Mga organisasyon na nakakatugon sa problema dulot ng climate change
Intergovernmental Panel on Climate Change
(IPCC) -
Pinagaaralan ang mga suliraning
dulot ng GLOBAL WARMING sa lebel ng pamahalaan. Ito ay binubuo ng mga syentipiko sa iba't ibang panig ng mundo.
United Nations Framework Convention on Climate
Change -
Ito ay ang pandaigdigang pagkilos hinggil sa Climate Change batay
sa mga datos na kinalap ng IPCC. Ito ay kilala sa tawag na "Earth Summit" Layunin ng pagaaral na maging maalam tungkol sa konsentrasyon ng Greenhouse Gases sa atmospera.
Mga Batas ukol sa Pagbabago ng Panahon o Climate Change
Artikulo I (Ang Pambansang Teritoryo) at Artikulo II (Pangkalahatang Probisyon)
ay nagbibigay ng pangunahing pagpapahalaga sa pagtiyak sa pangangalaga sa kapaligiran sa pamamagitan ng pagpapasa ng mga batas ukol sa pagtugon ng climate change.
Republic Act 9729 o Climate Change Act of 2009
Naglalayong maisama sa sistematikong kaparaanan ang konsepto ng climate change
sa pagbuo ng mga polisya o patakaran at mga planong pagpapaunlad ng lahat ng ahensiya ng pamahalaan upang maihanda nito ang mamamayan sa mga maaring maging dulot ng climate change.
Republic Act 9367 o Biofuels Act of 2006
Patakaran ukol sa pagbabawas ng pagdepende ng bansa sa inaangkat na
langis o paggamit ng mga nakalalasong kemikal at pagbuga ng mga greenhouse gases na nagpapakapal nito sa ozone layer.
Republic Act 8749 o Clean Air Act of 1999
Pagkakaroon ng malinis na hanging malalanghap ng mga mamamayan sa pamamagitan
ng mga pagsisikap ng pamahalaan na maglabas ng mga kautusang tiyakin na maging preventive imbes na corrective ang mga regulasyong na makamit ang malinis na hangin lalo na sa mga kalunsuran.
Republic Act 9003
Philippine Ecological Solid Waste Management act of 2000 naglalaan ng legal na
balangkas para sa sistematiko, komprehensibo, at ekolohikal na programa para matiyak na ang mga solid waste o mga basura natin ay hindi makasama sa kalusugang pampubliko at mapangalagaan ang kapaligiran
Maiuugnay natin ang ilang suliranin sa kapaligiran sa paglala ng Climate Change,
kabilang sa mga suliraning ito ang hindi maayos na pangangasiwa sa basura na kapag ay sinunog magdudulot ito ng usok na hindi makabubuti sa ating ozone layer. Isa rin sa suliraning maiuugnay ang pagkaubos ng likas na yaman kabilang na ang mga puno, likas sa puno na kumokonsumo ng carbon dioxide at inilalabas ito bilang oxygen at dahil sa pagkaubos nito taliwas sa pagkadami ng carbon dioxide emissions, lalong nasisira ang Ozone layer na nagpapalala sa Climate Change.
Mga Proyekto ng Pamahalaan ukol sa Climate Change
- Paggamit ng renewable Energy tulad ng Wind, Solar, Bio-mass, Hydro, Geothermal.
- Carbon Sequestration through Forest and Oceans - Energy Efficiency and Conservation - Climate Change Adaptation Program - Improve Resiliency