You are on page 1of 37

GROUP 9

Paggamit ng Mabisang Paraan


ng Pagpapahayag sa Reaksyong
GROUP
Papel 9
Paggamit ng Mabisang Paraan ng
Pagpapahayag sa Reaksyong Papel

Sa modyul na ito ay tatalakayin ang paggamit ng mabisang paraan


ng pagpapahayag na may kalinawan, kaugnayan at bisa sa
pagsulat ng reaksyong papel. Dito ay pagtutuunan mo ng pansin
ang mga paraan upang makabuo at makasulat ng isang reaksyong
papel.
BALIKAN

Bago natin simulan ang iyong magiging paglalakbay sa modyul na


ito, muli mong balikan ang iyong natutuhan sa mga naunang
aralin sa pamamagitan ng pagsagot sa katanungang ito:

- Masasabi mo bang mahalagang pag-aralan ang iba’t ibang uri ng


teksto? Bakit?
TUKLASIN

Narito ang ilang mga popular na linya na ginampanan ng mga


sikat na aktor. Pansinin ang mga sumusunod na linya na binanggit
ng popular na aktor at aktres na gumanap sa pelikula.

1. “Siguro kaya tayo iniiwanan ng mga mahal natin dahil may darating pang
ibang mas magmamahal sa’tin – ‘yung hindi tayo sasaktan at
paasahin…’yung magtatama ng lahat ng mali sa buhay natin”
-John Lloyd “One More Chance 2007”
TUKLASIN

2. "I know what you're doing here. Just be careful with them, hindi lahat ng
puso kasing tibay ng sa 'kin."
- Clarisse (Andi Eigenman), Camp Sawi

3. “Oh yes kaibigan mo ako, kaibigan mo lang ako… And I’m so stupid to
make the biggest mistake of falling in love with my bestfriend!!!”
-Jollina Magdangal “Labas Kita Okey Lang 1998”
TUKLASIN

4. “May mga maswerteng tao na nahanap na yung taong para sa kanila. May
mga taong patuloy na naghahanap at may iba na sumuko na. Pero yung
pinakamasaklap, e yung na sa’yo na pinakawalan mo pa.”
-Toni Gonzaga “Starting Over Again 2014”
TUKLASIN

Sagutin ang mga sumusunod na tanong:

1. Ano ang napuna mo sa bawat pahayag?


2. Mayroon bang pagkakatulad o pagkakaiba sa mga ito?
3. Anong uri ng pahayag ang mga nabanggit?
4. Bakit mahalagang malaman ang uri ng mga pahayag?
SURIIN

Upang mas maging maliwanag sa iyo ang ang iba’t ibang uri ng pahayag,
tara na’t basahin at unawaing mabuti ang kahulugan ng mga ito at ang
kalakip na halimbawa. Makatutulong ito upang makapagsuri at
makapagbigay ka ng iyong reaksyon na mula sa binasang teksto o pinanood
na pelikula.
SURIIN

Iba’t ibang Uri ng Pahayag


SURIIN
Iba’t ibang Uri ng Pahayag

Upang mas maging maliwanag sa iyo ang ang iba’t ibang uri ng pahayag,
tara na’t basahin at unawaing mabuti ang kahulugan ng mga ito at ang
kalakip na halimbawa. Makatutulong ito upang makapagsuri at
makapagbigay ka ng iyong reaksyon na mula sa binasang teksto o pinanood
na pelikula.
SURIIN
Iba’t ibang Uri ng Pahayag

PAGLALAHAD

Ayon kay Arrogante (1994), ang paglalahad ay isang pagpapaliwanag na


obhetibo o walang pagkampi na may sapat na detalye at pawang pampalawak
ng kaalaman sa paksang binibigyang-linaw nang lubos upang maunawaan
nang may interes.
SURIIN
Iba’t ibang Uri ng Pahayag
HALIMBAWA

Ang Sakit na Coronavirus 2019 (COVID-19, Coronavirus Disease 2019) ay isang


sakit sa paghinga sa mga tao na sanhi ng bagong virus. Maaari itong kumalat mula
sa bawat tao. Dahil ito ay bagong virus, mayroon pang hindi natin alam, ngunit
natututo pa tayo tungkol sa COVID19 bawat araw. Ang pampublikong kalusugan sa
komunidad ng Minnesota ay nagsisikap upang mapabagal ang pagkalat ng
COVID19 sa ating estado, at umaasa kami sa tulong ng bawat isa. Iwasan ang mga
pagpapalagay tungkol sa kung sino sa tingin mo ang may sakit. Hindi namimili ang
virus.

https://www.health.state.mn.us/diseases/coronavirus/materials/basicstagalog.pdf
SURIIN
Iba’t ibang Uri ng Pahayag

PAGSASALAYSAY

Ito ay nagsasaad ng mga pangyayari o karanasang magkaugnay. Katulad ito


ng pagkukuwento ng mga kawil-kawil na pangyayari, pasulat man o pasalita.
Itinuturing ito na pinakamasining, pinakatanyag at tampok na paraan ng
pagpapahayag. Ito rin ang sinasabing pinakamatandang uri ng pagpapahayag
sapagkat dito nagsimula ang alamat, epiko at mga kuwentong bayan.
SURIIN
Iba’t ibang Uri ng Pahayag

HALIMBAWA

Tuwing umagang mananaog siya upang umigib, pinagpapaalalahanan siya


ng ina. Huwag daw siyang makikipagbabag. Huwag daw niyang papansinin si
Ogor. Talaga raw gayon ito, basagulero. Lagi niyang isinasaisip ang mga biling ito
ngunit sadya yatang hindi siya makapagtitimpi kapag naririnig niya ang masasakit
na panunukso sa kanya sa gripo, lalung-lalo na mula kay Ogor.

http://magbasanatayo.blogspot.com/2010/06/impengnegro-ni-rogelio-sikat.html
SURIIN
Iba’t ibang Uri ng Pahayag

PANGANGATWIRAN

Ang pangangatwiran o pagmamatuwid ay isang anyo o paraan ng


pagpapahayag na ang isang katotohanan ay pinagtitibay o pinatutunayan sa
pamamagitan ng katwiran o rason. Ang pangangatwiran ay kasingkahulugan
ng
pagbiibigay-palagay, paghuhulo, pag-aakala, pagsasapantaha o paghihinuha.
SURIIN
Iba’t ibang Uri ng Pahayag

HALIMBAWA

Ano ang mapapala ninyo kung iboto ang aking katunggali gayong hindi siya
naging pinuno ng kanyang klase o ng kanyang barangay kaya? Balita ko’y
under de saya pa yata!
SURIIN
Iba’t ibang Uri ng Pahayag

PAGLALARAWAN

Ang paglalarawan ay isang anyo o paraan ng pagpapahayag ng mga kaisipan


o pala-palagay tungkol sa isang tao, isang hayop, sa isang bagay, isang lugar
o sa isang pangyayari sa pamamagitan ng makukulay, mahuhugis o maanyo
at iba pang pandama.
SURIIN
Iba’t ibang Uri ng Pahayag

HALIMBAWA

Pinagtaasan siya ng kilay ng kanyang kaibigan nang ipagtapat niyang


umiibig siya sa isang kahig isang tukang binata.
PAGYAMANIN

PAGSASANAY 1

Gamit ang mga larawang nakikita, pumili ng isa at ipaliwanag batay sa kung
ito ba ay pagsasalaysay, pangangatwiran, paglalarawan at paglalahad na
pahayag.
PAGYAMANIN
PAGYAMANIN
PAGSASANAY 2

Subukan mo naman na ikaw ang magbigay ng sariling reaksyon sa


napapanahong isyu sa inyong komunidad. Ano ang iyong opinyon/reaksyon
sa iyong nagging karanasan o maging karanasan ng ibang tao.

1. Pagiging ilaw ng tahanan ng isang ama


2. Pagpili ng matalik na kaibigan
3. Kahalagahan ng takdang-aralin
4. Pagiging masunurin na mamamayan
5. Pagiging tapat sa kasintahan
ISAISIP

Sagutin ang sumusunod na mga tanong:

1. Sa iyong palagay, bakit mahalagang alamin ang iba’t ibang uri ng


pahayag?
2. Paano nakaaapekto sa araw-araw na pakikipagkomunikasyon ang di
pagtukoy sa tamang paggamit ng pahayag?
3. Bilang isang mag-aaral, naging makabuluhan ba sa iyo ang pag-aaral ng
uri ng mga pahayag?
ISAGAWA
PAGSASANAY 1

Mula sa mga paksang nakalahad, bumuo ng sariling reaksyon batay sa


hinihinging uri ng pagpapahayag.

1. Karanasan habang nasa ilalim ng ECQ/GCQ inyong baranggay (Pagsasalaysay )


2. Balik- Eskwela sa Kabila ng Pandemya ( Pangangatwiran )
3. Pansamantalng pagtigil sa pag-ere ng ABS-CBN. ( Paglalahad )
4. Middle Class: Dapat bang bigyan din ng ayuda ng ating gobyerno?
(Pangangatwiran)
5. Frontliners: Sa Panahon ng Pandemya ( Pagsasalaysay )
ISAGAWA
ISAGAWA
PAGSASANAY 2

Gamit ang mga pahayag sa loob ng kahon, tukuyin kung anong uri ng
pahayag ang isinasaad.

1. Si Basilio, isang mahusay na mag-aaral ng medisina, maganda ang tindig


ng katawan at natatangi ang pagiging maginoo, Siya ang mabait na
kasintahan ni Huli. Naging matagumpay si Basilio sa kanyang buhay dahil na
rin sa kanyang pagsisikap, nagsilbi siyang kasama ni Kapitan sa kanyang
bahay, kaya naman siya ay nakapag-aral dahil na rin sa kanyang sipag.
ISAGAWA
2. “Patay na ang ilaw sa kabahayan maliban sa isang maliit na lampshade na
bahagyang tumatanglaw sa kuwarto. Inakala ni Carmen na tulog na si Orpha
kaya hindi na siya nagtawag pang ipagbukas siya ng pinto. Duplikado naman
ang susi at tig-isa pa sila ni Rosita. Gaya ng nakaugalian na ng dalawa, may
uwi silang pumpon ng mga rosas at mga kuwintas na sampagita. Pagkalapag
na pagkalapag ng mga karga-karga sa sofa, na sinabayan ni Carmen ng
bagsak-upong pasandal, agad tinungo ni Rosita ang altar kinuha ang Kristal
na flower vase na nilaglagan na nga mga talulot ng dating nalalanta nang
mga rosas, pinalitan ito ng tubig, at inilagay ang dalang rosas.
-Mga Huwad na Birhen Ni Joey A. Arogante
ISAGAWA

3. Limusan natin ang mga kapuspalad na taong ito sa lansangan. Hindi ba


natin nakikita ang marurumi nilang damit, payat na pangangatawan at
nanlalalim na mga mata? Ano na lamang ba ang magbigay ng ilang limos
bilang pantawid-gutom?
ISAGAWA
4. Masangsang ang hangin…waring kumunoy na humihigop sa mga sapatos
ko ang maitim, marumi, malapot at malagkit na putik nang dumako ako sa
lugar na iyon na tinatawag na kadiwa. Maingay ang daloy ng trapiko.
Sumasabay sa tila gumagapang na mga sasakyan ang tagaktak ng ulan na
parang butil ng yelo sa lamig ang pagbugsu-bugsong buhos sa malawak
ngunit karima-rimarim na paligid. Oo nasa palengke ako na sa bawat
hakbang ko tulad ng ibang bago lamang dito, hindi maiwasang bumakas sa
mukha ang nandidiring ekspresyon.
-Mula sa “Musmos” Ni Leah V. Capillanes
ISAGAWA

5. Anumang bagay na magpapatunay sa aking pagkatao ay maipapaliwanag


ng aking butihing maybahay. Tiyak ko namang paniniwalaan ninyo siya
sapagkat naging mabuti siyang ina ng aking mga anak, kahit tanungin pa
ninyo sa ngayon.

6. Ang mga babae ay higit na masisipag magtrabaho kaysa mga lalaki,


kung gayon, sila ay may higit na karapatang magreklamo sa trabaho.
ISAGAWA
7. Ang kapayapaan ng bukid ay tila kamay ng isang inang humahaplos sa
nag-iinit na noo ni Danding. Humihinga siya nang malalim, umupo sa lupa,
at ipinikit ang mga mata. Dahan-dahang iniunat niya ang kanyang mga paa,
itinutukod sa lupa ang mga palad, tumingala at binayaang maglaro sa ligalig
niyang mukha ang banayad na hangin. Kay lamig at kay bango ng hanging
iyon.
- Lupang Tinubuan ni Narciso G. Reyes

8. Gabundok ang kanyang huhugasang pinggan matapos ang pagdidiwang ng


kaarawan ng kanyang ina.
ISAGAWA

9. Sa pagkamatay ng kaniyang ina, lalong naging mahirap ang buhay ng


batang si Canuto. Lungkot, gutom, hirap at sakit. Subalit kailangan nilang
mabuhay kaya’t nagsikap siya.

10. Maliit siyang babae, siguro mga apat na piye at labing isang pulgada
lamang ang taas niya. Medyo bilugan ang kanyang katawan pero hindi
mataba. Maputi ang kanyang balat at itim ang maikli niyang buhok.
TAYAHIN
Basahing mabuti ang bawat pahayag. Tukuyin kung anong uri ng
pagpapahayag
ang sumusunod. Isulat sa iyong sagutang papel kung PAGSASALAYSAY,
PAGLALARAWAN, PANGANGATWIRAN, o PAGLALAHAD.

1. Ang tagumpay ng mga anak sa kinabukasan ay nakasalalay sa pagpapalaki


sa
kanila ng kanilang magulang.

2. Bakit mo ako pipilitin na kumain ng gulay? Kung ikaw nga ay hindi rin
kumakain ng gulay!
TAYAHIN
3. Nakatulala na lamang ang mga tao, nagbubulangang tila hindi malaman
ang
mainam na gagawin maliban sa mandilat, umismid at manuro kay Indong.

4. Sa ilalim ng demokrasya ang ating pakahulugan sa tunay na kalayaan ay


dapat malinaw. Ang kalayaan ay hindi kasarinlan.

5. Kaming nga bantay-kanto ay kinatutuyuan daw nila ng dugo dahil


mababaw raw ang aming kaligayahan.

6. Pasyahan na ang kababaihan ay dapat magkaroon ng pantay na Karapatan


o
ekwalidad sa kalalakihan sa lahat ng aspekto sa buhay.
TAYAHIN
7. Noong una talaga, nagdadalawang isip ako kung paniniwalaam ko ba ang
mga naririnig ko, ngunit nang Makita ko kung ano ang naging epekto ng
apoy na galling sa espada ng mga anghel, naiintindihan ko na lahat dahil ito
ay pagpapakita ng pakikipaglaban sa kasamaan.

8. Ang ibig sabihin nang paglalakbay ay pag-alis at pagpunta sa isang lugar


upang maranasan ang mga kultura rito.

9. Sa takot ni Pilato na maalis siya sa tungkulin bilang gobernadora,


nagpakuha siyang tubig at sa harap ng mga tao ay nagsabing “Wala akong
kasalanan sa dugo ng banal na tao iyan. Kayo ang bahala”.
TAYAHIN
13. May mga bagay sa ating buhay na mahirap at hindi maipapaliwanag kung
bakit ito nangyayari. Maaring ito’y isnang trahedyang iniiwasan nating
mangyari o isang pangyayaring ating tinatawag na ‘hulog ng langit’.

14. Kailangang ipasa ang lahat ng mahihirap na mag-aaral sapagkat lalo


silang
magiging kaawa-awa kung sila ay lalagpak.

15. Ayon sa Department of Social Welfare and Development, mahigit sa 4


mgabata ang napipilitang magtrabaho sa halip na mag-aral at maglaro.
KARAGDAGAN
GAWAIN
PAGSASANAY 1

Pagbibigay ng argumento sa isang balita o isyu.

Humanap ng anomang kliping sa diyaryo na naglalaman ng balita, editorial,


o iba pang uri artikulo na tumatalakay sa mga napapanahong lokal,
pambansa, o pandaigdigang isyu. Pumili lamang ng isang artikulo na may
paksang mahalaga sa iyo at gamitin mo ang uri ng pagpapahayag.

Tatayahin ang presentasyon batay sa sumusunod na batayan.


KARAGDAGAN
GAWAIN

You might also like