You are on page 1of 2

HEROISMO

Ang salitang Bayani ay isang napakalaking salita at responsabilidad na maaaring makuha


ng isang tao. Ang pagiging bayani ay hindi ibig sabihin na kailangan mong isakripisyo
ang iyong buhay upang maging tanyag at makilala ka ng mga tao upang ika’y hangaan
kundi ay paggawa mo ng tama gaya ng pagbibigay ng kaunting tulog sa mga
nangangailangan o kaya naman ay pagbibigay ng candy sa umiiyak na bata. Sa
pamamaraang ito maaari kang maituring na bayani at magsilbing modelo para sa ibang
mga tao. Maraming iba’t-ibang paraan ng pagiging Bayani at isa sa mga paraang ito ang
naipakita sa aking napanood na pelikula na “Amigo” na isinulat at idinirek ni John
Sayles.

Sa panonood ko, nakita ko ang iba’t-ibang klase ng kultura ng mga Pilipino gaya nalang
kung paano nila itanim ang kanilang mga pananim, kung paano sila naghahanda
pagkatapos ng panahon ng pag-aani, ang kanilang napaka-init na pagmamahalan sa isa’t-
isa, at ang kanilang katatagan at pananampalataya sa Diyos sa kabila ng mga paghihirap.

Sa habang ako’y nanonood, pariramdam ko ay nasa ibang komposisyon ako ng mundo at


pumasok sa aking isipan ang mga tanong na “Paano kaya kung isang araw ay magising
ako’t matagpuan ang aking sarili na naninirahan sa kanila, nakikipaglabanan para sa
kalayaan kasama sila?”, “Mananatili kaya akong nakatayo o hindi?” … Sa palagay ko ay
hindi sapagkat alam ko sa sarili ko na hindi ako nababagay makipaglabanan dahil hindi
ko man lang maprotektahan at maipaglaban ang aking sarili, makipaglaban pa kaya sa
mga kolonisador para sa ating karapatan at kalayaan? Ngunit, aking napagtanto na
walang imposible kung tayo’y magtitiwala sa panginoon. Kaya, bakit hindi lumaban?

Noong naipakita at nalaman ko na ang pagkatao ni Rafael Dacanay, ako’y namangha sa


kaniyang katapangan, kung paano niya inilagay ang kaniyang sariling buhay sa panganib
maprotektahan lamang niya ang kaniyang pamilya at kapwa tao. Kahit na siya ay lubos
na pinahihirapan ng mga Amerikano dahil sa kagustuhan nilang malaman kung nasaan
ang taguan ng mga rebelde, pinili pa rin niyang manahimik hanggang sa dumating sa
puntong tinakot siya ng mga Amerikanong papatayin ang kaniyang asawa kung hindi siya
magsasalita. At doon wala na siyang magawa kundi sabihin kung nasaan ang taguan ng
mga rebelde. Ngunit, pinili pa rin niyang protekhan ang mga ito at nagsinungaling sa mga
Amerikano. Nilinlang niya ang mga ito at ipununta sa ibang direksyon. Nagalit sa kaniya
ang mga Amerikano. Nang sila’y pabalik na sa barrio, sila ay inatake ng mga rebelde
n’ang siyang dahilan ng pagpatong sakanya ng kamatayan. Noong siya’y nakahanda ng
paslangin, sa una ay akala ko ay ililigtas siya ng mga rebelde ngunit hindi. Ako’y
nadismaya sa parteng iyon sapagkat inaasahan kong may mas hihigit pang eksena.
Ngunit, nainspire pa rin ako kay Rafael Dacanay hindi lamang sa pangangalaga niya sa
kaniyang mga kababayan kundi pati rin sa kaniyang katapangan at katapatan sa kaniyang
mga kapanig at lalong-lalo na sa ating bansang Pilipinas. Isa siyang Bayani!

You might also like