You are on page 1of 1

Mga Hakbangin sa Pangangatwiran

Ano ang PANGANGATWIRAN?

Ang pangangatwiran o pagmamatuwid ay isang anyo o paraan ng


pagpapahayag na ang isang katotohanan ay pinagtitbay o pinatutunayan sa
pamamagitan ng mga katwiran o rason, kalakip ang mga ebidensya sa diretsahang
(harapan) at diretso (tuwid) na paglalahad.

Mga Hakbang sa Pangangatwiran

Isaalang-alang ang mga sumusunod na proseso kapag lalaahok sa gawang


pangangatwiran o pagtatalo:

1. Imbensyon – pangunahin ang prosesong ito sapagkat dito nadiditermina kung


talagang may kahalagahan, kabuluhan o pertinente ang isang paksa o usapin para pag-
aksyahan ng panahong paglabanang-katwiran.

2. Imbestigasyon – ang proseo naming ito ang nagdiditermina sa kalakasan o


kahinaan ng panig na pangangatwiran.

3. Pananaliksik – kaaakibat ng ikalawang proseso ang hakbanging ito dahil sa


pamamagitan nito masasagot ang mga katanungan. Dapat lahat ng anggulo at aspekto
ay mapag-aralan para mapagtagumpayan ang pakikipag-argumento. Sa paanong
paraan ito nangyari.

 Una, konsultahin ang diksyonaryo .


 Pangalawa, basahin ang mga aklat na isinulat nig mga kilalang aworidad sa
paksa.
 Pangatlo, makapanayam sa mga dalubhasa sa paksa.
 Pang-apat, magmasid nang mataman
 Panglima, italang mabuti ang data nang hindi makalimutan.

4. Organisayon ng material – ito ang proseso ng pagsasaayos ng mga nakuhang


impormasyon. Sinop ang kailangan dito.

5. Presentasyon – ang prosesong ito ay maaring isagawang pasalita o pasulat.

Sanggunian:

Mga Hakbang sa Pangangatwiran

https://www.scribd.com/doc/77539125/PANGANGATWIRAN

Taga-ulat: Judaleen B. Bayogbog

You might also like