You are on page 1of 23

Kalamidad

ARALING PANLIPUNAN 10

Prepared by: Eddie San Z. Peñalosa


Paksang
Tatalakayin
 Kahulugan ng Kalamidad

 Mga Uri ng Kalamidad


 Natural na Kalamidad

 Kalamidad bunga ng Maling Gawi o Desisyon ng Tao

 Kalamidad na Tinuturing Parehas na Natural at Gawa ng Tao


Ang mga Kalamidad ay pangyayaring likas o gawa ng tao na
Kahulugan ng maaaring magdulot g pinsala sa buhay, ari-arian, at kabuhayan ng
Kalamidad mga ito na maaaring magbunga ng pagkatigil ng panlipunan at
pang-ekonomiyang gawain ng isang komunidad.
Ang Natural (Likas) na Kalamidad ay:
Uri ng - Bagyo
Kalamidad - Storm Surge
- Baha
- Flashflood
- Landslide
- Epidemya
- Lindol
- Buhawi
- Tsunami
Bagyo

- Ito ay tumutukoy sa malakas na hanging kumikilos nang paikot na


madalas ay may kasmang malakas at matagal na pag-ulan. Ito ay
isang higanteng buhawi. Sa mata ng bagyo ay walang hangin
subalit malakas naman ang hangin sa eyewall nito.
Storm Surge

- Ito ay hindi pangkaraniwan o abnormal na pagtaas ng tubig-dagat


na kaugnay ng low pressure weather system gaya ng mga tropical
cyclone at malalakas na extra tropical cyclone.
Baha
- Nagkakaroon ng baha (flooding) kapag tumaas ang tubig nang
higit sa kapasidad ng ilog at ibang daluyan ng tubig na ang resulta
ay ang pag-apaw nito sa lupa.

- Ang ilan sa mga sanhi nito ay ang labis na pag-ulan, biglaang


pagbuhos ng malakas na ulan o thunderstorm, at tuloy-tuloy na
pag-ulan sa loob ng ilang araw. Ang pagbaha sa kasalukuyan ay
tila baga nagiging pangkaraniwan na lamang sa maraming lugar
sa Pilipinas.
Flashflood

- Ito ay ang rumaragasang agos ng tubig na may kasamang banlik,


putik, bato, kahoy, at iba pa. bagama’t mabilis ang pagdating ng
flashflood, mabilis din ang paghupa nito. Ang pangkaraniwang
sanhi nito ay ang malakas na pag-ulan.
Landslide

- Ito ay ang pagbagsak ng lupa, putik, o malalaking bato dahil sa


pagiging mabuway ng burol o bundok. Ang pangkaraniwang sanhi
nito ay ang malalakas o tuloy-tuloy na pag-ulan o hindi kaya
naman ay paglindol.
Epidemya

- Ito ay ang mabilis na pagtaas ng bilang ng mga kaso ng


nakahahawang sakit nang mas mabilis kaysa sa normal nitong
pagkalat sa isang particular na lugar. Ang halimbawa ng mga
nakahahawang sakit ay ang tigdas, dengue, malaria, diarrhea, at
cholera.
Lindol
- Ang malakas na uri nito at ang mga teribleng epekto nito ang isa
sa pinakanakakatakot at mapanirang pangyayari sa kalikasan. Ito
ay isang biglaan at mabilis na pag-uga ng lupa na dulot ng
pagbibiyak at pagbabago ng mga batong nasa ilalim ng
lupakapag pinakawawan nito ang puwersang naiipon sa
mahabang panahon.
Buhawi
- Ito ay tinatawag ding alimpuyo, tornado, o ipo-ipo. Ito ay isang
bayolente, mapanganib, at umiikot na kolumna ng hangin na
dumarapo o sumasayad sa kalatagan ng lupa. Ito ay karaniwang
nabubuo kasama ng isang thunderstorm. Ang malamig na hangin
sa himpapawid ay bababa sa kalupaan samantalang ang mainit na
hangin sa ibaba naman ay aakyat nang paikot.
Tsunami
- Kilala rin bilang mga seismic sea wave (iba pa ito sa tidal wave), ito
ay serye ng malalaking alon na nilikha ng pangyayari sa tubig,
gaya halimbawa sa bahagi ng karagatan. Ang mga lindol,
malalaking pagkilos ng tubig (sa ibabaw man o sa ilalim),
pagputok ng bulkan, at iba pang uri ng pagsabog sa ilalim ng
dagat, pagguho ng lupa, malaking pagtama ng maliit na
bulalakaw, at pagsabog ng mga kagamitang nukleyar o atomiko
sa karagatan ay maaaring ,akabuo ng tsunami.
Uri ng Kalamidad bunga ng Maling Gawi o Desisyon ng Tao
Kalamidad - Polusyon
- Oil Spill
- Deporestasyon

Bagama’t ang maraming kalamidad ay sinasabing gawa ng


kalikasan, ang maraming gawa at desisyon ng mga tao ay
nakaaambag o nakapagpapalala sa epekto ng kalamidad, kung hindi
man nagiging tuwirang dahilan ng mga ito.
Polusyon - Ito ay tumutukoy sa dumi, ingay, at hindi kaaya-ayang amoy sa
kapaligiran. Ang mga pangkaraniwang sanhi nito ay ang mabilis na
paglaki ng populasyon, pagdami ng industrial waste (mga basura
na galling sa mga pagawaan), at mga sasakyang panlupa,
pandagat, at panghimpapawid. Kung ang isang bansa ay may
plantang nukleyar, ito man ay maaring panggalingan ng polusyon
dahil sa mapanganib nitong basurang radioactive at sa posibleng
mapanganib na disgrasyang bunga ng pagsingaw ng mga nuclear
reactor.
Oil Spill

- Ang oil spill sa karagatan ay madalas maganap kapag hinayaang


bumiyahe ang tanker ng langis kahit na masama ang panahon. Ang
malalakas na alon na humahampas sa mga barge o barko na
nagdadala ng langis ay nagreresulta sa oil spill. Maaari ding dahilan
ang pagkakarga ng langis na lagpas sa kapasidad ng barge o tanker.
Deporestasyon

- Ang deporestasyon (deforestation) ay ang pagkakalbo ng


kagubatan sanhi ng mabilis o illegal na pagputol ng mga puno sa
kagubatan, pagmimina, o pagkakaingin (pagsusunog sa mga
puno at halaman).
Uri ng Kalamidad na Tinuturing Parehas na Natural at Gawa ng Tao
Kalamidad - Baha
- Flashflood
- Landslide
- Epidemya
- Climate Change
May mga kalamidad na nabanggit na sa naunang seksiyon
subalit marapat na mauling banggitin sa bahaging ito sapagkat sila
man ay maituturing na man-made na kalamidad.
Baha
- Bagama’t ang baha ay masasabing dulot ng labis na pag-ulan,
biglaang pagbuhos ng ulan o thunderstorm, o tuloy-tuloy na pag-
ulan sa loob ng ilang araw, masasabi ring ito ay bunga ng
pagkaipon ng basura sa mga daluyan ng tubig. Nagkakaroon ng
bara sa mga paagusan ng tubig dahil sa kapabayaan o kawalan ng
disiplina ng mga tao.
Flashflood

- Ito ay maaaring bunga ng pagkakalbo ng bundok kagaya ng kaso


ng malalaking pinsalang naganap nang magkaroon ng Bagyong
Sendong sa lalawigan ng Cagayan de Oro noong Disyembre 2011.
Ito ay maaaring dulot din ng pagmimina sa ginagawa ng mga tao.
Landslide
- Bagama’t ang pangkaraniwang sanhi nito ay ang malalakas o
tuloy-tuloy na pag-ulan o hindi kaya naman ay paglindol, nagiging
dahilan nin o nakapagpapalala ng landslide ang pagmimina, maling
paraan o iresponsableng paggawa ng kalsada o iba pang gusali, at
pagputol ng mga puno sa kagubatan.
Epidemya

- Pangkaraniwang ngang nagkakaroon ng epidemya, kung marumi


ang kapaligiran. Ang pagkakaroon ng mga sakit na nakahahawa, at
maging ang pagkalat ng mga ito, ay karaniwan nang may
kaugnayan sa polusyon sa kapaligiran na gawa ng tao.
Climate Change
- Ito ay may kaugnayan sa global warming o pagtaas ng
temperature sa daigdig naresulta rin ng maraming gawa o
kapabayaan ng mga tao. Nagdudulot at nagpapalala ng pagtaas ng
temperature ang mga gawain gaya ng pagsunog ng mga
produktong mula sa langis, pagkalbo ng kagubatan, pagsasaka at
industriyalisasyon na gumagamit ng kemikal.

You might also like