You are on page 1of 6

Ej Gonzales

Pagsusuri ng Tula

I. KASAYSAYAN NG TULA SA IBAT’IBANG PANAHON


Panahon ng Katutubo Bago pa man dumating ang mga Kastila sa Pilipinas, mayroon nang
sining at panitikan ang mga sinaunang Pilipino. Karamihan sa mga panitikan nila’y yaong mga
pasalin-dila gaya ng mga bulong, tugmang-bayan, bugtong, epiko, salawikain at awiting-bayan
na
anyong patula; mga kwentong-bayan, alamat at mito na anyong tuluyan at ang mga katutubong
sayaw at ritwal ng babaylan bilang pinakaunang anyo ng dula sa bansa. Karamihan sa mga
panitikang ito ay pasalin-dila.
Panahon ng Kastila . Dumating ang mga Kastila sa bansa taglay ang tatlong Gs – GOD,
GOLD at GLORY. Dumating sila na ang pangunahing layunin ay ihasik ang Kristiyanismo,
maghanap ng ginto at upang lalong mapabantog sa pamamagitan ng pagdaragdag ng kanilang
nasasakop. Mahahati ang panitikan sa dalawa sa panahong ito: una ay pamaksang
pananampalataya at kabutihang-asal at ang ikalawa ay ang panitikang panrebolusyon.
Panahon ng Amerikano Dahil sa pagnanais ng mga Pilipino na mapatalsik ang mga Kastila,
naging tagapagsagip ang mga Amerikano nang dumating sila noong 1898 na tuluyang
nagpabagsak sa pamahalaang Kastila. Kung relihiyon ang naging pamana ng mga Kastila sa
Pilipino, edukasyon naman ang naging pangunahing ipinamana ng mga Amerikano. Sa
panahong
ding ito isinilang ang mga ilang imortal na makatang Pilipino na nagsisulat sa Ingles at Tagalog.
Panahon ng Hapon . Sumibol nang lubos ang panitikan ng bansa sa panahong ito dahil
ipinagbawal ng namumunong Hapon ang paggamit ng wikang Ingles at itinaguyod ang
pagpapayaman sa panitikan gamit ang mga katutubong wika sa bansa. Sinunog din ang mga
aklat
na nasusulat sa Ingles upang masigurong hindi mababahiran ng kanluraning ideya ang
panitikang nililikha.
KASALUKUYANG PANAHON. Sa panahong ito higit ring sumigla ang kalayaang
pampanitikan ng bansa. Bilang patunay ng kasiglahan ng panitikang Filipino sa iba’t ibang uri sa
panahong ito ay ang pagkakalimbag ng mga sumusunod na katipunan ng mga aklat: Mga Piling
Katha at Mga Piling Sanaysay ni Alejandro Abadilla, Maiikling Kwentong Tagalog ni Teodoro
Agoncillo, Ako’y Isang Tinig ni Genoveva Edroza-Matute at marami pang iba.
At Sa kasalukuyan. Patuloy na dumarami ang mga manunulat na Pilipino sa iba’t ibang
anyo at uri ng panitikan gamit ang iba’t ibang media dahil sa mga inumpisahang kurso sa mga
universidad at kolehiyo at pangangasiwa ng gobyerno ng mga pagsasanay sa mga
kinakikitaang husay na mga mamamayan.

II. Kahulogan ng Tula sa iba’t ibang Manunulat

Ayon kay Julian Cruz Balmaceda, “ang tula ay isang kaisipan na naglalarawan ng


kagandahan at kariktan na natitipon sa isang kaisipan upang maangkin ang karapatan na
matawag na tula”.

Ayon naman kay Inigo Ed Regalado, “ang tula ay kagandahan, diwa, katas, larawan at


kabuuang tonong kariktang makikita sa silong ng alinmang langit.”

Para kay Alejandro G. Abadilla ang katuturang ibinigay ni Edith Sitwell, “ang tula ay


kamalayang nagpapasigasig (heightened consciousness).”

III. Talambuhay ng Akda

Ako si Ej Balane Gonzales nakatira sa brgy 09 Guno Cuerdo St. Gingoog City
ako ay labing-siyam na taong gulang at kasalukuyang nag-aaral sa paaralang GCC o
mas kilalang Gingoog City Colleges. Ako ang panganay sa apat na anak nina Jonathan
E. Gonzales na aking ama at si Editha B. Gonzales na aking ina. Kasalukuyang
nagtratrabaho ang aking ama sa ibang bansa at ang aking ina naman Health Worker.
Kahit nagtratrabaho ang aking ama sa ibang bansa hindi ibig sabihin na mayaman kami
sa totoo lang meron pa kaming utang na hindi pa nababayaran kaya mahirap pa kami.
Ang mga kapatid ko ay nag-aaral sa hinghschool sa magkaparihong paaralan. Ang mga
hilig ko ay manood ng mga Anime, Amerikan movies kagaya ng Historikal at
Documentary Movies, Philippine movies kagaya ng comedy at aksyon. Siyempre hindi
mawawala sa isang binatilyong maglaro ng online games ang mga hilig ko ay ML, Call
of Duty Mobile ay yung offline na Call of Duty, NBA2k, at Free Fire. Ang aking
paboritong sports ay basketball at soccer. Isa akong mahiyaing tao hindi nga ako halos
makiki paghalobilo sa ibang tao pwera lang kung kakilala ko at kung hindi na kami
nagkikita-kita ay parang iisipin nila na snob ako pero sa totoo kahit kakilala ko ay ganon
parin ako hindi magbabago ang aking pagkamahiyain. Marami ng mga klaklase ko noon
ganon ang iniisip eh sila na nga yung pupunta sa akin natatawa nalang ako kasi yun
nga snob ako sa kanila. Pero masaya parin ako na naalala pa nila ako. Tanging
paglalaro lamang ng basketball ang makawala ng stress sa akin kasi nalilimotan ko at
binibigay ko talaga ang lahat kahit ako lang mag-isang maglaro para makalimotan ko
lahat ng problema ko. Ako ay mahilig mag-isa kasi tahimik dahil ako ay isang tahimik na
tao.

IV. Interpretasyon ng tula

Tula Interpretasyon
“Pag-ibig”
Daming kahulugan ng pag-ibig, Halos lahat ng mga kabataan ngayon ay
Kahit karaniwang tao ay alam, alam na kung anong ibigsabihin ng salitang
Masaya man o masakit, pag-ibig kahit 7 taong gulang ay alam na
Ito’y randam parin ng isang tao. dahil ito sa impluwensya ng social media.

Ang pag-iibigan sa ngayong generasyon ay


Ang pag-ibig ngayo ‘y wagas, talagang hindi mapipigilan kahit sinasabihan
Tila parang malakas na hangin na hindi na ng magulang ay hindi makikinig at
mapipigilan, sumusunod sa gusto nila.
Sapagkat ito ay lumalaban,
At ipinagtanggol,
Sa ngayong henerasyon ang salitang pag-
Natural lamang isipin, ibig ay maaari ding magresulta ng
Sa salitang pag-ibig ay nababaliw at kinikilig, kapamahakan ngunit gaano man ka delikado
Ngunit pag-ibig din ay hindi gaano ka linis, ito ay talagang susunod sila. Pero kapag ang
Sa lugar na ating ginagalawan. anak ay na desgrasya sa huli ang ina parin
ang sisisihin.

V. Kabuuhan ng tula
Ang kabuuhan ng tulang ito ay kinakailangang mag-ingat dahil maaaring magdala ito sa
kapamahakan at kung ikaw ay baliw sa pag-ibig siguradohin mong handa kana at pananagutan
mo dahil kapag hindi siguradong mapupunta ang problema na iyan sa mga magulang.
VI. Sukat

A. Sukat
Ang tulang ito ay labingisahing pantig sa bawat linya.

B.Saknong
Ang tulang aking sinuri ay tig-aapat na linya o Quatrian.
C.Tugma
Ang tulang ito ay hindi buong rima.

D.Kariktan o sining
Ang pag-ibig ngayo ‘y wagas,

Ang mga inilahad na linya ay halimbawa ng maririkit na salita na kung


saan ang pag-ibig ay wagas sa panahon na ito.

E. Talinghaga

 Pagtawag
Ang buong tula ay nagpapahiwatig na dapat tayo ay mag-iingat sa pag—ibig
dahil hindi lamang ikaw ang maaapektohan kundi pati narin ang iyong pamilya.

F. Persona

 Unang panauhan ang tulang “Pag-ibig”


VII. Bisang pamanitikan

A. Bisa sa Isip
Para sa akin meron talagang pagmamahal na hindi natin mapipigilan at meron naman
controlado o desiplinado sa kanilang sarili hindi naman natin yan mapipigilan gayan naman
talaga ang tadhana ng mga tao pero sa panahon natin ngayon kailangan nating mag-ingat
at mag-isip ng Mabuti para nadin sa ating sarili.

B. Bisa sa Damdamin
Naging Malaking epekto din ito sa akin dahil syempre ang tao din ay umiibig pero hind isa
konsepto na tayo ay nasasaktan na ay sunod parin tayo dahil kadalasan ito ang nakikita ko
sa ibang tao.

C. Bisa sa kaasalan
Ang pag-ibig ay meron ding babala yan kaya kapag nararamdaman mo na merong kakaiba
sa pag-iibigan ay dapat alam mo na ang iyong gagawin kasi ang pag-iibigan maaaring
magresulta sa kapahamakan.

VIII. Pagpapahalaga ayon sa nilalaman

A. Kalagayang sosyal at pangkabuhayan


Ang kalagayang sosyal sa tulang ito ay ang pagmamahal ay parang wala lamang na hindi
iniisip ang maaring mangyari kapag hindi pinagplanohan.

B. Kulturang Pilipino
Ang pagmamahal ay isa sa kultura ng isang Pilipino kahit sino kaman ikaw ay minamahal

C. Pilosopiyang Pilipino
Sa pilosopiyang Pilipino nakapaloob sa tulang ito na ang pagmamahal ay mensan
sumusubra at hindi na mapipigilan kagaya sa panahong ito na ang pagmamahal ay parang
wala lang hindi iniisip kung ano ang maaaring mangyari kapag hindi pinagplanohan.
IX. Teoryang pampanitikan

Teoryang Realismo
Totoo na tayong mga tao ay minsan hini nagiingat sa ating ginagawa kaya kung tayo ay
madesgrasya hindi lamang ikaw ang magkakaproblema kundi pati nadin ang iyong mga
magulang.

Teoryang Formalismo
Nais ipaabot ng may-akda na kailangan nating mag-ingat sa pag-ibig dahil dalawa lang
daan yan maaaring sa matiwasay o paghihirap ang maabotan mo.

You might also like