You are on page 1of 24

Ano ang CLIMATE CHANGE?

 Ang climate change ay ang pagbabago ng klima o panahon


dahil sa pagtaas ng mg greenhouse gases na nagpapainit sa
mundo.
 Ito
ay nagdudulot ng mga sakuna at sakit na nakakaapekto sa
pamumuhay ng mga tao.
 Ayon sa pag aaral ay may dalawang sanhi ng climate change
ito ay ang likas na mga sanhi at kagagawan ng tao .
FILI 101 Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino
Mga Hamong Kaugnay ng Climate Change

 Ang climate change ay isang isyu na konektado sa sitwasyon ng


kalikasan.
 Bunsod ng global warming, naging masidhi at wala nang padron ang
mga pagbabago sa klima sa mga nakaraang dekada.
 Ang global warming ang itinuturong dahilan ng pagbabago sa klima.
 Ang pagtaas ng temperatura ay bunga ng pagtaas ng greenhouse
gas emission sa atmospera. Ito ay nakahadlang sa pagsingaw ng init
na dulot ng araw.

FILI 101 Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino


Nawala na ang balanse ng
kalikasan
Ang bagyo ay Humahaba at
lalong nagiging lumalala ang
malakas panahon ng tagtuyot

Umuulan na ng Tumataas na ang


yelo sa ilang lebel ng tubig sa
lugar dagat

Mas umiinit ang temperatura


FILI 101 Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino
 Malawak at masaklaw ang epekto ng climate change sa iba’t ibang
aspekto ng pamumuhay ng mga mamamayan sa buong daigdig.
 Higit na ramdam at tuwiran ang epekto ng climate change sa
aspektong pang-ekonomiya.

Naging mas mahirap na ang Naging madalas din ang insidente ng


pagtantiya sa tamang panahon pagkawasak ng mga panananim dahil sa
ng pagtatanim. bagyo at pag taas ng sea level.

 Sa pangkalahatan, ang climate change ay may negatibong epekto sa


seguridad sa pagkain ng daigdig.

FILI 101 Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino


 Isa pang aspektong ekonomiko ng climate change ang mataas na
gastusin sa disaster risk response at mitigation.
 Nakakabawas sa pondo para sa iba pang serbisyong panlipunan ang
paglalaan ng pondo para dito.

FILI 101 Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino


 Isapang suliraning pang ekonomiko na dulot ng climate
change ay ang posibleng pagbagal ng paglago ng
ekonomiya ng mundo kapag ganap nang ipinatupad ang
mga kasunduan sa paglimita sa greenhouse gas emission
ng mga bansa.
 May aspektong politikal din ang climate change. Maiituring
na usaping politikal ang paggigiit ng mahihirap na bansang
pinakaapektado nito na piliting magbayad-pinsala sa kanila
ang mayayamang industriyalisadong bansa.
 Sa kanilang opinyon, ang climate change ay direktang
bunga ng ilang dekadang industriyalisasyon ng mauunlad na
bansa sa Kanluran.
FILI 101 Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino
 Apektado
rin ng climate change ang aktuwal na
pamumuhay ng mga mamayan sa daigdig.
Naging pangkaraniwan na rin ang pagbuhay at
pagpapalakas sa sistemang kapitbahayan at bayanihan.
Nanganganib namang mabura o kaya mabago nang
ganap ang sistema ng pamumuhay ng mga bansa gaya
ng Maldives.

FILI 101 Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino


 Sa mauunlad na bansa ay lumalakas ang kampanya para sa:
 Paglimita sa pagkonsumo o pagbili ng mga produktong
nalilikha sa pamamagitan ng mga proseso na nagdudulot ng
mataas na greenhouse gas emission.

 Pagtitipid ng kuryente dahil maraming planta ng enerhiya sa


mundo ay pinapatakbo gamit ang mga fossil fuel na nagdudulot
din ng pagtaas ng greenhouse gas emission.

FILI 101 Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino


Ang pangangalaga sa kalikasan ay dapat
maging bahagi rin ng mga salik sa kaunlaran,
sapagkat walang saysay ang anumang
paglago sa ekonomiya kung wawasakin
lamang nito ang pagiging sustentable ng
daigdig.

FILI 101 Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino


Bilang tugon sa climate change,
isinabatas ng Pilipinas ang Batas
Republika Bilang 9729 o Climate
Change Act of 2009.
Itinatadhanang nasabing batas
ang pagtatatag ng Climate
Change Commission sa ilalim
ng Tanggapan ng Pangulo.

FILI 101 Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino


Ito ang tanging ahensya ng gobyerno na magtatakda ng
mga patakaran at magsisilbing tagapagugnay, tagamonitor,
at tagasuri ng mga aktibidad ng pamahalaan kaugnay ng
climate change at aktibasyon ng mga LGU bilang mga
ahensya ng pamahalaan na magiging pangunahing
tagapagpatupad ng mga planong hakbang kaugnay ng
climate change.
Bahagi ng tungkulin ng Climate Change Commission ang
pagbuo ng National Climate Change Action Plan
(NCCAP) na sumasaklaw sa pitong prayoridad na
nakaangkla sa mga pangunahing kahinaan ng bansa.
FILI 101 Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino
Seguridad sa Kasapatan ng
pagkain suplay ng tubig

Estabilidad ng Paglinang ng
kalikasan at Seguridad Pantao kaalaman at
ekolohiya kapasidad.

Mga industriya at
Sustentableng
serbisyong
enerhiya
climate-smart
FILI 101 Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino
Ang pangunahing patakaran ng pamahalaan
Ihanda ang komunidad sa mga epekto ng
climate change at mapataas ang antas ng
kakayahan ng mga komunidad na makarekober
agad sa mga epekto nito (resilience).

FILI 101 Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino


Ipinapaalaala ng gobyerno sa bawat mamamayan
na ang pagharap sa mga suliraning dulot ng climate
change ay magiging epektibo lamang kung ang bawat
sektor ng lipunan ay makikipagtulungan sa
pagpapatupad ng mga planong aksyon na maganda
sa papel ngunit nangangailangan ng ibayong
kooperasyon ng madla bukod pa sa pondo.

FILI 101 Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino


Polusyon sa
Tubig,
Hangin, at
Lupa

Ang polusyon ay
tumutukoy sa
pagkakaroon ng mga
contaminant tulad ng
kemikal o anupamang
bagay na bumabago sa
kalagayan ng likas na
kapaligiran, at kung
gayo’y karaniwang may
negatibong epekto.
Karaniwang bunga ng
INDUSTRIYAL NA AKTIBIDAD
ang polusyon sa ating bansa.
APAT NA URI NG POLUSYON

Polusyon sa Polusyon sa
Hangin Ingay

Polusyon sa Tubig Polusyon sa Lupa


Iba’t Ibang Uri ng Pollutant sa Hangin

1. CO2 o Carbon Dioxide-ay natural na matatagpuan sa hangin, ngunit kapag mataas ang
konsentrasyon nito, nagdudulot ito ng Greenhouse Effect o pag-init ng mundo.
2. NO2 o Nitrogen Dioxide- isa pang mapaminsalang pollutant. Ito ay karaniwang nagmumula rin
sa pagsunog ng fossil fuels.
3. SO2 o Sulfur Dioxide- ay nagmumula sa pagsunog ng mga fuel na may sulfur katulad ng
petroleum at coal. Ang mga pabrilka ang karaniwang pinagmumulan ng SO2.
4. CO o Carbon Monoxide- naman ay ibinubuga ng mga sasakyan.
5. CFCs o Chlorofluorocarbons ay nagmumula sa mga aeresol spray at pagsunog ng mga foam.
TAMBAK NG BASURA SA LAPU-LAPU CITY
POLUSYON MULA SA PAGMIMINA
THANKS

You might also like