You are on page 1of 6

Introduction

Ang sakuna ay ang ating kalaban pagdating sa ating kabuhayan. Sa mga ganitong panahon, ang ating
kaligtasan ang pangunahin nating kailangan na maingatan. Ngunit gaano man tayo kahanda sa mga
pinsalang ito ay hindi natin ito makakayang magawa nang walang patnubay mula sa mga eksperto.

Bilang estudyante at mamamayan ng Pilipinas kung saan laganap ang mga sakuna at hindi mabilang-
bilang na pinsala, naririto kami upang pangaralin at ipakilala ang mga sangay ng pamahalaan at
ahensiyang makapagbibigay ng tulong at gabay sa mga ganitong uri ng oras o panahon.

DRRM (Disaster Risk Reduction and Management)

Ito ay ang aplikasyon ng mga polisiyang nakakapagpababa ng kapahamakan sa mga sakuna at mga
stratehiya para makaiwas dito na kung saan nakatutulong upang makaiwas sa na rin sa pagkasira ng mga
ari-arian at makamit ang masusuportahang pag-unlad.

DRRM sa Pilipinas

 Base sa talaan ng mga kalamidad sa panahon sa mga taong 1995-2015, ang Pilipinas ay
nakapagtala na ng 274 na likas na kalamidad. Ang mga natamo ng pinsalang ito ay umabot na sa
P130 bilyon.
 Bunga ng mga pinsalang ito na naaapektuhan rin ang iba’t ibang sector ng lipunan, nagpasa ng
batas ang pamahalaan na particular na tutulong sa mga Pilipino sa panahon ng kalamidad.

Philippine Disaster Risk Reduction and Management Act of 2010 o Batas DRRM

 Kinakatawan ng Batas Republika 10121


 Ito ang nagbibigay sa National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) ng
kapangyarihan upang makipagtulungan sa iba’t ibang sangay ng pamahalaan.
 Ang layunin nito ay ang pagpapatupad ng mga patakarang tutugon sa mga sakuna.

LDRRMC – Alert Level ALPHA (local)

PDRRMC – Alert Level BRAVO (provincial)

RDRRMC – Alert Level CHARLIE (regional)

NDRRMC – Alert Level DELTA (national)

Sino sino nga ba ang mga pinakakailangang kumilos sa panahon ng sakuna?

Ang Sangay ng Ehekutibo (Tagapagpaganap)

Ito ay ang sangay ng pamahalaan na nagpapatupad ng mga batas at alituntunin na ginawa ng sangay
lehislatibo.

Mga Bumubuo sa Sangay ng Ehekutibo

1. Ang Opisina ng Pangulo


Tungkulin ng pangulo na panatilihing ligtas ang kanyang mga mamamayan. Kailangan niyang
pangunahan ang mga sangay at mga kagawaran sa pagplaplano at pagpapatupad. Lahat ng ito
ay kailangan pa rin ng pagsunod sa mga panuntunang naaayon sa Saligang Batas.
2. Lokal na Pamahalaan
Sa panahon ng sakuna, tungkulin ng local na pamahalaan na:
a. Magpatupad ng mga patakaran bago, habang, at pagkatapos ng sakuna;
b. Mag-ulat ng kalagayan at pinsala ng kanilang nasasakupan;
c. Mamahala sa pamimigay ng tulong at serbisyo sa mga nasalanta ng kalamidad;
d. Bumuo ng programa para sa pagbangon ng mga napinsala; at
e. Magpatupad ng mga local na patakarang mangangalaga sa mga mamamayan laban sa
pinsalang dulot ng sakuna.

Ang Sangay Lehislatibo (Tagapagbatas)

Isang asembliyang pang-pamahalaan kasama ang kapangyarihang magpatibay ng mga batas na titiyak sa
kahandaan ng bansa sa mga sakuna. Binubuo ito ng senado at kongreso na naglalayong magdiskusyon
upang payagan ang aksyon na gagawin ng pangulo na siyang alinsunod sa Saligang Batas.

Emergency powers

– ito ang diskusyon na pinaguusapan at hindi basta bastang ibinibigay sa Pangulo


– kailangan itong masinsin na pag-usapan sapagkat kuing hindi, maaaring abusuhin ng nasa posisyon
ang kapangyarihan nito

Mga Pangunahing Kagawaran ng Pamahalaan sa Panahon ng Sakuna

1. Department of Science and Technology (DOST)


Kagawarang may hawak sa dalawang organisasyong nagbibigay ng impormasyon sa panahon ng
sakuna.
a. Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Service Administration (PAGASA)
- ito ang siyang sumusuri sa mga sakunang meteorological, hydrological, at climatological.
- Ito ay itinalaga ng dating Pangulo na si Ferdinand Marcos noong 1972
- Sila ang desisyon na palitan ng “Pinoy” na pangalan ang mga bagyo at ang simulang letra
nito ay nakadepende sa alpabeto (A-Z)
- Ang ginagamit na instrument ng PAGASA upang ma tahak ang mga bagyo ay ang ground
radar.
b. Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS)
- ito naman ang nag-aaral hinggil sa mga sakunang geophysical.
- Ito ay itinalaga noong ika-17 ng Septyembre, 1984 at ang nagtalaga dito ay isang
seismologist na nagtatrabaho sa PAGASA.
- Ang ginagamit naman nilang instrument ay ang seismograph.
2. Department of Health (DOH)
o Ito naman ang nag-aaral at lumalaban sa mga sakunang biological na katulong
ng DOST
o Nakapailalim dito ang mga pampublikong hospital, klinika, at health center.
3. Department of National Defense (DND)

a) National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC)

Tungkulin ng NDRRMC na masiguro ang proteksyon at kapakanan ng mga mamamayan sa panahon ng


sakuna. Ito ang nangunguna sa pagpapakalat ng mga impormasyon, abiso, paglikas, pag-rescue, at
rehabilitasyon sa gitna ng mga kalamidad.

Dahil malawak ang sakop ng trabaho nito sa panahon ng krisis, maroon itong iba't ibang sangay sa
mga lokal na pamahalaan.

- Regional Disaster Risk Reduction and Management Council (RDRRMC)


- Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC)
- City Disaster Risk Reduction and Management Council (CDRRMC)
- Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council (MDRMCC)
- Barangay Development Council

NDRRMC ANG MGA NAG TETEXT SA’TIN


KAPAG MAY MGA SAKUNANG
NAGAGANAP (SELF EXPLANATORY)

Iba pang Mahalagang Kagawaran

Bukod sa mga pangunahing kagawarang nabanggit, mayroon pang ibang mga ahensya o
kagawarang nakikipagtulungan sa pangangalaga ng mga mamamayan sa panahon ng sakuna.
1. Department of Interior and Local Government (DILG)
Ito ang namamahala sa pangkalahatang paghahanda at pagharap ng mga pamahalaang lokal sa
mga banta ng sakuna sa bansa. Hawak din nito ang Philippine National Police (PNP) at Bureau of
Fire Protection (BFP).

Ang mga PNP at BFP ay nakikipagtulungan sa pagsagawa ng mga evacuation at search and
rescue operations.
Attire:
Plan A: Long Sleeve or Polo (Blue or Red)
Plan B: Police or Firefighter
Plan C: Uniform

2. Department of Social Welfare and Development (DSWD)


Ang DSWD naman ang responsable sa pagbibigay ng mga tulong na pagkain at serbisyo sa mga
lugar na nasalantang kalamidad.

Namamahala sa mga relief operations o pagbibigay ng mga relief goods sa mga nasalanta ng
nasabing sakuna.
Attire:
Plan A: Long Sleeve (White)
Plan B: Volunteer (White Polo)
Plan C: Uniform

3. Department of Public Works and Highways (DPWH)


Pinamamahalaan ng DPWH ang pagsasaayos ng mga kalye, tulay, at mga estrukturang nasira ng
mga sakunang meteorological, hydrological, climatological o geophysical.

Responsible sa pagpapanatili at pagsasaayos ng mga daan at mga patubig.


Attire:
Plan A: Long Sleeve or Polo (Any Color
Plan B: Civil Engineer
Plan C: Uniform

4. Department of Transportation and Communication (DOTC)


Sinisiguro ng DOTC ang mabilis na pagbabalik ng komunikasyong nasira ng kalamidad.

Sila ang nakatoka sa pag update kung anong lagay ng pampublikong transportasyon, tulad ng
mga biyahe sa himpapawid, karagatan at sa kalsada.
Attire:
Plan A: Long Sleeve or Polo (Cream or White)
Plan B: Electrical Engineer/ Architect/ Project Development Officer
Plan C: Uniform

5. Department of Energy (DOE)


Upang mabilis makabangon ang mga nasalanta, tinitiyak ng DOE ang mabilis at mayos na
alokasyon ng kuryente sa panahon ng sakuna.

5000 bahay pa rin sa Cebu ang walang kuryente, halos 3 buwan matapos manalasa ang
Bagyong Odette. Dahil dito inakusahang walang ginagawang aksyon ang DOE.
Attire:
Plan A: Long Sleeve or Polo (Any color)
Plan B: Electrical Engineer
Plan C: Uniform

6. Department of Environment and Natural Resources (DENR)


Ito ang inaatasang magsagawa ng mga pangangalaga sa kapaligiran at mga likas na yaman upang
mapigilan ang mga sakunang dulot ng tao.

Nagpagawa ng geohazard map upang matukoy ang mga lugar na madaling matamaan at
upang mabawasan ang masamang epekto ng mga sakuna.
Attire:
Plan A: Long Sleeve or Polo (Green)
Plan B: Environmentalist
Plan C: Uniform

7. Department of Budget and Management (DBM)

Tungkulin ng DBM na maghabi ng mga suhestiyon hinggil sa makatarungang alokasyon ng


badyet sa panahon ng sakuna. Kasama ng National Economic and Development Authority
(NEDA), layon nitong mapatatag ang ekonomiya sa kabila ng masisidhing epekto ng sakuna sa
bansa.

Senate Bill no. 124 o Philippine Disaster Risk Reduction and Management System Act of 2019 -
nag-oobliga sa gobyerno na maglaan ng 3 porsyento ng kita ng pamahalaan para sa Disaster
Management.
Attire:
Plan A: Long Sleeve or Polo (Any color)
Plan B: Accountant
Plan C: Uniform

8. Department of Labor and Employment (DOLE)


Tungkulin ng DOLE na magbalangkas at magpatupad ng mga panuntunang mangangalaga sa
kapakanan ng mga manggagawa at siyang susundin ng mga negosyo sa bansa.

Tulad na lamang ng nangyari nang ipatupad ang enhanced community quarantine sa


kasagsagan ng COVID-19, 8.1% o 3.88 million ang nawalan ng trabaho.
Attire:
Plan A: Long Sleeve or Polo (Any color)
Plan B: Human Resources
Plan C: Uniform

9. Department of Education (DepEd) at Commission on Higher Education (CHED)


Bilang mga kagawaran sa pagkatuto, tungkulin ng DepEd at CHED na pataasin ang lebel ng
kaalaman at pag-unawa ng mga mag-aaral at pamayanan tungkol sa paghahanda sa panahon ng
sakuna.

Responsable rin ang mga ito sa pagtatakda at pag-anunsyo ng mga


suspensyon sa klase; Dito papasok ang pagsasagawa ng mga earthquake drill program sa mga
paaralan kada taon.
Attire:
Plan A: Long Sleeve
Plan B: Teacher
Plan C: Uniform

CONCLUSION:

Ang mga panganib at kahihinatnan ng mga emerhensiya ay talagang kumplikado.


Gayunpaman, walang kalamidad na hindi malalagpasan gamit ang pagtutulungan. Sa
kabanatang ito, nalaman mo ang tungkol sa maraming sakuna na sumasalot sa Pilipinas.
Ngunit, tingnan mo ang mga Pilipino – sa kabila ng mga problema at hirap, patuloy silang
nakangiti at pinipilit ang sarili na bumangon. Ito ay patunay na ang mga Pilipino ay matatag at
matatapang, kung sasamahan ito ng kaalaman at kahandaan, tiyak nang walang sakunang
hindi kakayanin ang bansa na lagpasan.

You might also like