You are on page 1of 2

ESTAMPA, MARLYN JOY T.

BSBA

Panuto: Basahin at unawain ang batayang kaalaman sa pananaliksik at sagutin ang mga gabay
na tanong sa bawat aytem.

1. Para sa iyong sariling pananaw, ano ang pananaliksik?patunayan.

Ang pananaliksik ay ang "sistematikong pagsusuri o pagsisiyasat ng isang paksa,


pangyayari, at iba pa." Ito ang proseso ng pangangalap sa mga totoong impormasyon na
humahantong sa kaalaman. Ito rin ang "malikhainat sistematikong gawaing ginagawa para
mapataas ang kaalaman."

2. Isa-isahin ang mga katangian ng pananaliksik

 Sistematiko - Ang pananaliksik ay isang prosesong may sinusunod na hakbang

na sasagot sa kahingian ng pag-aaral.

 Kontrolado - Ang pananaliksik ay kailangang kontrolado ang mga baryabol na

nakapaloob rito upang ang baryabol sa pananaliksik ay hindi pabagu-bago.

 Empirikal - Ang pananaliksik ay kinakailangang napapatunayan sa

pamamagitan ng pagmamasid o karanasan kaysa sa teorya, at nakabase sa

mga inilahad na pinagkunan ng mga datos.

 Mapanuri - Ang kabuuan ng isang pananaliksik ay nakabase sa interpretasiyon

ng mananaliksik kaya naman mahalagang katangian nito na ang pananaliksik ay

dapat mapanuri.

 Obhetibo, Lohikal at Walang Pagkiling - Ang mga datos at interpretasyon ng

mananaliksik ay dapat obhetibo at lohikal at walang pagbabagong ginawa dahil

ang pananaliksik ay dapat walang kinikilingan.

 Gumagamit ng mga Kwantetibo at Estadistikal na Datos - Mga datos na

kwantetibo at estadikal ay mahalaga upang masukat ang kahalagahan ng iyong

pananaliksik.

 Orihinal na Akda - Ang iyong pananaliksik ay dapat sarili mong tuklas at hindi

paglalahad lamang ng tuklas ng ibang mananaliksik.

 Isang Akyureyt na Imbestigasyon, Obserbasyon at Deskripsyon - Akyureyt

na pangangalap ng datos at interpretasyong ng mga ito ay mahalaga sa isang

pananaliksik.
 Matiyaga at Hindi Minamadali - Upang maging akyureyt ang iyong tuklas ito ay

hindi mo dapat minamadali at dapat nakapaglaaan ka ng sapat na oras upang

intindihin ang mga datos.

 Pinagsisikapan - Ang pananaliksik ay dapat paglaanan ng oras, talino, panahon

at maraming mapagkukunan ng datos sapagkat ang paggawa ng pananaliksik ay

hindi madali at dapat pagsikapan.

 Nangangailangan ng Tapang - Sa mga pagkakataon na ang mananaliksik ay

nahaharap sa mga mahihirap na desisyon ukol sa kanyang pananaliksik, ito ay

dapat matapang na kanyang haharapin.

 Maingat na Pagtatala at Pag-uulat - Ang mga datos na nakalap ng

mananaliksik ay dapat naka-tala ng wasto at tama sapagkat maliit na

pagkakamali ay maglalagay sa panganib ng kanyang pananaliksik.

3. Sa iyong sariling pananaw, ano ang kahalagahan ng pananaliksik?

Nagpapayaman ng kaisipan- Lumalawak ang kaisipan ng isang mananaliksik dahil sa


walang humpay na pagbasa , nag-iisip, nanunuri at naglalahad o naglalapat ng interpretasyon.
Lumalawak ang karanasan- napapalawak ang eksperyensya ng isang manunulat sa mundo ng
pananaliksik dahil sa marami siyang nakasalamuha sa pagkalap ng mahahalagang datos,
pagbabasa, paggalugad sa mga kaugnay na literatura. Nalilinang ang tiwala sa sarili- tumaas ang
respeto at tiwala sa sarili kung maayos at matagumpay na naisakatuparan ang alinmang pag-
aaral na isinagawa. Nadaragdagan ang kaalaman- ang gawaing pananaliksik ay isang bagong
kaalaman kaninuman dahil nahuhubog dito ang kanyang kamalayan sa larangan ng
pananaliksik.

You might also like