eruption - ay nagaganap kapag ang magma (nagbabagang


tunaw na mga bato at iba pang materyales) na nagmumula sa ilalim ng lupa
ay umaangat patungo sa bunganga ng bulkan dahil na rin sa
pagkapal nito at sa pressure sa ilalim ng lupa.
Panimulang Hanapin sa kahon ang mga tinutukoy na salita sa bawat bilang.
Pagsubok
Kalamidad Lindol El Niño

Bagyo Tsunami La Niña

Storm Surge Volcanic Eruption

1. Ito ay serye ng malalaking alon na nililikha sa pangyayari sa ilalim ng


dagat.
2. Ito ay tumutukoy sa mga pangyayari o kaganapang nagdudulot ng

kapinsalaan sa tao o sa komunidad na tatamaan nito.

3. Ito ay namumuong sama ng panahon na may kasamang malakas na

hangin at mabigat na ulan.

4. Ito ay ang hindi pangkaraniwang pagtaas ng tubig sa

dalampasigan kapag paparating ang bagyo sa baybayin.

5. Ito ay ang abnormal na pag-init ng temperatura sa ibabaw ng dagat

na nagdudulot ng kakaunting ulan sa rehiyon/lugar.

2
Mga Gawain
sa Pagkatuto

Kalamidad
 Ang kalamidad ay tumutukoy sa pangyayari o kaganapang nagdudulot
ng malaking kapinsalaan at kabagabagan sa mga tao at komunidad na
tinatamaan nito.
 Ito ay bunga ng natural na proseso ng kalikasan, subalit may kinalaman
din ang mga tao sa madalas at sa hindi maipaliwanag na pagtama nito.
 Ang pagdagsa ng maraming kalamidad ay maaring epekto ng
climate change o pagbabago ng klima.
 Ilan sa mga halimbawa nito ay ang pagbagyo, pagbaha, storm
surge, paglindol, tsunami, pagputok ng bulkan, La Nino, at La
Nina.
 Iba’t ibang uri na ng kalamidad ang tumama sa Pilipinas. Labis na
humahanga sa mga Pilipino ang ibang lahi dahil sa kakayahan nitong
makabangon agad mula sa dagok ng matitinding kalamidad.

Iba’t Ibang Uri ng Kalamidad


Pagbagyo
Ang Pilipinas ay isang kapuluang nakaharap sa Karagatang Pasipiko.
Malaki ang kinalaman ng lokasyon nito sa nararanasan nitong palagiang
pagbagyo.

 Ang bagyo ay ang namumuong sama ng panahon, may isang pabilog o


spiral na sistema ng marahas at malakas na hangin at may

3
dalang mabigat na ulan, karaniwang daan-daang kilometro o milya sa
diyametro ang laki.
 Kadalasang nabubuo ang bagyo sa gitna ng karagatan kung saan
nagtatagpo ang mainit at malamig na hangin. Ang mainit na hangin ay
pumapailanlang dahil sa init ng dagat at habang ito ay umaakyat,
nagkakaroon ng Low Pressure Area (LPA) sa paligid. Dahil sa low
pressure na nabuo sa paligid, naaakit nito ang iba pang malamig sa hangin
sa ibang lugar hanggang sa ang malamig na hangin ay iinit din at bubuo ng
mga ulap.
 Ang Pilipinas ay karaniwang nakararanas ng humigit kumulang 20 bagyo
kada taon. May apat na uri ng pagbagyo depende sa bilis ng hangin. Ang
PAGASA ang tumututok at nagpapangalan ng bagyo sa Pilipinas at mauulit
kada tatlong taon.
 Ilan sa mga bagyong hindi malilimutan ng mga Pilipino ay ang mga
bagyong Ondoy (2009) at Yolanda (2013) na nagdulot ng matinding pinsala
sa mga bayan at lalawigang tinamaan nito

Pagbaha
Kaalinsabay ng malakas na pagbagyo at ng pag-iral ng hanging habagat
ay ang malawak at malubhang pagbaha sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

 Ang baha ay ang umaapaw at tumataas na lebel ng tubig na dulot ng


malakas at walang tigil na pag-ulan sa komunidad.

4
 Ang pagbaha sa Pilipinas ay pinalalala ng mga baradong daluyan ng
tubig.
 Sa mga panahong ito, kahit kaunti o sandaling pag-ulan lamang ay agad
nang bumabaha. Ordinaryo na itong nararanasan sa Metro Manila at ilang
malalaking lungsod sa Pilipinas, gayundin sa ilang mabababang lugar o sa
mga lugar na malapit sa anyong tubig.
 Labis ding nakapipinsala ang pagbaha dahil sinisira nito ang mga gamit at
ari-arian. Nagdudulot din ito ng mga sakit gaya ng leptospirosis (nakukuha
kapag nababad ang sugat sa maruming tubig na may ihi ng daga).

Pagdaluyong-bagyo o Storm Surge


Kahalubaybay pa rin ng malakas na pagbagyo ay ang
pagdaluyong-bagyo.

 Ang dalúyong-bagyo o storm surge ay ang hindi pangkaraniwang


pagtaas ng tubig sa dalampasigan habang papalapit ang bagyo sa baybayin.
Nakaaapekto sa tindi ng dalúyong-bagyo ang lalim at oryentasyon ng
katubigan na dinaraanan ng bagyo at ang tiyempo ng kati (mababa ang tubig
sa dagat).
 Ang pagdaluyong-bagyo ay bago sa pandinig. Hindi ito pamilyar
hanggang sa naminsala ito kasabay ng bagyong Yolanda. Hindi ito
napaghandaan ng mga tao, kaya, maraming namatay.

5
 Mahirap iwasan ang pagdaluyong-bagyo dahil hindi ito napipigilan.
Ang maaari lamang gawin para makaiwas dito ay ang paglikas tungo sa mas
mataas na lugar kung may nakaambang bagyo o pagtaas ng antas ng tubig
mula sa dagat.

Paglindol
Pagnilayan:
Ang Pilipinas ay nasa Pacific Ring of Fire, ang paikot na hanay ng mga
Sa iyong palagay, natuto na ba ang mga Pilipino sa mga
aktibong bulkan sa Pasipiko. Ito ang dahilan kung bakit nakararanas ang
karanasan mula sa malalakas na pagbagyo, pagbaha, at
bansa ng mga paglindol.
pagdaluyong-bagyo?

 Ang lindol ay isang biglaan at mabilis na pagyanig o pag-uga ng lupa na


Sagot:
dulot ng pagbibiyak at pagbabago ng mga batong nasa ilalim ng lupa kapag
pinakakawalan nito ang puwersang naipon sa mahabang panahon.
.

6
 Kung ang malakas na paglindol ay mangyayari sa lugar na maraming
tao, maaari itong kumitil ng maraming buhay at magdulot ng malawakang
pagkasira ng mga ari-arian.
 Isang malakas na lindol ang tumama sa Pilipinas noong 2013 kung saan
ang pinakanaapektuhan ay ang Gitnang Visayas, partikular ang Bohol at ang
Cebu.
 Maraming bahay, gusali, kalsada, tulay, at iba pang estruktura at ari
-arian ang nasira ng lindol na ito.

Pagtama ng Tsunami
Kung minsan, ang pagtama o paghampas ng tsunami ay hindi
maihihiwalay sa paglindol.

 Ang tsunami o mga seismic sea wave ay serye ng malalaking alon na


nililikha ng pangyayari sa ilalim ng dagat tulad ng paglindol, pagguho ng
lupa, pagsabog ng bulkan, o pagbagsak ng maliit na bulalakaw. Ito ay
maaaring kumilos ng daan-daang milya kada oras sa malawak na karagatan
at humampas sa lupa dala ang mga alon na umaabot ng 100 talampakan o
higit pa.
 Ang paghampas ng tsunami ay mapanganib din sa buhay, ari- arian,
at kabuhayan ng mga nakatira sa malapit sa dagat.
 Naranasan ito sa Japan noong 2011 at nagdulot ng malaking pinsala.
 Nangyari ang isang mapaminsalang tsunami sa Pilipinas noong 1994, sa
pagitan ng Batangas at Mindoro, kung saan umabot sa anim

7
na metro ang taas ng mga alon na dulot ng 7.1 magnitude na lindol sa ilalim
ng dagat.

Pagputok ng Bulkan
Ang Pilipinas ay nasa Pacific Ring of Fire kaya nakararanas ang bansa
ng palagiang seismic and volcanic activities. Nangyayari ang maraming
mahihinang paglindol dahil sa pagtatagpo ng mga pangunahing tectonic
plates sa rehiyon.

 Ang bulkan ay isang puwang o siwang sa ibabaw ng lupa, karaniwang


nasa anyong bundok o burol. Ang puwang o bunganga (crater) ay
nagsisilbing daanan ng iniluluwang materyales tulad ng abo at lava na
nagmumula sa ilalim ng lupa.
 Maaaring maging tahimik ang bulkan sa mahabang panahon ngunit hindi
nangangahulugang payapa ito. Sasabog ang bulkan kapag nagsimula nang
gumalaw ang lupa malapit dito. Makaririnig ng dumadagundong na ingay
mula sa ilalim ng lupa at makakikita ng maitim na usok galing sa bunganga
ng bulkan.
 Ang pagputok ng bulkan ay nagaganap kapag ang magma
(nagbabagang tunaw na mga bato at iba pang materyales) na nagmumula sa
ilalim ng lupa ay umaangat patungo sa bunganga ng bulkan dahil na rin sa
pagkapal nito at sa pressure sa ilalim ng lupa.
 Ang pinakamalakas na pagputok ng bulkan na naranasan sa
Pilipinas ay ang pagputok ng Bulkang Pinatubo noong 1991. Ang

8
Bulkang Pinatubo ay isang aktibong stratovolcano na matatagpuan sa
Kabundukang Cabusilan sa Luzon, malapit sa Zambales, Tarlac, at
Pampanga.
 Naging labis na mapaminsala ang pagputok ng bulkang ito. Nagbuga ito
ng sulfur dioxide, isang nakalalasong kemikal. Nagdulot din ito ng ash fall
o pagulan ng abo na umabot sa iba’t ibang parte ng Pilipinas. Umagos din
ang lahar (volcanic mudflow).
 Malawak ang inabot na pinsala ng pagputok ng Bulkang Pinatubo.
Tinatayang umabot sa 800 ang namatay habang 100,000 katao naman ang
nawalan ng tirahan at kabuhayan sa Gitnang Luzon.

Pagtama ng El Niño at La Niña


Pagnilayan:
Ang Pilipinas ay nakaharap sa North Pacific Ocean. Ito ay nasa
Ano ang maaaring mangyari kapag pumutok ang bulkan at paano
hilagang bahagi ng ekwador. Dahil sa lokasyon nito, isa ito sa
natin ito mapaghahandaan?
pinakanaaapektuhan ng El Niño.

Sagot:
El Niño
_
 Ang El Niño ay ang hindi pangkaraniwang penomenon sa Gitna at
.
Silangang Equatorial Pacific.

9
 Tumutukoy ito sa abnormal na pag-init ng temperatura sa ibabaw ng dagat
na nagdudulot ng kakaunting pag-ulan sa rehiyon.
 Ang pagtama ng El Niño sa Pasipiko ay tuwing ikalawa hanggang
ikasiyam na taon. Karaniwang nag-uumpisa ito sa pagitan ng Disyembre
hanggang Pebrero.
 Kapag tumama na, tumatagal ito hanggang unang hati ng kasunod na taon;
may pagkakataong mas tumatagal pa ito.

La Niña
 Ang La Niña ay kabaliktaran ng sitwasyon o kondisyon ng El Niño.
 Tumutukoy ito sa abnormal na paglamig ng temperatura sa ibabaw ng
dagat na nagdudulot ng maraming pag-ulan sa rehiyon.
 Sa Pilipinas, laging kakambal ng La Niña ang malalakas na pagbagyo,
pag-ulan, at pagbaha.
 Ang kondisyon ng La Niña ay nagiging dahilan ng pagdami ng
bagyo (cyclone) sa Western Pacificic.
Mga
Pagsasanay

Gawain 1: Analohiya

Buuin ang dalawang magkatulad na konsepto.

1. Pag-init ng temperatura sa ibabaw ng dagat: El Niño; Paglamig ng


temperatura sa ibabaw ng dagat: .

2. Pag-uga sa ilalim ng lupa: Lindol;


Pag-uga sa ilalim ng dagat: .

3. Di pangkaraniwang pagtaas ng tubig sa dalampasigan: ;


Malalaking serye ng alon: Tsunami.

1
4. Pagtaas ng tubig dulot ng bagyo: Pagbaha; Namumuong
sama ng panahon: .

5. Isang puwang o siwang sa ibabaw ng lupa: Bulkan;


Pagtaas ng magma sa ilalim ng lupa: .
Pagsasanay 2
Gamit ang talahanayan sa ibaba, ibigay ang iyong pagkakaunawa kung ano
ang mga kalamidad na naka tala sa unang kolum.

Kalamidad Ano Ito?


1. Bagyo
2. Lindol
3. Pagbaha
4. El Niño
5. La Niña

Pagsasanay 3: Sanhi at Bunga.


Itala ang sanhi at bunga ng pagkakaroon natin ng iba’t-ibang uri ng
kalamidad base sa inyong karanasan gamit ang talahanayan sa ibaba.

Kalamidad Sanhi Bunga


1. Bagyo
2. Lindol
3. Pagbaha
4. Pagputok ng
Bulkan
5. El Niño

1
Pangwakas na Magbigay ng masusing pagpapaliwanag tungkol sa mga
Pagsubok sumusunod na katanungan. Dalawang puntos bawat isa.

1. Bakit nakararanas ng palagiang bagyo ang bansang Pilipinas?

2. Ano ang dahilan ng agarang pagbaha sa ilang lugar sa Pilipinas?

3. Anong pinsala ang hatid ng pagsabog ng Bulkang Taal sa bansa noong


2020?

4. Bakit nakararanas ng maraming paglindol ang Pilipinas?

5. Ano ang dahilan ng pagkakaroon ng tsunami sa isang lugar?

Karagdagang Takdang Aralin


Gawain Sagutan ang sumusunod na tanong:

1. Ano-anong paghahanda ang iyong gagawin upang makaligtas sa mga


sakunang darating? Magbigay ng 5 pamamaraan.

1
ARALIN 2

Pamagat ng MGA SULIRANING PANGKAPALIGIRAN


Kagamitan/
Panimula Isa sa mga isyung kinakaharap ng lipunan sa kasalukuyan ay ang pagdagsa
ng iba’t-ibang mga suliraning pangkapaligiran. Kasabay ng pag-unlad ng
pamumuhay ng tao ay ang pag-usbong rin ng mga isyung pangkapaligiran
na sa pagtagal ng panahon ay lubusang nakababahala. Sa ikalawang bahagi
ng modyul na ito matutukoy mo ang iba’t-ibang suliraning pangkapaligiran
na nararanasan sa kasalukuyan at kung ano ang epekto nito sa sambayanan.

Mga Sa aralin na ito inaasaahan sayo na:


Layunin 1. Naisa-isa mo ang mga suliraning pangkapaligiran na
nararanasan sa isang komunidad.
2. Natalakay mo ang bawat suliraning pangkapaligiran na
nararanasan sa isang komunidad.
Talahuluga Bago mo simulang ang iyong paglalakbay, bigyang-pansin mo ang mga
n sumusunod na salita:

Deforestation - Ang walang habas na pagputol ng mga puno sa


kagubatan.

Kaingin System - Ang pagputol ng mga puno at pagsunog ng mga


kagubatan.

Mining - isang proseso ng paghuhukay at pagkuha ng mga metal, di-


metal, at mineral mula sa lupa katulad ng uling, ginto, pilak, platinum,
tanso, bakal, langis, likas na gas, at iba pa.

Polusyon - Ang pagiging marumi ng kapaligiran na nagdudulot ng


pagbabago sa natural na kalagayan ng kalikasan.

Quarry - isang proseso ng pagkuha ng mga bato, buhangin, at iba pang


materyales sa pamamagitan ng pagpapasabog, paghuhukay, o
pagbabarena.

1
Solid Waste - Tumutukoy sa anuman uri ng bagay na maaaring hindi na
kakailanganin pa at hindi na nararapat gamitin.

Suliraning Pangkapaligiran - tumutukoy sa anumang pangyayari,


kalagayan, o problemang may kinalaman sa pagkasira ng kapaligiran at sa
balanseng ekolohikal.
Panimulang Bilugan ang mga salitang binIgyang kahulugan sa mga aytem
Pagsubok sa ibaba.

Q P O L U S Y O N I D
R U Q P O N M L K J E
P O A U S Y O N A B F
S T U R V W X Y Z C O
L K J I R H G F E D R
M M O P Q Y R S T U E
C B A K Z Y I X W V S
D E F K G H I N J K T
S O L A D W A S G E A
S O L I D W A S T E T
U V W G X Y Z A B C I
L K J I I H G F E D O
M N O N P Q R S T U N

1. Tumutukoy sa anuman uri ng bagay na maaaring hindi na


kakailanganin pa at hindi na nararapat gamitin.
2. Proseso ng pagkuha ng mga bato, buhangin, at iba pang materyales sa
pamamagitan ng pagpapasabog, paghuhukay, o pagbabarena.
3. Ang walang habas na pagputol ng mga puno sa kagubatan
4. Ang pagputol ng mga puno at pagsunog ng mga kagubatan.
5. Ang pagiging marumi ng kapaligiran na nagdudulot ng pagbabago sa
natural na kalagayan ng kalikasan.

Mga
Gawain sa
Pagkatuto

1
Pag-aralan Natin!

Ang suliraning pangkapaligiran ay tumutukoy sa anumang


pangyayari, kalagayan, o problemang may kinalaman sa pagkasira ng
kapaligiran at sa balanseng ekolohikal.

Mahalagang matukoy kaagad ang mga suliraning ito upang


masolusyonan o maagapan sapagkat sa kalaunan ay maaaring ikasira ng
pamayanan.

Dahil sa patuloy na pag-unlad, kasabay ng pag-usbong ng malalaking


industriya at ng hindi mapigilang pag-unlad ng ekonomiya, patuloy na
nasisira ang biodiversity o ang pagkakaiba- iba at pagiging katangi-tangi
ng lahat ng anyo ng buhay na bumubuo sa kalikasan.

Mga halimbawa ng suliraning pangkapaligiran:

waste management
mining
quarrying
deforestation

Waste Management

Ang waste management ay ang akmang termino sa wastong


pangungolekta, paglilipat, pagtatapon o paggamit, at pagmo-monitor ng
basura ng mga tao. Isinasagawa ito upang mapangasiwaan nang maayos
upang makaiwas sa masasamang epekto ng basura sa kalusugan at
kapaligiran.

Maaring mabawasan ang basura sa pamamagitan ng pagsunod sa prinsipyo


ng:

1
Reduce - Ang susi sa pagbabawas (reduction) ng basura ay
pangangalaga o pagtitipid (conservation) – ang matalinong paggamit sa
mga pinagkukunan (resources), at ang paggamit ng kaunti lamang upang
maiwasan ang basura.

Reuse - Maaaring muling pakinabangan o gamitin ang mga gamit kaysa


sa itapon o kaya naman, ibigay o ipasa sa iba.

Recycle - Simple lamang ang panuntunan: Huwag itapon ang mga bagay
o gamit na maaari pang i-recycle.

Pagninilay:
Pagmimina o Mining
Magbigay ng mga pamamaraan kung paano malilimitahan ang
pagtapon ng basura sa ating kapaligiran.
Ang pagmimina o mining ay isang proseso ng paghuhukay at
pagkuha ng mga metal, di-metal, at mineral mula sa lupa katulad ng uling,
Sagot:
ginto, pilak, platinum, tanso, bakal, langis, likas na gas, at iba pa.
1.
2.
Ito ay ginagawa sa pamamagitan na pagpipiga, paghahango, o
3.
paghuhugot.

Ang pagmimina ay isa sa mga pangunahing industriyang


nakatutulong sa pagunlad ng ekonomiya ng bansa.

1
Sa liderato ni dating Pangulong Noynoy Aquino, maraming negosyante
mula sa ibang bansa ang pinaunlakan upang mamuhunan sa pagmimina.

Dahil dito, malaking dolyares ang pumapasok sa bansa. Nagbubukas din


ito ng mga bagong trabaho para sa mga Pilipino.

Dahil rin sa pagmimina, umuunlad ang ibang lugar sa Pilipinas.

Pagku-quarry o Quarrying

Ang pagka-quarry o quarrying ay isang proseso ng pagkuha ng mga


bato, buhangin, at iba pang materyales sa pamamagitan ng pagpapasabog,
paghuhukay, o pagbabarena.

Madalas na ang kinu-quarry ay ang mga bundok at ilog na pinagkukunan


ng mga bato at ang tabindagat na pinagkukunan ng buhangin.

Ang malalaking bato ay pinagpipira-piraso sa nais na laki depende sa


pangangailngan. Tinatawag itong graba.

Ang mga graba, buhangin, at iba pang materyales ay madalas gamitin sa


paggawa ng mga kalsada at estruktura.

Pagninilay:
Ang pagmimina at pagqua-quarry ay may masamang dulot sa kalikasan,
ano-ano sa tingin mo ang epekto nito sa ating mga tanawin at likas
yaman?
Sagot:
1.
2.

1
3.
Paghahawan ng Kagubatan o Deforestation

Ang paghahawan ng kagubatan o deforestation ay tumutukoy sa


pagpuputol ng mga puno, pagtatabas ng mga damo, at pag-aalis ng
anumang sagabal sa pamamagitan ng pagsusunog hanggang maging
mahawang lupa o lugar para sa mga hangaring agrikultural o komersiyal.

Kadalasan, ginagawa ito sa dalawang paraan–pagkakaingin at clear


cutting. Sa pagkakaingin, tinatabas at sinusunog ang mga puno sa
kagubatan upang pagtaniman. Sa clear cutting, pinuputol nang walang
habas ang mga puno sa anumang kadahilanan.

Hindi lahat ng deforestation ay sinasadya ng tao. Ang iba ay


kombinasyon ng gawa ng tao at likas na salik katulad ng wildfires at tuloy-
tuloy na overgrazing na humahadlang sa pagtubo ng mga puno.

Pagninilay:

Maaari bang isulong ang modernisasyon/industriyalisasyon nang hindi


nasasakripisyo ang ating mga kagubatan?

Sagot:

1
_

Mga
Pagsasana y

Pagsasanay 1: Pagtambalin mo!

Pagtambalin ang mga konsepto sa hanay A at kahulugan nito sa hanay B.

Hanay A Hanay B
1. Pagmimina A. Mga bagay na di na ginagamit
2. Deforestation B. Pagpuputol ng mga Puno
3. Solid Waste C. Pagkuha ng bato/buhangin
4. Pagqua-quarry D. Paghuhukay ng mga metal/di-
5. Suliraning Pangka metal na bagay
E. Mga pangyayari na nakasisira sa
Kapaligiran

Pagsasanay 2

Kumpletuhin ang tsart sa ibaba ng tamang pinsalang naidudulot ng mga


suliraning pangkapaligiran sa ating likas na yama.

Suliraning Pangkapaligiran Napinsalang Likas na Yaman


1. Kaingin System

1
2. Illegal Mining
3. Solid Waste
4. Deforestation
5. Oil Spill

Pagsasanay 3: What Goes Around, Comes Around.

Isulat sa ibaba ang sa tingin mo ay di-mabuting epekto ng mga


suliraning pangkapaligiran na ito sa tao.

Suliraning Idinulot na Di-Mabuti sa Tao


Pangkapaligiran
1. Kaingin System
2. Illegal Mining
3. Solid Waste
4. Deforestation
5.Oil Spill

Pangwakas Tukuyin ang mga suliraning pangkapaligiran na naoobserbahan o nakikita


na Pagsubok mo sa iyong barangay/komunidad. Isa-isahin ito at magbigay ng ilang
pamamaraan upang ito ay malimitahan at maiwasan.

1.
2.
3.
4.
5.

2
Karagda- Magbalitaan tayo!
gang Magbasa, making, o hindi kaya ay manood ka ng mga balita ukol sa mga
Gawain suliranin ng aying kapaligiran. Pagkatapos ay gumawa ka ng isang
“Status” na magbibigay paalala o babala ukol sa mga balitang iyong
nakalap.

2
ARALIN 3

Pamagat ng PILIPINO AKO! HANDA AKO!


Kagamitan/
Panimula
Sa nakaraang aralin, tinalakay ang iba’t-ibang suliraning
pangkapaligiran, napag-alaman ang mga kadahilanan at epekto nito
sa pamumuhay ng bawat Pilipino. Ang masusing ugnayan,
pagtutulungan at pagbabalikatan ng bawat isa sa loob ng isang bansa
ay mahalaga upang makapagbalangkas at makagawa ng nararapat
gawin upang makatulong sa pagharap sa panganib na dulot ng mga
suliraning pangkapaligiran.

Mga Layunin Sa pagtatapos ng aralin na ito, inaasahan na:

1. Nakatalakay ng mga paghahandang nararapat gawin sa harap ng


panganib na dulot ng mga suliraning pangkapaligiran.

2. Nakapaglapat ng nararapat gawin upang makatulong sa pagharap sa


panganib na dulot ng mga suliraning pangkapaligiran.

3. Nakagawa ng poster tungkol sa mga gawain at desisyon ng tao sa


pagkakaroon ng kalamidad.
Talahulugan Bilang gabay sa iyong pagsagawa ng modyul na ito, bigyan mo ng
pansin ang mga salita sa ibaba.

Watershed ( tubigan)- ito ay ang lupa kung saan lahat ng tubig na


binuhos ng ulan ay umaagos sa lupa patungo sa mga ilog.

Ecosystem( ekosistemal)- ang pagtuon sa daloy ng enerhiya.

Extinct- tuloyan nang mawala.

Depressed area- mahihirap na lugar.

Masisilayan- makikita.

Stratosphere- himpapayaw

2
Panimulang E- Caption Mo!
Pagsubok

Suriin ang larawan. Bigyan ng Pamagat ang bawat larawan.

2
Mga Gawain
sa Pagkatuto

Sa tulong ng teksto at mga gawain na inihanda para sa iyo, matutunan mo


bilang mag-aaral ang iba’t-ibang suliraning pangkapaligiran, mga paraan
kung paano pangalagaan ang kapaligiran at ang mga nararapat gawin sa
harap ng panganib na dulot ng mga suliraning pangkapaligiran.

Ang mga sumusunod ay ang ilang halimbawa ng Suliraning


Pangkapaligiran:

1. Climate Change
Ito ay tumutukoy sa pagkakaroon ng kaibahan sa klima. Ang mga dapat at
tipikal na nangyayari sa panahon at klima ay naiiba at madalas ito ay
lumalala.Halimbawa ay ang pagkakaroon ng mainit na temperatura sa
buwan na dapat ay malamig.

2. Polusyon
Ang polusyon ay ang presensya sa kapaligiran kung saan ito ay nagdudulot
ng masamang epekto. Ang halimbawa nito ay ang

2
polusyon sa tubig, sa lupa, sa hangin at sa liwanag , na madalas ay dulot ng
lubos na paggamit ng mga tao sa kayamanan o kagamitan nang hindi
inaaayos ang pagtapon nito.

3. Global Warming
Ang Global warming ay ang pagtaas ng temperature ng mundo. Kada isang
daang taon ay napansin ng mga eksperto na tumataas ang tipikal na
temperature ng mundo. Kapg ito ay nagpapatuloy sa pagtaas, matutunaw
ang mga yelo sa hilaga at timog na bahagi ng mundo, tataas ang lebel ng
tubig at maaring magkaroon ang mga tao at hayop ng malalang sakit.

4. Problema sa solid waste


Ang problema sa Solid Waste ay dahil sa hindi wastong pagsasaayos at
pagtatapon ng mga basura. Hindi nahihiwalay ang mga kagamitang pwede
pang gamitin at ang mga basura ay nakahalo sa isa’t isa. Maaring magdulot
ito ng sakit at pagkahawa.

5. Pagnipis ng Ozone layer


Ang pagnipis ng Ozone Layer ay dahil sa labis na carbon dioxide sa ating
planeta. Kapag labis na naging manipis ang ozone layer , lalong tataas ang
temperature ng planeta, magiging mas mainit at maaring magkaroon ng
sakit ang mga tao at hayop at tumaas ang lebel ng tubig.

6. Pagkawala ng Biodiversity
Ang kaganapang ito ay epekto ng mga naunang suliraninng
pangkapaligiran. Dahil dito, maapektuhan rin ang ating mga pagkain at
tirahan ng mga hayop. Maaring mas maraming hayop ang maging extinct o
tuluyan nang mawala sa mundo.

2
7. Pagkasira ng Lupa
Ang pagkasira ng lupa ay maaring dulot ng kakulangan sa puno, sa
polusyon at iba pang mga suliraning pangkapaligiran. Dahil dito
maapektuhan ang halaman at ang ecosystem.
8. Urbanisasyon
Ang urbanisasyon ay tumutukoy sa pagiging urbanidad ng isang lugar. Ito
ay nagbunsod sa mga kaugnay na problema gaya ng paglaki ng
populasyon,pagdami ng mahihirap na lugar o depressed areas at may mga
pamayanan na may mataas na insidente ng pagkakasakit at iba pang
panganib sa kalusugan.

Mga Gabay na tanong:

1. Anu- anong mga suliraning pangkapaligiran ang inyong nararanasan sa


inyong komunidad? Ipaliwanag kung bakit nangyayari ito?
2. Sa tingin mo ba, apektado ka sa mga suliraning ito?

Pangangalaga Sa Kapaligiran

Alinsunod sa isinasaad ng ating Konstitusyon:


“ Dapat pangalagaan ng estado ang yamang dagat ng bansa sa mga
karagatang pangkapuuan, dagat teritoryal, at ekslusibong sonang
pangkabuhayan nito at dapat ilaan ang ekslusibong paggamit at pagtatamasa
nito sa mga mamamayang Pilipino”

Nagtulong-tulong ang iba’t-ibang ahensiya ng ating pamahalan upang


maipatupad ang nakasaad sa ating Konstitusyon. Kailangang makibahagi rin
sa mga gawing ito ang mga mamamayan at ibang samahan. Dapat tayong
makilahok sa ibang proyektong ito upang mapangalagaan natin ang ating
kapaligiran. Narito ang ilang paraan:

• Pangalagaan ang mga gubat laban sa illegal na pagputol ng kahoy at


pagkakaingin.

2
• Pagsasagawa ng reforestation o muling pagtatanim ng mga punong kahoy
sa ating mga gubat.
• Pagbabantay sa ating mga gubat upang hindi masira ng mga
mapagsamantala sa pamamagitan ng pagsusumbong ng illegal
loggers at nagkakaingin sa mga kinauukulan.
• Pagbibigay-suhestiyon sa pagpapabuti sa pangangasiwa ng mga
industriyang pagmimina.
• Pagkampanya sa wastong pangangalaga ng mga isda at iba pang yamang
dagat.
• Pagbibigay impormasyon sa mga mamamayan tungkol sa mga batas sa
pangangalaga ng mga isda at iba pang yamang dagat.
• Pagbibigay impormasyon sa mga mamamayan tungkol sa mga batas sa
pangangalaga at preserbasyon ng mga likas na yaman.
• Pagbibigay- suhestiyon sa teknikal na pagsasaayos at pangangasiwa ng
mga yamang gubat para mapanatili ang wastong paglinang ng yaman
nito.
• Pangangalaga ng mga lupain at minahan
• Pangangalaga at pangangasiwa nang maayos sa mga watershed at
kapaligirang pangkatubigan.
• Pangangalaga sa mga natatanging hayop
• Pagtatag ng mga samahang mangangalaga sa ating kapaligiran, tulad
ng Bantay Dagat at Bantay Kalikasan.
Mga
Pagsasanay

Pagsasanay 1: SURI-AWIT!

Maaring pamilyar ka sa awiting ito. Suriin at unawain ang bawat linya ng


kanta. Sa sagutang papel, hanapin ang linya ng awit na

2
nagpapakita ng suliraning pangkapaligiran. Pagkatapos, itala ang mga
suliraning pangkapaligiran na nakita mo sa bawat saknong ng awit.

Hal.: Wala ka bang napapansin Sa


iyong mga kapaligiran?
Kaydumi na ng hangin Pati
na ang ilog natin.

1.Kaydumi na ng hangin- Polusyon at Problema ng Solid waste

MASDAN MO ANG KAPALIGIRAN


(Asin)

Wala ka bang napapansin Sa


iyong mga kapaligiran?
Kaydumi na ng hangin
Pati na ang ilog natin.

Hindi na masama ang pag-unlad


At malayu-layo na rin ang ating nararating
Ngunit masdan mo ang tubig sa dagat Dati’y
kulay asul ngayo’y naging itim

Ang mga duming ikinalat natin Sa


langit huwag na nating paabutin Gitara
ko ay aking dadalhin upang
Sa ulap na lang tayo’y magkantahan

Mga batang ngayon lang isinilang May


hangin pa kayang matitikman?
May mga puno pa kaya silang aakyatin May
mga ilog pa kayang lalanguyan?

2
Bakit ‘di natin pag-isipan
Ang nangyayari sa ating kapaligiran
Hindi na masama ang pag-unlad Kung
hindi nakasira ng kalikasan

Darating ang panahon mga ibong gala Ay


wala nang madadapuan
Masdan mo ang mga punong dati ay kay tatag
Ngayo’y namamatay dahil sa ating kalokohan

Lahat ng bagay na narito sa lupa Biyayang


galing sa Diyos kahit nong ika’y wala pa
Ingatan natin at huwag nang sirain pa Pagkat pag
kanyang binawi, tayo’y mawawala na

SAKNONG/ Linya ng MGA SULIRANIN SA


awit
KAPALIGIRAN

1.
2.
3.
4.
5.

Pagsasanay 2: HULAAN MO?

Tukuyin sa loob ng kahon ang tamang sagot mula sa mga inilalarawan na


pahayag sa bawat bilang. Isulat ang tamang sagot sa sagutang papel.

Climate change Polusyon Pagnipis ng Ozone Layer

Deforestation Kaingin System Problema Sa Solid Waste

Urbanisasyon Global Warming Pagkawala ng Biodiversity

Pagkasira ng Lupa

2
1. Mga puno’y pinuputol at sinusunog ko, kaya sila’y
nagrereklamo. Dahil pagtubo at paglaki nila’y pinipigilan ko.

2. Kaaway ako ng mga tao dahil sa salot ang presensya ko sa


kapaligiran, lason ako sa hangin, sa lupa at maging sa katubigan.

3. Ayaw kung manatili sa pook rural, gusto kong lumuwas ng


Maynila dahil marami akong kakaibang modernisasyong nakikita.

4. Sa sobrang taas ng temperatura ko,tinutunaw ko ang yelo sa


bandang hilaga at timog na bahagi ng mundo.

5. Maitim na usok ang binubuga ko,masamang epekto ang


dulot nito, suson ng stratosphere ay nasaktan ko.

6. Madalas na sinisira ang flora at fauna, ako ngayo’y


nangangamba pagdating ng panahon baka mauubos lahi nila,at di niyo na
masisilayan pa.

7. Bakit di mo magawang ilagay ako sa tamang lalagyan?


Munting bagay lang ako di naman kabigatan, Pag ako’y bumara sa kanal,
libu-libong tao ang maapektuhan.

8. Lagi niyo akong inaabuso, ganung pinagtataniman niyo


ako,kung ano-anung kemikal ang tinatapon niyo, minsan sinisira pa ako ng
mga minero.

9. Nagbago ka na di katulad ng dati, mainit palagi ang


temperatura kahit sa gabi.Buong akala ko buwan ng taglamig ngayon, bakit
bigla na lamang pumalit ang panahon.

10. Wala kayong pagmamalasakit sa kagandahan ko, dati’y


kulay berde ang kapaligiran ko, punong puno ng pananim at hayop ang
makikita mo. Sa isang kisap mata’y lahat ito’y naglaho dahil kinalbo mo.

3
Pagsasanay: 3

Basahin at unawain ang artikulong pinamagatang “ Mga Sakuna ng


Kalikasan, Iniuugnay sa Pagmimina at Pagtotroso” upang masagot mo ang
mga katanungan sa ibaba ng hindi babaa sa 20 salita bwat tanong.

Global Voices in Filipino


Pilipinas: Mga Sakuna ng Kalikasan, Iniugnay sa Pagmimina
at Pagtotroso
Isinalin ang post na ito noong 20 Mayo 2012
Isinulat ni Karlo Mongaya Isinalin ni Schubert Malbas

Habang bumabangon pa lamang ang mga kababayan natin mula sa kalunos-


lunos na kalamidad ng Bagyong Sendong (international name: Washi), na
nagdulot ng malawakang pagkasawi ng buhay at ari-arian, ilang probinsiya
naman sa Pilipinas ang nakaranas ng pagbaha at pagguho ng lupa sa loob
lamang ng tatlong linggo.

Ilang araw matapos kinitil ng Sendong ang buhay ng 1,257 katao noong
Disyembre 2011 at winasak ang mga tirahan at kabuhayan ng libu-libo,
binaha naman ang mga lalawigan ng Cebu, Davao, Bukidnon,
Maguindanao, Compostela Valley, Negros, Leyte at Aklan sa Katimugang
Pilipinas. Isang matinding pagguho ng lupa naman ang naganap noong
Enero 2012 sa Pantukan, Mindanao, isang bayan na umaasa sa pagmimina,
kung saan 31 ang namatay at daan-daan ang nawawala.

Habang dumagsa ang tulong na pinapaabot sa mga nasalanta ng pagbaha at


landslide, sumagi naman sa isipan ng maraming Pilipinong netizen ang
ilang katanungan. Bagamat sanay na ang bansa sa mga pagbaha at pagguho
ng lupa, naging kataka-taka ang
lawak ng mga kalamidad kamakailan: ano ang mga dahilan sa likod

3
nito, at bakit ito nagiging mas madalas at mas mabagsik? Ano ang maaaring
gawin upang maiwasan o mapaghandaan ito sa hinaharap?

- Ayon kay Antonio J. Ledesma, SJ, Arsobispo ng bayan ng Cagayan de


Oro, pagtotroso at pagmimina ay dalawa sa mga sanhi ng nasabing delubyo:
Last January 2009, the city had already experienced severe flooding. Some
old-time residents recalled that this phenomenon happens every forty years.
But barely three years after that, Typhoon Sendong came with greater
vengeance. Illegal logging and irresponsible mining activities have
contributed to the degradation of the environment and the siltation of the
river bed. The erection of man- made structures may have also impeded the
natural flow of the waters.

- Noong Enero 2009, nakaranas ang siyudad ng matinding pagbaha.


Maraming matatanda ang nagsabing nangyayari lang ang ganitong klaseng
pagbaha sa loob ng apatnapung taon. Subalit tatlong taon lang ang
nakalipas, dumating ang mas malupit na delubyong hatid ng Bagyong
Sendong. Dinulot ng iligal na pagtotroso at iresponsableng pagmimina ang
pagkasira ng kalikasan at ang pagkaipon ng malambot na lupa sa ilalim ng
mga ilog. Nakaharang din siguro sa natural na daloy ng tubig ang ilang
istrakturang gawa ng tao.

- Gumawa ang Ateneo Physics Laboratories ng isang mapa tungkol sa


lawak ng pagbaha sa lungsod ng Cagayan de Oro.

- Sinisi naman ng blog na Dugo at Panulat [fil] ang pamahalaang Aquino,


dahil hinayaan nito ang pagtotroso at pagmimina ng ilang malalaking
kompanya sa ating bansa: Pinahihintulutan ng
gobyerno ang pagmimina at pagtrotroso ng mga naghaharing korporasyon at
ng kapatid nitong gahamang dayuhan. Pinahihintulutan ng gobyerno na
gahasain ng magkapatid ang ating likas na yaman kapalit ng konting kita at
pamumuhunan ng mga ito.

3
- Tinukoy naman ni Lisa Ito [fil] ang pagkasira sa mga natural na
kagubatan upang makapagtanim ang mga malalaking korporasyon ng mga
pangunahing produktong iniluluwas ng bansa: Laganap din ang
kumbersiyon ng kagubatan upang gawing plantasyon ng pinya, jatropha,
saging, at iba pang export crops, ayon sa maka-kalikasang grupo na
Panalipdan Mindanao. Ayon sa mga pag-aaral mula sa National Institute of
Geological Sciences, ang CdO ay lalong nagiging bulnerable sa baha dahil
sa kumbersyon ng 2,000 ektarya ng kagubatan sa Upper Pulangi Watershed
upang gawing taniman ng pinya ng Del Monte Philippines—isa sa
pinakamamaking exporter ng pinya sa buong mundo.

- Hindi naman pinalampas ng mga maka-kalikasang grupo na banggitin


ang isang geo-hazard na pag-aaral na ginawa ng Unibersidad ng PIlipinas,
kung saan tinukoy ang mga kakulangan ng gobyerno sa nangyaring trahedya
ng Sendong. Ilang kabataang aktibista ang bumatikos kay Pangulong
Noynoy Aquino dahil hindi nito nilagdaan ang P5 bilyong badyet na
nakalaan sa paghahanda sa mga sakuna, na maari sanang nagamit upang
mabawasan ang dinulot ng pagbaha: We reiterate that it is the Aquino
regime which is a man- made disaster, turning the unavoidable reality of
heavy rains into a tragedy: First, because Noynoy himself removed the
funding for disaster preparedness in the 2011 national budget. Not a single
centavo in the billion ‘Calamity Fund’ went to preparing Northern
Mindanao, or any other part of the country for that matter, for natural
disasters. Second, because he continues to allow massive, ‘legal’ logging by
mining, agricultural, timber, and real estate corporations.

- Paulit-ulit naming sinasabi na isang sakuna ang rehimeng Aquino, dahil


hinayaan nitong mangyari ang nakaambang na trahedya mula sa malalakas
na pag-ulan: Una, dahil tinanggal mismo ni Noynoy ang pondo sa
pambansang badyet ng 2011 na nakalaan sana sa
paghahanda laban sa mga sakuna. Ni isang sentimo mula sa P5

3
bilyong ‘Calamity Fund’ ang nakarating sa Hilagang Mindanao, o kahit sa
ibang rehiyon man sa bansa. Pangalawa, dahil patuloy niyang
sinusuportahan ang maramihan at ‘legal’ na pagtotroso ng mga
korporasyon.

- Binasura naman ng Politika 2013 ang taktika ng mga publisista ng mga


malalaking kompanya na ilayo at iligaw ang usapin mula sa pagmimina at
pagtotroso: Aside from sweepingly labeling all critics as leftists, the pro-
mining and logging publicity offensive likewise attempts to confuse and
dishes out lies: “The Mines and Geosciences Bureau has confirmed that
there are no large-scale mining operations in Cagayan de Oro and Iligan…,”
CMP President Philip Romualdez said in a statement. Of course, the mining
operations are located in the very wide watersheds beyond the boundaries of
both Cagayan de Oro and Iligan.

- Meanwhile, Philippine Wood Producers Association (PWPA) deputy


executive director Maila R. Vasquez denied the presence of commercial
logging operations in northern Mindanao… So where did the thousands of
cut logs that destroyed houses and now littering the coastline and clogging
the rivers come from?

Maliban sa pagtawag sa mga kritiko bilang maka-kaliwa, patong- patong


ang ginagawang pagsisinungaling ng mga grupong sang-ayon sa pagmimina
at pagtotroso upang guluhin ang utak ng mga tao:

“Kinumpirma ng Mines and Geosciences Bureau na walang nagaganap na


malakihang operasyon ng pagmimina sa Cagayan de Oro at Iligan…,” ayon
sa isang pahayag ni Phillip Romualdez, Pangulo ng CMP.

3
Siyempre, sadyang malayo sa teritoryo ng Cagayan de Oro at Iligan ang
nagaganap na pagmimina, kung saan may malalawak na imbakan ng tubig.

Samantala, pinasinungalingan naman ng deputy executive director ng


Philippine Wood Producers Association (PWPA) na si Maila R. Vasquez
ang pagkakaroon ng komersyal na pagtotroso sa hilagang Mindanao…

Kung gayon, saan nanggaling ang libu-libong piraso ng kahoy na dinaganan


ang mga kabahayan at nakakalat ngayon sa dalampasigan at nakabara sa
mga ilog?

- Inilista naman ni Dr. Giovanni Tapang ang 7 paraan upang maibsan ang
panganib sa mga sakuna na maaaring sapitin ng bansa, at kasama na dito
ang mga kaukulang paghahanda. Isa sa mga mungkahi niya ang gayahin ang
paghahandang ginagawa ng bansang Cuba bago dumating ang mga bagyo.

- Iminungkahi naman ng Dekanong si Tony La Viña ang 10 hakbang


matapos mangyari ang Sendong. Ayon sa kanya, dapat iwasan ang sisihan at
turuan, subalit dapat ring managot ang mga responsable sa nangyari:
Although this is certainly not the time for blame games, accountability must
be exacted. In other countries, notably in Japan, officials take themselves
out of the equation by resigning and taking responsibility. Unfortunately, we
do not have that tradition here. And so I welcome the task forces created by
the President to investigate what happened, although I would have preferred
an independent commission to do this job to have more objective findings.
Nevertheless when they finish, I hope they will file the appropriate criminal,
civil and administrative cases against accountable officials. I would
especially want charged those officials who abetted the
activities that exacerbated the disaster, or those which had the

3
information and the power to prevent it (but negligently did not do so).
Hindi man ito ang panahon para sa magsisihan, dapat matukoy ang mga
pananagutan. Sa ibang bansa, gaya ng bansang Hapon, naging bukal sa loob
ng mga opisyales na pasanin ang responsibilidad at magbitiw sa tungkulin.
Sa kasamaang palad, wala tayong ganoong tradisyon. Pinapaubaya ko na sa
mga itinalaga ng Pangulo upang mag-imbestiga sa nangyari, bagamat mas
obhektibo sana kung isang hiwalay na komisyon ang gumagawa ng
imbestigasyon. Gayunpaman, anuman ang kanilang mahanap, hinihiling ko
na magsampa sila agad ng kaukulang kasong kriminal, sibil at
administratibo sa mga opisyales na nagpabaya. Nais kong makitang
maisuplong ang mga opisyales na nagbigay pahintulot sa mga aktibidad
kaya't lalong lumala ang naging pinsala, o di kaya ‘yung mga taong may
impormasyon at kapangyarihan upang maiwasan ang sakuna (subalit pinili
na pabayaan ito).

Mga Pamprosesong Tanong:

1. Ayon sa artikulo ano ang epekto ng pagmimina at pagtotroso sa mga


nararanasang kalamidad ng bansa?

2. Bakit mahalaga ang tamang gawain at desisyon na ginagawa ng mga


tao upang maiwasan ang mga kalamidad? Ipaliwanag.

3. Ano ang pangkalahatang epekto ng ating mga desisyon sa


kinabukasan ng ating bansa?

4. Dapat bang ipagpatuloy ang mga gawaing pangkabuhayan katulad ng


pagmimina nagdudulot ng kalamidad? Oo o Hindi. Patunayan.

3
Pangwakas na Isaad kung ano ang iyong gagawin sa bawat sitwasyon: Kopyahin ang
Pagsubok
sitwasyon sa sagutang papel. ( 5 puntos bawat sitwasyon/bilang) Gamitin
ang pamantayan sa ibaba bilang pamantayan ng iyong paggawa.

Pamantayan:
Kawastuhan ng ideya batay sa paksa 2
Organisado at malikhain na paglalahad ng ideya 1
Pagsasabuhay ng mga pagpapahalagang natutuhan sa paksa 2
KABUUAN- 5

1. May mga nagsusunog ng mga halaman at nagpuputol ng mga kahoy


sa kagubatan na malapit sa inyo.

2. Laging nagbabara ang daluyan ng tubig sa gilid ng inyong bahay dahil


sa hindi wastong pagtapon ng basura

3. Nabalitaan mong gumagamit ng dinamita ang iyong kapitbahay na


mangingisda.

4. Nasisira ang kabundokan na malapit sa inyo dahil sa


isinasagawang pagmimina.

5. May usok na bumubuga mula sa isang pabrika na itinayo malapit sa


kabahayan.

3
Karagdagang Iba ang may Alam!
Gawain

Ngayon naman, kumuha ka ng isang malinis na papel gaya ng bond paper.


Pagkatapos ay gumawa ng Poster na nagpapakita ng mga paghahandang
nararapat gawin sa harap ng panganib na dulot ng suliraning
pangkapaligiran: Gamitin ang Rubrik bilang pamantayan ng iyong paggawa.

POSTER

RUBRIK NG PAGMAMARKA

Kriterya Napakagaling Magaling May


15 10 kakulangan
5
Impormatibo Ang nabuong Ang nabuong Ang nabuong
poster ay poster ay poster ay
nakapagbibigay ng nakapagbiga kulang ng mga
kumpleto, y ng wasto na impormasyon
nagpapakita tungkol sa
wasto, at
ng mga paghahandang
mahalagang
paghahandan nararapat
impormasyonna
g nararapat gawin sa harap
nagpapakita ng
gawin sa ng panganib na
mga paghahandang
harap ng dulot ng
nararapat gawin panganib na suliraning
sa harap ng dulot ng

3
panganib na dulot suliraning pangkapaligira
ng suliraning pangkapaligir n
pangkapaligiran. an.
Malikhain Nagpakita ng Malikhain at May
pagkamalikhain at magaling ang kakulangan ang
napakagaling na element ng element ng
disenyo ng poster. disenyo ng disenyo ng
poster. poster.

3
SUSI SA PAGWAWASTO

ARALIN 1

Panimulang Pagsubok

1. TSUNAMI
2. KALAMIDAD
3. BAGYO
4. STORM SURGE
5. EL NIñO

Pagsasany 1: Analohiya

1. La NIña
2. Tsunami
3. Storm Surge
4. Bagyo
5. Pagputok ng Bulkan

Pagsasanay 2

Kalamidad Ano Ito?


1. Bagyo Namumuong sama ng panahon….
2. Lindol Pag-uga ng lupa sa ilalim…….
3. Pagbaha Ang pagtaas ng lebel ng tubig…….
4. El Niño Kawalan ng ulan
5. La Niña Kawalan ng tagtuyot

Pagsasanay 3: Sanhi at Bunga.

Kalamidad Sanhi Bunga


1. Bagyo Kapag nagtatagpo ang Nagdadala ito ng marahas at
malamig at mainit na hangin sa malakas na hangin at
ragasang tubig ulan

4
gutna ng karagatan at sa
kadahilanang
ang Pilipinas ay nakaharap sa
Pacific Ocean
2. Lindol Dulot ng pagbibiyak at Maaaring kumitil ng buhay at
pagbabago ng mga batong sumira ng mga ari-arian
nasa ilalim ng lupa kapag
pinakakawalan nito ang
puwersang naipon sa
mahabang panahon.

3. Pagbaha Kawalan ng maayos na Pagkasira ng gamit at


daluyan ng tubig pagkakaroon ng sakit na
leptospirosis
4. Pagputok Sa kadahilanang ang Pilipinas ay Pagkakaroon ng volcanic
ng Bulkan bahagi ng Pacific Ring of Fire na mudflow o lahar na kumikitil ng
palagiang nagkakaroon ng seismic buhay ng tao, halaman at hayop.
at vocanic activities. Nagaganap Sinisira din nito ang kabuhayan
kapag ang magma (nagbabagang ng taumbayan
tunaw na mga bato at iba pang
materyales) na nagmumula sa
ilalim ng lupa ay umaangat
patungo sa bunganga ng bulkan
dahil na rin sa pagkapal nito at sa
pressure sa ilalim ng lupa.

5. El Niño Dahil sa abnormal na pag-init ng Pagkasira ng mga pananim at


temperatura sa ibabaw ng dagat na pagkawasak ng ilang lupain
nagdudulot ng kakaunting pag-
ulan sa
rehiyon.

4
Pangwakas na Pagsubok

1. Dahil sa ang Pilipinas ay bansang nakaharap sa Dagat Pasipiko. Sa dagat Pasipiko,


karaniwang namumuo at nagtatagpo ang malamig at mainit na hangin na sa kalaunan ay
magiging bagyo.

2. Ang agarang dahilan ng pagbaha sa ilang lugar sa Pilipinas ay ang kawalan ng


maayos na drainage system o daluyan ng tubig.

3. Ang mga sumusunod ay mga pinsalang dulot ng pagputok ng Bulkang Taal:


A. Pagkakaroon ng volcanic mudflow o lahar na sumira sa ari-arian ng
napakaraming tao
B. Kumitil ng napakaraming buhay, gayundin ang flora at fauna
C. Pagkawala ng kabuhayan at hanapbuhay ng libo-libong katao

4. Dahil ang Pilipinas ay bansang nakalatag sa tinatawag na Pacific Ring of Fire na


palagiang may seismic at volcanic activities. Ang pagkakaroon ng bansa ng
napakaraming faultlines at bulkan.

5. Nagkakaroon ng tsunami sa isang lugar kapag ito ay nakaranas ng pagguho ng lupa,


pagputok ng bulkan o kaya ang paglindol. Ang penomenang ito ay kaakibat na ng mga
nabanggit na kalamidad. Hindi itò inaasahan kaya lahat ay pinag-iingat kapag katatapos
pa lng isanv malakas na lindol lalo na ang mga nasa dalampasigan o nasa tabing-dagat.

4
ARALIN 2
Panimulang Gawain

Q P O L U S Y O N I D
R U Q P O N M L K J E
P O A U S Y O N A B F
S T U R V W X Y Z C O
L K J I R H G F E D R
M M O P Q Y R S T U E
C B A K Z Y I X W V S
D E F K G H I N J K T
S O L A D W A S G E A
S O L I D W A S T E T
U V W G X Y Z A B C I
L K J I I H G F E D O
M N O N P Q R S T U N

1. Solid Waste
2. Quarrying
3. Deforestation
4. Kaingin
5. Polusyon

Pagsasanay 1: Matching Type

1. D
2. B
3. A
4. C
5. E

4
Pagsasanay 2: Kumpletuhin ang tsart sa ibaba.

Suliraning Pangkapaligiran Napinsalang Likas na Yaman


1. Kaingin System GUBAT
2. Illegal Mining BUNDOK
3. Solid Waste KARAGATAN, LUPA
4. Deforestation GUBAT
5. Oil Spill KARAGATAN

Pagsasanay 3: What Goes Around, Comes Around.

Suliraning Idinulot na Di-Mabuti sa Tao


Pangkapaligiran
1. Kaingin System Magdudulot ng baha, matutuyo ang lupa
2. Illegal Mining Masisira ang mga bundok, mawawalan ng tirahan ang
mga hayop
3. Solid Waste Magdudulot ng baha, makokontamina ang ating tubig
4. Deforestation Makakalbo ang gubat, maaaring magka-landslide
5. Oil Spill Mamamatay ang mga isda na kinakain ng tao

Pangwakas na Gawain

Mga Halimbawang Sagot:

1. Solid Waste, itatapon sa tamang basurahan at ipa-practice ang 4R’s

2. Polusyon, sasama sa mga clean-up drive ng paaralan o kaya ng komunidad

3. Deforestation, paglulunsadd ng tree planting program sa baranggay o paaralan

4. Pagmimina, ireport sa kinauukulan kapag illegal ang pagsasagawa

5. Kaingin System, pagtatanim ng halaman sa lugar na nasunog o nakalbo

4
ARALIN 3
PANIMULANG GAWAIN

1. Nakakalbong kagubatan
2. Maitim na Usok
3. Nagliliyab na Apoy
4. Basurang Di Naitatapon ng Tama
5. Tigang Na Lupa

Pamprosesong Tanong:

1. Ang mga larawan ay nagpapakita ng mga suliranin sa ating kapaligiran.


2. Nangyayari ito dahil sa pag-aabuso ng tao at hindi tamang paglinang sa ating likas na
yaman.
3. Nakakaapekto ito sa ating kapaligiran dahil nagdudulot ito ng pagkasira sa ating
kalikasan at maaring magdulot ito ng kalamidad katulad ng pagbaha.

PAGSASANAY 1 ( Awitin Mo, Awitin Ko)

SAKNONG/ Linya ng awit MGA SULIRANIN SA


KAPALIGIRAN
I -Kaydumi na ng hangin Polusyon, Problema ng solid waste
II- Dati’y kulay asul ngayo’y naging itim Polusyon
III -Ang mga duming ikinalat natin,sa langit Polusyon, Pagnipis ng Ozone layer
huwag na natin paabutin
IV- May mga puno pa kaya silang aakyatin Deforestation/Pagkakaingin,
May mga ilog pa kayang lalanguyan Polusyon, Problema sa Solid Waste
V -Darating ang panahon mga ibong gala Pagkawala ng Bio Diversity
Masdan mo ang mga punong dati’y ay kay Deforestation
tatag

4
PAGSASANAY 2 ( Hulaan mo!)

1. Kaingin System 6. Pagkawala ng Bio Diversity


2. Polusyon 7. Problema ng Solid Waste
3. Urbanisasyon 8. Pagkasira Ng Lupa
4. Global warming 9. Climate Change
5. Pagnipis ng ozone layer 10. Deforestation

PAGSASANAY 3

1. Iniugnay ang pagmimina at pagtotroso sa mga sakunang nangyayari sa Pilipinas katulad


ng pagbaha at pagguho ng lupa. Sa madalas na pagtotroso nakakalbo ang kagubatan at
nagdulot ng malawakang pagbaha. Ganundin ang pagmimina ang pagsasagawa ng ganitong
gawain nagkakaroon ng pagguho ng lupa sa mga lugar na matataas.Malaking salot ito sa mga
mamamayang Pilipino.

2. Sa aking palagay, pinahintulutan ng ating gobyerno ang mga pribadong korporasyon at


mga dayuhan na magsagawa ng pagmimina ng pagtotroso dahil may kinikita dito ang ating
pamahalaan sa mga dayuhang namumuhunan at naniniwala sila na nakatutulong sa
kabuhayan ng mga Pilipino dahil nabibigyan ng trabaho ang mga walang trabaho.

3. Ang pangkalahatang epekto ng maling desisyon ng tao sa paglinang ng ating likas na


yaman ay maaring maubos ang ating likas na yaman, magugutom ang tao,mararanasan natin
ang sobrang init., at patuloy nating maranasan ang iba’t-ibang kalamidad sa ating
bansa.Maapektuhan ang ating kabuhayan at pag naubos na ito darating ang panahon na
aangkat na tayo sa ibang bansa.

VII- Pangwakas na Pagsubok:

1. Kung pag-aari ng pamhalaan ang sinusunog niya na halaman at ang pinuputol na mga
puno, maaring ipagbigay alam ko ito may kinauukulan halimbawa sa aming Punong
Barangay, Kung sa kanyang pag-aari maaring pagsasabihan ko siya ng di mabuting epekto
nito sa ating kalikasan.

4
2. Maaring ipagbigay-alam ko sa mga nagtatapon ng basura ang gawaing ito,magbayanihan
Oplan Linis,sama samang magtulungan sa paglinis ng daluyan ng tubig at maglagay ng mga
lalagyan ng basura. Maari itong ibukod ang nabubulok at di nabubulok.

3. Hindi tatanggapin ang pera na iniaalok, ganun pa rin ipagbigay –alam ko sa aming Punong
Barangay ang maling gawain.

4. Kausapin ang nangangasiwa ng minahan, ipagbigay-alam sa mga opisyal ng ating


pamahalaan.

5. Ireport sa ahensiya na nangangasiwa sa pangangalaga ng ating kalikasan. Kausapin ang


nangangasiwa ng pabrika o di kaya’y magpadala ng liham sa mga opisyal ng gobyerno,
hikayatin ang mga residente na apektado na maglagda sa liham bilang petisyon na hindi
maipagpatuloy ang maling gawain.

4
PINAGMULAN NG MGA TEKSTO AT LARAWAN

Aralin 1

 https://encryptedtbn0.gstatic.com/images?q=tbn%3AANd9GcTThMZih8I5Bds
3kA_Qq6WIvdakd48-XbeZH8dYvS2ZVVVBJRD&usqp=CAU
 https://encryptedtbn0.gstatic.com/images?q=tbn%3AANd9GcTThMZih8I5Bds
3kA_Qq6WIvdakd48-XbeZH8dYvS2ZVVVBJRD&usqp=CAU
 https://www.sunstar.com.ph/article/1772990
 https://www.nytimes.com/2019/10/30/world/asia/philippines-earthquake-
davao-mindanao.html
 https://blogs.agu.org/geospace/2017/04/26/new-study-challenges-long-held-
tsunami-formation-theory-plus-video/
 https://www.volcanodiscovery.com/taal/news.html
 https://www.slideshare.net/JonalynCagadas/kalamidad?fbclid=IwAR0FMVxMJ
X0HD-NYHPKJB5bYKf5fNw0Zv1GvnlpbeXguGFEU1hG7389zpH0

Aralin 2

 AP10 Learners Material; Pahina 61-74

Aralin 3

 https.///.livescience.com.z
 https.//en.m.wikipedia.org
 https.//www.manilatimes.net.o
 https.//en.m.wikipedia.org
 https.//www.global change.gov
 Workteks Sa Araling Panlipunan 10 Kayamanan

4
For inquiries or comments, please contact:

You might also like