You are on page 1of 4

Pakikipaglaban para sa Kalayaan ng ating Inang bayan

Si Gabriela Silang de la Cruz o mas kilala bilang Gabriela Silang ay isa sa

mga kilalang babaeng bayani ng Pilipinas. Isinilang siya noong Marso 19, 1731, sa

Caniogan, Ilocos Sur. Siya ay ang asawa ng rebolusyonaryong si Diego Silang, na

pinuno ng rebelyong Ilocano laban sa mga Espanyol.

Matapos patayin ang asawa niyang si Diego Silang noong 1763, ay sumapi

siya sa pakikipaglaban para sa kalayaan ng Pilipinas. Pumalit siya bilang pinuno ng

rebelyon na nanalo ng maraming beses sa mga laban sa mga espanyol.

Isa sa pinakaimportanteng tagumpay ni Gabriela ay ang pagtanggap ng

tulong mula sa mga rebelde sa iba’t ibang panig ng Pilipinas. Dahil sa kaniyang

husay sa pakikipag-ugnayan at mga taktika sa pagplaplano sa pakikipagdigmaan.

Ngunit sa kasamaang palad, noong 1763 ay nabigo siya sa isang labanan sa

Vigan na naging dahilan ng pagkahuli sa kaniya at sa kaniyang mga kasama. Dinala

siya sa Vigan at doon ay inilapit sa mga espanyol. Hinatulan siya ng kamatayan sa

pamamagitan ng pagbitay noong setyembre 201763.

Ang kaniyang pagkamatay ay hindi nagdulot ng takot at pagkahina sa

sangkatauhan bagkus ito ay naging insirasyon nila upang magpatuloy at lumaban

para sa kalayaan ng ating bansa. Siya ay kilala bilang isa sa mga pangunahing

babaeng bayani ng Pilipinas at ang kanyang pangalan ay ipinapahalagahan sa


buong bansa bilang isang simbolo ng tapang, dedikasyon, at pagmamahal sa

bayan.

Napili ko si Gabriela Silang dahil sa kaniyang wagas na pagmamahal sa ating

bayan na handa niyang isakripisyo ang kaniyang sariling kaligtasan at buhay upang

mapalaya ang ating bansa sa mga mananakop. Bilang isang babae, napakatapang

niya dahil hindi siya nag-atubili na pamunuan ang rebolusyon pagkatapos mamatay

ng kaniyang asawa. Sinalo niya ang malaking responsibilidad na ito upang

ipagtanggol ang ating bansa kahit pa man ito ay ikapahamak niya. Dahil sa ginawa

niyang ito, marami ang namulat at nagkaroon ng kamalayan. Ang kanyang paglaban

sa mga espanyol ay nagbigay ng inspirasyon sa mga mamamayan sa iba’t ibang

sektor. Ang kanyang tagumpay at pagiging boses ng pagbabago ay naglilingkod

bilang inspirasyon sa mga kababaihan hindi lamang sa Pilipinas kundi sa buong

mundo.

Masasabi ko na siya ay isang babae na puno ng tapang, determinasyon,

dedikasyon, at pagmamahal at pagmamalasakit sa ating bayan. Sa kabila ng

panganib, hindi siya nag-atubiling ipinaglaban ang prinsipyo at paniniwala niya.

Patuloy siyang lumalaban para sa kalayaan at kahit na may mga pagkakataon na

may kinakaharap siyang pagsubok at pagkabigo ay hindi siya sumusuko bagkus ay

mas iniigihan niya pa ang kanyang ginagawa upang mapalaya ang ating bansa. Isa

rin sa kanyang katangian ay ang galing sa pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang tao. Ang

kanyang abilidad na magtipon ng suporta at mag-organisa ng mga

rebolusyonaryong puwersa ay nagpapakita ng kahalagahan ng kooperasyon at

pagkakaisa sa pagtataguyod ng pagbabago.


Bilang isang lider, ipinakita ni Gabriela ang kanyang pagmamalasakit sa mga

mahihirap at nahirapan sa lipunan. Siya ay naging boses ng mga walang tinig at

nagsikap na ipagtanggol ang kanilang karapatan at katarungan.Ang pagmamahal ni

Gabriela sa kanyang bayan at sa kanyang mga kababayan ang nagtulak sa kanya

na magsakripisyo at lumaban para sa kalayaan at katarungan. Ang kanyang

dedikasyon sa paglilingkod sa bayan ay dapat tularan ng mga mamamayan upang

maisabuhay ang tunay na diwa ng pagiging Pilipino.

Bilang isang mamamayang Pilipino, mahalagang mahalin natin ang ating

bayan dahil ito ay sariling atin. Dito makikita ang ating yaman sa sining, kultura, mga

tradisyon at kasaysayan. Ang tunay na pagmamahal sa ating bayan ay nagmumula

sa pagpapahalaga at pagbibigay halaga sa mga ito. Ang pagmamahal sa bayan ay

nagbibigay inspirasyon sa pagpapalaganap ng kapayapaan at pagkakaisa sa ating

lipunan. Sa pamamagitan ng pagmamahal sa bayan, tayo ay nagkakaisa bilang

isang bansa upang harapin at malutas ang mga suliranin na hinaharap natin.

Nagpapakita ito ng pagiging patriyotiko at handang maglingkod sa kapakanan ng

ating bansa at mga kababayan. Ito ay nagpapakita ng dedikasyon at

pagmamalasakit sa pag-unlad at pag-angat ng ating bayan.

Sa pangkalahatan, ang pagmamahal sa ating bayan ay hindi lamang tungkulin ng

mga bayani kundi ng lahat ng tao. Maaaring sila ay nagbibigay ng inspirasyon upang

sila ay ating tularan at patuloy na mahalin ang ating bayan. Ito ay nagpapakita ng
ating pagkakaisa, pagiging responsable, at dedikasyon sa pagpapabuti ng ating

bansa at mga kababayan.

Isang karangalan bilang mamamayang Pilipino ang mga bayani na handing ibuwis

ang kanilang buhay para sa Kalayaan ng ating bansa.

Rhianne Keith T. Rabino

Grade 10 STE-A Thomson

You might also like