You are on page 1of 3

Paaralan: Surigao State College of Technology

Pangalan: Judaleen B. Bayogbog

Asignatura: Sanaysay at Talumpati

Gawain Blg. : 1

Petsa: Abril 17, 2021

Guro: Alfe S. Lito

TEMA: "Kagitingan ay Gawing Gabay, Pandemya ay Mapagtagumpayan"

'Araw ng Kagitingan' ay atin ngayong ipinagdiriwang at batay sa aking nalalaman, ito'y paggunita sa

kabayanihang ipinamalas sa atin ng kapwa sundalong Amerikano’t Pilipino sa panahon ng Ikalawang

Digmaan.

Kung ating babalik tanawin ang kasaysayan sa panahon na aking nabanggit, ang Bataan Death March ang

isa sa mga nakakahindik, nakakasindak at nakakadurog pusong pangyayaring sinapit ng ating mga

Pilipino at Amerikanong sundalo mula sa  kabagsikan ng sundalong Hapones.

Isiping ang mga sumukong sugatan at gutom na mga Pilipino at Amerikanong sundalo ay pilitang

pinalakad ng animnapu't limang milya mula Mariveles hanggang sa timog na dulo ng Bataan Peninsula,

hanggang sa San Fernando. Hindi ba't ito'y kabagsikan at pagkakaroon ng pusong bato na mga sundalong

Hapones!

Tanong ko sa inyo, minsan ba'y sumagi sa inyong isipan kung bakit kailangan pang sumuko ng ating mga

sundalo sa panahong iyon kung pwede naman silang magtungo sa ating mga kabundukan at doon

magtago at magpalakas uli ng pwersa? Hindi ba't kapag ganoon, pagkamaan mababa lamang ang

porsyento ng malalagas na buhay ng ating mga sundalo at maiiwasan pa nila ang nakaka agaw buhay na

parusa ng mga sundalong Hapones. 

Ngunit bakit kaya hindi nila iyon ginawa at sumuko na lamang mismo sa mga kalaban? Ito'y dahil ba sa

kawalan ng pag-asa mula sa kanilang inaasahang taong tutulong sa kanila kung kaya't ninanais na lamang

nilang mahulog sa mga kamay ng mga kaaway?

Sa teleseryeng Encantadia, mayroong isang serye roon na kung saan sa loob ng pamumuno ni Amihan

bilang reyna ng Lireo, ang lahat ng mga encantadong panig sa kanya ay nahaharap sa isang napakahirap

na sitwasyon at nagtatago sa kalaban nilang si Hagorn na mayroong mga kawal o alagad na Hadezar
ngunit sa kabila ng lahat si Sanggre Danaya, ang bunsong kapatid ng reyna ay nagpamalas ng katapangan

at nagwika na hindi sa lahat ng pagkakataon ay tatakbuhan nila ang mga kalaban at ang panganib na hatid

nito at talagang nagpatibay sa hangarin ng reyna na iligtas ang kanyang kapwa encantada kung kaya't sa

kahulihan ng seryeng iyon, sumukong lumalaban at nagbuhis ng buhay si Amihan sa hangaring

maililigtas niya ang kanilang mundo, ang Encantadia. 

Kung inyong napansin, hindi ba't may pagkakapareho ito sa naging pasya ng ating mga sundalong

sumuko at pilit na nakikipaglaban sa hirap na ipinapadanas sa kanila ng mga sundalong Hapon, nilabanan

nila ang nadaramang sakit buhat ng kanilang mga natamong sugat, pagkagutom at pagkauhaw.

Sa inyong palagay, anong katangian ba ang ipinapakita nito sa atin at siyang binigyang halaga ng ating

pamahalaan? Oo, ang kanilang kabayanihang ipinamalas ay nagpapakita ng kagitingan, kung kaya tuwing

buwan ng Abril ay ginugunita natin ang Araw ng Kagitingan. 

Ngayon, anong kaugnayan ng kagitingan ng isang tao sa problemang kinakaharap ng ating bansa sa

kasalukuyan? Mainam ba ito at nararapat na taglayin ng mga Pilipinong kagaya ko o di kaya'y

nakakatulong ba ito na gawing isang nakaraang karanasan ang pandemyang nagpapahirap sa buhay ko

ngayon, sa buhay nating lahat?

Ang salitang kagitingan ay nangangahulugan ng pagpapakita ng angking katapangan ng isang tao sa

hangaring mapagtagumpayan ang kanyang ninanais na makamit. Sa sitwasyong mayroon tayo ngayon,

hindi maipagkakaila na may isang hangarin tayong ipinagdarasal na sana'y isang araw ay atin nang

makamit ngunit ano nga bang hangarin ito? Ito ba'y pagkakaroon ng maraming pera, malinamnam na

pagkain, maririkit na kasuotan at alahas at magagarang bahay at kotse? Anong sa tingin ninyo?

Kung ang mga kabataan ang aking tatanungin, nakakasigurado akong tungkol sa K-pop, K-drama, at

online games ang kanilang mga hangarin sa panahong ito. Halimbawa ang  makita sa personal ang mga

sikat na K-pop group tulad ng BTS at Blackpink, maka-love in tandem ang mga nagkikisigang aktor sa

mga sikat na K-drama o di kaya'y ang maging kampeon ng mga patimpalak sa online games. Nako!

Huwag ninyong ikakagalit sapagkat ako'y nagbibiro lamang sapagkat ang mga kabataan ngayon ay iisa

ang hangarin sa ating mga nakakatanda. Tama ba ako?


Ang mapuksa ang nakamamatay na sakit na tinawag nating COVID 19 ang isang pinakanatatanging

hangarin nating mga Pilipino. Hindi lamang isang daan, isang libo o kayang sampung libo ang nagdusa at

binawian ng buhay ng sakit na ito kundi libo-libong Pilipino. 

Bukod pa riyan, ang mga kapwa Pilipino nating mula sa mababang antas ng lipunan ay lubos na

naghihirap at kahit sabihin na nating sila'y hindi pinabayaan ng ating pamahalaan ay masasabi kong hindi

iyun sapat sapagkat marami pa ring Pilipino ang nawalan ng trabaho at ngayo'y nagugutom at ang mas

malala pa ay sa kabila ng kinakaharap natin ngayon.

Kailan lang dumating ang inaasahan nating lunas upang mapuksa ang COVID 19 at nang mawakasan na

ang pandemya ngunit bakit iilan lang sa ating mga Pilipino ang naglakas loob na tanggapin ang lunas na

pinaghirapan ng ating pamahalaan? Sapagkat ito ba ay nakakamatay ayon sa ating mga narinig, nakita at

nabasa mula sa internet at mga taong nakapaligid atin?  Mga kapwa ko Pilipino, huwag tayong mangamba

at patatagin pa ang ating pananampalataya sa ating Panginoong Maylikha. Inuulit ko huwag tayong

mangamba at patatagin pa ang ating pananampalataya sa ating Panginoong Maylikha.

Kagitingan ng nakararami ang siyang nagpapalakas loob ng iilan at ang ating kagitingan ang magliligtas

sa atin laban sa COVID 19, sa pandemyang kinakaharap natin. Hahayaan na lang ba nating lumabang

mag-isa ang ating mga magigiting na mga frontliners na isalba ang buhay ng nakararaming Pilipinong

nagdurusa? Tayo'y uupo, manonood saka pagkaraan ay ngangawa na lamang ba? Walang mangyayari at

kailanman hindi natin makakamtan ang ating hangaring makawala sa pagpapahirap sa atin ng sakit na

COVID 19 kung hindi tayo magpapamalas ng kagitingan!

Isang kagitingan ang agarang pakikilahok sa pamahalaan at sa ahensya ng pangkalusugan. Sama-samang

pawiin natin ang nararamdamang takot at pangamba sa ating mga puso. Ang bansa natin ay marami ng

pinagdaanan at ito'y nababahiran ng masasaya at masasakit na karanasan at hindi lingid sa ating kaalaman

na maraming mga ninuno nating Pilipino ang nagpamalas ng kabayanihan kung kaya bakit hindi rin natin

silang gawing maging isang mabuting halimbawa?

Hindi malulutas ang problema kung hindi tayo kikilos kung kaya halina't tumayo at maging magiting na

Pilipino ng bansang Pilipinas!

You might also like