You are on page 1of 13

Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t

ibang Teksto Tungo sa

Pananaliksik
Modyul 1:
Paggamit ng Mabisang Paraan ng
Pagpapahayag sa Reaksyong Papel

CO_Q3_PPIITTP_SHS
Module 9
Subukin

Basahing mabuti ang bawat pahayag. Tukuyin kung anong uri ng pagpapahayag
ang sumusunod. Isulat sa iyong sagutang papel kung PAGSASALAYSAY,
PAGLALARAWAN, PANGANGATWIRAN, o PAGLALAHAD.

1. Sa takot ni Pilato na maalis siya sa tungkulin bilang gobernadora, nagpakuha

siya ng tubig at sa harap ng mga tao ay nagsabing “Wala akong kasalanan sa
dugo ng banal na taong iyan. Kayo ang bahala”.

2. Ang pagmamatuwid na kaya hindi nakapasa sa pagsusulit ang mag-aaral ay

sapagkat hindi siya nagbalik-aral.

3. Nakipagsiksikan ako sa pawisan, at ngayo’y amoy-suka’t amoy-anghit ng

mga taong nakapaligid sa kung anong kasiya-siyang tanawin.

4. Noong una talaga, nagdadalawang isip ako kung paniniwalaam ko ba ang

mga naririnig ko, ngunit nang makita ko kung ano ang naging epekto ng apoy
na galing sa espada ng mga anghel, naiintindihan ko na ang lahat dahil ito ay
pagpapakita ng pakikipaglaban sa kasamaan.

5. Ang ibig sabihin ng paglalakbay ay pag-alis at pagpunta sa isang lugar upang

maranasan ang mga kultura rito.

6. Ayon sa Department of Social Welfare and Development, mahigit sa apat na

milyong mga bata ang napipilitang magtrabaho sa halip na mag-aral at maglaro.

7. Kaming nga bantay-kanto ay kinatutuyuan daw nila ng dugo dahil mababaw

raw ang aming kaligayahan.

8. Ang tagumpay ng mga anak sa kinabukasan ay nakasalalay sa pagpapalaki

sa kanila ng kanilang magulang.

9. Pasyahan na ang kababaihan ay dapat magkaroon ng pantay na karapatan

sa kalalakihan sa lahat ng aspekto sa buhay.

10. Nakatulala na lamang ang mga tao, nagbubulungang tila hindi malaman
ang mainam na gagawin maliban sa mandilat, umismid at manuro kay Indong.

11. Sa ilalim ng demokrasya, ang ating pakahulugan sa tunay na kalayaan ay

dapat malinaw. Ang kalayaan ay hindi kasarinlan.

2 CO_Q3_PPIITTP_SHS
Module 9
12. Ang dambuhalang makinang iyon ay waring isang kapangyarihang
nalalamon.
13. Bakit mo ako pipilitin na kumain ng gulay? Kung ikaw nga ay hindi rin
kumakain ng gulay!

14. May mga bagay sa ating buhay na mahirap at hindi maipaliwanag kung
bakit ito nangyayari. Maaring ito’y isang trahedyang iniiwasan nating
mangyari o isang pangyayaring ating tinatawag na ‘hulog ng langit’.

15. Kailangang ipasa ang lahat ng mahihirap na mag-aaral sapagkat lalo

silang magiging kaawa-awa kung sila ay lalagpak.

Aralin Paggamit ng Mabisang

9 Paraan ng Pagpapahayag sa
Reaksyong Papel

Sa modyul na ito ay tatalakayin angpaggamit ng mabisang paraan ng pagpapahayag

na may kalinawan, kaugnayan at bisa sa pagsulat ng reaksyong papel. Dito ay
pagtutuunan mo ngpansin ang mga paraan upang makabuo at makasulat ng isang
reaksyong papel.

Balikan

Bago natin simulan ang iyong magiging paglalakbay sa modyul na ito, muli mong
balikan ang iyong natutuhan sa mga naunang aralin sa pamamagitan ng pagsagot
sa katanungang ito:

- Masasabi mo bang mahalagang pag-aralan ang iba’t ibang uri ng teksto?

Bakit?

3 CO_Q3_PPIITTP_SHS
Module 9
Mga Tala para sa Guro

Halina at ipagpatuloy ang iyong pag-aaral.

Tuklasin mo ang mga pamamaraan sa
mabisang paggamit ng pagpapahayag upang
makabuo ng isang reaksyong papel.

Tuklasin

Narito ang ilang mga popular na linya na ginampanan ng mga sikat na aktor.
Pansinin ang mga sumusunod na linya na binanggit ng popular na aktor at aktres
na gumanap sa pelikula.

1. “Siguro kaya tayo iniiwanan ng mga mahal natin dahil may darating pang
ibang mas magmamahal sa’tin – ‘yung hindi tayo sasaktan at
paasahin…’yung magtatama ng lahat ng mali sa buhay natin.”
-John Lloyd Cruz“One More Chance 2007”

2. "I know what you're doing here. Just be careful with them, hindi lahat ng
puso kasing tibay ng sa 'kin."
- Clarisse (Andi Eigenman), Camp Sawi

3. “Oh yes kaibigan mo ako, kaibigan mo lang ako… And I’m so stupid to
make the biggest mistake of falling in love with my bestfriend!!!”
-Jollina Magdangal “Labas Kita Okey Lang 1998”

4. “May mga maswerteng tao na nahanap na yung taong para sa kanila. May
mga taong patuloy na naghahanap at may iba na sumuko na. Pero yung
pinakamasaklap, e yung na sa’yo na pinakawalan mo pa.”
-Toni Gonzaga “Starting Over Again 2014”

Sagutin ang mga sumusunod na tanong:

4 CO_Q3_PPIITTP_SHS
Module 9
1. Ano ang napuna mo sa bawat pahayag?

2. Mayroon bang pagkakatulad o pagkakaiba sa mga ito?

3. Anong uri ng pahayag ang mga nabanggit?

4. Bakit mahalagang malaman ang uri ng mga pahayag?

Suriin

Upang mas maging maliwanag sa iyo ang ang iba’t ibang uri ng pahayag, tara na’t
basahin at unawaing mabuti ang kahulugan ng mga ito at ang kalakip na
halimbawa. Makatutulong itoupang makapagsuri at makapagbigay ka ng iyong
reaksyon na mula sa binasang teksto o pinanood na pelikula.

Iba’t ibang Uri ng Pagpapahayag

Paglalahad

Ayon kay Arrogante (1994), ang paglalahad ay isang pagpapaliwanag na

obhetibo o walang pagkampi na may sapat na detalye at pawang pampalawak ng
kaalaman sa paksang binibigyang-linaw nang lubos upang maunawaan nang may
interes.

Halimbawa:

Ang Sakit na Coronavirus 2019 (COVID-19, Coronavirus Disease 2019) ay

isang sakit sa paghinga sa mga tao na sanhi ng bagong virus. Maaari itong kumalat
mula sa bawat tao. Dahil ito ay bagong virus, mayroon pang hindi natin alam, ngunit
natututo pa tayo tungkol sa COVID19 bawat araw. Ang pampublikong kalusugan sa
komunidad ng Minnesota ay nagsisikap upang mapabagal ang pagkalat ng COVID-
19 sa ating estado, at umaasa kami sa tulong ng bawat isa. Iwasan ang mga
pagpapalagay tungkol sa kung sino sa tingin mo ang may sakit. Hindi namimili ang
virus.

https://www.health.state.mn.us/diseases/coronavirus/materi
als/basicstagalog.pdf

5 CO_Q3_PPIITTP_SHS
Module 9
Pagsasalaysay

Ito ay nagsasaad ng mga pangyayari o karanasang magkaugnay. Katulad ito

ng pagkukuwento ng mga kawil-kawil na pangyayari, pasulat man o pasalita.
Itinuturing ito na pinakamasining, pinakatanyag at tampok na paraan ng
pagpapahayag. Ito rin ang sinasabing pinakamatandang uri ng pagpapahayag
sapagkat dito nagsimula ang alamat, epiko at mga kuwentong bayan.

Halimbawa:

Tuwing umagang mananaog siya upang umigib, pinagpapaalalahanan siya

ng ina. Huwag daw siyang makikipagbabag. Huwag daw niyang papansinin si
Ogor. Talaga raw gayon ito, basagulero. Lagi niyang isinasaisip ang mga biling ito
ngunit sadya yatang hindi siya makapagtitimpi kapag naririnig niya ang masasakit
na panunukso sa kanya sa gripo, lalung-lalo na mula kay Ogor.

http://magbasanatayo.blogspot.com/2010/06/impeng-
negro-ni-rogelio-sikat.html
Pangangatwiran

Ang pangangatwiran o pagmamatuwid ay isang anyo o paraan ng

pagpapahayag na ang isang katotohanan ay pinagtitibay o pinatutunayan sa
pamamagitan ng katwiran o rason. Ang pangangatwiran ay kasingkahulugan ng
pagbiibigay-palagay, paghuhulo, pag-aakala, pagsasapantaha o paghihinuha.

Halimbawa:
Ano ang mapapala ninyo kung iboto ang aking katunggali gayong hindi siya
naging pinuno ng kanyang klase o ng kanyang barangay kaya? Balita ko’y under de
saya pa yata!

Paglalarawan

Ang paglalarawan ay isang anyo o paraan ng pagpapahayag ng mga kaisipan

o pala-palagay tungkol sa isang tao, isang hayop, sa isang bagay, isang lugar o sa
isang pangyayari sa pamamagitan ng makukulay, mahuhugis o maanyo at iba
pang pandama.

Halimbawa:

Pinagtaasan siya ng kilay ng kanyang kaibigan nang ipagtapat niyang

umiibig siya sa isang kahig isang tukang binata.

6 CO_Q3_PPIITTP_SHS
Module 9
Pagyamanin

Pagsasanay 1

Gamit ang mga larawang nasa ibaba, pumili ng isa at ipaliwanag batay sa
kung ito ba ay pagsasalaysay, pangangatwiran, paglalarawan at paglalahad
na pahayag.

Pagsasanay 2

Subukin mong magbigay ng sariling reaksyon sa napapanahong isyu sa inyong

komunidad. Magahad ng sariling opinyon batay sa naging karanasan o karanasan
ng iba.

1. Pagiging ilaw ng tahanan ng isang ama:

7 CO_Q3_PPIITTP_SHS
Module 9
___________________________________________________________________________

2. Pagpili ng matalik na kaibigan:

3. Kahalagahan ng takdang-aralin:

4. Pagiging masunurin na mamamayan:

5. Pagiging tapat sa kasintahan:

8 CO_Q3_PPIITTP_SHS
Module 9
Isaisip

Sagutin ang sumusunod na mga tanong:

1. Sa iyong palagay, bakit mahalagang alamin ang iba’t ibang uri ng pahayag?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

2. Paano nakaaapekto sa araw-araw na pakikipagkomunikasyon ang di

pagtukoy sa tamang paggamit ng pahayag?
_____________________________________________________________________

3. Bilang isang mag-aaral, naging makabuluhan ba sa iyo ang pag-aaral ng uri

ng mga pahayag?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

9 CO_Q3_PPIITTP_SHS
Module 9
PAGSASANAY 2

Gamit ang mga pahayag sa loob ng kahon, tukuyin kung anong uri ng pahayag
ang isinasaad.

1. Si Basilio, isang mahusay na mag-aaral ng medisina, maganda ang

tindig ng katawan at natatangi ang pagiging maginoo. Siya ang mabait
na kasintahan ni Huli. Naging matagumpay si Basilio sa kanyang
buhay dahil na rin sa kanyang pagsisikap, nagsilbi siyang kasama ni
Kapitan sa kanyang bahay, kaya naman siya ay nakapag-aral dahil
na rin sa kanyang sipag.

Sagot: ________________

2. Limusan natin ang mga kapuspalad na taong ito sa lansangan.

Hindi ba natin nakikita ang marurumi nilang damit, payat na
pangangatawan at nanlalalim na mga mata? Ano na lamang ba ang
magbigay ng ilang limos bilang pantawid-gutom?

Sagot: ________________

3 “Patay na ang ilaw sa kabahayan maliban sa isang maliit na

lampshade na bahagyang tumatanglaw sa kuwarto. Inakala ni
Carmen na tulog na si Orpha kaya hindi na siya nagtawag pang
ipagbukas siya ng pinto. Duplikado naman ang susi at tig-isa pa sila
ni Rosita. Gaya ng nakaugalian na ng dalawa, may uwi silang pumpon
ng mga rosas at mga kuwintas na sampagita. Pagkalapag na
pagkalapag ng mga karga-karga sa sofa, na sinabayan ni Carmen ng
bagsak-upong pasandal, agad tinungo ni Rosita ang altar kinuha ang
Kristal na flower vase na nilaglagan na nga mga talulot ng dating
nalalanta nang mga rosas, pinalitan ito ng tubig, at inilagay ang
dalang rosas.
Mga Huwad na Birhen Ni Joey A. Arogante

Sagot: ________________

10 CO_Q3_PPIITTP_SHS
Module 9
4. Masangsang ang hangin…waring kumunoy na humihigop sa mga
sapatos ko ang maitim, marumi, malapot at malagkit na putik nang
dumako ako sa lugar na iyon na tinatawag na kadiwa. Maingay ang
daloy ng trapiko. Sumasabay sa tila gumagapang na mga sasakyan
ang tagaktak ng ulan na parang butil ng yelo sa lamig ang pagbugsu-
bugsong buhos sa malawak ngunit karima-rimarim na paligid. Oo
nasa palengke ako na sa bawat hakbang ko tulad ng ibang bago
lamang dito, hindi maiwasang bumakas sa mukha ang nandidiring
ekspresyon.

Mula sa “Musmos” Ni Leah V. Capillanes

Sagot: ________________

5. Anumang bagay na magpapatunay sa aking pagkatao ay

maipapaliwanag ng aking butihing maybahay. Tiyak ko namang
paniniwalaan ninyo siya sapagkat naging mabuti siyang ina ng aking
mga anak, kahit tanungin pa ninyo sa ngayon.

Sagot: ________________

6. Ang mga babae ay higit na masisipag magtrabaho kaysa mga

lalaki, kung gayon, sila ay may higit na karapatang magreklamo sa
trabaho.

Sagot: ________________

7. Ang kapayapaan ng bukid ay tila kamay ng isang inang

humahaplos sa nag-iinit na noo ni Danding. Humihinga siya nang
malalim, umupo sa lupa, at ipinikit ang mga mata. Dahan-dahang
iniunat niya ang kanyang mga paa, itinutukod sa lupa ang mga
palad, tumingala at binayaang maglaro sa ligalig niyang mukha
ang banayad na hangin. Kay lamig at kay bango ng hanging iyon.

-- Lupang Tinubuan ni Narciso G. Reyes

11 CO_Q3_PPIITTP_SHS
Module 9
Sagot: ________________

8. Gabundok ang kanyang huhugasang pinggan matapos ang

pagdiriwang ng kaarawan ng kanyang ina.

Sagot: ________________

9. Sa pagkamatay ng kaniyang ina, lalong naging mahirap ang

buhay ng batang si Canuto. Lungkot, gutom, hirap at sakit.
Subalit kailangan nilang mabuhay kaya’t nagsikap siya.

Sagot: ________________

10. Maliit siyang babae, siguro mga apat na piye at labing isang
pulgada lamang ang taas niya. Medyo bilugan ang kanyang
katawan pero hindi mataba. Maputi ang kanyang balat at itim ang
maikli niyang buhok.

Sagot: _______________

12 CO_Q3_PPIITTP_SHS
Module 9

You might also like