You are on page 1of 16

GRADE 10

QUIZ BEE
1.Kung ikaw ay mananaliksik ng
kontemporaryong isyu mula sa
iba’t-ibang panig ng daigdig, aling
sanggunian ang iyong gagamitin?
A. diary
B. comics
C. internet
D. magazine
2. Aling Non-Government
Organization (NGO) ang aktibong
tumutugon sa suliranin sa basura
at may adbokasiyang zero waste?
A. Bantay Kalikasan
C. Greenpeace
B. Clean and Green Foundation
D. Mother Earth Foundation
3. Aling batas ang naging batayan ng
National Framework Strategy and
Program on Climate Change upang
tugunan ang mga banta ng climate
change sa Pilipinas?
A. EO No. 23
B. RA 7586
C. RA 8749
D. RA 9729
4. Alin ang pinakamalaking uri ng
itinatapong basura ayon sa ulat
ng National Solid Waste
Management Status Report
noong 2015?
A. Biodegradable
B. Electronic
C. Hazardous
D. Special
5. Alin sa mga sumusunod ang layunin ng
Climate Change Commission na nilikha sa
ilalim ng Climate Change Act of 2009?
A. Panatilihing malinis ang hangin sa bansa.
B. Pagaanin ang negatibong epekto ng
climate change.
C. Gumawa, sumubaybay, at sumuri ng mga
programa at pagkilos sa pagbabago sa
klima.
D. Mapahusay ang kakayahan ng mga
negosyante na gumamit ng environment-
friendly sa estratehiya upang mapaunlad
ang ekonomiya.
6. Dahil ang Pilipinas ay isang kapuluan, isa ito sa
mga bansang apektado ng climate change lalo na
ang mga sektor sa pagsasaka at pangingisda.
Alin ang maaaring implikasyon nito sa kabuhayan
ng mga mamamayan?
A. Nagiging sagabal ito sa pag-unlad ng bansa.
B. Sanhi ito ng paglikas ng mga tao papuntang
siyudad.
C. Nagdudulot ito ng panganib sa seguridad ng
pagkain.
D. Nanganganib lumubog ang mga mababang
bahagi ng bansa.
7. Batay sa kalagayan ng ating
bansa hinggil sa basura, ano ang
iyong maimumungkahing gawain?
A. Anti-single-use plastic
campaign
C. Global road safety
management
B. Disaster management
D. Water quality monitoring
8. Bilang isang environmental
advocate na nakatuon sa
pangangalaga ng baybayin, aling
gawain ang iyong isusulong?
A. Afforestation program
C. Mangrove reforestation
B. Clean air conservation
D. Soil conservation
9. Saang isyu nabibilang ang samahang
pandaigdigan na binubuo ng iba’t-
ibang kinatawan mula sa pambansang
organisasyon para sa pandaigdigang
katahimikan at pagkakaisa?
A. pangkalakalan
B. pangkalusugan
C. panlipunan
D. pangkapaligiran
10. Alin sa sumusunod ang pangunahing
dahilan kung bakit ang dating
kagubatan ay nagiging plantasyon,
subdibisyon, o sentrong komersyo?
A. Paglipat ng pook tirahan
B. Pagdami ng mga dayuhan
C. Pagdami ng populasyon
D. Pagkikipagkalakan sa ibang
bansa
11.Ang mga sumusunod ay masamang
epekto ng solid waste MALIBAN sa
__________.
A. Nagiging sanhi ng baha.
B. Nagpapalala sa paglaganap ng
sakit gaya ng dengue at cholera.
C. Nakadadagdag sa suliranin sa
polusyon ang pagsusunog ng mga ito.
D. Nadaragdagan ang mga bilang ng
waste pickers na kumikita sa mga ito.
12.Alin ang pangunahing dahilan ng
matinding suliranin sa solid waste ng
bansa?
A. Kawalan ng trabaho ng mga tao.
B.M Kawalan ng disiplina sa pagtatapon
ng basura.
C. Hindi maayos na pamamahala ng mga
pinuno.
D. Pagdami ng mga produkto na
kinukonsumo ng mga tao.
13.Alin ang maaaring maiwasan
kapag matatag ang mga tao sa
epekto na dulot ng kalamidad?
A. Pagtaas ng bilihin
C. Pagbagsak ng ekonomiya
B. Pagdami ng basura
D. Pinsala sa buhay at ari-arian
14.Bakit mahalaga ang aktibong
pakikilahok ng lahat ng sektor ng
pamayanan sa disaster management?
A. Para dumami ang hazard
B. Palawakin ang epekto ng disaster
C. Upang maiwasan at mabawasan
ang epekto dulot ng kalamidad
D. Walang maayos na plano ang
komunidad sa pagtugon sa kalamidad
15. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang
nagpapakita ng top-down approach sa pagbuo
ng Disaster Risk Reduction Management Plan?
A. Lahat ng desisyon ay nagmumula sa
nakakataas na kinauukulan.
B. Nag-aantay ng tulong mula sa mga
nakakataas na lider ng bansa.
C. Pinangungunahan ng mga mamamayan ang
pagtukoy at pag-aanalisa sa mga maaring
maging epekto ng kalamidad.
D. Nagtulong-tulong ang mga tao sa
pagpapanumbalik muli ng kanilang nasirang
ari-arian at kabuhayan bunga ng kalamidad.

You might also like