You are on page 1of 2

PANANALIKSIK

DEPINISYON NG PANANALIKSIK
pang- + saliksik = pansaliksik > panaliksik > pananaliksik
Paghahanap
● Impormasyon o datos
● Proseso may hakbang
● Sistematiko o siyentipikong pamamaraan
Imbestigasyon Siyasat
● Malutas ang suliranin
● Masagot ang mga katanungan
● Makatuklas ng mga bagong buhay
● Mapabuti ang umiiral na kalagayan/paraan
● Maunawaan ang kalikasan ng isang bagay/sitwasyon
Pagsusuri
● Interpretasyon
● Konklusyon
● Makabuo ng isang pasya o rekomendasyon

KATANGIAN NG MABUTING PANANALIKSIK


1. Sistematik - may sinusundan na pormal na sistema o order sa proseso ng
pagsulat
2. Kontrolado - kontrol ng manunulat ang mga aspeto na nakasama sa papel.
Siya ang may kontrol at may bahala kung ano ang mapupunta sa papel
3. Empirikal - nakabase ang pagsusuri sa mga datos/ebidensya para
mapatunayan ang haypotesis. Galing sa mga akademikong pananaliksik
4. Mapanuri - ang mga datos ay dapat suriin nang mabuti
5. Obhektibo, Lohikal, at Walang Pagkiling - walang bias, may patunay; hindi
dapat mabura ang mga lumabas na resulta
6. Kwalitatibo o istatistikal na metodo - kwalitatibo: descriptive ; istatistikal:
numerikal
7. Orihinal na akda - walang plagiarism, gawa lahat ng orihinal na manunulat

KATANGIAN NG MANANALIKSIK
1. Masipag - pagiging matrabaho, diligent, at masipag sa pangangalap ng mga
datos at pagsisiyasat sa lahat ng anggulo ng paksa (hal. Paggawa ng excel
table kahit hindi pa sinasabi ng guro dahil mayroon ka nang mga resulta)
2. Matiyaga - pagiging propesyonal at partikular sa pagkuha ng mga datos,
nagsisikap parin kahit mahirap na (hal. Kahit mahirap na, tinuloy mo pa rin
ang pangongolekta ng mga sarbey)
3. Maingat - tiniyak nang maigi kung may pinagmulan at sapat na katibayan o
balidasyon ang anumang nakalap na datos bago ito ipahayag
4. Sistematik - kailangang sundin ang sunod-sunod na mga hakbang ng
pananaliksik
5. Kritikal o mapanuri - kritikal pag-eksamin ng mga impormasyon, datos, ideya,
o opinyon

ETIKAL NA PANUNTUNAN NG PANANALIKSIK


1. Pagbanggit at Pagkilala sa mga pinagmulan ng datos/impormasyon - crediting
properly
2. Pagpapahintulot nang may Malayang Pagpapasya - asking for permission,
respecting the respondent’s freedom
3. Pagkakumpidensyal at Pagkapribado - protecting the privacy of the
respondents
4. Pagtataguyod sa Kagalingan, Kapakanan at Karapatan ng mga Kalahok -
don’t use the results against the respondents, don’t judge their responses,
respect them
5. Pakikiugali sa mga Pamantayang Kultural, Legal at Moral - acknowledge their
culture, morals, and i guess legal rights?

You might also like