You are on page 1of 4

Lesson 1: Disaster Risk Mitigation

Tuesday, October 5, 2021


1:40 PM
Layunin
 Naipapaliwanag ang iba't ibang uri ng kalamidad na nararanasan sa
komunidad at sa bansa
 Naiuugnay ang gawain at desisyon ng tao sa pagkakaroon ng mga kalamidad
 
Disaster Risk Mitigation (Disaster Risk Reduction)
 Naglalaryong mabawasan ang pinsalang bunga ng mga sakuna, lalo na ng
mga likas na panganib (natural hazards) o mga kalamidad tulad ng lindol,
baha, at bagyo
 Nagsusulong ng tamang paghahanda at wastong pag-iwas sa mga sakuna at
kalamidad
 
Sakuna (disaster)
 Nakadepende kung gaano kalaki ang epekto ng isang panganib sa lipunan at
sa kapaligiran
 Ang sukatan ng epekto ng sakuna ay nakasalalay sa piniling gawain para sa
sarili at para sa kapiligiran
 Nakasalalay sa bawat desisyon at pagkilos ng tao ang pagiging
mahina(vulnerable) o matatag(resilient) laban sa mga kalamidad
 
Kalamidad at Panganib (hazard)
 Mga pangyayaring likas o gawa ng tao na maaaring magdulot ng pinsala sa
buhay, ari-arian at kabuhayan na maaaring magbunga ng pagkatigil ng
panlipunan at pang-ekonomiyang gawain ng isang komunidad
Ang hazard ay maaaring
1. Nag-iisa (sunog)
2. Magkasunod (lindol at tsunami, lindol at landslide, o ulan at landslide)
3. Kombinasyon (bagyo at landslide at baha)
 
Mga Natural na Kalamidad
Bagyo
o Weather system na may malakas na hanging kumikilos nang paikot-
ikot na madalas may kasamang kulog, kidlat at malakas at matagal na
pag-ulan
o Isang buhawi
o Sa mata ng bagyo walang hangin sumalit malakas ang hangin sa
eyewall nito
Public Storm Warning Signals (PSWS)
 Mga babalang inilalabas ng PAGASA upang malaman kung gaano
kalakas, saan ang lokasyon at saan tinatayang dadaan ang
paparating na bagyo
Storm Surge(daluyong)
o Hindi pangkaraniwan o abnormal na pagtaas ng tubig-dagat na sanhi
ng malalakas na hangin upang magkumpol ang tubig na mas mataas
kaysa ordinasyong sea level
Storm Tide
o Ang water level ng dagat ay tumataas dahil sa kombinasyon ng storm
surge at astronomical tide
Baha
o Ito ay ang pagtaas ng tubig ng higit sa kapasidad ng daluyan ng tubig
bunga ng pag-apaw nito sa lupa o sa mga karaniwang lugar na hindi
karaniwang inaabot nito
Flashflood
o Ito ay rumaragasang agos ng tubig na may kasamang banlik, putik,
patok, kahoy, at iba pa
o Mas mabilis humupa kaysa pangkaraniwang pagbaha
Landslide
o Pagbagsak ng lupa, putik, o malalaking bato dahil sa pagiging
mabuway ng burol o bundok
o Pangkaraniwang sanhi nito ay malalakas na pag-ulan o hindi kaya ay
paglindol
Epidemya
o Mabilis na paglaganap ng nakakahawang sakit sa isang lugar at ang
pagtaas ng bilang ng mga apektado nito
Halimbawa
 Tigdas
 Dengue
 Malaria
 Diarrhea
 Cholera
Lindol
o Mabilis at biglaang pagyanig o paggalaw ng fault sa ibabaw ng daigidig
o crust
o Maaaring Volcanic o Tectonic
Katindihan (intensity)
 Antas ng pinsala sa isang lugar
Kalakasan (Magnitude)
 Paraan ng pagsukat sa lindol na nakabatay sa masusing pagsusuri
ng mga datos at seismikong tala para matantiya ang kabuuang
halaga ng enerhiyang inilabas sa pinagmulan ng lindol
Buhawi
o Tinatawag na alimpuyo, tornado, o ipu-ipo
o Isang marahas, mapanganib, at umiikot na kolumna ng hangin na
dumarapo o sumasayad sa kalatagan ng lupa
Buhawi
 Nabubuo sa ibabaw ng lupa
Ipu-ipo
 Nabubuo sa ibabaw ng tubig
Tsunami (tidal waves)
o Malalaking alon na nabubuo sa ilalim ng dagat sanhi ng paglindol,
pagsabog ng bulkan, at pagguho ng lupa, pagtama ng maliit na
bulalakaw at pagsubok ng mga kagamitang nukleyar o atomiko sa
karagatan
 
Ang Kaugnayan ng Gawain at Desisyon ng Tao sa Pagkakaroon ng mga Kalamidad
Polusyon
o Tumutukoy sa dumi, ingay(noise), at hindi kaaya-ayang amoy sa
kapaligiran
Mga sanhi:
 Mabilis na paglaki ng populasyon
 Pagdami ng industrial waste
 Mga sasakyang panlupa, pandagat at panghimpapawid
Mga Uri
 Polusyon sa Hangin
 Polusyon sa Tubig
 Polusyon sa Lupa
 
Oil Spill
o Pagtaas ng produktong petrolyo sa malaking bahagi ng tubig gaya ng
lawa, karagatan, ilog na bunga ng aksidenteng kinasangkutan ng
tankers, barges, pipelines, refineries, drilling rings at storage facilities
 
Deforestation
o Pagkakalbo ng kagubatan sanhi ng malabis o illegal na pagputol ng
mga puno sa kagubatan sa pamamagitan ng pagmimina o
pagkakaingin
Mga Sanhi
 Ibinebentang puno bilang kalakal
 Pastulan
 Tinataniman ng ibang tanim
 
Kalamidad na kapwa-gawa ng Kalikasan at gawa ng Tao
 
Climate Change
 Nagdudulot at nagpapalala ng pagtaas ng temperatura tulad ng mga
gawaing pagsusunog ng mga produktong mula sa langis, pagkakalbo ng
kagubatan, industriyalisasyon na gumagamit ng kemikal na
chlorofluorocarbon at hydrofluorocarbon sa mga refrigerator,
airconditioner, aerosol, blower, heater, at iba pa
 
Mga Paghahanda sa Harap ng mga Kalamidad
1. Palaging subaybayan ang mga anunsyo sa radio, telebisyon o internet
2. Alamin at unawain ang lagay ng panahon at mga panganib na maaaring
makaapekto sa pamilya o sa komunidad
3. Sa tahanan, magtalaga ng isang ligtas na silid/lugar at tiyaing alam ito lahat
ng miyembro ng pamilya
4. Tiyakin at ipaalam din sa bawat miyembro ng pamilya kung saaan-saan sa
pamayanan o maging evacuation centers na maaring magtungo kung
kakailanganin ang paglikas
5. Magtalaga ng isang responsableng miyembro ng pamilya na magiging point
of contact sa panahon ng kalamidad o sakuna
6. Tumukoy at ipaalam sa bawat miyembro ng pamilya ang mga lugar na
maaaring pagtipunan kung sakaling magkakahiwa-hiwalay sa panahon ng
trahedya
7. I-save sa cellphone contacts ang mga emergency telephone number
8. Magsaliksik ukol sa pangunang lunas o first aid, wastong pagsasagawa ng
cardiopulmonary resuscitation(CPR), at iba pang mga kaalaman upang
maligtas ang buhay

You might also like