PAGSISIYASAT SA CLIMATE CHANGE? 2. SINO-SINO ANG NAGTULONG –TULONG PARA MAITATAG ANG PROGRAMMA PARA SA CLIMATE CHANGE? 3. ANO-ANO ANG KANILANG GAWAIN? NAKAKATULONG BA SILA SA ATING LAHAT? 4. MAHALAGA BANG MALAMAN ANG PAGBABAGO-BAGO NG ATING PANAHON? BAKIT KAYA? UNEP at WMO- Sila ang nangunguna sa pagsusulong ng pananaliksik at pagkilos ng mga siyentipiko,pamahalaan, nongovernmental organizations, at mamamayan sa daigdig sa pagharap sa hamon ng climate change. World Meteorological Organization- isang specialized agency na binubuo ng 191 member states at territories, para sa atmospera, meteorology, operational hydrology, at kaugnay na geophysical science. World Climate Conference- pinangunahan nito ang pinakamatandang sangay na nakatuon sa usapin ng climate change noong Pebrero 12-23 1979 sa Geneva Switzerland. United Nations Environmental Programme(UNEP)- nangungunang awtoridad sa pagtatakda ng global environmental agenda alinsunod ng sustainable development, nagsisilbing tagapag-ugnay ng lahat ng aktibidad na pangkapaligiran ng UN. -naitatag noong 1972 at matatagpuan ang punong tanggapan nito sa Nairobi, Kenya. Intergovernmental Panel on Climate Change(IPCC) – ay itinatag ng UNEP at WMO noong 1988. -upang magbigay sa daigdig ng malinaw na siyentipikong pananaw sa kasalukuyanng estado at kaalaman sa climate at sa potensiyal na pangkapaligiran at sosyo-ekonomik assessment na -binubuo ng 195 kasaping bansa. 2 Katangian ng IPCC: ^Policy-relevant ^Policy- prescriptive Ang policy relevant- naglalahad ng projection ng climate change sa hinaharap. Ang policy prescriptive- aksiyong dapat gawin. Ang UNITED NATIONS FRAMEWORK CONVENTION ON CLIMATE CHANGE (UNFCCC), UN CONVENTION ON BIOLOGICAL DIVERSITY (UNCBD), UN CONVENTION TO COMBAT DESERTIFICATION (UNCCD) ay tinaguriang Rio Conventions. UNCBD- multilateral treaty. UNCCD- legally binding. UNFCCC- nakatuon sa paglaban sa climate change. Nagsisilbing pundasyon o haligi ng mga kasunduan na tinatawag na PROTOCOLS O AGREEMENTS. Global Environment Facility- nangangasiwa sa ponding ipinagkaloob ng mga bansang industriyalisado. Conference of the Parties (COP)- Itinatag bilang supreme decision making body. Noong 1995 isinagawa ang unang pagpupulong sa Berlin, Germany. MGA PROGRESO SA PAGTUPAD SA ITINADHANA NG UNFCCC: 1. Pagtukoy ng mga bagong priyoridad. 2. Pagtakda ng mga bagong komitment at work plans para sa mga kasapi. 3. Pagbabago sa probisyon ng kasunduan. Conference of the Meeting of Parties (CMP)-ang nagsisilbing governing at decision body ng Kyoto Protocol. Kyoto Protocol- tinatakdaan ng ang mga bansang nagpatibay nitong pangkalahatang komitment sa pangangalaga ng climate system batay sa panuntunan na “common but differentiated responsibilities”. -itinuturing ng ilang eksperto bilang pinakamahalagang pandaigdigang kasunduang pangkapaligiran. NAGPAHINA SA KYOTO PROTOCOL: 1.EKONOMIKO 2.SIYENTIPIKO 3.IDEOLOHIKAL APAT NA PANGUNAHING KATWIRAN: 1.Malaking pagbawas sa kanilang kita dahil sa magiging pagbawas ng konsumo ng enerhiya. 2. Magiging mas mahal ang pag-aangkat sa mga bansang industriyalisado. 3.Pagpapaunlad ng mga bagong panggatong(new fuels). 4.Bahagi ng kanilang bansa na pinagkukunang-yaman langis, gas, at karbon. Paris Agreement- ang papalit sa Kyoto Protocol. Layunin nito ang pagbuo ng global action plan para maiwasan ng daigdig ang mapanganib na climate change. Ang impact ng pagtaas ng global temperature sa 2 Degree Celsius kompara sa 1.5 degree Celcius ay magreresulta ng sumusunod: 1.Pagkatunaw ng lahat ng yelo sa Arctic Region(ice-free Arctic) 2. Pagtaas ng sangkatlo ng tagal ng mga heatwave, rainstorm intensity, at lebel ng tubig sa dagat at karagatan. 3.Matinding pagkasira sa ilang mga pangunahing pananim gaya ng mais. 4.Pagkalipol ng mga tropical coral reefs. 5. Pagkabawas ng dalawang beses ng tubig-tabang ng mga bansa sa Mediterranean.