You are on page 1of 3

Aralin Panlipunan 10

Quarter 1 – Module 4
Disaster Management

Mga Inaasahan
MELC 5 : Nasusuri ang Kahalagahan ng Kahandaan, Displina at Kooperasyon sa Pagtugon sa mga Hamong
Pangkapaligiran.
Matapos mapag-aralan ang aralin ito, inaasahang matamo mo ang mga sumusunod na kasanayan:
 Naipaliwanag ang Disaster Management
 Nasuri ang mga layunin ng National Disaster Risk Reduction and Management Council
 Nabigyang halaga ang paglikha sa NDRRMC

Paunang Pagsubok
Gumupit o/ at gumuhit ng mga larawan ng mahahalagang bagay na dapat ilagay sa loob ng isang Survival Kit . Idikit sa
tabi ng Kit.

Aralin
Ang Disaster Management
Hindi maitatatwa na ang Pilipinas ay mahina sa mga Natural Hazards, ito ay
maiuugnay sa kanyang posisyong heograpikal sa South East Asia. Matinding
naaapektuhan ng mga natural na kalamidad an gating bansa tulad ng bagyo,
lindol, pagbaha, pagputok ng bulkan, at landslides. Nag-iiwan ito ng
matinding pinsala sa agrikulta at pinapabagal ang pagusad ng pag-unlad.
Bukod sa mga kalunsuran, higit na naaapektuhan ang mga magsasaka at
mangingisda. Ang pamahalaan ng Pilipinas, mga International Non-
Governmental Organizations(INGO), at mga local NGO ay ginagawa ang lahat
ng hakbang upang masolusyunan ang epekto ng mga kalamidad at climate
change. Ang ating pamahalaan ay lumikha ng mga hakbangin sa
implementasyon ng disaster risk reduction(DRR), mga pagpaplano at gawain
upang buuin ang National Disaster Risk Reduction Management
Council(NDRRMC), na tumatayong pangunahing ahensiya na gaganap sa
pagtugon at pagbawas ng mga epekto ng kalamidad sa bansa. Ang Disaster
Management ay tumutukoy sa ibat-ibang gawain na dinisenyo upang
mapanatili ang kaayusan sa panahon ng sakuna, kalamidad at hazard.
Nakapaloob din dito ang mga plano at hakbang na dapat gawin ng mga
komunidad upang maiwasan, makaagapay sa mga suliranin at makabangon
mula sa epekto ng kalamidad, sakuna at hazard.
Ang National Disaster Risk Reduction and Mangement
Council(NDRRMC) ang ahensiyang namumuno sa paghahanda at pagtugon
sa mga kalamidad na mararanasan ng bansa. Ito ang pambansang tanggapan
para sa pagtugon ng sakuna.

Mga Layunin ng NDRRMC :


1. Pagpapatupad ng mga building code at matitibay na disenyo ng
imprastraktura upang makayanan ng mga gusali at imprastraktura ang
tindi ng mga kalamidad.

2. Pagpaplano ng maayos at sustainable na paggamit at pamamahala ng


lupa, kabilang na ang pagbabawas o pagpigil ng mga konstruksyon sa mga
seismic fault lines, sa mga baybaying rehiyon na madalas tamaan ng bagyo
at storm surge at mga tabing-ilog na madalas bahain.
3. Pagpapakalap ng kamulatan at kaalaman tungkol sa mga kalamidad.

May apat na prosesong binuo ang NDRRMC sa pagtugon sa kalamidad:


A. Disaster Prevention and Mitigation
B. Disaster Preparedness
C. Disaster Response
D. Disaster Rehabilitation and Recovery

Ang mga plano at mga hakbangin ng NDRRMC ng ating bansa ay


nakalinya at may koordinasyon din sa mga plano ng iba pang ahensya upang
maging epektibo ang pagsasagawa ng mga gawain nito, tulad ng Philippine
Development Plan, National Climate Action Plan, and National Security Policy .
Bagamat may mga ahensiya ng pamahalaang kumikilos para sa paghahanda
at pagtugon sa mga kalamidad, ang kanilang pagkilos ay kadalasang
nakatuon lamang sa pagsagip sa mga tao at pagbibigaytulong sa oras ng
kalamidad. Kulang ang pagtuon sa pagbuo at pagpapatupad ng mga
patakaran hinggil sa maayos na paggamit ng lupa, pagpapatayo ng matibay na
imprastraktura ayon sa building code, at ibayong pagtuturo sa publiko tungkol
sa kahandaan sa mga kalamidad.

Pagsasanay
Gawain : POSTER MAKING: Saan mo maaaring ihalintulad ang ginaggampanan ng CBDRMC

Paglalahat
A. Editorial Cartoon. Ilarawan ang Disaster Management at/o NDRRMC sa
isang bagay o simbolo. Gumawa ng cartoon ukol dito:

PREPARED BY:

ANTHONY MARK DELA MARCA LOPEZ


Subject Teacher

NOTED BY:

MA. VICTORIA C. ROMANES


Principal

You might also like