You are on page 1of 2

MAGANDANG UMAGA SA ATING LAHAT AKO PO SI AERICA L.

DELOS REYES
AKING IBABAHAGI SA INYO ANG PATUNGKOL SA TUGON NG PILIPINAS SA
CLIMATE CHANGE (PAGBABAGO NG KLIMA)
ano nga ba ang climate change?
Ang climate change ay ang pagbabago ng klima o panahon dahil sa pagtaas
ng mga greenhouse gases na nagpapainit sa mundo. Nagdudulot ito ng mga
sakunakagaya ng heatwave, baha at tagtuyot na maaaring magdulot ng pagkakasakit
opagkamatay. Kapag tumaas ang temperatura ng mundo, dadami ang mga
sakitkagaya ng dengue, diarrhea, malnutrisyon at iba pa

ANO ANO ANG sanhi NG CLIMATE CHANGE


 Natural na pagbabago ng klima ng buong mundo nitong mga nagdaang
matagalna panahon. Ito ay sama-samang epekto ng enerhiya mula sa araw, sa
pag-ikotng mundo, at sa init na nagmumula sa ilalim ng lupa na nagpapataas
ngtemperatura o init sa hangin na bumabalot sa mundo.
 Mga gawain ng tao na nagbubunga ng pagdami o pagtaas ng carbon dioxide
atiba pang greenhouse gases) (GHGs).
TUGON NG PILIPINAS SA CLIMATE CHANGE

  Bilang tugon sa climate change, isinabatas ng Pilipinas ang Btas Republika


Bilang 9729 o Climate Change Act of 2009. Itinatadhana ng nasabing batas
ang pagtatatag ng Climate Change Commission sa ilalim ng Tanggapan ng
Pangulo, na siyang tanging ahensiya ng gobyerno na magtatakda ng mga
patakaran at magsisilbing tagapag-ugnay, tagamonitor, at tagasuri ng mga
aktibidad ng pamahalaan kaugnay ng climate change” at “aktibasyon ng mga
local government units (LGUs) bilang mga ahensya ng pamahaaln na
magiging pangunahing tagapagpatupad ng mga planong hakbang kaugnay
ng climate change.” Ang pagbibigay-diin sa gampanin ng mga LGU ay
mahalag sapag ito rin ang mga pangunahing yunit ng pamahalaan na agad
makatutugon sa mga pangangailangan ng mga mamamayan sa panahon ng
kalamidad na dulot o pinalalala ng climate change.

Bahagi ng tungkulin ng Climate Change Commission ang pagbuo ng National


Climate Change Action Plan (NCCAP) na sumasaklaw sa pitong prayoridad na
nakaangkla sa mga pangunahing kahinaan ng bansa: seguridad sa pagkain;
kasapatan ng suplay ng tubig; seguridad pantao; sustentableng enerhiya;
mga industriya at serbisyong climate-smart; paglinang ng kaalaman at
kapasidad. Batay sa mga prayoridad na ito, malinaw na ang mga planong
aksyon ng bansa kaugnay ng climate change ay isang pagsisikhay na
sumasaklaw sa marami pang ibang ahensiya tulad ng Department of
Environment and Natural Resources (DENR); Department of Agriculture
(DA); Department of Energy (DOE); Department of Trade and Industry (DTI);
Department of Public Works and Highways (DPWH); Department of Social
Welfare and Development (DSWD); Department of Interior and Local
Government (DILG); Metropolitan Waterworks and Sewerage System
(MWSS); Local Water Utilities Administration (LWUA); National Fodd
Authority (NFA); Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BEAR), at iba
pa.

You might also like