You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
Region VII, Central Visayas
Division of Lapu-Lapu City
SCIENCE AND TECHNOLOGY EDUCATION CENTER
HIGH SCHOOL DEPARTMENT

SI: Ang

Isinumite Ni:
BAGUIO, Gleiza Marie

ABM Maxwell

Isinumite Kay:
Dr. Dominic G. Quilantang
I. INTRODUKSYON
Bawat isa sa atin ay nangangarap o naghahangad na makatagpo ng isang tao na siyang magpupuno sa
ating kakulangan. Isang taong tatanggapin kung ano at sino tayo kahit na marami tayong pagkukulang at
imperpesyon. Taong magpaparamdam sa atin kung gaano tayo kahalaga at tutulong upang mahubog pa
natin ang ating pagkatao. Taong magiging dahilan upang labis nating maunawaan at ipapadama ang tunay
na kahulugan ng “kaligayahan”. Ngunit ang pag-ibig ay hindi lamang puro kaligayahan sapagkat may mga
oras, araw, lingo, at kung hanngang kalian man yan na kailanagn mong masugatan. Ito ay pawang kabiguan
sa ating buhay na hindi natin inaasahan na maghahatid sa atin ng labis na kalungkutan at kasawian. Hindi
natin ito maitatanggi dahil bahagi na rin ito sa ating buhay. Gaano man kasakit at kasaklap ay dapat natin
itong tanggapin at matuto tayong tumayo sa sarili nating mga paa at ipagpatuloy ang ating buhay,v

Ang pag-ibig ay isang napakalalim at napakalawak na konsepto. Ito ay isang napakamakapangyarihang


puwersa na kung ikaw ay matamaan ay mahihirapan ka ng labanan pa ito. Ang pag-ibig ay walang totoong
kahulugan dahil ang tunay na depinisyon nito ay nakabatay kung paano ito binibigyang kahulugan ng isang
tao. Para kay Medina (2017), ang pag-ibig ay isang desisyon- desisyong magmahal at tangapin ang isang
tao, anuman ang kanyang mga pagkukulang. Hindi ito isang simpleng emosyon lamang, sa halip ay ito ay
isa ring responsibilidad na dapat panindigan. Ayon naman kay Wilson at Mclaughlin (2001), ang pag-ibig
ay isang komplekadong emosyon, kilos, at paniniwala na may kasamang malakas na damdamin ng
pagmamahal, pagtatanggol, sigla, at respeto sa ibang tao. Ito ay nagagamit rin sa di-buhay na nilalang, sa
mga prinsipyo, at sa relihiyosong paniniwala. Ang pag-ibig ay hindi lamang puro pag-ibig sa kasintahan,
ngunit kasama na rin dito ang pag-ibig sa pamilya, sa kaibigan, at sa kapwa-tao.

Ang “Si” ni Bob Ong ay isang nobelang bagong tema sa kanyang mga isinusulat. Ang pangunahing
tema sa nobelang ito ay pag-ibig at buhay na kung saan pinaghalo ang kasimplihan at kalaliman sa
parehong bagay. Ani nga ni Bob Ong (2015): “Sa pananaw ko ay may sagradong tungkulin ang mga
manunulat na magkuwento ng tungkol sa pag-ibig, isang beses sa kanilang buhay. Hindi lahat ay bubuo ng
nobelang tungkol sa romansa. Pero walang makakaiwas na bumanggit sa damdaming nagbubuklod sa
lahat at kumikilala sa pangangailangan natin sa isa’t isa.”

Pero may mga kilig man na pangyayari sa istorya, hindi talaga ito isang romantikong nobela.
Tinatalakay rin dito ang pag-ibig sa iba’t ibang anyo batay sa mga karanasan ng isang tao sa kanyang
buhay- Agape, ang pagmamahal sa Diyos, Eros, romantiko/sekswal na p ag-ibig, at Storge, ang
pagmamahal sa pamilya. Pinapakita rin nito ang mga karanasan ng pangunahing karakter at
tagapagsalaysay sa iba’t ibang anyo ng pag-ibig sa magulong panahon ng kanyang personal na buhay at
ng Pilipinas. Nabanggit sa nobela ang ilang kasaysayan ng Pilipinas tulad ng Japanese Occupation, ang
EDSA People Power Revolution, at ang lindol sa Baguio noong 1990.

Nais ipabatid ng nobelang ito sa mambabasa na ang pamilya ay dapat na magmahalan at maging
matatag sa kabila man ng mga pagsubok na yayanig sa inyong pundasyon. Dapat ay respetuhin ang isa’t
isa at hindi dapat magkaroon ng inggitan. Pinapatunayan din ng istorya ang napakasikat at napakakomun
na sabi-sabi na “First love never dies”. Katulad ng kanyang ibang libro, ang “Si” ay nakasulat din sa wikang
Filipino. Ang istilo ng pagkasulat ng nobela ay bago kung ikukumpara sa mga dating gawa ng manunulat
sapagkat ito ay nakasulat sa mas pormal pero makulay na paraan. Ang paggamit ng may akda sa
lengguwahe ay marahil ang ang mga hindi nagbabasa ng mga librong nakasulat sa Filipino ay makakapinta
ng larawan ng istorya sa napakadaling panahon. Makulay at malalim ang paggamit ng Filipino, pero hindi
pilit at korning, kumbaga.

Sa pamamagitan ng panunuring papel na ito, matutuklasan natin kung paano ginamit ang wika upang
maipakita ang pag-ibig sa iba’t ibang anyo. Malalaman din natin kung bakit baliktad ang pagkasunod-
sunod ng nobela na sa halip na mula pagkabata hanggang sa pagtanda ng bida ay mula sa pagkatanda
hanggang sa pagkabata ang pagkasulat.
II. MGA KATANUNGANG SASAGUTAN SA PANUNURI

Sinisiyasat sa pag-aaral ang kung paano ginamit an wika sa nobelang “Si” ni Bob Ong upang
maipahayag ang pag-ibig sa iba’t ibang anyo nito. Susuriin din nito ang kasimplihan ng pamumuhay

Tinitiyak ang mga sumusunod:

1. Aa

Sinisiyasat sa pag-aaral ang paggamit sa wika upang maipahayag ang pag-ibig sa iba’t ibang anyo
nito. Susuriin din nito

Tinitiyak ang mga sumusunod:

1.

Sinusuri sa pag-aaral ang iba’t ibang mukha ng mga kalunos-lunos na karanasan ng mga Pilipino at ang
kanilang pagbangon batay sa nabasang nobelang pinamagatang “Desaparesidos” ni Lualhati Bautista.

a. Mga kaugnay na salita na nagpapakita ng paghihimagsikan base sa nobela.


b. Mga kaugnay na salita at paggamit ng wika na nagpapahiwatig ng pagbangon ng mga Pilipino.
III. PAGTATALAKAY (theory)
1. Mga kaugnay na salita na nagpapakita ng paghihimagsik base sa nobela.

Maraming gamit ang literatura sa ating buhay. Sa general o pinakalawak na kahulugan nito, ito ay
tumutukoy sa mga nakasulat na gawa na maituturing na rin nating obramaestra. Parte na rito ang
panitikan kung saan ito ay itinuturing na isang sining o anumang paraan ng pagsulat na naipapakita sa
pamamagitan ng paggamit ng mga artistiko at makabuluhan na mga obra. Kabilang na rito ang mga
nobela na siyang isa sa mga paboriting babasahin ng mga indibidwal na siyang pumapatok talaga sa
ating mga isipan.

Ang pakikihimagsik ang siyang isa sa mga naging mukha ng paglaban. Kabilang sa mga nakikihimagsik
rito ay ang mga mamayan o tao na kabilang sa isang kilusan,kung saan sila’y nagpaplano kung ano ang
kanilang gagawin upang mapaglaban ang kanilang katarungan at kalayaan.
2. Mga kaugnay na salita at paggamit ng wika na nagpapahiwatig ng pagbangon ng mga Pilipino.

IV. TALAHAYANAN/GRAPH

V. MGA NATUKLASAN

VI. KONKLUSYON

VII. REKOMENDASYON

You might also like