You are on page 1of 7

AP ARALIN 7 [REVIEWER]

Paksa 1

Ang Disaster Risk Management

Pagtutuunan natin ng pansin ang dalawang approach na ginagamit sa pagbuo ng disaster management para sa araling ito.

1. Ang Disaster Management


Nakasalalay sa pagkakaroon ng isang mahusay na disaster management ang pagiging ligtas ng isang
komunidad sa mga sakuna.
Ayon kay Carter (1992), ang Disaster Management ay isang dinamikong proceso na sumasakop sa
pamamahala ng pagplaplano, pag-oorganisa, pagtukoy ng mga kasapi, pagmumuno at pagkontrol.
Ang iba’t-ibang organisasyon na dapat magtulungan at magkaisa upang maiwasan, maging handa,
makatugon, at makabangon ang isang komunidad mula sa epekto ng sakuna, kalamidad, at hazard ay kabilang
din ito.
Ayon naman kina Ondiz at Rodito (2009), tumutukoy ang disaster management sa iba’t-ibang mga
idinisenyong gawain upang mapanatili ang kaayusan sa panahon ng sakuna, kalamidad, at hazard.
Sa pag-aaral ng disaster management, mahalagang alamin natin ang pagkakaiba ng konsepto at mga
ginagamit ng termino.
Isinalin sa Filipino ang mga sumusunod na kahulugan mula sa “Disaster Risk Management System Analysis:
A Guide Book” nina Baas at ng mga kasama (2008).
a. Hazard – tinutukoy nito ang mga banta na maaaring dulot ng kalikasan o ng gawa ng tao. Maaari itong
magdulot ng pinsala sa buhay, ari-arian, at kalikasan kung hindi maiiwasan.

i. Anthropogenic Hazard o Human-Induced Hazard – ito ay mga Hazard na bunga ng mga gawain ng tao
katulad ng mga maiitim na usok na ibinubuga ng mga pabrika at mga sasakyan.

ii. Natural Hazard – tinutukoy nito ang mga hazard na dulot ng kalikasan katulad ng mga bagyo, lindol,
tsunami, thunderstorm, storm surge, at pagguho ng lupa.

b. Disaster – tumutukoy ito sa mga pangyayaring nagdudulot ng panganib at pinsala sa tao, kapaligiran, at
mga gawaing pang-ekonomiya. Maaaring itong maging bunga ng natural na kaganapan gaya ng bagyo,
lindol, at pagputok ng bulkan o kaya naman ay gawa ng tulad ng digmaan at polusyon. Maaari rin na
resulta ng hazard ang isang disaster, vulnerability at kawalan ng kapasidad ng isang pamayanan na
harapin ang mga hazard.
c. Vulnerability – ito ay tumutukoy sa vulnerability ng tao, lugar, at imprasktruktura na may mataas na
posibilidad na maapektuhan ng mga hazard. Kadalasang naiimpluwensiyahan ng pagiging vulnerable ng
kalagayang heograpikal at antas ng kabuhayan. Isang halimbawa ang pagiging mas vulnerable ng mga
bahay na gawa sa hindi matibay na materyales at itinayo malapit sa fault line.
d. Risk – tumutukoy ito sa inaasahang pinsala na manyayari sa tao, ari-arian, at buhay dulot ng pagtama ng
isang kalamidad. Dahil sa kawalan ng kapasidad na harapin ang panganib na dulot ng hazard o
kalamidad, ang vulnerable na bahagi ng pamayanan ang kadalasang may mataas na risk.
e. Resilience – masasabing resilient ang isang komunidad kung may kakayahan ang pamayanan na harapin
ang mga epekto na dulot ng kalamidad. Sinasaklaw ng pagiging resilient ang istruktural o ang
kakayahang maisaayos ang mga tahanan, tulay o gusali upang maging matibay. Nagsisimula ito sa mga
mamamayan na mayroong mga kaalaman tungkol sa hazard at maaaring makatulong upang sila ay
maging ligtas sa panahon ng kalamidad.
Paksa 2

Ang National Disaster Risk Reduction ang Management

Ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ng Pilipinas na dating kilala bilang National
Disaster Coordinating Council (NDCC), ay isang gumaganang pangkat ng gobyerno, hindi gobyerno, sector ng sibil, at
mga pribadong sector na organisasyon ng Pamahalaang Republika ng Pilipinas ay itinatag ng Batas Republika 10121
noong 2009.

Pinangangasiwaan ito ng Opisina ng Sangguniang Panlaban sa ilalim ng Kagawaran ng Pambansang Tanggulan.


Responsible ang konseho para masiguro ang proteksyon at kapakanan ng mga tao sa panahon ng mga sakuna o
emerhensiya.

Ang National Disaster Risk Reduction and Management Framework ay nakabase sa batas na R.A 10121. Ito ay isang
polisiya upang mapaghandaan at matugunan an gmga sakuna o peligro na maaaring mangyari sa kapaligiran. Ang
ahensiyang ito ang naatasang magpatupad ng batas upang buoin at ipatupad at makahanap ng mga paraan, maghanap ng
mga organisasyon na maaaring makatulong kasama ang mga gobyerno, lokal na pamahalaan at magkaroon ng batayan sa
pag sugpo ng sakuna at emerhensiya.

Ang National Disaster Risk Reduction and Management Framework ay ipinapatupad sa pamamagitan:

1. DRRMO (Disaster Risk Reduction ang Management Office)


[content on huawei]
2. BDRRMC (Barangay Disaster Risk Reduction Management Committee)
Ang Barangay Disaster Risk Reduction Management Committee o BDRRMC ay isang komite ng Barangay
Development Council na siyang itinalaga ng batas (RA 10121 of 2010) upang mangasiwa at manguna sa mga
gawaing pangkaligtasan ng mga taong nakatira sa komunidad.
Ang naturang komite ang siyang namumuno sa pagpapatupad ng mga programa at gawain sa loob ng komunidad
o barangay upang maiwasan at mabawasan ang epekto ng naka-ambang panganib o ng disaster sa mga tao, sa mga
tirahan at sa mga pangunahing hanapbuhay at sa iba pang element sa barangay.
Ang BDRRMC, sa ilalim ng Barangay Development Council ay may mga tungkulin na kailangang gawin at
ipatupad ayon sa naksaad sa RA 10121. Ito ay ang mga sumusunod:
a. Mag-apruba, magsubaybay at magtasa ng implementasyon ng barangay disaster risk reduction management
plan at siguraduhing ito ay sinusuri at sinusubukan ng naaayon sa nasyonal at lokal na programa at plano.
b. Siguraduhin na nakasama at nakapasok ang disaster risk reduction at climate change adaption sa lokal n mga
plano, gawain, programa at pondo bilang istratehiya sa patuloy na pagpapa-unlad at pagbawas ng kahirapan
sa komunidad.
c. Mag-rekomenda ng pagpapatupad ng sapilitan o boluntaryong paglikas bago dumating ang bantang panganib
sa mga taong nakatira sa komunidad lalo na sa mga lugar na delikado, kung kinakailangan.
d. Magtipun-tipon isang beses sa loob ng tatlong buwan o kung kalian kinakailangan.

Sa pagbuo ng BDRRM, ang komite ay binubuo ng mga miyembro ng konseho, edukasyon, simbahan at mga sector o
organisasyon sa isang pamayanan o barangay.

Ito ay pinamumunuan ng Punong Barangay bilang Chairperson ng komite. Ang mga sumusunod na sector ay dapat na
magkaroon ng aktibo at makahulugang papel sa BDRRMC na aprobado ng konseho ng barangay sa pamamagitan ng
ordianansa o resolusyon.

- Sector ng mga bata


- “ “ kabataan
- “ “ kababaihan
- “ “ matatanda o senior citizen
- “ “ may kapansanan
- “ ng magsasaka
- “ “ mangingisda
- “ ng mga katutubo (Indigenous Peoples)
- “ “ Propesyunal
- “ ng simbahan
- Pribadong Sektor
- Sektor ng Kapulisan sa Barangay o Community Police
- Precinct Representatives
- Overseas Filipino Workers
- Kooperatiba
- At iba pang lehitimong grupo/sector sa barangay

Ang pangunahing batayan ng pagiging miyembro ng mga sector sa BDRRMC ay ang pagiging lehitimomg organisasyon
na may mga progama o proyekto sa barangay.

Ang isang lehitimong organisasyon ay may kaukulang katibayan ng pagkilala mula sa alinmang ahensya ng gobyerno o
LGU. Sila din ay dapat aktibong makikilahok sa mga gawaing pangkaunlaran sa barangay. Kung hindi pa sila rehistrado
sa anumang ahensiya ng gobyerno, maaari din silang mag-sumite ng sular sa barangay na naglalayong kilalanin sila ng
barangay bilang isang lihetimong samahan.

Ang Barangay Council ay magbibigay ng katunayan ng pagkilala na sila ay isang lehitimong samahan na nagpapatupad
ng mga programang pangkaunlaran sa barangay sa pamamagitan ng Executive Order mula sa Punong Barangay.

Paksa 3

Barangay Disaster Risk Reduction Management

Ang pangkalahatang pamumuno o ang chairmanship ng BDRRMC ay nakaatang sa Punong Barangay katuwang ang mga
namumuno sa bawat sub-committee o ang vice-chairmanship at susuportahan ng Operations o Admin.

Ang bawat sub-committee ay pamumunuan ng Vice-Chairperson na susuportahan ng bawat team leaders. Iminumungkahi
na nag bawat sub-committee ay pamumunuan ng miyembro bg Sanggunian ng Barangay at ang bawat team ay pamunuan
naman ng mga sector sa barangay na may mandating magsasagawa ng mga gawain ayon sa hnihingi o responsabilidad ng
isang team.

Halimbawa nito ay ang Education Team na maaaring ibigay sa pamumuno ng mga guro o representatives mula sa mga
paaralan ng nasasaklaw ng barangay.

Tungkuling ng Operations o Administrative:

- Tiyaking handa at nasa maaayos na hanay ang bawat kakailanganin ng BDRRMC katulad ng mga legal na
dokumento, at mga porma na gagamitin upang agarang mabigyan ng suporta at kakailanganin ng mga kikilos sa
pagtupad ng isang gawain o proyekto ng barangay.
- Tiyaking nasa maayos na record o pagtatala ang lahat ng mga plano, gawain, mga MOA/ MoU, BRRM Plans at
mga batas ng barangay patungkol sa DRRM.

Tungkulin at Responsabilidad ng komite:

Ang apat na sub-committee:

1. Pag-iwas at Mitigasyon (Prevention and Mitigation)


- Magsagawa ng mga pag-aaral sa barangay patungkol sa DRRM/CCA
- Magrekomenda at suportahan ang pagsasakatuparan ng mga batas aptungkol sa DRRm o mga programang
patungkol sa panganga;aga ng kalikasan at kapaligiran.
- Tumulong sa pagpapatupad ng mga batas, progama at aktibidad upang maiwasan at mabawasan ang lakas ng tama
ng anumang peligro o bantang panganib na maaaring maranasan ng barangay.
- Maguna sa pagatatanim ng punong kahoy o bakawan
- Magsagawa ng pag-aaaral sa bulnerabilidad ng barangay.
2. Paghahanda (Preparedness) o Planning and Training
- Suportahan ang tama at dekalidad na pagplaplano sa barangay
- Magsagawa at tumulong sa mga gawaing paghahanda katulad ng mga pagsasanay bago dumating ang bantang
panganib
- Magsagawa ng simulation exercises o drills
- Magpakalat ng mga impormasyon ng paghahanda sa lahat ng taong nasasakupan ng barangay lalo na sa mga
nakatira sa delikadong lugar
3. Pagtugon sa Disaster (Response) o Operations
- Maguna sa pagpapatupad ng mga proyekto patungkol sa DRRM
- Tumulong sa paglikas ng mga tao mula sa delikadong lugar patungo sa evacuation center o ligtas na lugar
- Siguraduhing alam ng mga tao ang paparating na peligro sa tamang oras at panahon para makapaghanda ang mga
tao
4. Pagbangon at Rehabilitasyon (Recovery and Rehabilitation)
- Upang makatulong sa pagkumpuni n gmga nasirang pampublikong ari-arian at mga serbisyong panlipunan.

Paksa 4

Responsabilidad ng a Bawat BDRRMC Team

Narito ang mga responsabilidad ng bawat team o grupo sa ilalim ng Barangay Disaster Risk Reduction and Management
Committee (BDRRMC):

a. Communication and Warning Team


- Subaybayan ang level ng tubig sa ilog (o dagat) o alin man sa mga anyong lupa at tubig sa barangay, at mag-ulat
kaagad sa BDRRMC o sa Punong-barangay tungkol sa kalagayan ng mga ito upang makapagsagawa ng agarang
desisyon ang BDRRMC sa pagkilos
- Magbigay ng tama, nasa oras, at tumpak na impormasyon o babala sa komunidad para sa isang maaga, maagap at
ligtas na pagdedesisyon kung ano ang nararapat sa aksyon ng BDRRMC o paglikas kung kinikailangan kahit wala
pa ang bagyo o ano mang nakaambang peligro o panganib
- Sinisiguro na may maayos, tama at maagap na sistema o proseso at kagamitan sa komunikasyon ng barangay lalo
na patungkol sa DRRM
- Nakikipag-ugnayan at nakikipagtulungan sa iba pang sub-committee ng BDRRMC o ahensya ng pamahalaang
lokal patungkol sa BDRRM at lalo na sa panahon ng emerhensiya
b. Transportation Team
- Sinisiguro ng team na ito na may maayos na sistema ng transportasyon sa barangay sa nao mang gawain
patungkol sa DRRM
- Nag-iimbentaryo ng mga maaaring gamiting sasakyan sa mga gawain ng komite lalo na kapag mat disaster at
pagsasagawa ng mga MOA sa mga pribadong sector na may mga sasakyan
c. Security and Safety Team
- Tumitiyak na ligtas ang bawat miyembro ng komunidad sa ano mang gawain at proyekto patungkol sa DRRM
- Tumitiyak na nasa maayos na kalagayan at kinalalagyan ang bawat kagamitan o equipment na ginagamit sa
DRRM o mga relief goods at iba pa na nakalaan para sa maaaring maganap na disaster
- Bumabalangkas ng mga alituntunin patungkol sa pagtiyak ng kaligtasan sa mga gawain ng BDRRMC lalo na sa
panahon ng may emergency o disaster
d. Education Team
- Tumitiyak na isinasaalang-alang ang edukasyon ng mga bata at kabataan sa anumang programa ng DRRM
- Tumitiyak na kasama ang mga pribado o pambublikong paarlan sa mga programa ng BDRRMC sa mga programa
ng mga paaralan patungkol sa DRRM
- Tumutulong sa pagpapataas ng kamalayan at kaalaman ng mga miyembro ng barangay tungkol sa mga gawain at
kaganapan sa DRRM
- Tumutulong sa pagdo-dokumento ng mga plano at iba pa para sa mga gawain ng BDRRMC
e. Protection Team
- Sinisiguro ng team na ito na lagging isinasaalang-alang ang mga karapatang pantao sa alinmang gawain o
proyekto ng BDRRMC lalo na ang mga bulnerableng sector katulad ng mga bata, kabataan, kababaihan,
matatanda, at mga may kapansanan
- Tinitiyak ng grupo na ito na sinusunod ang mga legal na pamamaraan sa pagpapatupad ng mga batas sa DRRM sa
barangay at iba pang mga protocol patungkol sa DRRM
f. Damage Control Team
- Sinisiguro ng team na ito na ang mga istruktura o mga kagamitan at mga bagay na maaaring maapektuhan o
mapinsala ng anumang nakaambang panganib o peligro sa komunidad ay kinakailangang maayos o natangal na sa
delikadong lugar
- Ang team din na ito ang may katungkulan na alamin at ilista (imbentaryo) ang lahat ng mga bagay, istruktura,
gamitan, pasilidad, at iba pang mga bagay na maaaring maapektuhan ng panganib o peligro sa loob ng komunidad

Paksa 5

Narito ang mga responsabilidad ng bawat sub-committee o grupo sa ilalim ng Response Team:

a. Rapid Damage Assesment and Needs Analysis (RDANA) Team


- Magsagawa ng agarang pagsusuri at pagtatasa ng kabuuang pinsalang dulot ng kalamidad sa barangay
- Pangunahing itala ang mga napinsalang ari-arian o properties ng komunidad at ng mga miyembro ng barangay
- Magsumite ng ulat ukol sa mga napinsala, namatay at nasira ng disaster sa MDRRMC or CDRRMC
b. Search, Rescue, and Retrieval Team
- Magbigay ng suporta sa mga taong kinakailangan ilikas o iligtas mula sa pagkakakulong o hindi makalabas mula
sa nakaambang panganib
- Manguna sa paghahanap o pagtunton sa mga taong nawawala dahil sa disaster o emergency
- Tumulong sa awtoridad sa paghanap at pagkuha ng mga bangkay ng mga nasawi dahil sa disaster o emergency
- Tumulong sa awtoridad sa paghahanap at pagkuha ng ga bangkay ng mga nasawi dahil sa disaster o emergency
c. Evacuation and Camp Management Team
- Tiyaking maayos at kumpleto ang profile ng mga evacuees na nasa loob ng evacuation center
- Tiyaking nasa maayos ang pamamahala ng mga evacuation center at mga taong namamahay rito
- Tiyaking nasusunod ang mga alituntunin napagkasunduan sa loob ng evacuation center
d. Relief Distribution Team
- Maayos na mamahala ng mga relief goods pra sa mga naligtas mula sa disaster
- Tiyakin na ang lahat ng mga tao sa komunidad lalo na ang mga apektado ng disaster ay bibigyan patas at pantay
na share ng mga kalakal o relief goods
e. Health o First Aid and Psychosocial Support Team
- Tiyakin na may sapat na mga gamot para sa mga mangangailangan lalo na sa evacuation center
- Pamahalaan ang pagbibigay ng tama at tiyak ba impormasyon tungkol sa pangangalaga ng kalusugan at
psychosocial upang maiwasan ang mga nakamamatay na karamdaman lalo na sa panahon ng disaster
- Tiyaking may kumpleto at tamang pasilidad para sa mga maysakit, mga buntis, mga babae, mga nakakatanda,
mga may kapansanan at mga bata
f. Fire Management Team
- Magtalaga ng tao sa Operation Center sa loob ng 24 oras kada araw (24/7)
- Magsagawa ng agarang responde bilang mga 1sr responders sa barangay sa mga lugar na nangangailangan ng
tulong para maapula at apoy at mailigtas ang mga tao sa apektadong lugar
- Tutulong sa mga responders para maialis sa delikado o apektadong lugar ang mga tao na ang mga bulneraleng tao

Naririto ang mga responsabilidad ng bawat sub-committee o grupo sa ilalim ng Recovery and Rehabilitation Team:

a. Livelihood Team
- Magsagawa ng pag-aaral katuwang ang iba pang mga sector tungkol sa mga napinsalang kabuhayan ng mga tao
sa loob ng komunidad
- Magbigay ng mungkahing solusyon sa mga opisyales ng barangay tungkol sa kanilang napag-aralan at kung
anong mga pangmatagalang solusyon ang maaaring gawin ng mga tao katuwang ang munisipyo, probinsiya at iba
pang mga ahensya na makakatulong sa pagbangon ng kabuhayan ng mga tao
- Magsumite sa BDRRM Committee ng resulta ng pag-aaral tungkol sa kabuhayan
b. Infrastructure and Shelter Team
- Magsagawa ng pag-aaral tungkol sa bilang at halaga ng mga nasirang istruktura at kabahayan sa loob ng
komunidad
- Isnumite sa BDRRMC ang nagawang pag-aaral tungkol sa istruktura at kabahayan
c. Rapid Damage Assesment and Needs Analysis (RDANA) Team
- Magsagawa ng pangmalawakan at matagalang pag-aaral tungkol sa kabuuang pinsalang dulot ng kalamidad sa
barangay
- Pangunahing itala ang mga napinsalang ari-arian o properties ng komunidad at ng mga miyembro ng barangay
- Magsumite ng ulat ukol sa mga napinsala, namatay at nasira ng disaster sa MDRRMC o CDRRMC

https://www.youtube.com/watch?v=VZDTs4lpqUM&list=PLXc9lYLG2RW1fuivdX_wGOBE02wKd4nxw

You might also like