You are on page 1of 3

1.

MGA AHENSYA NG PAMAHALAAN NA NAGTUTULUNGAN PARA SA KALIGTASAN NG MAMAMAYAN

2. Department of Social Welfare and Development (DSWD) Ito ang namamahala sa mga programa ng
pamahalaan para sa paglilingkod sa lipunan lalo na sa mahirap. Kapag may kalamidad, ito ang
nagunguna sa pagtulong sa mga nasasalanta ng kalamidad.

3. Department of Interior and Local Government (DILG) Ito ang namamahala sa mga yunit ng lokal na
pamahalaan tulad ng mga barangay, bayan, lungsod, o lalawigan.

4. Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Nilikha upang mabigyan ng tuwirang serbisyo
ang mga mamamayan sa Metro Manila o NCR.

5. Department of Education (DepEd) Ito ay namamahala sa mga bagay na may kinalaman sa


pagpapaunlad ng batayang eduksyon sa ating bansa. Kapag parating ang matinding bagyo o may
kalamidad, kadalasang ginagamit na pansamantalang tirahan ng mga mamamayan ang mga
pampublikong paaralan

6. Department of Health (DOH) Ito ang nangangalaga ng kalusugan ng mga mamamayan ng bansa tulad
ng pagsugpo sa pagkalat ng kolera, tigdas at iba pang nakahahawang sakit, lalong lalo kapag may
kalamidad.

7. Department of Public Works and Highways (DPWH) Ito ang nagsasaayos ng mga lansangan, daan,
tulay, dike, at ibapang impraestruktura ng pamahalaan na nasisisira kapag may baha o lindol.

8. Department of National Depense (DND) Pinangangalagaan nito ang kapayapaan at kaayusan ng


bansa. Tumutulong din ang mga sundalo sa paglilikas ng mga mamamayan kapag may kalamidad.

9. Department of Environment and Natural Resources (DENR) Pinangangalagaan nito ang kapaligiran at
likas na yaman ng bansa. Kapag may matinding kalamidad, tumutulong ang kagawaran ng pamahalaang
ito sa pagsasaayos ng ating kapaligiran
10. Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA)
Ipinararating ng pangasiwaang ito ang lagay ng panahon. Nagbibigay babala ito sa pagdating ng bagyo.
Nag-uulat ito tungkol sa lakas ng hangin, ulan, at galaw ng bagyo.

11. Ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang ahensiya na inatasan
na maghanda,at tumugon sa, natural na kalamidad,tulad ng bagyo at lindol

12. Malaki ang papel na ginagampanan ng pamahalaan sa paghahada at pgtugon sa mga kalamidad. May
kanya-kanyang tungkulin sa iba’t- ibang ahensiys ng pamahalaan sa pagtugon sa pangangailangan ng
mga mamamayan kaugnay ng mga kalamidad

13. Ang ilang mga ahensiya ng pamahalaan na nagtutulungan para sa kaligtasan ng mamamayan sa
panahon ng kalamidad ay mga sumusunod: DSWD DPWH DILG DepEd DOTC DOH MMDA DENR
NDRRMC.

Mga emergency hotlines

Fire / Ambulance 119

Krimen / Aksidente 110

Krimen sa dagat / Aksidente 118

Kapag may Kalamidad/idayal ang 171

You might also like