You are on page 1of 3

Lesson 4: Iba't-ibang Programa, Mga Polisiya, at

Patakaran ng Gobyerno at ng mga Pandaigdigang


Samahan Tungkol sa Climate Change
Tuesday, October 5, 2021
1:43 PM
Layunin
 Natatalakay ang iba't ibang programa, polisiya, at patakaran ng
pamahalaan at ng mga pandaigdigang samahan tungkol sa climate
change
 
Republic Act No. 9729
 Climate Change Act
 Dating tawag: SB 2583–Climate Change Bill
 Ipinasa ng Kongreso noong 2009
 Ang pangunahing mithiin ng batas na ito ay ang pagbuo ng Climate
Change Commision na nakatuon sa pagsasakatuparan ng ilang mga
programa patungkol sa climate change
Climate Change Commission
 Nakikipag-ugnayan sa mga ahensiya ng ating pamahalaan
tulad ng LGU
 Naglalaman ng mga programa ng pamahalaan para mapigilan at
mabawasan ang masamang epekto ng Climate Change at
panatilihing ligtas ang mga mamamayan
 Naaayon sa National Climate Change Action Plan na inaprubahan
ni dating Pangulong Benigno Aquino III noong 2011
 
Ilang bahagi ng naturang Local Climate Change Action Plan:
 Food Security
 Water Sufficiency
 Ecological and Environmental Stability
 Human Security
 Climate Smart Industries and Services
 Sustainable Energy
 Knowledge and Capacity Development
 
 Nababalangkas ng Action Plan ng NCCAP ang mga dapat gawin ng
ating bansa mula sa taong 2011 hanggang 2028
 
2014
 Ipinatupad ng gobyerno ng Pilipinas ang budget tagging sa
paghahanda sa taunang pondo ng mga ahensiya ng gobyerno
o Mas madaling makikita ang mga programa o proyekto
na tumutugon sa climate change para gawing mas ligtas
ang mga pamayanan sa masamang epekto nito
Budget Tagging
Hinihimay-himay ang pondo ng ating bansa para mailaan sa

kung saan ito kailangan
 Isa pang hakbang na ginawa ng Pilipinas ay ang pagdaragdag ng
mga ecotown
o Ito'y bunsod ng nakitang tagumpay sa pagpapatupad ng
mga hakbang kung paanong gagawing ligtas ang isang
komunidad at kung paano ito makakabangon kaagad
pagkatapos ng pagtama ng isang kalamidad
Ecotown
 inililipat ang mga indibidwal na nakatira sa lugar kung saan
palaging tinatamaan ng mga kalamidad sa isang village o
community na malayo sa panganib/peligro upang mamuhay
sila doon ng payapa.
 
 Inatasan din ang mga lokal na gobyerno na tiyakin ang kaligtasan
ng kanilang mga nasasakupan sa pamamagitan ng mga pagsasanay
sa paggamit ng makabagong teknolohiya
 
Climate Exposure Database
 ClimEx db
 Isang computer application na ginagamit ngayon para matiyak ang
mga eksaktong lugar ng mga bukirin, imprastraktura, at iba pa
 Unang ginamit sa Iligan/Cagayan de Oro
 Ngayon ay pinalawak at tinawag na Resilience and Preparedness for
Inclusive Development (RAPID) Programme
 
Nobyembre 2014
 Pinirmahan ng noon ay si Presidente Benigno Aquino ang Executive
Order 174 — isang climate change mitigation policy kung saan
iniatas ang pagsasagawa ng Philippine Greenhouse Gas Inventory
Management and Reporting System (PGHGIMRS)
Climate Change Mitigation Policy
 Para mabawasan ang epekto ng climate change
Philippine Greenhouse Gas Inventory Management and
Reporting System
 Nilalayon ng batas na gamitin ang mga makukuhang
impormasyon sa pagbuo ng mga polisiya para makatulong sa
pagsisikap ng buong mundo na mabawasan ang greenhouse
gases na patuloy na bumabalot sa mundo
 Ninanais nito na makakalap ng datos na may kinalaman sa GHG
Emission ng ilang piling sektor tulad ng pagsasaka, transportasyon,
enerhiya at iba pa
 
Mga Pandaigdigang Polisiya Hinggil sa Climate Change
 Sa ngayon, ang United Nations ay namumuno sa mga programa at
patakarang may kinalaman sa isyu ng climate change. At isa na dito
ay ang mabawasan ang pagtaas ng Greenhouse Gas Emission
 
1992
 Ginanap sa Rio de Janeiro, Brazil ang United Nations Conference
on Environment and Development (Earth Summit)
o Nilagdaan ang United Nations Framework Convention
on Climate Change (UNFCCC) ng 150 bansa, na
nangangakong patatatagin ang konsentrasyon ng
greenhouse gases sa atmospera
1997
 Sa Japan
 160 na bansa ang nagtipon at lumikha ng isang kasunduan na
tinatawag na Kyoto Protocol, bilang isang pagbabago sa UNFCCC
na nagtatakda ng mga mandatory target para sa pagbabawas ng
Greenhouse Gas Emission
2006
 166 na bansa ang lumagda sa Kyoto Protocol ngunit kapansin-
pansing hindi kasama ang US at Australia
o Binawi ni George W. Bush ang suporta sa Kyoto
Protocol noong 2001 dahil ang kasunduan ay
naglalagay ng hindi makaturungang kasunduan sa
mauunlad na bansa at makapipinsala sa ekonomiya ng
US
Marso 2007
 Ang European Union (EU) ay nagsagawa ng isang green summit
upang makabuo ng isang bagong internasyonal na estratehiya na
tutugon sa global warming
 Ang mga kalahok na 27 na bansa sa EU ay nakagawa ng isang
milestone accord na humigit pa sa Kyoto Protocol sa pagtatakda ng
mga target upang mabawasan ang emisyon ng greenhouse gases
 
 Bagama't marami nang mga kasunduan ang nabuo sa
pandaigdigang antas, ang mga patakaran at programa upang
matupad ang mga layunin ng mga kasunduan ay nakasalalay pa rin
sa panrehiyon o pambansang antas
 
Disyembre 12, 2015
 Ang mga bansang kalahok ng UNFCCC ay nagkaraoon ng
kasunduan upang labanan ang climate change
 Nabuo ang 21st Conference of the Parties of the UNFCCC sa Paris,
France at nilagdaan ng 185 na bansa ang isang kasunduan na
tinatawag na Paris Agreement na nagtatakda ng tiyak na porsyento
ng dapat ibaba sa greenhouse gas emission ng bawat bansang
kasapi ng kasunduan

You might also like